Dominant Series 6 & 7: Deception and Amorous Chapter 2

Maaga pa lang, nagising na si Farhistt sa tilaok ng manok sa labas. Nag-push up muna siya at nag-sit ups bago tuluyang bumangon. Niligpit niya rin ang kinahihigaan at inayos ang pagkaka-file ng mga ‘to sa isang tabi.

Una niyang nabungaran ang dalagang nagngangalang Odessa sa kusina at nagluluto ng umagahan nung bumaba siya. Nung makita siya ng dalaga, biglang naging asiwa ito at hindi agad mapakali sa ginagawa kaya nagpasya siyang lumabas at tumambay sa bakuran. Lalanghap lang siya ng hanging probinsya. Mamaya lang ay magsisimula siya sa assignment niya na walang magsususpitsya sa kaniyang galaw at kilos bilang bagong salta sa lugar na ito.

“B-baka gusto mo ng kape...”

Napalingon siya sa babae, may dala itong isang tasang may black coffee at nahihiyang inabot sa kaniya. Walang kangiti-ngiting tinanggap niya iyon at tinikman.

“Thanks.” Masarap ang kape at purong puro iyon.

Bumalik agad ang dalaga sa loob habang siya ay marahang ininom ang kape. Masarap mamuhay sa probinsya, kung siya ang papipiliin pero sa trabahomg meron siya ngayon... malabo. Tatlong taon din siya sa army at hindi madali sa battle field. Minsan na rin silang pinadala sa Marawi ng kaibigan si Cuhen. Ilang beses din muntikan kunin ni Satanas ang kanilang buhay pero mismong kamatayan, takot makisali sa buhay nila.

Tiningnan niya ang suot na Hight tech watch. Bumalik siya sa kaniyang silid sa itaas para makausap ito. Binuksan niya ang kaniyang hologram watch. Lumabas ang mga contacts ng Dark X members at una niyang tinawagan si Maccabi.

“Yx!” bungad nito sa kabilang linya. Halatang wala itong tulog.

“What happened to you?”

Tumawa lang ito sa kabilang linya at napakamot. “That spoiled brat run away from me again last night,” nababagot na sagot nito. “You shouldn’t give me this lousy assignment, Yx. It’s un fair to me!”

Tumaas lang ang sulok ng kaniyang labi at umiling, “Find this man.” sinend niya sa lalaki ang background file ni Don Hernandez. Ito lang ang pwede niyang pagkatiwalaan, maliban sa hindi mabigat ang assignment na nakapasan sa balikat nito.

“My new assignment?” nabuhayan ito ng dugo at tuluyang nagising.

Umiling siya at nagpaalam. Ngayon araw ay magsisimula siya. Masyado siyang conscious sa oras para walang gawin ngayon. Tinungo niya ang kusina at binalik ang tasang kape. Napansin niyang wala ang babae ro’n pero may nakasalang na lutong kanin at kaldero sa kalan de kahoy. Nagpasya siyang lumabas ng bahay at nakita niya si Odessa na nagbibiyak ng kahoy gamit ang palakol.

Sandali siyang napahinto at napatitig sa dalaga, mukhang sanay na sanay ito sa hirap. Nagpasya siyang tulungan ito dahil tingin niya’y aabutin pa ito ng susunod na taon sa laking kahoy na binibiyak nito.

“Ako na.”

Nagulat naman ito sa kaniyang presinsya at mabilis na kumalat sa makinis nitong psingi ang pamumula. Nagsimula itong maging asiwa at hindi kayang tumingin sa kaniyang mga mata.

“K-kaya ko naman...”

“No you don’t. Ako na para mabilis matapos.” Hindi na naghintay si Farhistt sa isasagot nito. Walang sabing humakbang siya papalapit sa dalaga at naghubad ng damit pang-itaas.

Kitang-kita niya ang pagkagulat nito sa kaniyang ginawa at deritsong bumaba ang tingin nito sa kaniyang 6 packs abs. Napakagat labi ito at mabilis na tinakpan ang mga mata. Naiiling na lang siya sa kainosentehan ng babae.

Sinimulan niyang biyakin lahat ng mga kahoy na nando’n na walang kahirap-hirap. It feels good. Nauunat ang mga muscles niya at ang preskong hangin sa umagang iyon ay nagpadagdag ng kakaibang sigla kay Farhistt. Matapos niyang nabiyak lahat ng kahoy, tinulungan na rin niya ang dalagang mag-arranged ng mga basang kahoy para matuyo, at ‘yong tuyo ay dinala niya sa kusina.

“Saan ba ang batis dito?” seryuso niyang tanong kahit alam niya kung saan ang deriksyon. Kailangan niyang maligo bago siya pupunta ng bayan at kumuha ng mga impormasyon.

“S-sa unahan mga limang daan metro ang layo. Lumiko ka pag nakita mo ang isang malaking talisay ng puno.” Hindi pa rin ito makatingin sa kaniya. Siguro dahil hindi niya suot ang kaniyang pang-itaas na damit.

Mula sa sala, pumasok naman si Mang Bartolome at nagsuhestyon na samahan siya ni Odessa mamaya papuntang batis at baka mawala siya. Gusto niyang matawa dahil kahit minsan hindi siya nawawala. Marami siyang paraan kung kaniyang gugustuhin pero dahil ordinaryong mamayan siya sa baryong ito, kailangan niyang mamuhay bilang isa sa mga taong nando’n na hindi mapapansin kung anong klaseng tao siya.

Tahimik silang naglalakad ng dalaga papuntang batis pagkatapos ng almusal. Dahil hindi naman siya sanay kumain ng almusal, tumambay lang siya sa labas at nagmamasid nung magpasya ang babae na umalis na sila.

“Anong sadya mo sa lugar na ito?”

Hindi siya umimik sa katanungan ni Odessa sa kaniya. Alam niyang magtatanong ito kung bakit siya napadpad dito at normal iyon. “Ilang taon ka na?”

Ito naman ang hindi nakaimik sa kaniyang tanong, nag-atubli pa ito at kahit hindi nito sabihin alam niyang namumula na naman ang pisngi ng dalaga.

“Pwede mo akong tawagin kuya—”

“24 na ako!”

Tumango siya. Hindi halata sa edad nito dahil kung pagmamasdan ang kabuuan ng babae, para itong kakatungtong lang ng bente anyos. Nahahantulad niya ito sa sa isang babasaging bagay; madaling mabasag. Inosenteng-inosente ito at mahinhin gumalaw. Ibang-iba sa mga babaeng nakikita at nakakasalamuha niya araw-araw sa Maynila.

Bumungad sa kanila ang magandang batis at makikitang malinis na malinis ito. Maraming punong-kahoy sa paligid at mahihirapan pumasok ang sinag ng araw sa parteng kinatatayuan nila. Nagsimula siyang maghubad ng damit pang-itaas at nagtira ng boxer. Agad nag-iwas ng tingin ang dalaga sa kaniya at nagtungo sa unahang bahagi.

“Mag-iingat ka, medyo may kadulasan ang mga bato rito.”

Hindi siya sumagot. Nagsimula siyang sumuong sa tubig at napapikit sa lamig. Tamang-tama, makakapag-isip siya habang magbabad sandali sa malalim na bahagi. Wala na siyang marinig na ingay sa dalaga kaya pinikit niya ang mata habang nakasandal ang kaniyang likod sa may kalakihang bato at malayang dumadaloy ang tubig dito.

“Ayy!”

Napabangon siya at mabilis pa sa alas-kwatrong napatakbo sa kinaroroonan ni Odessa. “Are you okay?” natigilan siya. Basa ang buong katawan nito at sa hitsura ng dalaga, nadulas ito at bumagsak sa tubig.

“Oo! O-okay lang ako, bumalik ka na ro’n.”

Napatango siya at hindi na muling nagtanong pa kung kailangan ba nito ng tulong dahil mukhang nahihirapan itong tumayo. Nag-decide siyang ipagpatuloy ang pagbabad para makapagpunta agad siya ng bayan. The sooner, the better.

NAPILITAN si Farhistt na magpasama kay Odessa sa bayan ayon na rin sa pangungulit ni Mang Bartolome. Isang kupasing tshirt at pantalong maong ang kaniyang suot para hindi siya halata nung umalis sila. Nakasuot din siya ng kupasing sumbrero at nakatsinelas na parang isang ordinaryong mamayan. Ang gusto niya sana, siya ang umalis mag-isa para hindi siya mahirapan pero wala siyang pagpipilian.

“F-frahisto,” untag sa kaniya ni Odessa.

Nakasakay sila ngayon ng motorsiklo papuntang bayan at magkatabi sa upuan. Nararamdaman niyang naiilang ang dalaga sa kaniyang tabi pero hindi niya pinansin iyon, siguro hindi lang sanay ito sa kaniyang presinsya.

“Yes?”

“Bisaya language ang gamit ng mga tao rito baka—”

“It’s okay, nakakaintindi ako ng lenggwaheng ‘yan.”

Tumango ito at hindi na muling nagsalita pa hanggang sa dumating sila sa bayan. Tulad ng kaniyang inaasahan, maraming napatingin sa kanila. Titig na titig ang ilan sa mga kababaihan, kahit may mga anak na sa kaniya. Mabilis niyang nilibot ang tingin at lihim na pinag-aralan bawat galaw ng mga tao. Normal lang para sa kaniya.

Sa wet market sila unang nagpunta. Masasabi niyang palakaibigan si Odessa dahil kilala ito ng lahat. May ibang nagtanong kung anong relasyon niya sa dalaga at namumula lang ito sa tuwing may nagsasabi na bagay sila. Lihim lang napailing si Farhistt sa isipin iyon, hindi ang tulad ni Odessa ang kaniyang tipo pagdating sa babae. Wala rin siyang hilig sa ganiyan simula nung mawala ang kaniyang pamilya. Mas naka-focus ang kaniyang atensyon sa mga bagay-bagay na nagbibigay ng kakaibang sigla sa kaniya.

“Kagwapo ba nimo dong, oi. Kiligun man sab ta bisag guwang nako!” Ang gwapo mo naman hijo. Kikiligin ako kahit matanda na!

Lihim siyang natawa sa sinabi ng matandang nagbebenta ng mga gulay at bigas. Binigyan pa sila nito ng libreng sangkap at mga gulay. Maluwang na tinanggap naman ito ni Odessa habang siya ay nanatiling nagmamasid pa rin sa paligid.

“Frahisto?”

Napatingin siya kay Odessa. Nakatingin ito sa kaniya pero namumula ang pisngi, “Wala ka bang bibilhin?”

Kung sasabihin niyang wala, baka magtaka lang ito. Namili siya ng groceries para sa dalawang linggo niyang pananatili. Nagulat ang dalaga sa daming binili niya lalo na nung bumili siya ng maliit ng TV para kay Mang Bartolome para hindi ito mabagot sa bahay.

“B-baka wala ka ng pera...”

Ngumiti lang siya at hindi na sumagot nung bumaba na sila sa motorsiklo pauwi. Walang kahirap-hirap na pinasan niya ang isang sakong bigas at karton na punong-puno ng groceries sa isang kamay at sa kabilang kamay, ang maliit na TV. Nagpresinta ang dalaga na tulungan siya pero hindi niya pinansin. Nagulat pa si Mang Bartolome nang makitang silang maraming pinamili.

Deritso siyang umakyat sa itaas papunta sa kaniyang silid at tinawagan si Maccabi sa pamamagitan ng watch hologram. Itatanong niya rito kung nagawa ba ng lalaki ang kaniyang pinagawa na kunin si Don. Hernandez.

“Yes, nakuha ko na.”

“Good. Dalhin mo siya sa mansion ng Fortocarrero at ikulong sa guest room.” Pinatay niya agad ang tawag at napabaling ang kaniyang atensyon sa laptop na dala.

Kinuha niya ito at binuksan ang secret website ng Dark X. Napatango siya habang binabasa bawat report ng mga myembro niya. Walang naging problema bawat assignment ng kaniyang mga tauhan kaya sa dalawang linggo niyang pananatili sa bayan ng Bayog, hindi muna siya bibisita sa kanilang grupo.

Bumaba siya at nagtungo sa kusina, nakita niyang busy sa paghahanda ng tanghalian nila ang dalaga. Lumapit siya rito at nag-alok ng tulong. Agad itong naging balisa at hindi makatingin sa mga mata niya.

“H-huwag na, kaya ko naman.”

Hindi siya nagpumilit kaya nagpasya siyang lumabas ng bahay at sandaling nagpahangin sa ilalim ng punong kahoy sa unahan. Napakunot lang siya ng noo sa tatlong kalalakihan na dumaan at papuntang batis. Ang instinct niyang sundan ito ay nauwi sa ere nang marinig niya ang malakas na tili ng dalaga sa loob ng bahay. Dali-dali siyang pumasok sa loob at nakita niyang takot na takot ito sa ahas na nasa bubong ng kusina nakapulupot.

Humakbang siya papalapit dito at walang takot na hinila ang ulo ng ahas at pinatay ito gamit ng kaniyang kamay. Napasigaw ang dalaga sa takot na baka matuklaw siya. Natawa na lang siya, hindi siya natatakot sa ahas. Tao ang dapat katakutan dahil mas mas delikedado ang tao kesa hayop o kahit anong makamandag na insekto.

“Hey, Odessa? Okay ka lang?” nag-alala naman siya sa dalaga na hindi makagalaw sa tabi. Kinailangan pa niya itong lapitan at yugyugin.

“O-okay lang a-ako!” namumutlang saad nito at nanginginig ang kamay. Bumalik ulit ito sa pagluluto pero hinawakan niya ang braso ng babae at pinigilan ito. “Ako na ang magluluto, magpahinga ka na lang. Nanginginig ka.”

“May nangyaring masama ba rito?” Nagmadaling pumasok si Mang Bartolome na alalang-alala.

“Wala ho, ‘Tang.” Dumistansya sa kaniya ang babae at nagbigay ng espasyo sa kanilang dalawa.

Napahinga ng maluwang ang natanda at nagpaalam. Bumalik ito sa sala kung saan masaya itong nanonood ng palabas sa TV. Hindi naman pumalag si Odessa sa kaniyang sinabi. Tumango ito at umupo sa kawayang upuan habang pinapakalma ang sarili. Nanatili lang itong nakatingin sa kaniya habang siya na ang naghanda ng lulutuing ulam.

Dahil sanay na si Farhistt sa ganito nung nasa Army pa siya, hindi na siya nahirapan gumalaw na parang sanay na sanay siya sa ganitong pamumuhay. Nakatingin lang sa kaniya ang dalaga at hindi nagsalita habang busy siya sa pagluluto. Ramdam niya ang matiim nitong titig sa kaniya at nang tingnan niya ang dalaga, agad namula ang magkabilang pisngi nito.

“Saan kayo nag-iigib ng pang-inom tubig dito?”

“S-sa kabilang kapitbahay pa sa unahan.”

Tumango siya. Napapansin niyang wala ng mga laman ang mga lagayan ng tubig kaya mamaya, mag-iigib siya para hindi na ito mahirapan sakali.

“M-may asawa ka na?”

Napatingin siya sa pabiglang tanong ni Odessa na ngayon ay nakatingin sa kaniyang kamay, especially sa kaniyang suot na singsing. Agad naman itong nagtakip ng bibig nang maalalang masyadong personal ang naging tanong nito sa kaniya.

“Yes,” walang gatol na sagot niya. Wedding ring nila ito ng asawa niyang matagal ng nasa langit ngayon. Walang nakakapagpalit nito sa puso niya kaya lagi niya itong suot.

Hindi na rin bago sa kaniya na maraming nadidismaya sa tuwing nalalaman may asawa na siya. May ibang sumubok na landiin at tuksuhin siya sa kama pero wala... Walang epekto. Matagal ng patay ang kaniyang puso at ang tanging gusto lang niya, mag-focus sa organisasyon na kaniyang binuo.

LIHIM na pinagmamasdan ni Odessa si Frahisto na nag-iigib ng tubig. Ewan ba, sa tuwing napapatingin siya sa mga mata ng lalaki, para siyang napapahipotismo at hindi niya mapigilan kiligin. Pinipilit lang niyang umarteng kaswal sa harap nito pero hindi niya mapigilan mabulol sa tuwing kausap ang lalaki. Sayang nga lang, may asawa na ito.

Nalungkot siya sa bahaging ‘yon pero binalewala rin niya agad. Aaminin niyang may gusto siya sa lalaki nung una pa lang niyang kita rito. Siguro dahil first time niya makakita ng ganito kakgwapong nilalang na bumaba sa lupa. Sa sobrang kagwapuhan nito, parang ayaw niya na yatang mawala sa paningin niya ang lalaki.

“Odessa?”

Bahagya siyang nagulat nang tinawag siya nito. Naramdaman niyang namula ang kaniyang pisngi na tumingin sa lalaki. “B-bakit?”

“Mauna ka na sa bahay. Kaya ko na sarili ko rito.”

Napakagat siya ng labi. Pati boses ng lalaki, nakaka-inlove! Ang sarap sa pandinig at baritonong-baritono ito. Hindi na siya nagtaka kung bakit nakasilip sa mga bintana ang ibang kapit-bahay nilang kababaehan. Tulad niya, kinikilig din ang mga ito at nangangarap na lingunin ni Frahisto.

“O-okay,” kiming sagot niya at nagbawi ng tingin.

Hindi pa rin niya talagang kayang tingnan ito sa mata, ‘yon ang totoo. Nagsimula na siyang humakbang pabalik ng bahay. May kalayuan kasi ang pinag-igiban nila ng tubig dahil wala naman silang sariling tubig ng kaniyang tatang.

Tapos na siya sa kursong Bachelor of Elementary Education, major in Filipino sa bayan. Plano niyang dito magturo sa lugar na ito, maliban sa nakikita niyang kulang ng mga teacher sa baryong ito, nandito rin ang kaniyang tiyuhin na kinilala niya ng Itang. Hindi niya kayang iwan kahit na kinukulit na siya na inay niya na umuwi.

“Hi, Odessa. Magandang hapon sa`yo.”

Agad na sumimangot ang kaniyang hitsura nang makita ang dalawang lalaking laging nangungulit sa kaniya na manligaw. Kung gaano kagwapo si Frahisto, kabaliktaran naman ang mga pagmumukha ng mga ‘to na hindi niya alam kung saan galing at bakit ang papanget.

Nasa loob ito ng bahay nila at kausap ang kaniyang Itang. Nagmano siya sa matanda at hindi pinansin ang dalawang African hito. Ang kinakainis lang niya, masyadong open ang Itang niya sa mga estranghero.

Pero bakit si Frahisto, okay lang sa`yo? Maarteng tanong ng utak niya.

“Manliligaw mo raw sila, Odessa.”

Lihim lang siyang umismid sa sinabing iyon na kaniyang Itang. “Hindi ko sila manliligaw po.”

Natawa ang matanda at agad din siyang nag-excuse sa harap ng mga ‘to. Hindi siya tumatanggap ng kahit anong panliligaw, lalo na sa mukhang manyakis. Mayamaya, naramdaman niyang sumunod ang isang lalaki sa kaniya at humingi ng tubig dahil nauuhaw kuno. Hindi niya ito pinansin, nagtuloy-tuloy lang siya sa kusina para maghanda ng lulutuing ulam nang hawakan siya ng isang african hito sa kaniyang braso.

“Ano ba!” Binawi niya ang braso at lumayo rito.

“Ba’t ba ang arte-arte mo? Kami na nga ang nagta-tiyaga na ligawan ka, nag-iinarte ka pa! Masyado kang pakipot, halatang gustong gusto mo naman ako.”

Nabaling ang mukha nito nang sampalin niya ng malakas. Ang kapal ng mukha! Pero agad din siyang napaatras ng tingnan siya ng masama. Akmang bubuhatan siya nito ng kamay nang biglang lumipad ito sa isang tabi. Bago pa siya napasigaw, tulog na bumagsak ito. Nakita niyang si Frahisto ang tumulong sa kaniya at galit na tiningnan ng masama ang lalaking nambastos sa kaniya.

Agad naman sumaklolo ang kasama nito at pinasan ang kasama saka dali-daling umalis.

“T-thank you...”

Tumango lang ang binata at inilagay sa tabi ang tubig na inigib. Nagpaalam ito na magpahangin muna sa labas at hindi na siya nito hinintay tumango, deritso na itong lumabas.

Nanghihinang napaupo naman siya sa silyang kahoy at pinapakalma ang sarili. Ang bilis ng pangyayari, parang hangin gumalaw ang binata at hindi man lang niya namalayan na dumating ito.

“Anak, okay ka lang?” Si Tatang Bartolome. Nag-alala ang mukha nito.

Mabilis naman siyang ngumiti. “O-opo. Magpahinga na po kayo, ako na bahala rito.” Tumango naman ang matanda at nagpaalam. Ito ‘yong unang pagkakataon na ginamitan siya ng dahas ng manliligaw niya. Nakaramdam siya ng takot pero sa isipin, andito naman ang lalaki, nakaramdam siya ng kapayapaan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.