“Ibaba mo nga ako!” Nagpipigil siyang gumawa ng eksina. Kaya kahit umusok na ang kaniyang ilong at gusto niyang magwala sa nakakahiyang eksenang ginawa ni Gheron, wala siyang magawa kundi ang hinaan ang boses para hindi sila masyadong makatawag-pansin sa mga taong nando’n.
“I won’t,” kkangising saad nito at balewala rito ang kaniyang bigat. “You will go with me instead of taking that taxi.”
Mas lalong napanting ang kaniyang teynga. Kulang na lang ay hampasin niya ang ulo nito gamit ang kaniyang kamay pero hindi niya magawa. “Gheron. Ibaba. Mo. Ako.”
“My name sound so sexy. Do it again.” Ngumiti ito at kinindatan siya.
Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya makuha ang ibig sabihin nitong sexy.
“Say, ‘Gheron ibaba mo ako please,’ again.” Ang lawak nang ngiti nito. Pwede na siyang lunukin.
“Isa!”
“Alam mo nung nag-aral ako sa primary school, ang teacher namin ang takot ‘pag ako ang nagbilang.” Nagsimulang humakbang si Gheron na pangko-pangko siya at balewala rito ang paninilat niya ng mata. “Pero ngayon ikaw nagbilang, nanginig ang katawan ko. Pati puso ko, kinikilig din. Isa pa nga, Marie?”
Isang malakas na suntok sa dibdib ang kaniyang binigay rito pero tinawanan lang siya ni Gheron. Wala itong balak na ibaba siya.
“Nakisakay ka sa ‘kin papuntang Furano, kaya makikisakay ka rin sa ‘kin pabalik. Huwag matigas ang ulo. Maraming nasasaktan d’yan,” simpleng saad ni Gheron matapos siya nitong ibaba sa harap ng delivery truck. “At huwag mong susubukan na pumara ulit ng taxi, sasabihin ko ito kay Team Leader na maarte ka at hindi mo nagustuhan ang truck ng kompanya.” Ngumisi ito na lalong ikinainis ng kalooban ni Marie pero hindi na siya umimik pa.
Sa isip na lamang niya ito pinapatay. Madilim ang mukhang sumakay siya sa truck na hindi umiimik. Kung anong daldal ni Gheron sa kaniyang tabi, gano’n ang pananahimik niya sa isang tabi.
“Bagay sa ‘yo minsan ang ngumiti, alam mo ba ‘yon?” untag sa kaniya nito nang simulan nitong paganahin ang makina ng sasakyan. Hindi man lang nito naramdaman na bwesit na bwesit na siya sa presinsya nito ngayon. “Nagugutom ako,” mayamaya’y saad nito habang nasa kalsada ang mata.
Walang tugon mula sa kaniya. Wala siyang pakialam kung maubos ang laway nito sa kakasalita. Hindi niya pa rin matanggap ang salitang binuhat siya nito para lang sumakay pabalik sa truck.
Humanda ka sa ‘kin mamaya! Nagkukot ang kaniyang kalooban. Wala nga nakakalapit at nakakahawak sa kamay niya, tapos itong lalaki na bagong salta sa Japan at isang hamak na magsasaka lang ay may ganang hawakan siya na gano’n-gano’n na lang?
“Pagkatapos natin maideliver itong mga prutas, daanan natin ‘yong paborito kong kainan do’n sa Saiwaicho.”
Tumalim ang kaniyang tingin nang bumaling siya rito. Sinong nagbigay ng permisyon rito na sasama siyang dadaan sa sinasabi nitong kainan?
“Sama ka?” Ngumiti ito ng nakakaloko sa kaniya.
Binalik niya ang kaniyang tingin sa bintana ng sasakyan. Hindi man lang ito napapagod sa kakangiti. Para itong aso. Napatingin siya sa kaniyang cellphone nang tumunog iyon. Agad niyang tiningnan kung sino kahit alam niyang ang kapatid niya ito.
Ate, napadala mo na ba? Kailangan ko ng pera ngayon na mismo. Walang pera si Mama, alam mo naman ‘yon. Kahit may pera rin ‘yon ‘di ako bibigyan.
Sandali siyang huminga ng malalim bago nagsimulang tumipa sa touch screen phone niya, na ilang gamitan na lang at susuko na ito. May mga crack na rin ang screen pero gumagana pa naman at nagagamit kaya okay lang. Ang mahalaga, nagagamit niya sa pag-contact sa probinsya.
Naghulog na ako sa Bank. Ando’n lahat ng kailangan niyo. Pakikumusta na lang din ako ulit kay Mama.
Sinend niya iyon matapos niyang itipa. Naghintay siya ng ilang segundo kung magrereply ba ang kaniyang kapatid matapos ma-seen nito ang kaniyang message.
“Kapatid mo?”
Hindi siya umimik sa naging tanong ni Gheron. Nanatili siyang naghintay sa reply ni Marites pero hindi na ito bumalik. Bigla na itong nag-out at lihim na lamang siyang napabuntong-hinga.
“I know that face,” muling saad nito. Wala yata itong balak mapagod sa kakatanong at kakasalita sa tabi niya habang nagmamaneho. “They’re using you.”
Agad nagpanting ang kaniyang teynga sa sinabi ng lalaki. Matalim ang matang tiningnan niya ito. “Kung wala kang alam, tumahimik ka na lang.”
Tumango ito at nagkibit ng balikat. “Some people, are in your life just because things are going good for you. But when everything goes bad, they are nowhere to be found. Sa madaling salita, naalala ka lang kapag may kailangan sila. Kapag naibibigay mo ang gusto nila, wala na. Saan sila? Pero kung ikaw na, wala. Wala na para sa ‘yo.”
“Pinagsasabi mo?”
“Wala.” Kinindatan lang siya nito nang sulyapan siya.
Tiningnan lang niya ng walang gana ang lalaki saka binalik ang tingin sa bintana. Tinago niya sa bulsa ang kaniyang lumang cellphone at nagbilang sa isip kung ilang kilometro pa ang layo nila at kating-kati na siyang bumaba.
“I guess, they love you,” panimula nito, “May pera ka, eh. Diyan mismo nababase ang pagmamahal ngayon, pamilya man o hindi. People will love you depends on what you give. Depende kung marami kang pera.”
“Will you please stop?” Hindi makatiis na putol niya habang nasa labas pa rin ang kaniyang tingin. Naririndi na ang kaniyang teynga sa boses nito. “Kung wala kang balak tumahimik, mag-pakamatay ka na lang.”
“Kung magpapakamatay ako, isa ka sa iiyak.”
Lihim siyang nag-ikot ng tingin at pinikit ang mata. Hindi sila magkakilala. Hindi niya ito kilala at hindi ang tulad nito ang magpapakulo hanggang langit sa dugo niya.
Ilang sandali pa ay naramdaman niyang huminto sila. Hindi na siya nagbukas ng mata para tingnan kung saan sila. Alam niyang dumating na sila sa isang malaking tindahan kung saan idedeliver itong mga prutas na dala nila.
“Matulog ka muna d’yan, dahil mamaya gigisingin kita sa halik—”
“Subukan mo lang,” banta niya nang tingnan ito,
“Ikaw naman, hindi talaga mabiro.” Tumatawa-tawa itong bumaba at nakuha pang kumindat sa kaniya.
Dumaan ang isang oras bago sila nakaalis do’n. Buong akala niya ay babalik na sila sa Farm, nagkamali siya. Dahil sineryuso nga ni Gheron ang gusto nitong pumunta sa Saiwaicho. Tumaas ang kaniyang dugo nang makita ang pangalan ng hinintuan nila sa Saiwaicho. ‘Furano Patisserie Tronc’.
“Baba ka na, kakain lang tayo saglit sa loob.” Mabilis na sabi nito nang bumaba at umikot para pagbuksan siya ng pintuan.
Tiningnan lang niya ito at hindi pinansin ang sinabi ni Gheron. Kumain ito mag-isa! Hindi siya mahilig sa mga pastry food. Wala siyang kahilig-hilig sa matatamis.
“Kapag ‘di ka bumaba d’yan, bubuhatin kita sa ayaw at sa gusto mo.” Ngumiti ito nang nakakaloko at sa ngiti pa lang nito, mukha itong manyak.
Agad tumalim ang kaniyang tingin dito at nagsimulang magtaas ng boses. “Isusumbong kita kay Mrs. Ajinomoto!”
Sandali naman itong natigilan at nagwagi siya sa parteng iyon pero mabilis din nawala ang kasiyahan niya nang ngumisi si Gheron.
“That old woman won’t believe you,” kampanteng sagot nito na parang siguradong-sigurado. “Ngayon, bababa ka o bubuhatin kita? Ah, mas mabuting buhatin kita at baka nga napagod ka sa byahe natin. Kasama mo ba naman ay gwapo at macho, talagang mapapagod ka. Lika na Marie, buhatin na kita.” Nag-alay pa ito ng kamay.
Isang nakakamatay na irap ang kaniyang binigay rito at akmang isasarap pabalik ang pintuan ng sasakyan nang harangan iyon ni Gheron. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. Ngiting aso.
“Ipipitin kita, binabalaan kita.”
“Sa gwapo kong ito?”
“Alis!” nagtitimping wika niya. Kulang na lang, magsilabasan ang ugat sa kaniyang leeg.
“No.”
“Isa.” Tumaas na ang kaniyang boses.
“Kailangan ko rin ba magbilang ng dalawa?”
Okay. Wala siyang choice. Ngumiti siya at bago pa nito napaghandaan ang kaniyang gagawin, bigla niyang sinara ang pintuan pero siya itong napunta sa kamay ni Gheron. Isang iglap lang ay pangko-pangko na siya nito na hindi niya alam kung bakit at kung paano!
“Ibaba mo ako!!!” napasigaw siya.
“Shh… Pinagtitinginan na tayo sa kaingayan mo.” Nakakalokong saad nito habang humakbang papasok sa loob ng pastry house.
“Gago ka talaga!” asik niya rito at nagpipigil na gumawa ng eksena. Siya ang nahihiya! “Ibaba mo ako o hindi?” Ginamitan niya ito ng warning tone at imbes na matakot ito, ningitian lang siya nito ng nakakalaglag panty.
“Ito na. Kalma ka lang d’yan.”
Hindi siya nakaimik nang makitang nasa loob ng sila ng Pastry house at binaba siya nito sa upuan nando’n malapit sa may salamin dingding. Halos lumubog siya sa hiya nang makitang sa kanila halos nakatingin ang mga customer.
“Bwesit ka talaga!”
Ngumiti lang ito at nagkibit ng balikat. “Gusto ko lang tikman ang cookies nila dito.”
Hindi siya nag-abalang tumugon. Kalalaking tao nito tapos mahilig sa matatamis? Nagkukot ang kaniyang kalooban at napahalukipkip. Nakadalawa na ang lalaki sa kaniya sa pagbuhat at sa susunod na uulitin pa nito ang pagbuhat sa kaniya, mag-asawang sampal na ang aabutin nito sa kaniya.
“Alam kong hindi ka mahilig sa matatamis, kaya kape na lang.” Bumalik ito at may dala na itong kape para sa kaniya.
Hindi pa man, natatakam na siya sa masarap na amoy ng kape pero hindi siya iinom sa kapeng inorder nito. Baka magkaroon pa siya ng utang na loob dito at sisingilin siya pagdating ng araw.
“Ba’t ka nakatitig sa ‘kin ng ganiyan? Masyado ba akong gwapo at hindi ka makakurap?” At binigyan siya nito ng isang kindat na pinandidirihan ni Marie.
Tiningnan niya ang sinasabi nitong kagwapuhan, maliban sa nakikita nyang isa itong may dugong foreigner, wala ng ibang special dito. Wala siyang makitang iba. Gwapo? Sige, aminin niya na marami na siyang nakilalang gwapo pero walang ne isang tumatak sa kaniyang isipan.
Tumayo siya para lumabas nang pigilan siya nito.
“Oh-oh, masyado ka naman sensitive sa kagwapuhan ko kung gano’n.”
Mas gugustuhin niyang manatili sa loob ng truck at hayaan itong magpakalunod sa maraming matatamis na pagkain at kape.
“Huwag ka nga umarte na akala mo magugustuhan kita!” angil niya kay Gheron.
Bahala na kung mapatingin sa kanila ang mga taong nando’n total ito naman ang gusto ng lalaking makapal ang mukha na kasama niya. Nagkaroon lang ito ng pagkakataon na isama siya rito dahil sumama siya papuntang Furano City. Kung nagkataon na nasa farm sila, ipapahiya niya ito at wala siyang pakialam kung maraming magagalit na kasamahan niya sa kaniyang gagawin.
“Do you wanna bet?” Ngumisi ito.
“Anong ipupusta mo kung isa ka rin mahirap na magsasaka?”
“Hindi pera ang ipupusta natin.”
Kumunot ang kaniyang noo.
“Kundi puso mo.” Nagningning ang mata nito nang sambitin nito ang katagang iyon. Kinilig pa ito. “Pustahan, darating ang araw magugustuhan mo ako, Marie. Kapag dumating ang araw na iyon, pati puso mo mahihirapan kang kalabanin. Gugustuhin mo rin ako at ako ang titibag ng malaking pader na hinarang mo sa mga lalaking gustong pumasok sa buhay mo.”
Napapantastikuhang napatingin siya dito at hindi mapigilang matawa nang nakakainsulto. “Bago mangyari iyon, papatayin ko na lang sarili ko. Hindi ikaw ang lalaking mamahalin ko. Isang hamak na mahirap at magsasaka! Tingnan mo nga ‘yang suot mo? ‘Yang mga dumi na nasa kamay mo. Nagpapatunay na hindi ka ang lalaking magpapatibok sa puso ko. Dahil ang puso ko, Gheron, alam mo? Matagal ng wala ito. Matagal ng patay at hinding-hindi ito iibig sa mga mahihirap na katulad natin. Katulad mo.” At bago pa ito makapagsalita, inunahan niya na ito. Nagmartsang umalis siya.
Deretso niyang tinungo ang nakaparadang truck at doon pinakalma ang sarili. Gusto niyang magwala at manigaw pero nagpipigil lamang siya. Masyado talagang inubos ng lalaki ang kaniyang pasensya at kung inaakala nito ay mahuhulog siya sa mabulaklak nitong salita, nagkakamali ito.
Ilang sandali lang ay pumasok ang lalaki. May dalang box ng cookies at nilagay sa unahan. Tahimik nitong pinagana ang makina ng sasakyan at umalis sila ro’n. Kahit papaano ay masaya siya na naging tahimik na ito. Kailangan lamang pala ni Gheron ang masasakit niyang salita para lang tumahimik ito. Mabuti naman at nang makapag-isip siya ng matino.
GABI nang dumating sila ni Gheron, matagal sila sa daan at marami silang dinaanan nung pauwi na sila pero hinayaan lamang niya ang binata. Nagpanggap lang siyang tulog buong byahe at nagmulat lang siya ng mata nung dumating na sila sa farm. Mabuti na lang at wala ang Team Leader nila na maninita kung bakit ang tagal nila sa Furano.
Pagod ang katawan nang humiga si Marie sa may kalambutan double deck bed. Kahit ang daming tanong ni Judith sa kaniya, hindi niya ito sinagot. Wala siya sa mood na sagutin kahit isang tanong nito. Sandali niyang pinikit ang mata at pinakalma ang sarili.
“We are afraid to care too much, for fear that the other person does not care at all.”
Nagmulat siya ng mata nang muling mag-echo sa utak niya ang boses ni Gheron. Ang walang-hiyang iyon! Gumagamit ng mga salitang hindi niya naiintindihan at wala sa topic. Nung nagkunwaring tulog siya kanina, bigla na lamang itong nagsalita na akala nito ay hindi niya naririnig. Sinusumpa niyang iyon na ang huling magkakasama sila sa isang byahe dahil wala ng kasunod pa.
HABANG si Gallagher ay tahimik na binabasa ang assignment na binigay sa kaniya ni Yx. Wala naman masyadong delikadong detalye ang nakalagay sa binigay nito. Mga minimal na bagay lang at ang isa habilin ng lalaki, ay ang tutukan ang galaw ng lalaking nagngangalang Joseph Sacarios o Fidel Ramos. Walang kriminal record pero isa ito sa magtuturo sa kanila sa pailalim na gawain ng Blood Diamond. Pagkakaalam niya, ang putanginang si Tiverius ang may hawak ng assignment na ito.
“Yx,” bungad niya sa lalaki nang sagutin nito ang kaniyang tawag mula sa hologram.
Nasa kaniyang pribadong silid siya ngayon at mamaya pa siya pupunta sa staff house para do’n matulog kasabay ang mga kasamahan.
“Reports?”
“Kasama ko ang taong pinapahanap mo sa ‘kin.”
“I know. Nasa Farm mo ang taong ‘yan kaya ikaw ang pinagbigyan ko ng assignment na iyan.”
“Fuck it! Kay Tiverius ‘to, ah.” Hindi niya mapigilang umangal. Ang gusto niya ay magliwaliw at magpakasaya sa pang-aasar niya kay Marie.
“Sa ngayon, sa ‘yo muna.”
“Hanggang saan ito?”
“Hanggang sa magbigay ako ng go signal kung kailan. Pagkakaalam ko, buwan na lang at end of contract na ang taong iyan sa village farm mo.”’
Napangisi siya sa huling sinabi ni Yx. “How did you know that I owned this farm?”
“Lahat alam ko, Taurus.”
“I am not on a mission. No need to call my code name.”
“Yes, you are.”
Nagkibit siya ng balikat at nagpaalam sa lalaki. Gusto niya munang magpahinga at asarin ulit si Marie pagkatapos. Ipipikit niya muna saglit ang mata at mamaya lang ay lilipat siya sa staff house. Kahit papaano, masaya ang araw niya ngayon.
“Bago mangyari iyon, papatayin ko na lang sarili ko. Hindi ikaw ang lalaking mamahalin ko. Isang hamak na mahirap at magsasaka! Tingnan mo nga ‘yang suot mo? ‘Yang mga dumi na nasa kamay mo. Nagpapatunay na hindi ka ang lalaking magpapatibok sa puso ko. Dahil ang puso ko, Gheron, alam mo? Matagal ng wala ito. Matagal ng patay at hinding-hindi ito iibig sa mga mahihirap na katulad natin. Katulad mo.”
Natawa siya nang maalala ang sinabi ng dalaga. “Well let see Marie-babes. Let see… tuturuan kita at sa nababasa ko, iba ang sinasabi ng bibig mo sa laman ng puso mo.”