Dominant Series 6 & 7: Deception and Amorous Chapter 28

Bahagyang nakahinga ng maluwang si Zerus nang malaman niyang sa balikat ang tama ni Blessy. Nagpadala siya ng taong bumisita sa babae at kahit papaano, kumalma ang puso niyang kanina pa kumabog ng malakas. Nasa rooftop siya ng isang building, paharap sa silid ng babae at malayang pinagmasdan itong natutulog mula sa kaniyang binocular na dala.

Ang planong tumbahin si Dr. Hayes, isinantabi niya muna. Si Ramona ang una niyang haharapin at alam ni Zerus kung saan ito hahanapin.

“The premises are secured. Mahihirapan ka pumasok, Mr. Craige. May facial recognition every room ng pasyente. Dinoble ni Dr. Hayes ang security ng buong building. Bawat hallway, may mga CCTV at hindi lang basta-basta CCTV ang mga ito.”

Ngisi lang ang naging sagot niya sa lalaking nag-report sa kaniya ngayon. Nasa kabilang linya ito at nakatulong ang pagiging professional Doctor nito.

“Is she totally okay? Siguraduhin mong ‘di mapasok ng kapatid ko ang silid niya.”

“Noted.”

Agad niyang binaba ang ang dalang binocular at isinilid sa bulsa ng kaniyang suot na jacket. Automatic na nag-fold iyon at naging parang maliit na billiard ball.

Nag-isip siya kung paano malusutan ang security ng Hospital. Gusto niyang personal na makikita ang babae. Hindi titigil ang kaniyang utak hangga’t ‘di nakikita ito.

Kalahating oras nag-isip at nagplano si Zerus kung paano makapasok sa Hospital. Hindi niya kayang pasukin ang firewall na ginawa ni Hayes sa database ng bawat taong pumasok sa Hospital pero kaya niyang pumuslit. Siya si Zerus. Ang gumulo at nagpaikot sa sitwasyon ngayon ni Hayes.

Agad siyang nagtungo sa Hayes Group of Hospital. Hindi siya dumaan sa entrance. Hindi niya kailangan iyon. Ang plano niya ay dumaan sa likuran at doon siya magsimulang maghasik ng lagim. Mula sa likurang bahagi ng Hospital na medyo madilim, mabilis siyang makakapuslit do’n. Pwede niyang akyatin ang naturang gusali na walang kahirap-hirap.

Kompleto siya sa gamit. Mula sa iba’t ibang klaseng gadgets na maari niyang gamitin sa kaniyang target. Hanggang sa sapatos at gloves na gagamitin niyang pang-akyat na walang kahirap-hirap. Suot niya ang improvise gecko shoes at gloves. Walang kahirap-hirap na inakyat niya ang naturang building.

Walang nakapansin sa maliksi niyang kilos. Isa sa ikinatuwa ni Zerus, nasa bintana lang nakapwesto ang babaeng sadya niya ngayon. Hindi siya mahihirapan kahit papaano.

Mabilisan lang ang kaniyang gagawin. Dadalawin lang niya ang babae at aalis din agad. Gusto lang niyang masigurado na totoo ba malayo sa puso nito ang tamang nakuha mula kay Ramona.

“She’s... Beautiful...” Sandali siyang napatulala nung itaas niya ang salaming bintana ng silid.

Derisiong nakatitig lang ang kaniyang mata sa babaeng mahimbing na natutulog. Tumama ang kaniyang paningin sa balikat nito at gano’n lang ang pagtagis ng kaniyang balikat sa nakitang may arm sling nakasabit dito.

Parang hangin na pumasok siya. Walang CCTV sa loob ng silid. Mag-isa lang si Blessy sa kama at nababanaag niya sa maganda’t inosenteng mukha nito ang sakit at lungkot.

What makes you sad? Marahang saad niya sa isipan nang malapitan ito.

Bagay sa babae ang itim na belong suot at singsing sa kamay nito na nagpapatunay na malapit na itong maging ganap na Madre. Pero sa tingin ni Zerus, mas bagay sa kamay nito ang singsing na galing sa kaniya at belong susuutin kapag nasa altar sila.

Damn! What am I thingking. She’s a nun. And I’m a... criminal. Niwakli niya sa isip ang naramdamang ligaw na damdamin.

Nagkasya lang si Zerus na titigan ang mahimbing na natutulog na si Blessy. Bahagyang kumuyom ang kaniyang kamao at napamura sa isip. Magtutuos sila ni Ramona! Pero may parte ng isip niya na masaya na hindi pinuruhan ni Ramona ang puso ng babaeng mahal niya. Binigyan lang siya ng babae ng warning.

“F-fender...”

Napakunot ang kaniyang noo nang tawagin ng babae ang kaniyang pangalan. Nakapikit ito at tingin niya, natutulog pa rin ang diwa ng babae.

“Huwag ka umalis... Huwag... F-fender... Natatakot ako...”

I’m here, Blessy... Gusto niyang sambitin ang mga katagang iyon pero pinilit niyang ‘wag gawin. Nanatili lang siyang nakamasid sa dalaga.

“Fender! No!”

Bangungot. Nagdalawang isip si Zerus kung gisingin ito o hindi. ‘Pag ginising niya ito at makita siya, magtataka ito. Kaya pinili niyang ‘wag na lang.

“H-huwag! Please, Fender... Huwag kang sumama sa kanila... ‘Wag mo ‘kong iwan... P-please, huwag!” nagsimulang nagsipatakan ang mga luha sa magagandang mata nito. Ramdam na ramdam niya ang sakit sa boses ng dalaga.

Bahagya siyang napaatras. Naapektuhan siya. Nag-aaway ang kaniyang utak kung aamuin ba ito o hindi. May kung anong malakas na kamao ang sumuntok sa kaniyang puso na hindi niya kayang titigan ang inosenteng mukha nito.

“Fender... Mangako ka... Babalikan mo ako...”

Blessy...

Sunod-sunod ang pagsugod ng sakit sa kaniyang ulo. Napaatras si Zerus at ilang beses na ipinilig iyon. Bakit apektado siya sa mga katagang lumabas sa bibig ng babae? Napailing siya at humugot ng malalim na buntunghinga. Nagpasya siyang lisanin ang silid nito. Pero bago iyon, lumapit siya rito at marahang kinintalan ng halik ang noo ng babae.

“Goodnight...” Pero parang sinaksak ang kaniyang puso nang lumisan siya sa silid nito. Ayaw niyang umalis pero hindi siya pwedeng magtagal

HINDI mapakali si Zerus nung nasa loob na siya ng kaniyang bagong sasakyan. Paulit-ulit na nag-echo sa kaniyang utak ang mga katagang sinambit ni Blessy. Alam niyang binangungot lang ito, pero ang bangungot ay konektado ng mga nakaraang nangyari. Mga totoong nangyari sa isang tao.

Matagal niyang tiningnan ang kaniyang sariling repleksyon sa salamin. Sino ba talaga siya? May bahagi ba ng kaniyang pagkatao ang kaniyang nakalimutan? Pero kung si Zerus ang tatanungin, wala siyang nakalimutan. Lahat ng pangyayari simula nung nagmulat siya sa mapait na galaw ng mundo, natatandaan niya bawat segundo.

“Am I missing something?” Tulirong napahawak siya sa kaniyang buhok.

Agad niyang binuhay ang makina ng kotse at nilisan ang lugar na iyon na puno ng pagtatanong sa isip. Una niyang pinuntahan, ang kapatid niyang si Ramona. Nakaupo ito sa dulo ng sofa at marahang sinisimsim ang kopetang may laman wine. Sa kabilang kamay nito, ang alaga nitong si Aurora.

“Done checking your sweet little nun?”

Nagtagis ang kaniyang bagang. “Spare her life, Ramona.”

Muli itong sumimsim at maarte siyang tiningnan. “I would. If you could stay away from her.”

“Stop being obtrusive.”

Natawa ito at sumulyap sa alaga nitong si Aurora. “Oops! I don’t mean to be intrusive, brother. Hindi ko lang gusto ang nakikita ko.”

Nasa harap siya ng dalaga at walang emosyong tinutok ang kaniyang baril sa ulo nito. Agad umalma ang alaga nitong si Aurora pero agad pinakalma ng babae ang hayop.

“Sa susunod na mangialam ka pa, pupunuin ko ng bala ang ulo mo!” Agad siyang tumalikod at iniwan itong nagwawala.

This time, hindi siya nagbibiro. Oras na mangialam ulit ito sa kaniyang mga plano at saktan ulit ang babae, makakalimutan niyang may kapatid siyang baliw.

“She’ll be the death of you!”

Nagkibit siya ng balikat at deritsong pumasok sa kaniyang kotse. May gagawin lang siya saglit.

Muling bumalik si Zerus sa silid ni Blessy matapos niyang harapin si Ramona. Madaling araw na pero wala siyang nararamdamang antok. Nag-alala siya para rito kahit sabihin malayo sa puso ang natamong tama.

Mahimbing na itong natutulog. Sa tabi nito ay ang rosaryo at maliit na aklat na ngayon lang niya napansin. Wala ito kanina nung pumasok siya. Marahil nagising ito mula sa bangungot at nakuhang magdasal. Matagal siyang napatitig sa rosaryong halatang lumang-luma.

Una niyang nilapitan ito at wala sa sariling dinampot. Napailing-iling siya nang suriin ito. Sa physical na aspeto tingnan, ilang taon na itong rosaryong hawak niya. Nagkibit siya ng balikat at wala roon ang kaniyang atenyson. Nilagay niya ito sa bulsa ng kaniyang suot na leather jacket.

Humarap siya sa babae at umukit ang ngiti sa kaniyang labi. Ang sarap pagmasdan nito habang natutulog. Para itong anghel na hinding-hindi pwedeng mahalin.

Marahan siyang umupo sa gilid ng kama. Matagal niya itong pinagmasdan na parang isang magandang bagay. Inabot niya ang makinis na pisngi ng babae at maingat na hinaplos. Wala sa loob na napangiti si Zerus. Ito ang huling dalaw na gagawin niya. Ayaw man niya o gusto, mailalagay lang niya sa panganib ang buhay nito at ‘yon ang ayaw niyang mangyari.

Pipilitin niya ang sariling kalimutan ito for goodness sake. Walang mapapala ang kahibangan ng kaniyang puso. Sapat na ang mga sandaling magkasama sila sa Baryo Felopina. Sapat na ang pagmamahal na nararamdaman niya para rito kahit bawal.

“Blessy...” halos hangin lang na lumabas sa kaniyang bibig ang katagang ito, “I don’t know why I feel this way. Alam kong magiging pag-aari ka ng Diyos na kilala mo at nirerespito ko ang bagay na ito. Nirerespito kita. Pero...” napahugot siya ng malalim na buntunghinga, “Every time I see you, my defense weakens. Dahan-dahang nasisira ang pader na nilagay ko. Ang demonyong nasa katauhan ko ay dahan-dahan akong pinapatay. Hindi ko alam kung ano ang meron sa ‘yo... Kung parte ba ako ng nakaraan mo o parte ka ng nakaraan ko. Nakalimutan na kita pero bakit kailangan magtagpo ang landas natin dalawa? Bakit sa tuwing nagpapakalayo ako, mas lalong gumagawa ang tadhanang maglapit tayo?” marahan siyang napahugot ng malalim na hangin. Sa ikalawang pagkakataon, hinalikan niya ang labi nito bago nagpasyang lisanin ang silid.

“Fender...” May pumigil sa kaniyang kamay.

Natuod siya sa kaniyang kinatatayuan. Mabilis siyang napatingin sa babae at nakatingin ito sa kaniya ngayon. Wala siyang makuhang salita kung ano ang sasabihin ngayong nakita siya nito nang alas-tres ng madaling araw.

“How’s... Your arm?”

Hindi ito sumagot pero hindi niya nakikitang natatakot ito sa kaniyang presinsya. Iba ang nababasa ni Zerus. Iba ang dating ng mga kislap ng magagandang mata nito.

“Anong ginagawa mo rito...” hindi tanong iyon.

Wala siyang makuhang alibi na pwedeng sabihin. Umilap ang kaniyang mata at akmang babawin ang kaniyang kamay na hawak-hawak nito, pero mahigpit ang pagkakahawak ng dalaga.

“Naalala ko na, Fender... Naaalala ko na ang lahat...”

Napakunot siya. Hindi niya makuha ang gustong iparating ng babae. Nagsimulang magsipatakan ang mga luha sa mata nito, na agad niyang ikaalerto. Mabilis siyang lumapit at nag-alalang pinunasan ang mga luha nito.

“Shhh...” Marahang hinaplos niya ang pisngi nito kahit bawal. “Huwag kang umiyak. Hindi ko intensyon na paiyakin ka kaya ako nandito.”

Gumihit ang malungkot na ngiti sa labi nito at inabot ang kaniyang pisngi. “T-tinupad mo ang pangako mo, Fender, tinupad mo,” nagsimulang gumaralgal ang boses nito, “Pero huli ka na... Ilang taon na lang at magiging ganap na Madre na ako. Pag-aari Niya na ako.”

Kahit wala siyang maintindihan sa sinabi nito, nanatili siyang tahimik at hinayaan ang babaeng haplusin ang kaniyang pisngi. May kung anong kutsilyong tumarak sa puso niya at nasasaktan siya.

“Bakit ngayon lang? Ha? Bakit ngayon lang, Fender?”

Nanatiling walang lumabas na kahit anong kataga sa kaniyang bibig. Hindi niya ito maintindihan pero may parte ng puso niyang nagsasabing hayaan itong magsalita.

“Blessy...”

Sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha nito. Kahit anong punas niya gamit ang mga daliri, mas lalong walang tigil ang mga ito sa pagpatak. Damang-dama niya ang sakit sa bawat patak.

“B-bakit ngayon lang... Bakit ang tagal m-mong bumalik? Bakit—”

Isang mahigpit na yakap ang kaniyang binigay rito pero puno ng pag-iingat ang yakap na binigay niya. Iniwasan niyang masagi ang sugat nito.

Mas lalong lumakas ang iyak ng babae at nasasaktan si Zerus sa isiping nasaktan niya ito.

“Shh... I’m here, okay? No one could hurt you. Andito ako. Tahan na... Tahan na.” Marahan niyang hinalikan ang mga mata nito. Nalalasahan niya ang bawat luha ng babae at nasasaktan siya.

“Pero huli na... Ang tagal mo bumalik. Ang tagal mo ‘kong binalikan.”

Sandali siyang napahawak sa kaniyang ulo. May mga alaalang pumasok. Alaalang hindi niya matandaang nangyari.

“Umalis ka na Fender.”

Natigilan siya at nagpatingin sa babae. Bumalik ito sa pagkakahiga at pinikit ang mata.

“Umalis ka na. Wala ng saysay ang pagsulpot mo sa buhay ko.”

“No!”

Nagmulat ito ng mata at walang ka-emosyong tiningnan siya, “Kalimutan mo ang sinabi ko. Sige, kailangan ko ng magpahinga.”

Fuck!

Ang sumunod na kaniyang ginawa, ay ikinatigil nito. Naglapat ang labi nila. May kung anong tumulak sa kaniyang demonyong nagsasabing halikan ito. Hindi ito nanlaban. Hinayaan lang siya ni Blessy pero isang hikbi ang kumawala sa lalamunan nito.

Agad siyang dumistansya, “Blessy...”

Umayos ito ng upo at malamig siyang tiningnan. Sinulyapan nito ang kanang balikat na may tama ng baril at napailing-iling.

“U-umalis ka na—”

Muling naglapat ang labi nilang dalawa. This time, mas mainit at mas mariin ang kaniyang binigay na halik. Napatitig siya rito. Pamilyar sa kaniya ang labi nito. Inaamin niyang hinalikan niya ito sa ilalim ng ulan pero sa pagkakataong ito, parang iba. Iba ang sinisigaw ng puso at isipan niya. Kilalang-kilala niya ang labi ng babaeng gumulo sa kaniyang sistema.

Pareho silang napaungol dalawa at naghahabol ng hininga nang maghiwalay ang kanilang labi.

“Mahal kita...”

Natahimik silang pareho nang sabay nilang bigkasin ang katagang iyon. Ang katagang hindi nila dapat bigkasin dahil bawal pero wala na, tuluyan ng nabuksan ang emosyong nagtatago sa pagkatao ni Zerus.

Mabilis nagkahinang ang kanilang labi at walang balak si Zerus na pakawalan pa ang labi, na ilang gabing ‘di nagpatulog sa kaniya simula nung iwan niya ang Baryong Felopina. Dumiin ang halik na binigay niya rito at ang isang kamay nito ay yumapos sa kaniyang leeg.

“I love you, Blessy... I love you.”

Wala ng pakialam si Zerus kung ano ang magiging susunod na mangyayari pagkatapos nito. Mahal niya ang babae. Mahal niya ito at nasabi niya na. Handa siyang magbago, handa siyang baguhin ang pagkataong matagal ng ginamit bg demonyo para rito. Handa siyang iwan ang lahat.

Marahan niyang tinanggal ang suot nitong belong nakatakip sa ulo. Tumambad sa kaniya ang mahabang hanggang balikat at tuwid na buhok ni Blessy. Halos mapasinghap siya sa kaniyang nakitang kagandahan.

Hinaplos niya ang itim at malambot nitong buhok bago siniil ulit ng halik ang babae. Nagpalitan sila ng halik sa hospital room.

“Fender!” napasinghap ito nang dahan-dahang bumaba ang kaniyang kamay sa leeg nito. Dama niya ang kakaibang init na nagmula sa katawan ng babae.

Bumaba ang kaniyang labi sa leeg nito. Nagbigay ng munting halik habang ang kaniyang kamay, nagsimulang maglakbay sa katawan ng babae. Fuck! Handa siyang isangla ulit ang kaniyang kaluluwa, maangkin lang ito. Ang babaeng tuluyang nagpabaliw sa kaniya nang tuluyan.

“I want you, Blessy...”

Hindi hadlang ang kalagayan nito ngayon. Kaya niyang dalhin ang sitwasyon na hindi ito mahihirapan. Galit na ang kaniyang alaga at naghahanap ng magpapaamo rito.

“Fender, kasalanan ito sa mata ng Diyos. I-isa na akong—”

Siniil niya ito ng halik. Kapwa silang naghabol ng hininga at nag-iinit ang katawan. May pag-iingat na hiniga niya ito sa hospital bed habang siya ay nanatiling nakatayo. Maliit ang espasyo ng kamang iyon para sa mangyayari ngayon gabi.

Mabilis na tinanggal ni Zerus ang lahat ng kasuutan nila sa katawan. Lumantad sa harap niya ang magandang kurba ng katawan ng babae at sa dibdib pa lang nito, sumaludo na ang kaniyang alaga sa ilalim ng kaniyang pantalon.

Agad niyang sinamba ang dalawang kalakihan nitong dibdib na may pag-iingat. Iniiwasan niyang ‘wag masagi ang balikat nitong may tama ng baril.

Napaigtad ito sa kaniyang ginawa at napaungol. Pakiramdam ni Zerus, matagal na nila itong ginagawa. Matagal na silang may nakaraan at pag-aari niya ito. Bawat ungol, haplos at bulong nito sa kaniyang pangalan... Kilalang-kilala niya.

“Ohhhh!”

Napakagat ito ng labi nang sadyain ng kamay niya ang hiyas nito. Pamilyar na pamilyar sa kaniya ang bawat haplos na binibigay rito pero hindi niya matandaan at maalala.

“Ahhhh! Fender, ohhh!”

Malakas ang ungol na kumawala sa lalamunan nito at mas lalong nagwawala ang kaniyang alaga. Mas nagiging aggressive ang alaga niya, gustong makawala sa kulungan.

Malayang sumipsip ang kaniyang dila sa dalawang korona nito. Napapaliyad at napapasigaw ito sa sarap ng kaniyang ginawa. Wala siyang pakialam kung may makakakita sa kanila ngayon.

“F-fender!” napasinghap ito. “Please, stop. B-bawal ito.”

“Shhh... Hayaan mo na ako. Hayaan mo akong ipadama sa ‘yo lahat, Blessy.”

Marahan itong tumango. Ipinikit nito ang mata at hinayaan siya sa kaniyang gusto. Habang ang kaniyang dila at kamay ay walang tigil sa pagsamba rito.

Mas lalong napaliyad ang katawan nito nang makamundong dila niya na ang pumalit sa kamay niyang nasa hiyas ng babae. Mas lalong lumakas ang ungol ni Blessy at napahawak ang isang kamay nito sa dulo ng unan. Parang do’n kumukuha ng lakas.

Ilang minuto niyang sinamba ang pagkababae nito at aaminin ni Zerus, Kilalang-kilala niya ang peach flavor na katas na nagmumula sa loob ng babae.

Puno ng pagmamahal nang muling niyang siilin ang labi ng babae. Handa na ang katawan nito at handa na rin siya.

“I can’t be gentle, Blessy.”

Marahan lang itong tumango nang magmulat ng mata. Nakikita niya ro’n ang emosyong matagal niya ng nararamdaman para sa babae. Malaki siya. 8 inches at hindi niya alam kung kakayanin nito ang kaniyang alaga.

Hinawakan niya ang magkabilang hita nito paharap sa kaniya. “Ready?”

Walang sagot mula rito. Galit na galit na ang kaniyang alaga nang hawakan niya ito at tinutok sa bukana ng pagkababae ni Blessy. Parang may kung anong kuryente ang bumalot sa kaniyang pagkatao nang simulan niyang ipasok.

“Fender!”

“Blessy!”

Sabay silang napaungol nang deritso niyang ipasok ang kaniyang pagkalalaki sa hiyas nito. Napapikit si Zerus sa sensasyong nadama. Napahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa hita nito. Alam niyang nasaktan niya ang babae sa kaniyang ginawa pero wala siyang narinig na reklamo mula rito.

“Fender...”

“Mahal kita, Blessy. Mahal na mahal kita.”

Nagmulat ito ng mata at sinalubong ang kaniyang mata. Gumuhit ang ngiti sa mapulang labi nito. “Mahal na mahal din kita.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.