Inis na napabangon si Marie. Hindi siya makatulog. Kanina pa siya paikot-ikot sa kaniyang kinahihigaan at halos siya na lang yata ang gising. Kanina pa umikot ang orasan na hatinggabi na at dapat sa mga oras na ito ay nagpapahinga na siya para bukas.
Magtimpla na lang ako ng gatas.
Nagpasya siyang tumayo at nagtimpla ng gatas. Bitbit niya ang mug at lumabas siya sandali, doon siya sa may balcony tumambay habang pinagmamasdan ang malungkot na buhay ng Hokkaido. Malungkot para sa mga tulad nilang mas piniling mangibang bansa at lumayo sa pamilya.
Marahan niyang iniinom ang gatas nang matanaw niya si Gheron na lumabas din at may bitbit na isang mug na alam niyang kape ang laman. Tumambay ito sa balcony at matiim siyang tinitigan. Kung nung una ay lagi siya nitong ningingitian, ngayon hindi. Parang binabasa siya nito mula sa malayo at isang nakakamatay na tingin lang din ang kaniyang binigay rito.
Hindi siya papasok sa loob dahil nabibwesit siya sa mukha ng lalaki. Siya ang naunang lumabas at wala siyang pakialam kung titigan siya nito hanggang sa manigas ito sa kakatitig sa kaniya.
You’re beautiful.
Muntikan niyang mailuwa ang iniinom na gatas nung mag-sign language ito sa kaniya ng gano’n. Agad naningkit ang kaniyang mata. Hindi pa pala ito tapos? Akala niya, sapat na ang kabastusan ng kaniyang ugali na pinakita rito kanina.
Sumagot siya ng sign language sa lalaki at humagalpak ito ng malakas na tawa sa kaniyang ginawa. Nung ma-realize nitong natutulog na ang lahat, saka lang ito tumahimik.
Mas lalo siyang nawalan ng ganang tapusin ang gatas na iniinom. Inakala niyang mabibiwesit ito sa kaniyang fuck you sign language habang walang ekspresyon na makikita sa kaniyang mukha.
I really like you, Marie.
Napairap na lamang siya ng mata. Pati sa gabi, walang kapantay ang kalandian nito at pambibwesit nito sa kaniya. Kung pwede lang ibato rito ang tasang hawak niya, matagal niya ng ginawa para matigil ito.
Mabilis niyang inubos ang gatas at nagmadaling pumasok sa loob, tamang-tama na nakaramdam na siya ng antok. At sa gabing iyon, nakatulog siya ng mahimbing.
PERO tulad ng kaniyang inaasahan, maaga itong bumuntot sa kaniya sa Green House. May bitbit na kape at nanadyang pinapaamoy sa kaniya ang nakakatuksong amoy.
“Kung wala kang ibang gagawin, pakiusap, tigil-tigilan mo ang pagsunod sa ‘kin. Nakakairita.” Humarap siya rito na seryuso ang mukha. Sa kaniyang kabilang kamay ay gunting at handa siyang igugunting sa mahabang buhok nito kapag nainis siya.
“Hindi ako nakasunod sa ‘yo, Marie-babes. Masyado ka lang assuming.”
Umarko ang kaniyang kilay sa naging sagot nito. At siya pa itong naging assuming? Teka, tinawag siya nitong babes? Gusto niyang matawa nang wala sa tono at sampalin ito ng halaman para magising ito.
Agad siyang tumalikod at nagtungo sa labas. Doon siya sa ibang kasamahan nila na nagha-harvest ng Crown Melon. May kababaehan pero mostly na nando’n ay mga kalalakihan at isa na ro’n si Fidel.
“Hi Marie!” Ang lawak ng ngiti ni Fidel sa kaniya nang lapitan siya nito.
Tiningnan lang niya ng walang emosyon si Fidel at dinedma ito.
“Marie? Hoy, gising ka ba? Baka naglalakad kang tulog.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Kahit hindi niya pwesto ang mag-harvest ng Crown Melon, okay lang. Dito muna siya at makisalamuha kahit ilag ang mga kababaehan sa kaniya ro’n.
Tutal may gunting na siyang hawak, deretso siyang nagtungo sa pinakadulo at sinimulan tulungan ang kasamahan niyang babae na kilala niya sa pangalang Marienella. Nang makita siya nito, agad itong umirap at lumayo.
Tahimik siyang naghaharvest nang melon at kahit papaano, naging payapa ang buhay niya ro’n kung hindi lang biglang sumulpot ulit si Gheron sa kaniyang likuran.
“Marie-babes? Wow, you are here too!” biglang saad nito na halata naman sinadya nitong bwesitin siya ulit.
“Gheron! Dito ka pala.” Si Marienella na biglang sumulpot mula sa kung saan na parang kabute.
Naningkit ang kaniyang mata sa presinsya ng binata at sa kasamahan niyang babae na kilig na kilig sa presinsya ng lalaki. Agad itong nagpupungay ng mata sa binata habang siya, gusto niya gamitin kay Gheron ang gunting na hawak.
“Kumusta ka na Gheron?” Agad nagboses kuting ang boses ni Marienella at hindi bagay rito.
“Hello!” Kumindant ito sa babae. “I’m good and you still beautiful, baby.”
At kitang-kita iyon ng kaniyang peripheral vision. Mas mabuting ang kasama niyang babae na lang ang kausapin at landiin ni Gheron, huwag siya. Gusto niya ng tahimik na buhay hanggang sa matapos ang kaniyang contract.
“Marie, kinain mo ba ‘yong binigay ko sa ‘yong cookies?”
Paano niya kainin ang binigay nitong cookies kung tinapon lang naman niya agad? Hindi ito pumayag na hindi niya tanggapin ang cookies na binili nito kahapon. Dahil hindi naman siya mahilig sa cookies at tanging sandwich with jam lang ang kaniyang kinakain, tinapon niya ito sa malapit na basurahan.
“Marie? Nabulunan ka siguro sa cookies na binigay ko.”
“Basurahan ang nanginabang. Hanapin mo ro’n.”
“Tinapon mo?”
“Ako Gheron, hindi ako mabubulunan. Kakainin ko ng buong-buo ang cookies mo.”
Napapantastikuhang napatingin siya kay Marienella at hindi makapaniwala sa narinig. Nababastusan siya sa sinabi ng babae at isang malanding tawa naman ang kaniyang narinig kay Gheron na tuwang-tuwa sa kalandian na pinakita ng babae.
“Ang witty mo baby.”
“Ikaw talaga!” Hinampas naman nito sa dibdib ang binata. “Ikaw lang ang tumawag sa ‘kin ng baby, I like that talaga!”
Nandiri siya bigla sa narinig. Napaisip siya, nagpunta siya rito sa likod para magtrabaho at mamitas! Hindi makinig sa kalaswaan ng dalawang tao na parang ginagawa siyang watcher.
“Ayan na si Team Leader,” kaswal na wika niya para tabuyin ang mga ito. Maglalandian na nga lang, sa harapan pa niya.
Awtomatikong nawala si Marienella habang si Gheron ay malawak ang ngiting nakatingin sa kaniya.
“Nagseselos ka na ba? Effective ba, Marie-babes?”
Napailing na lamang siya sa sinabi ng lalaki.
“Gheron!”
“Sir!” Mabilis na napaharap ang lalaki sa kakarating nilang Team Leader na halatang nag-iinspect ng mga tao nito kung nagtatrabaho ba o hindi.
“Anata wa koko de nani o shite iru no?” What are you doing here?
“Meron no shukaku, Sa.” Harvesting melon, Sir.
“Watashe no mikatade wam anata wa koko de nonbiri to shita jikan o sugoshite iru dakedesu.” The way I see it, you are having a good lazy time here.
Napakamot naman ng ulo ang lalaki at humingi ng paumahin. At siya, lihim siyan napangiti nang sitahin ito ng matanda.
Good for you. Tumalikod siya at nagsimulang mamitas ng melon. Masaya na ang kaniyang araw.
“OH, saan ka pupunta?”
Napatingin siya kay Judith nang harangan siya nito sa kaniyang daraanan. Nakataas ang kilay nito at sinuri ang kaniyang suot mula paa hanggaang ulo.
“Sa suot mo, mukhang pupunta ka ng farm at mukhang pupunta ka sa city. Masyadong ah— old fashion ka naman, Marie!”
Blangkong tumango lang siya sa sinabi ni Judith at tinalikuran ito, pupunta siya sa City na hindi kasama ito. Hindi siya mamasyal. Pupunta siya sa City para mag-sideline bilang dishwasher.
“Huwag mong sabihin—”
“Tama ka,” putol niya rito nang balingan niya ito ng tingin.
Napanganga na lamang ito at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Parang kabaliwan ang gagawin niya sa tingin nito. “Day off natin ngayon, oh! It means, pahinga-hinga muna at picture-picture para pang-post natin sa facebook mong puro larawan ng mga kapatid mo. Kung hindi shared post, puro naman mga tags tapos ang dull pa tingnan ng facebook mo. Walang ka dating-dating!” Nagpakumpas-kumpas pa ito ng kamay na parang nagsasagawa ng choir.
“Marami akong gagawin na mas dapat unahin keysa ang magpahinga, Judith. Alam mo na ‘yon.” Hindi humihintong saad niya.
“Hay naku. Oh siya! kung hindi ko lang alam na grabeng pamilya ang napuntahan mo, hindi kita papayagan.” Tumawa ito at mabilis na yumakap sa kaniya kahit naglalakad siya. “Mag-iingat ka, ha? Tapos ‘pag may nambastos sa ‘yo, ay ikaw na bahala, malaki ka na. Kaya mo na ‘yan.”
Napailing na lamang siya sa huling habilin sa kaniya ni Judith. Nagpasya na siyang sumakay sa publikong bus papuntang Furano City. May nakausap na siyang Restaurant owner at pinayagan naman siya nitong maging dishwasher buong araw at kapalit n’yon ay malaking pera na para sa kaniya.
“Ohayo gozaimasu!” Good morning! Masiglang bati niya at bahagya yumuko bilang paggalang sa matandang Manager nang pumasok siya ng Restaurant. May kalakihan iyon at isa iyon sa binabalikan ng mga turista ang naturang Restaurant na nag-serve ng mga masasarap na Japanese foods.
“Kyo wa hayaidesu.” You are early today. Masayang saad nito nang makita siya.
Isa sa gusto ng mga Hapones ay ang pagiging maaga ng mga employees at alam niyang dito sa Japan, puro trabaho ang kasiyahan ng mga tao. Kaya gustong-gusto niya rito.
“Hayai tori wa wamu o shutoku shimasu.” The early bird gets the worm. Nakuha niyang magbiro kahit hindi niya forte iyon.
Natawa ito sa kaniyang sinabi. “Wastahi wa sore ni doi shimasu. Sate, koko ni kite.” I agree as well. Okay, follow me.
Sumunod siya sa matandang lalaki at dinala siya nito sa kusina kung saan nakikita niyang may mga tauhan na nagluluto roon. Nagbubukas ang naturang Restaurant sa alas nueve ng umaga pero heto siya kahit alas-otso pa lang. Busy na ang lahat do’n at may kaniya-kaniyang ginawa. Wala ngang nakapansin sa kaniyang pagdating o sa madaling salita, walang may pakialam.
Dahil mabilis lang naman siyang turuan, nakuha niya agad ang instruction ng matandang Hapones sa kaniyang gagawin. Ang pagiging dishwasher at sundin ang ilan sa mga utos ng mga chief. Mabilis lang ang lahat para sa pera.
Nag-unat siya ng kamay at huminga ng malalim. Hindi na ito bago sa kaniya ang suma-sideline. Minsan nga sa ibang farm siya suma-sideline Kaya naiintindihan niya si Judith kung minsan nagdadrama ito kung bakit wala na siyang panahon para sa kaniyang sarili. Mabibilang na lang yata sa kaniyang kamay ang panahon na namamasyal siya rito sa Japan during day-off. Hindi yata siya nauubusan ng kasipagan.
Ilang sandali pa ay naging busy na ang lahat sa kusina. Siya ang taga-sunod ng mga pinagamitan ng mga ito. Tatlo silang dishwasher pero ang isa ay matanda na kaya naiintindihan niya kung mabagal ang kilos nito. Marami-rami na rin ang mga turistang pumasok at kaniya-kaniyang order ang mga ito.
“Ohayo gozaimasu. Chikokuda! Gomenasai.” Good morning. I’m late! Sorry.
Napakunot si Marie nang marinig ang boses na iyon. Hindi naman yata siya dinadaya ng kaniyang pandinig? Naririnig niya ang boses ni Gheron na may accent kapag nagsasalita ng tagalog, english at Japanese.
Eksaktong paglingon niya, tumama ang kaniyang mata sa isang lalaking nakatalikod sa kaniyang gawi. Mahaba ang magulong buhok na hanggang balikat. Rugged ang suot na pantalon at tshirt pero matikas ang tayo at malapad ang pangangatawan. Kung tama ang kaniyang hinala, hindi bababa ng 6 ft ang lalaking nakikita niya at— nanlaki ang kaniyang mata nang makilalang si Gheron ito! Agad siyang nagbawi ng tingin bago pa siya nito makita. Mabilis niyang hinarap ang kaniyang hinuhugasang mga gamit sa pagluluto.
Anong ginagawa niya rito? Pati ba naman sa Restaurant na ito, makikita ko siya?
Nagsimulang magrebelde ang kaniyang utak sa isipin pati sa kaniyang sideline, sinusundan siya nito. Mabilis siyang huminga ng malalim at kunwari hindi niya ito kilala kahit magbanggaan sila sa malaking kusina na iyon.
At tulad nga ng sabi niya, hindi niya ito kilala. Naging busy na ang lahat. Nakakapagod humarap sa maraming hugasin at halos hindi na nga niya mapunasan ang pawis.
Sanay siya sa trabahong bahay. Dahil siya ang panganay, nasanay si Marie na siya ang takbuhan ng lahat. Gawaing bahay, magbantay ng mga kapatid niya at kung anu-ano pa na involve ang kusina. Kaya siguro lumaki rin siyang naging pormal at walang mga kaibigan. Masyadong focus ang kaniyang sarili sa kaniyang magulang at mga kapatid. Nakatatak na sa kaniyang isipan na mauuna lagi ang mga ito, bago ang kaniyang sarili.
“Here.”
Nagulat siya nang lapitan siya ng isang Chef at binigay sa kaniya ang isang basong juice. Isa itong Hapones pero mabait ang aura at sa tingin niya, kasing-edad lang niya ang lalaki.
“Thank you.” Tamang-tama, kanina pa siya nauuhaw.
Ngumiti lang ito. “New?”
Tumango lang siya. Ayaw niyang magbukas ng topic ito sa kaniya at kakausapin siyang parang matagal silang magkakilala. Hindi siya sanay sa gano’n set-up. Nauuwi kasi sa pagmamaldita ang kaniyang boses para tapos ang usapan agad.
“I’m Inukito.” Ngumiti ito at agad din nagpaalam na parang nahihiya matapos magpakilala sa kaniya.
Naiiling na lamang siyang ininom ang juice nang bawiin iyon ni Gheron na hindi niya napaghandaan. Mabilis nitong nilagay sa hugasan ang baso.
“Mango juice. Your favourite.” Nilagay nito sa kaniyang kamay ang panibagong baso. Hindi siya nakahuma sa sobrang bilis ng pangyayari. Bago pa siya makapag-react, nakatalikod na ito at binalikan ang niluluto.
Napatingin siya sa basong hawak niya at tama nga si Gheron, mango juice ang kaniyang favorite sa lahat ng inumin. Napahawak tuloy siya sa puso niya. Parang may kung anong kumislap sa ilalim ng puso niya na hindi niya alam kung bakit. Wala siyang sakit sa puso kaya nagtaka siya kung bakit.
Nag-atubli siyang inumin ang binigay nito. paborito nga niya ang mango juice pero ang nagbigay, hinid. Nagkibit na lamang siya ng balikat at nagpasyang hindi ito inumin.
“Kono jusu wa anata no tamedesu.” This juice is for you. Mabilis niyang binigay sa matandang kasama niya sa dishwasher ang baso.
“Arigatu.” Thank you. Masayang tinanggap naman nito iyon.
Ngumiti lang siya at hinarap ulit ang maraming hugasin. Habang ang mukha ni Gheron ay hindi maipintang nakatingin kay Marie.