Dominant Series 8 - Indestructible Chapter 31

Pareho silang natigilan nang marinig ang boses ng anak nitong si Nadezhda. Sabay silang napalingon sa pinaggalingan ng boses. Nakita nila ang batang nakatayo sa gitna ng hagdanan. Mabilis na nawala sa tabi niya ang lalaki at tinakbo ang hagdanan. Agad nitong kinuha ang anak nito at kinarga pabalik sa itaas.

“Is that Mommy?” Bumaling ang tingin ng bata sa kaniya.

Agad naman siyang ngumiti kahit hindi siya mahilig sa bata. The way to Jayvion’s heart is through his daughter Nadezhda. Kumaway siya sa bata at mas lalong ginandahan ang kaniyang ngiti.

“No, no, she’s not.”

“Ka-look ni Mommy?”

Agad naman siyang lumapit sa mga ito. Siya na ang mag-welcome sa kaniyang sarili. Mukhang nahihirapan yata si Jayvion na gawin ang bagay na ito lalo na at ang laki ng pagkadisgusto nito sa kaniya.

“Hi, I’m Aurora. Your new nanny.”

“Wow, Daddy!” Namilog ang mata ng bata at kitang-kita niya ang kislap sa mata nito ang kasiyahan. “Daddy, she looks like Mommy talaga!”

Umikot ang kaniyang mata. Gusto niyang pagalitan ang bata. Anong kamukha ng Mommy na pinagsasabi nito? Tingin niya nasa apat o limang taon ang bata pero masasabi niyang kamukhang-kamukha ito ni Jayvion.

“Hindi princess, maghahanap tayo ng ibang nanny.”

“But I like her! Siya ‘yong nakita ko sa office ni Lolo-Dad and she’s nice. She calls me sweetcakes, Dad!”

“Fuck!”

Natawa siya nang marinig ang mahinang mura ng lalaki. “Aww sweetcakes, I like you too! Come here, let’s go to your room.”

“Talaga po?!” Namilog ang magandang mata ng bata at agad nagpababa sa karga ng Ama nito. Mabilis itong humawak sa kaniyang kamay at giniya siya papunta sa silid nito.

“See? Gusto ako ng anak mo. Paano ba ‘yan, sweety. Hired na ako whether you like it or not. See ya! Ihahatid ko lang ang anak mo sa room niya.”

“Aconite!”

“Tsk. It’s Aurora. But you can call me ‘Ara’ since you call me that name in bed. Oh, nakalimutan ko, ang sarap-sarap mo pala!” pabulong ang huli niyang sabi saka sila tuluyan umalis ng anak nito. Para siyang dinuyan sa ibabaw ng apoy nang makita ang reaksyon ni Jayvion. Sobrang cute!

“My room!”

Nag-ikot siya ng mata nang tumambad sa kaniyang paningin ang kulay royal pink na silid ni Nadezhda. Mula sa malaking kama hanggang sa mga desinyo. Pink na pink ito. Ando’n ang mga Disney Princess Drawing sa wall nito. Mga laruan ng prinsesa at iba’t ibang bagay na nagbibigay sakit sa kaniyang mata.

Bullshit! Pink? Pink! Really?!

“What’s wrong po?”

Tiningnan niya lang ang bata at napahalukipkip. Hindi ito ang kaniyang paksa pero ito muna ang kaniyang pakikisamahan. Argh! She hates it.

“Go to your bed.”

Ngumiti naman ito nang matamis. “Yes po!” Mabilis itong tumakbo sa kama nito.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Marahang niyang pinag-aralan ang mukha ng bata saka siya napaismid. Isang hyper at friendly na bata ang kaniyang nakikita.

“How old are you again?”

“Running five po!”

Napairap siya. Tinalikuran niya ang bata. “I want you to behave, ha? Mag-uusap muna kami ni Daddy mo.

Tumango naman ito at nagtaas ng pinky promise sa hangin. Good. Hindi sasakit ang ulo niya sa batang ito. Mabilis na binuksan ang pintuan. Hindi na siya nagulat nang makitang nakatayo na roon ang lalaki at matamang hinihintay siyang lumabas.

“Umalis ka na bago kita kaladkarin papalabas sa bahay na ito.”

Napaismid siya at napahalukipkip. Sa tangkad niyang 5’8 plus 6 inches high heels na suot, halos magkasingtangkad na lang sila ng lalaki. “Nope. I’m not leaving! I hired myself. Now, kung ayaw mo sa ideyang iyan, ikaw na lang ang mag-adjust. `Coz honey, I’m not leaving.”

Nagtagis ang bagang nito sa kaniyang sinabi at hinaklit ang kaniyang braso. Again? Gusto niyang umirap sa ginawa nito. Hindi ba alam ni Jayvion na kaya niya itong patumbahin sa loob lang ng ilang segundo?

“Hindi ako nakikipagbiruan dito, Aurora.”

“Same. Now you call me Aurora, mas lalo kong naramdaman na sobrang welcome ko sa house mo. By the way sweetheart, ang ganda ng bahay mo. Mas maganda sa gabi.”

“Shut the fuck up!”

Ngumisi lang siya at akmang hahaplusin ang pisngi nito pero agad nitong napigilan ang kaniyang kamay.

“Alam mo kung bakit ako pumasok na nanny ng anak mo kahit hindi ko ‘to linya?”

“Wala akong pakialam, Aconite. Now leave!”

“Tsk! You are so rude.” Tinanggal niya ang kamay nito. “Sa tingin mo hindi masasaktan ang anak mo ‘pag nalaman niyang pinaalis mo ako?”

“Hindi ang taong tulad mo ang nababagay sa trabahong ito, Aconite. Wala akong balak ilagay sa panganib ang buhay ng anak ko. We all know kung anong klaseng tao ka.”

Ngumiti lang siya nang nakakaloko. “How come na ilagay sa panganib? Nah, you’re overthinking Jayvion. I’m a Belladonna, right?”

Ngumisi rin ito. “That’s what I’m pointing about. You are part of the Belladonna organization. Now, leave before my gun fucks you like hell.”

Nagkislapan naman ang kaniyang mata sa narinig na ‘fuck’ word na binitawan ng lalaki. Hindi ba nito alam na sa pagsasalita pa lang nito, paggalaw ng kilay, pagtiim ng bagang, pagpipigil sa galit na huwag siyang isalya sa isang tabi ay mas lalong nagpapa-turn on sa kaniya? Kung pwede lang na hilain ito sa isang tabi at yayain ito makipag-sex sa kaniya ng ganito kaaga.

“Daddy!”

Mabilis na nawala sa harapan niya ang lalaki at agad pumasok sa loob ng silid ng anak nito. Natawa na lang siya. Weakness spot ni Jayvion si Nadezhda at hindi niya mapigilan magsaya. Alam niyang tanggap na siya kaya kukunin niya na ang kaniyang dalawang maleta sa sala at siya na ang maghanap ng kaniyang sariling silid. Much better kung kasunod sa silid ni Jayvion.

Maarteng naglakad siya pababa ng hagdan. Nang makita siya ni Dr. John Usuro, agad itong tumayo at sinalubong siya. Puno ng pag-alala ang mukha ng matanda pero nang makita okay lang siya at buo pa ang katawan, nakahinga ito ng maluwang.

“Hail Mary! Akala ko pinatay ka na ng anak ko.”

Natawa naman siya nang malakas. “You’re joking, right? Anyways, dalhin ko na sa guestroom ang dalawang maleta ko. Thank you, Doc. I owe you this!”

“Wait Aurora—”

Hinila niya na ang kaniyang dalawang maleta na walang kahirap-hirap. Hindi mabigat para sa kaniya, ewan na lang sa iba. Deretso niyang tinungo ang hagdanan at napabuntong-hinga. Dito niya kailangan ang tulong ng matandang Doctor.

“Doc I need your help.”

“Pumayag na ba ang anak ko?”

“The hell I care?

“Jesus Christ, Aurora!”

Natawa lang siya. Sinenyasan niya ang matanda na tulungan na siya nito pero hindi nito mabuhat ang kaniyang isang maleta. Napaikot na lamang siya ng mata.

“You can go now, Dad.”

Napatingin siya sa lalaking nagsalita. Si Jayvion ito at nakahalukipkip ang kamay. As promise, hired na siya. Simple as that! Lumingon siya sa matandang Doctor at kumaway rito. Nalilitong tumango naman ito at nagpaalam na sa kanilang dalawa.

“Hey, mind if you help me?” Tinuro niya ang dalawang maleta pero tinalikuran lang siya ng lalaki.

Tinaasan lang niya ito ng kilay. Expected na niya itong hindi siya nito tutulungan. Kinapa niya ang kaniyang shoulder bag at kinuha roon ang isang device na siyang tutulong sa kaniya. Galing ito kay Uno na hiniram niya saglit. Expected niya na itong paglilipat niya ng bahay.

Agad niyang ginamit ang device. Para itong isang baril tingnan. Agad kumapit sa itaas ng hagdan ang wire ng device. Nagmukha itong zipline. Nakangiting nilagay niya agad ang maleta at walang kahirap-hirap na pinagmasdan ang inembintong bagay ni Uno na siyang gumawa ng mga bagay-bagay na tamad siyang gawin.

Perfect!

Nang tuluyan maakyat ang kaniyang dalawang maleta, tinungo niya ang silid kung saan katabi lang ang master’s bedroom. Naka-lock ang guest room pero hindi problema ito, mabilis lang niyang nabuksan ang pintuan at pumasok.

Maganda ang silid at may kalakihan. Kulay puti ang dingding at dark blue ang kurtina. Pinche! Bukas na bukas din ay papalitan niya ang kulay ng dingding pati mga kurtina. She hates the color of it! Argh! She’s having goosebumps all over her body.

Kahit ang kulay ng kobre-kama ay puti. So dull! Gusto niyang magwala sa inis pero dahil unang araw niya ito at magandang araw ito para sa kaniya, kaya palalagpasin niya muna.

Agad siyang nagtungo ng banyo at tiningnan kung may malaking bath tub and to her surprise, wala! Nagpapadyak na sinara na lang niya ang pintuan pero kalaunan ay bigla rin napangiti. Well, meron na siyang rason ngayon para pumasok ng nakahubad sa silid ng lalaki.

Inisip ko pa lang, excited na ako! Ang lakas ng halakhak niya sa malanding naisip. Tama, mas okay na walang bath tub. Hindi problema ito sa kaniya. Ngayon pa lang, sobrang na-excite na siyang makasama si Jayvion 24/7. Kung saan ito, andoon siya. Kung matutulog ito, andoon din siya. Means, nakasunod siya rito 24/7.

NAPAHAWAK na lang sa ulo si Jayvion nang pumasok siya sa library room. Pinapakalma niya ang kaniyang sarili at ayaw niyang makita siya ng kaniyang anak na galit na galit. Pero ano ang kaniyang gagawin? Disedido ang babae na tumira sa kaniyang bahay at ngayon, gusto nitong maging yaya ng kaniyang anak.

Mapakla siyang natawa. Hindi ang katulad nito ang pwedeng humawak sa kaniyang anak. Panganib ang dala ng dalaga lalo na at miyembro ito ng Belladonna.

“Damn! I need to call Addavan.”

Agad niyang kinuha ang cellphone. Dalawa ang kaniyang organisasyon sinalihan: Dark X and SPHERE.

“Addavan!”

“Loud and clear.” Agad na sagot nito sa kabilang linya.

“She’s here.”

“Fuck!” Napamura ito at saglit niyang nilayo ang kaniyang phone. Masakit sa teynga ang reaksyon ng kaibigan.

“Yeah, she’s here. Aconite.”

“I’ll be there in a minute—”

“No.”

“K!” Agad itong nawala sa kabilang linya.

May pinindot siyang remote at biglang bumukas ang kabilang bahagi ng library room. Isa itong secret door patungo sa silid kung saan andoon ang gamit niya sa paglulutas ng mga kaso na binibigay sa kaniya ng dalawang grupo.

Hindi niya alam kung bakit at anong gusto ng babae. Unang tagpo lang ng kanilang landas ay sa Hospital ng kaniyang Tiyuhin na tinuring niyang pangalawang Ama. Ang buong akala ni Jayvion ay doon magtatapos pero may sumunod… Ang gapangin siya nito sa loob ng kaniyang silid mismo.

Damn!

NAKATAAS ang kilay ni Ramona habang naka-dekwatro ang kaniyang paa. Nakaupo siya sa sofa. Nasa loob siya ng silid ni Nadezhda habang ang bata ay naglalaro ng mga princess doll nito, siya naman ay bagot na bagot na gusto niyang pumatay ng kriminal.

Naikot niya na yata lahat ang kaniyang buhok at nabilang lahat ang mga dahon ng halaman sa loob ng silid nito sa sobrang bored. Unang araw niya sa pagbabantay at gusto niya ng umalis sa silid na ito!

Nakaalis na ang lalaki. Gusto man niyang sumunod, wala siyang magawa. Dapat first impression nito sa kaniya ay mabait siya at mapagkatiwalaan ng anak nito kahit kanina pa niya gustong takasan ang bata. Ya vali madre! Sayang ang kaniyang outfit na pula.

“Nanny, let’s play po?” Lumapit sa kaniya si Nadezhda habang kalong-kalong nito ang manikang halos kasinglaki nito.

Umismid naman siya sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya ng Nanny. Nanny like hello? Sa sobrang ganda niya? Napailing siya at tinuro ang space na sofa sa kaniyang tabi. Sinenyasan niyang umupo ito.

“Don’t call me Nanny, okay?”

“But Daddy said, I will call you Nanny po.”

Umismid siya tinanggal ang paa sa pagkadidekwatro. Linapit niya ang kaniyang mukha sa magandang mukha ng bata at tinitigan ito. Gusto niyang matawa nang makita ang kaniyang sariling repleksyon sa kislap ng mga mata nitong kulay light brown. Katulad ito ng kaniyang mata.

“Instead of calling me Nanny, why not ‘Mommy’, right?”

Namilog naman ang mata nito at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. “Talaga po? I can call you Mommy?!”

Ang lakas ng kaniyang halakhak. “Why not, sweetcakes? Mommy is way better.” Kinindatan niya ito. “Now, balik ka na sa paglalaro mo and don’t disturb your Mommy, okay?”

Tumango naman ito at sinunod ang kaniyang sinabi. Bumalik ito sa paglalaro mag-isa kasama ang mga manika habang siya at nagsimulang maghanap. May nabuong kalokohan sa kaniyang utak. Ngayon tinatawag na siyang Mommy ni Nadezhda, hihingiin niya ang picture na sinasabi nito na kamukha niya ang Ina nito at ikompara ang sarili.

“Hey, sweetcakes!”

“Po?”

“Let me see your Mom’s photo.”

“You mean my real Mom po?”

Tinatamad na tumango siya. Nakapameywang habang ang isang kamay ay naghihintay na iabot nito ang larawan sa kaniya. Tumalima naman ito at may kinuha sa ilalim ng unan nito. Oh yes, bakit `di niya naisip ang bagay na ito?

Inabot nito sa kaniya ang 4R picture. Nakangiting tinanggap niya ito para lang mapaismid nang titigan niya ang babaeng nasa larawan. Malabong kamukha niya ang babaeng walang ka-make up sa larawan. Duh!

Nakasuot pa ito ng hospital gown at walang kakislap-kislap ang mata ng babae. Nakatali ang buhok nito at malalim ang mata. Argh! Ito ‘yong mga mukhang ayaw niyang makita.

Mabilis niyang binalik sa bata ang larawan. Isa lang ang masasabi ni Ramona, hindi niya kamukha ang sinasabi nitong Mommy. But wait, muli niya itong kinuha sa bata. Tinitigan niya ang mukha ng babae at kinunan ng picture gamit ang cellphone. Ipapadala niya ito kay Uno at ipapahanap kung saan nagtatago ang sekretong asawa ni Jayvion.

“You two look alike `di ba, Mommy?”

Tiningnan niya lang ang masayang reaksyon ni Nadezhda. “You have another photo of your Mom?”

Umiling ito. “Kay Daddy po. Ayaw niyang may picture ako ni Mommy. Hate niya po.”

“Talaga?” Muli siyang umupo ng padekwatro sa sofa. Pinagmasdan niya ang larawan na sinend niya kay Uno. Mamaya pa siya rereplyan ng binata alam niya na iyon hangga’t wala siyang perang pinambayad. “Saan ba ang Mommy mo?”

“I don’t know po.” Binalik nito ang atensyon sa paglalaro ng manika. “Daddy said na ayaw niya kay Mommy kasi she’s bad and mean. She left me when I was a baby.”

“Aww, you poor child.” Inabot niya rito ang picture at muli itong tinago ni Nadezhda sa ilalim ng unan nito. “You miss your Mommy?”

“Sometimes po. But I have a new Mommy now and it’s you po.”

Ngumiti lang siya ng pilit para hindi na humaba ang usapan nila ng batang paslit. Apat na taon pa lang ito at ang daldal na! My God! Lumabas siya sa silid ng bata at deretsong tinungo ang kaniyang silid. May delivery siya ngayon galing sa kilalang Doctor.

Nagpadeliver siya ng dark red paint para sa wall. Red na kurtina, bedsheet, kumot and such! Lahat nang mga nakita niyang hindi kaaya-aya sa kaniyang mata, papalitan niya. Wala siyang pakiaalam sa rules na binigay ni Jayvion kanina bago ito umalis. Pasalamat ito at hindi siya sumunod. Nahirapan pa siyang matulog kagabi. Paikot-ikot siya at kung hindi niya pa tinabi si Aurora, hindi siya makatulog ng mahimbing.

“Hello, Aurora! Nabaguhan ka ba sa bahay natin ngayon?” Kinuha niya ang alaga mula sa bahay nito. Actually, ninakaw lang niya ang vivarium sa sala.

Totoo niyan, isa itong malaking aquarium na ginawa niyang vivarium. Nilipat niya ang limang gold fish at nilagay ito sa toilet bowl. Sinabihan niya na rin ang dalawang katulong na huwag na huwag itong magsumbong sa lalaki na nilagay niya sa toilet bowl ang mga isda. Sa takot ng mga ito sa kaniya, sabay-sabay na nagsitanguan ang mga ito.

“Yes, yes, I know excited ka lang.” Hinalikan niya ang ulo ng ahas at muli itong binalik sa loob ng bahay nito.

Eksakto naman nag-ring ang phone niya at text ito galing kay Dr. Quattuor. Sinasabi nitong nasa harapan na ito ng bahay at nilagay lang nito sa labas ng gate ang kaniyang pinasuyo.

Agad siyang bumaba at bago niya buksan ang pintuan, nag-register muna siya ng kaniyang mukha sa security lock na nilagay ni Jayvion. Natawa na lang siya dahil kahit doblehin pa nito ang ilagay nitong lock, alam niya pa rin kung paano pumasok lalo na ‘pag ito ang subject ng kaniyang obsession.

Isang malaking karton box aang kaniyang nakita sa labas, nakapatong ito sa trolley cart. Good. may isip naman pala si Quattour. Pero bago niya naipasok sa loob ng bahay ang karton box, humahangos na lumapit sa kaniya ang isang kasambahay at halatang takot na takot sa kaniyang presinsya.

“M-Ma’m Aurora!”

“Oh?”

“Si… Si Dr. Jayvion po, kausapin kayo…” Nanginginig ang kamay nitong inabot sa kaniya ang wireless phone at agad dumestansya.

“Hi honey!”

Isang mura naman ang nakuha niya kay Jayvion na kaniyang tinawanan lang. Masyado talagang high blood ang lalaki sa kaniyang kagandahan.

“Kakasabi ko lang kanina Aurora, hindi allowed ang kahit anong delivery sa bahay ko! Huwag mo akong hintayin na bumalik sa bahay ko at kaladkarin kita paalis mismo.”

“Ang init ng ulo mo.” Napairap siya sa hangin. Binigay niya sa kasambahay ang wireless phone pero naka-loud speaker na ito. Sinenyasan niya ang babae na sumunod sa kaniya.

“Aurora! Binabalaan kita.”

May sinabi ba ito? Oo pala meron, pero wala siyang pakialam. Nagpatuloy siya sa paghila sa trolley para maipasok sa loob ng bakuran ang box. Nagbigay pa ito ng babala kaya napilitan siyang buksan ang box at isa-isang nilabas ang mga item. Napapalibutan ng CCTV ang buong bahay kaya bahala na ito manood sa unboxing niya.

“Hindi ito mga improvised bombs o baril!” Nameywang siya. “Pero kung ayaw mo maniwala, pwede kang bumalik dito at tulungan mo akong magpinta sa guest room ng dark red. Kasi naman, Jayvion Gunn Hyzer! And dull ng kulay ng silid na pinagdalhan mo sa ‘kin. It makes me sick, thank you.”

“I warned you Aurora.” Ang boses nitong nangangalaiti. Hawak pa rin ng kasambahay ang wireless phone.

“Hanggang ilang warning ba meron?”

“Damn!” Nawala ito sa kabilang linya.

Habang siya ay nagkibit ng balikat at sinenyasan ang kasambahay na bumalik na ito sa loob ng bahay. Siya na ang bahala. Pinasok niya sa loob ng bahay ang box kahit bawal. So what? Gusto niyang magpinta ng buong silid. Isa pa, binabantayan niya si Nadezhda kahit hindi niya feel magbantay. Mabuti at mabait ang bata at nakikinig sa bawat utos niya.

“Mommy!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.