Dominant Series 8 - Indestructible Chapter 30

“Good morning!”

Awtomatikong nabunot ni Ramona ang kaniyang baril sa ilalim ng unan at pinutok iyon sa taong nagsasalita. Body instinct niya ito kaya ayaw niyang may kasamang matulog sa iisang silid. Nakakapatay siya ng tao lalo na ‘pag bagong gising at may dumedisturbo sa kaniyang tulog.

“What the fuck!”

Biglang luminaw ang kaniyang pandinig at nawala ang kaniyang antok na naramdaman. Kaagad siyang napabangon at nakatutok pa rin ang kaniyang baril sa lalaking kilala niya, si Jayvion. Ang lalaking kagabi lang ay inalipin niya sa kama. Hmm not bad, sobra siyang kasiyahan.

“You almost got me.” May asik ang kalmadong boses ng lalaki. Nakasandal ito sa dambana ng kaniyang pintuan at nakahalukipkip ang kamay. Wala itong suot na mask at nakakatunaw ang kagwapuhan nitong walang taglay ng kastriktuhan o kabayabangan ngayon. Inosenteng gwapo, pwede!

“What are you doing here?” Hindi siya nag-abalang ibaba ang baril na hawak. Isang kalabit lang niya sa trigger at babagsak itong dilat ang mata.

Mahigpit ang security ng kaniyang bahay. Inisip niya kung paano ito nakapasok lalo na at walang nakakaalam na ang nakatira sa bahay na ito ay siya!

“I know that looks.” Humakbang ang binata papalapit sa kaniya. Umupo ito sa sofa. “Bakit ako nakapasok sa bahay mo. Ganiyan din ang tanong ko kagabi. But now I’m here, dinala ko lang ito.” Nilabas nito mula sa bulsa ang lace panty niya.

“Ah, that?” Binaba niya ang baril at muling humiga sa kama. “Take that as a souvenir. Mabango ‘yan and you can play that too habang naglalaro ng manhood mo. For now, umalis ka at iba ako ‘pag nadidisturbo ang tulog. Kumakatay ako ng tao, I tell you.” Muli niyang pinikit ang mata para matulog.

Narinig naman niya ang mahinang pagtawa nito at nang buksan niya ulit ang kaniyang mata, nasa pintuan na ang lalaki at inamoy ang panty niya.

“Smells like... You.” Tumingin ito sa kaniya. “And last thing, I don’t what to see you roving on my house again. Kagabi ang huli mong apak sa bahay ko.” Sinabit nito sa doorknob ang kaniyang underwear saka ito umalis at sinara ang pintuan ng kaniyang silid.

Tumaas ang kaniyang kilay nang makita ang undies niya sa doorknob. Nagkibit siya ng balikat. Talaga lang, ha? Hindi siya naniniwalang kagabi lang ang huling apak niya sa bahay nito. Dapat nag-isip ito bago siya nito tinulungan sa misyon niya.

Nasanay siyang siya lagi ang mag-isang gumagawa. Walang tumutulong sa kaniya na pumatay ng kalaban. Dapat, nakipaglabanan ito ng barilan sa kaniya hanggang isa sa kanila ang namatay. Dahil sa ginawa ng lalaking nagngangalang Jayvion, nakuha nito ang kaniyang interest. Nakuha nitong gisingin ang kaniyang natutulog na attraction. Higit sa lahat, nakuha nitong gisingin ang kaniyang katawan.

Matagal ng panahon siyang may naka-sex. Isa iyong fire baptism para sa kanilang mga assassin. Hindi sila magiging ganap na assassin kung hindi sila dadaan sa gano’n proseso. Sinusuko nila sa isang tao ang kanilang pagkabirhen saka sila sasabak sa totoong mundo. Kaya lahat silang Belladonna, hindi na mga birhen.

Desi-otso siya nung nawala ang kaniyang pagkabirhen at iniyakan niya rin ang bagay na iyon pero pagkatapos, naging mas matapang siya. Mas naging agresibong pumatay at sa una niyang misyon, torture sa malinis na paraan ang kaniyang ginawa sa biktima.

Pero wala siyang naramdamang pagsisisi o awa. Dahil din siguro sa tuwing may misyon sila noon may ini-enject sa katawan nila na isang pulang likido. Pero sa ngayon, hindi na siya nagpapa-inject ng likidong iyon. Gamay niya na ang trabaho at hindi niya na kailangan pa ang drugs na tinuturok sa kanila. Wine lang, sapat na! Ibang level ng drugs ang binibigay ng wine sa pagkatao niya. Sa wine, naaalala niya ang lahat. Lahat ng kaniyang kabataan.

Pinikit niya ang kaniyang mata at bumalik sa naudlot na tulog. Nagising lang si Ramona sa ingay ng phone niyang nakalimutan niyang i-silent. Napaikot ang kaniyang mata nang makita ang code name ng kanilang leader.

“Si?” Nagsalita siya gamit ang lenggwaheng spanish. Sa uri ng kanilang profession, alam niya paano magsalita ng sampung lenggwahe kasama ang Mandarin at French.

“Are you going to report or not?! Don’t try me, Ramona.”

Nag-ikot siya ng mata. Masyado pang maaga para makipagplastikan sa mga kapwa niya assassin.

“Todavia tengo sueño.” I’m still sleepy.

“Dormiras en el infierno, si no te muestras, Ramona.” You will sleep in hell, if you won’t show yourself, Ramona.

Natawa siya. Dinig na dinig nito ang malakas niyang halakhak saka niya ito pinatayan. Buo na ang kaniyang araw. Agad siyang bumangon at nagtungo sa banyo para mag-shower. Napangiti siya sa kaharutan na ginawa niya kagabi kay Jayvion. Masarap ang lalaki! Gusto niyang ulit-ulitin iyon but not now, marami pa siyang gagawin.

Dahil pinatawag siya ni Raquel, panibagong assignment ito and she’s much excited! Mga ganitong bagay na lang ang nagbibigay ng excitement sa kaniya plus... Not to mention, ‘yong pinagsaluhan nilang sarap ni Jayvion, na nahiya pang gawin collection ang kaniyang Victoria secret panty.

Well, may asawa ang lalaki and that makes her, what? Mistress? Nah, tinikman niya lang. Hindi niya pa totally inangkin kaniya pero may plano siya. Alam niya na ang totoong pangalan ng lalaking Doctor ay Jayvion Gunn L. Hyzer. The middle name stands for Lacro. Pinoy ang lalaki pero mas nangibabaw ang dugong Germany nito mula pa kanununuan. And it’s nice! Meztiso ang lalaki. Yummy pa! Tuloy, naglaway ang kaniyang bagang na tikman ulit ito but not now. Maybe later or depends.

Paano niya nalaman na hindi ito Usuro? Her instinct told her so. Hindi totoong Usuro ang apelyido nito. Trick lang ito ng lalaki lalo na at walang nakakaalam ng mga board members nito na ito ang nagmamay-ari mismo ng Hyzer Medical Groups.

Aww, masyado itong private na tao or whatever! Ganiyan siya kapag gusto niya ang isang bagay, inaalam niya lahat in her own dirty ways. May mga taong gumagawa sa kaniya at nagbibigay ng impormasyon minsan for free, minsan naman milyon ang bayad lalo na pagdating kay Uno. Kung hindi lang magaling ang utak ni Uno, nungkang lalapitan niya ang binata.

Matapos siyang maligo at inayos ang sarili, tinungo niya ang kaniyang sasakyan sa parking lot. May tatlo siyang sasakyan nando’n pero mas pinili niya ang kaniyang ginamit kahapon. Deretso niyang pinasabad ang kaniyang sasakyan na automatic na nag-iiba ng plate number at kulay.

“What a wonderful day! Panibagong assignment, panibagong papatayin ulit!” Nag-unat siya ng kamay at malawak ang ngiting napatingin sa bawat establishementong nadadaanan.

Marami na rin siyang pinatay at ninakawan ng pagkakataon mamuhay ng normal. Especially, mga taong kumukulo ang kaniyang dugo. Kahit hindi niya trabaho, siya ang umaangkin lalo na ‘pag nalalaman niyang mas maitim ang budhi keysa kaniya. Oh, it gives her chill! Mga ganiyang tao ang pinakagusto niya sa lahat na kitlian ng buhay. Nakakadagdag thrill kapag lumuluhod at nagma-makaawang huwag patayin.

“I’M here.” Walang kagana-ganang saad ni Ramona nung pumasok siya sa office ni Raquel. Bahagya siyang nag-unat. Hindi siya nag-abalang tanggalin ang suot niyang sunglasses.

Nakatayo ang babae paharap sa glass wall kung saan makikita ang malawak na lupain sa labas. Kaya siya tinatamad na pumunta sa base nila, maliban sa malayo sa kabihasnan, pahirapan pa ng byahe. Tatlong oras din ang binyahe niya!

“I see.” Bumaling ito sa kaniya at maarteng naglakad pabalik sa swivel chair nito. Umupo ito habang hawak sa isang kamay ang sigarilyo na hindi pa nasisindihan.

“No me digas que voy a encender eso?” Nakataas ang kilay na tanong niya. Ang ibig niyang sabihin ay ang sigarilyo nito na nais yatang ipasindi sa kaniya.

“Don’t bother.” Kinuha nito ang lighter sa ibabaw ng mesa nitong gawa sa makapal na salamin at nagsindi ng sigarilyo. Maarteng hinithit nito ang sigarilyo at nagbuga ng usok.

Nag-ikot siya ng mata. Hindi siya mahilig sa cigarettes. “Kung wala ka naman palang matinong sasabihin, aalis na ako. Alam mong ayaw kong makita ‘yang pagmumukha mo, Raquel.” Akmang tatayo siya nang pigilan siya ng babae.

“Matigas ang ulo mo. You need to lie low, Ramona. Masyado kang mainit sa mata ng batas, lalo na sa mata ng ibang organisasyon! Ang utos, isang target at hindi lahat ng taong makita ay patayin mo. Now, as your Superior and Boss, isang buwan kang walang assignment na makukuha sa organisasyon na ito. Ang lahat na ipapagawa ko sa ‘yo ay sa ibang Belladonna ko ibibigay. Magaling ka nga, pero napapansin kong tumutulis na ang sungay mo. Hindi lang isang beses mo itong ginawa, tatlong beses na, Aconite.” Diniin ni Raquel ang hindi pa nangangalahating sigarilyo sa ashtray. “You can leave.” Kumuha ito ng panibagong sigarilyo at nagsindi. Maarteng bumuga ito sa kaniyang harapan.

Nagkibit lang siya ng balikat matapos marinig ang sinabi ni Raquel. Tinatakot ba siya nito? Oh bitch, nice try. Kaya niyang pumatay ng walang assignment-assignment na galing sa Belladonna.

Taas-noong naglakad siya papalabas sa office nitong kulay itim lahat ang kulay. Kung anong obsess niya sa kulay pula, ganito naman ito sa kulay itim. Nakasalubong pa niya ang isa sa kasamahan nilang Belladonna at hindi pinansin ito. Hindi nagpapansinan sa madaling salita. May kaniya-kaniya silang mundo.

Deretso niyang tinungo ang Hospital kung saan nando’n si Dr. John Usuro. Pero ang totoo, si Jayvion ang kaniyang gustong makita at ipaalala sa lalaki ang ginawa nilang kababalaghan sa ibabaw ng kama nito.

“Aurora?” Nagulat ang matandang Doctor na makita siya.

“It’s me!” Maarteng umupo siya sa sofa ng office nito at agad hinanap ng kaniyang mata ang wine.

“Napabisita ka?”

Ngumiti lang siya nang matamis. Si Dr. John Usuro ay tiyuhin ng lalaking binaliw niya kagabi pero ang pagkakaalam ng lahat, anak nito ang lalaki. Confidential ang buhay ni Jayvion kaya limitadong tao lang ang nakakaalam sa totoong buhay nito. Hindi na siya nagtaka kung Lacro ang middle name ni Jayvion at hindi Usuro. Simple lang, adopted ang Ina nito.

And speaking of confidential, hindi niya pa nakita ang asawa ng lalaki. Gusto niyang makita kung anong hitsura ng asawa nito at ikumpara ang sarili kung sino ang mas maganda sa kanila, though alam niyang siya ang mas maganda.

“Yeah, nandito ba si Dr. Jayvion?”

Nagulat naman ito sa kaniyang sinabi. Para siyang nagtanong ng isang imposibleng bagay. “How did you know my son’s name?”

Nagkibit lang siya ng balikat. “Why not? Gwapo si Jayvion. Hindi kayo magkamukha. Anak mo ba talaga siya?”

Napaubo naman ito sa kaniyang deretsahang tanong at napailing. Sandali itong tumayo at kinuha ang kaniyang paboritong wine.

“Walang lason ‘yan,” saad nito nang iabot sa kaniya ang kopita.

Nagkibit siya ng balikat at sinimsim ang wine. Hindi naman siya takot sa lason, alam niya ang amoy at kulay ng lason ‘pag hinahalo sa wine. Minsan umaatake lang ang trust issue niya sa isang bagay. Lalo na at gawain niya ito.

“So, saan ang anak mo?” Muli niyang tanong.

“Nasa anak niya.”

Biglang nagliwanag ang kaniyang mata sa narinig. Pwede sa matandang Doctor na ito niya malalaman ang impormasyon na ayaw ibigay sa kaniya ni Uno. Mukha kasing pera si Uno. Bawat impormasyon ng tao, may katumbas na bayad. Ang mahal pa ng mga inumin nito sa bar.

“Oh!” Kunwari ay nagulat siya. Umarte siyang disappointed sa nalaman. “May anak na pala siya? Sayang naman at may asawa na siya. I like him.”

Natawa naman ito at bumalik sa kinauupuan nitong swivel chair. “You are not his type, Aurora, sinasabi ko.”

Nag-irap siya ng mata. “Like the hell I care?” Tinungga niya lahat ng laman ng wine. “Masarap!” Napapikit pa siya. Naalala niya ang ginawa nilang laru-laruan kagabi ni Jayvion. “Maganda ba ang asawa niya?”

Hindi nakaimik ang matanda at napabuntong-hinga. “Honestly speaking Aurora, matagal ko ng hindi nakikita ang asawa niya. Simula nung naisilang si Nadezhda, hindi ko na nakita pa ang asawa ni Jayvion.”

Nadezhda? Out of nowhere, napangiti siya. Nadezhda is a Russian name for ‘Hope’.

“So, you mean, pwede ko siyang sulutin?”

Napaubo ito sa kaniyang sinabi at gulat na gulat na tumingin sa kaniya. “You’re out of your mind, Aurora.”

“Why not? Ang sabi mo, hindi mo nakita ang asawa niya? So, I have the reason to steal him, right? Gusto ko ang anak mo, and I want him so bad.”

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Hindi ikaw ang tipo ng babaeng magugustuhan niya, Aurora. Kilala ko ang anak ko, mahal na mahal niya ang Ina ng kaniyang anak. Baka iiyak ka lang tulad ng mga babaeng sumubok na pumasok sa buhay niya.”

Napaismid naman siya. Sasabihin ba niya sa matanda na may nangyari sa kanila kagabi ni Jayvion at halos mabaliw ito sa bawat giling na binigay niya?

“Wait, naalala ko Doc. Hindi ba pinatawag mo ako nung nakaraan araw?”

Natigilan naman ito at sandaling napasandal sa kinauupuan. “You mean, tatanggapin mo ang alok kong iyon?”

“Si Dr. Jayvion, right?” Malakas siyang napahalakhak. Pinag-isipan niya na ito kanina pa nung papunta siya sa office ng matanda. “Yeah, kahit hindi ko pa alam kung anong klaseng alok iyan. I just want steal your son, Jayvion. And besides, tatlong anak lang ang meron ka. Dalawang babae na parehong Doctor and you mentioned before was ‘son’, kaya si Jayvion ito and I know it. Give him to me. Wala akong gagawin sa loob ng buwan na ito. Kailangan ko ang anak mo.”

Napanganga na lang si Dr. John Usuro sa deretsahang saad niya. Hindi siya mahilig magpaligoy-ligoy pa at tumatakbo ang kaniyang gintong orasan.

“I take that silence as yes.” Tumayo siya. “Good bye Doc! Babalik ako rito bukas para magsimula and pa-send sa ‘kin sa email ang detalye.” Hindi niya na hinintay na magsalita pa ito, tinungo niya na ang pintuan at lumabas doon.

“Wait, Aurora!”

Napairap lang siya sa hangin. Inikot niya ng isang beses ang panigin kung nasa paligid ba ang lalaking gumulo sa kaniyang isipan pero hindi niya ito nakita. Ngumisi siya. Hindi siya dapat ma-disappoint lalo na at si Jayvion na ang kaniyang misyon ngayon.

Akin ka lang, Jayvion.

Ang lakas ng halakhak na kaniyang pinakawalan na siyang kinalingon ng mga staff sa kaniya. Sinamaan lang niya ang mga ito ng tingin at maarteng naglakad sa malawak na hallway. Pakialam niya sa mga ito?

Sorry honey, alam kong kagabi ang simula ng lahat sa ‘tin and I will not stop until makuha kita ng buong-buo. Hindi lang katawan. Gusto ko pati kaluluwa mo, Jayvion Gunn Hyzer. To think na ang sarap mo rin sa kama…

“HOW did you—”

“I’m with your Dad.” Mabilis na pinutol ni Ramona ang anuman sasabihin ni Jayvion. Nasa pamamahay sila ng lalaki. Mas dumoble ang security lock ng bahay nito ngayon pero dahil kasama niya si Dr. John Usuro, mabilis siyang nakapasok.

Maaga pa lang kanina, nagpunta na siya sa office ni Dr. John Usuro na may dalang dalawang maleta. Napailing pa ito at tinanong siya ng matanda kung bakit hindi niya iniwan sa kaniyang sasakyan ang kaniyang maleta. Tinawanan niya lang ang matanda.

Napagkasunduan nila sa araw na iyon na siya ang magiging bantay ng apo nitong si Nadezhda. Marami na raw sumubok na maging personal yaya ng bata pero lahat inayawan ito ng anak ni Jayvion. Kung hindi ang bata, si Jayvion mismo ang umaayaw.

Ayaw niya sana, dahil ang gusto talaga ni Ramona ay ang Ama nung bata. Hindi siya marunong mag-alaga at mas lalong wala siyang hilig sa mga bata! Ang gusto niya ay si Jayvion.

“Kung gusto mong masulot si Jayvion, kailangan mong dumaan sa anak niya. Iyan ang pinakamabilis na paraan, Aurora.”

Napailing siya sa boses na ume-echo sa kaniyang utak. Ito ang huling usapan nila ng matanda bago sila pumasok sa malaking bahay ni Jayvion.

“My father?”

“Uh, yeah? Dr. John Usuro? Sino pa ba Ama mo, maliban na lang kundi `di mo siya totoong Ama.”

Tumalim ang mata nito. Agad nitong hinawakan ang kaniyang braso at hinila palabas sa library room kung saan naabutan niya itong may binabasang dokumento. Did she mention na alam niya ang pasikot-sikot sa bahay nito, kasama ang mga secret doors? At imbes na masaktan sa paraan ng pagkakahawak nito, hindi siya nagreklamo. Nakakalokong ngumiti siya habang nakasunod sa lalaki. Gustong-gusto niya ang nakikitang galit sa mata nito na parang isa siyang pagkain na sabik na sabik nitong kainin anytime!

“Dad!” Nasa itaas sila ng hagdanan nang tawagin ni Jayvion ang Ama nito.

“Good morning, son! Ipapakilala ko pala si Auro—” Natigilan ang matanda nang makita siya nitong hawak-hawak ni Jayvion sa braso. “Aurora?”

Tumango siya at ngumiti nang matamis. Sandali lang siyang iniwan ni Dr. Usuro sa sala dahil may tumawag na staff sa phone nito at ginamit niya iyon para makatakas saglit. Hindi niya naman kasi inakala na nasa Library Room si Jayvion at nagbabasa.

“Ikaw ba ang nagdala sa babaeng ito?” Galit na sinulyapan siya ni Jayvion. Nagtatagis ang mga bagang.

“Yes. Gusto niyang mag-apply bilang personal yaya ng anak mo.”

“See? Trabaho pinunta ko rito.” Binawi niya ang kaniyang braso at naunang bumaba. Nang makita niyang hindi sumunod ang lalaki sa kaniya, sandali siyang huminto at nakataas ang kilay na lumingon kay Jayvion. “Ayaw mong bumaba? Handa akong makinig sa Do’s and Don’t’s mo sa bahay na ito doon sa sofa.” Tinuro niya ang sofa sa sala.

“Leave my house.” Matalim ang matang saad nito. Nangangalaiti ito ngayon sa galit.

Mas lalo siyang ginanahan na pagmasdan ang lalaki kapag nagsisilabasan ang mga ugat nito sa leeg. Mas lalo siyang natu-turn on! Ang lakas ng dating nito.

“Nah, come on! Hindi ganiyan tumtrato ng applicant. Be professional, honey.”

Mas lalong nangalaiti ito sa galit. Malalaki ang hakbang na ginawa nito at nang makalapit ito sa kaniya, hinaklit nito ang kaniyang braso at hinila pababa ng hagdanan. Imbes na magreklamo sa paraan ng pagkahawak nito, natawa na lang siya. Ito ang gusto niya sa mga klase ng lalaki. Submissive tapos biglang nagiging aggressive and vice versa.

“Go back to where you belong, Aconite!” Tinulak siya nito nang tuluyan na silang nakababa sa hagdanan. Tinuro nito ang pintuan.

Mabuti na lang at mabilis niyang naagapan ang sarili kaya hindi siya natumba. Inaasahan niya ng gagawin nito iyon. “Shh… Nobody knows that I am the Aconite of Belladonna. Ikaw palang, Jayvion Gunn Lacro Hyzer…” pabulong na saad niya rito sabay kindat.

Pumagitna ang Ama nitong Doctor pero sinenyasan ito ni Jayvion na huwag muna itong makialam sa kanila. Habang siya ay nakangiti lang nang matamis. Kung inaakala ni Jayvion ay matatakot siya nito sa pinapakita nitong karahasan sa kaniya, oh dear, d’yan siya mas lalong nagiging aggresibo!

“Bukas ang pintuan ng bahay na ito para umalis ang taong kagaya mo.” Muling hinaklit nito ang kaniyang braso at giniya siya papuntang pintuan.

“Jayvion!” Si Dr. John Usuro ito.

Hindi siya nagreklamo. Wala lang, natutuwa siya sa pinapakitang galit ni Jayvion. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ito. Siguro dahil sa kagandahan niyang nag-uumapaw at natatakot itong sulutin niya ito sa asawa nito. Well, iyon nga ang kaniyang plano.

“Maghanap ka ng ibang aplikante, Dad. Hindi ko kailangan ang mga taong tulad ng babaeng ito.

“Pero—”

“Daddy?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.