FIERY NIGHTS (EROTIC COMPILATION) Chapter 10

SUNOD-SUNOD na napalunok si Breonna bago nagtangkang kumatok sa nakasaradong pintuan ng opisina ng boss. Nag-aalala siyang baka bigyan siya nito ng suspension dahil sa hindi naman intentional na pamamahiya sa boss. Pero kasi, sumobra din naman ng paninita si Axyl. Gusto lang niyang i-defend ang sarili. Hindi niya na kasalanan kung napahiya man ito o ano. Ah, basta. Bahala na. Sandali niyang sinipat ang sarili. Dapat ay sexy at kaakit-akit siya sa pagpasok palang. Kahit naman may kaunting iringan sila ng amo, hindi pa din niya pwedeng i-withdraw ang plano.

Umangat ang kamay ni Breonna at kumatok sa pinto saka pinihit ang knob pabukas. Prente itong nakaupo sa black leather swivel chair, nakataas ang dalawang paa sa mahogany office table habang sa kandungan ay isang folder na siguro ay binabasa kanina. Kanina lang. Dahil ngayon, ang matitiim na grayish brown na mga mata nito ay nakatutok na sa pintuan… sa kanya. Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok.

“Sir…”

Kumiling lang ang ulo nito pagkuway lumipad ang mga mata sa silyang nasa harapan ng office table. Agad niyang na-gets na pinapaupo siya doon. Mabilis na tumalima si Breonna. Pagkaupo ay agad na binuksan niya ang planner na nakita niya sa table ni Star. Nandoon ang mga schedule nang boss. Nagsimula siyang basahin ang schedule nito para sa hapong iyon…

“By three PM may meeting po kayo sa accounting team—”

Natigil sa pagsasalita si Breonna nang makitang ibinaba ng boss ang paa nito. Iniitsa ang folder sa ibabaw ng table habang hindi siya nilulubayan ng tingin. Nakasunod lang ang mga mata niya rito nang tumayo at maglakad palapit sa kanya. Sa pagkagulat ni Breonna ay agad na lumipad ang kamay nito sa baywang niya, hinaklit siya patayo saka nilamukos ng halik ang mga labi. Namimilog ang mga mata ni Breonna sa pagkabigla. Pero sandali lang naman iyon. Agad na umangkla ang mga braso niya sa batok nito habang mariing hawak ang planner. Kusang nakipaglingkisan ang mga labi niya sa mga labi ni Axyl. Nakikipagtagisan sa marubdob na halik. Naramdaman niya ang paglusot ng mga kamay ni Axyl sa loob ng kanyang pang-itaas. Marahan at mainit na humaplos ang mga iyon sa kanyang likuran na para bang may hinahanap. Habang ang dila nito ay patuloy din sa pananaliksik sa loob ng kanyang bibig. Punong-puno ng init at pagkasabik ang mga labi nito sa kanya na para bang dekada ang itinagal nang huli nilang pagsaluhan ang masarap na halikan. Samantalang kahapon lang naman ang huli at—

Natigilan si Breonna nang pakawalan ni Axyl.

“That’s for going out with someone else.” Anitong umangat ang right thumb sa gilid nang mga labi niya. As if sweeping off the remains of their kisses. “Clear my entire schedule after three PM.” Kaswal na sabi nito na parang walang ibang ginawa sa kanya. Parang gusto niyang mahilo sa bilis ng pagpapalit nito ng mood. Kanina lang, sa department nila ay nakita niya ang pagkaasar sa gwapong mukha nito. Nang pumasok siya sa opisina, blanko na ang ekspresyon. Pero sa isang iglap, nang sugurin siya sa kanyang upuan, kitang-kita niya ang magkahalong kapilyuhan at apoy ng pagnanasa. Ngayon, he was back to being formal.

Napatanga tuloy si Breonna sa boss. “Sir?”

“You heard it.” Naghahamon ang boses. Bumalik na sa komportableng swivel chair. Inabot ulit ang folder na iniitsa kanina pero sa kanya naman nakatitig. “May mga dapat akong ireview na papers.” Sinulyapan nito ang gabundok na mga folders sa ibabaw ng mesa nito.

“Okay, Sir.” Walang nagawang sagot niya. Mukhang mahihirapan siya sa boss na ito. Pabugso-bugso ang trip na tamadin magtrabaho. Kung kailan first day pa nito ay saka pa umaarte ng ganoon.

“Wala ka na ding schedule after three?”

Gustong kumunot ng noo ni Breonna sa pagtataka pero pinigilan niya ang sarili. Napaka-formal ng tono nito na siya na ang gustong mailang. Dahil patuloy pa ding naglalaro sa isip niya ang pinagsaluhang maalab na halikan habang nasa trabaho na ang kanilang pinag-uusapan.

“Iche-check ko pa po ang team ko. At aayusin ko ang iba pang naiwang trabaho ni Star—”

“By five, siguro naman ay free ka na. Tapos na ang office hours no’n at ‘wag mong sabihing hobby mo ang mag-overtime?” Parang galit at pasikmat na tanong nito sa kanya.

Gusto niyang malito. Bakit ba ito biglang nagalit?

“W-Wala na, Sir.” Tahimik na sagot niya.

Akala niya kapag makakalapit na siya sa boss ay magiging madali na ang pang-aakit niya rito. Pero bakit ganoon? Para bang may sarili itong schedule kung kailan nito gustong maakit sa kanya at alpasan ang pagnanasang mahawakan at matikman siya. Ano ba siya? De lata na kung kailan lang nito gustong tikman ay saka bubuksan?

Gustong mainis ni Breonna sa sarili. Hindi dapat na ganoon ang mentality niya. Kung gusto niyang mapasakanya si Axyl, kailangan niyang maging patient. Kaya naman agad na ibinalandra niya ang isang kaakit-akit na ngiti sa masungit na boss.

“Wala na po, Sir. Unless may gusto pa kayong ipagawa sa akin.” Umayos pa siya ng upo paharap sa boss. Pasimple niya ding hinila ang laylayan ng pang-itaas para mas bumaba ang at mahantad ang cleavage. At hindi nakaligtas sa mga paningin niya ang pagkinang ng pagnanasa sa mga mata ni Axyl nang lumipad ang mga mata nito sa tapat ng kanyang dibdib. Maliit na ngiti ang hindi napigilan ni Breonna na mapunit sa kanyang mga labi. He was a man, after all. Hindi magiging madali dito kung parating may nag-aanyang putahe na nakahain sa harapan nito. At doon niya sisimulan ang lahat.

“Good. Let’s see each other after work.” Anitong lumipad ang mga mata sa mukha niya.

Agad na sinupil ni Breonna ang pilyang ngiti. “Bakit kailangan nating magkita after work, Sir?” Kunwari ay inosenteng tanong ni Breonna.

Pero nahuhulaan na niyang may mainit na naman itong pinaplano para sa kanya. He knew him. Hindi nalang base sa mga naririnig patungkol sa panganay na Bachelor kundi sa mismong experience mula rito. Ito ang tipo ng lalaki na hindi kayang tiisin ang libido.

“We have a lot of catching up to do. Like, why did you run away from me after that night? Where were you hiding and what were you doing all those years...?”

Parang binuhusan ng ice bucket si Breonna sa intense at tila nanunuring titig na ibinibigay sa kanya ni Axyl. What was he implying? May ideya ba ito sa sitwasyon niya? Imposible, maliban sa kanya at sa kuya niya, walang ibang nakakaalam ng totoong sitwasyon nilang magkapatid. At kung ganoon nga, sana ay alam na din nito ang patungkol kay Sehun. Ipinilig niya ang ulo at pinilit bawiin ang composure.

Hindi.

Imposibleng may alam ito. Hindi sana ito aarte ng ganito kung may alam ito. At hindi siya dapat na maging paranoid. Hindi ngayon.

Muli niyang binigyan ng matamis na ngiti si Axyl. “Okay, Sir. I think we really need a lot of catching up to do.”

Nang tumango ito, gets na niyang inidi-dismiss siya ng boss. At habang papalabas na ng opisina, nagpa-plot na si Breonna ng kasinungalingang ikukwento kay Axyl. Hindi niya pa pwedeng sabihin ang totoo rito. Paano kung magalit ito sa kanya na all those years, may anak sila at hindi man lang nito nalaman dahil nagtatago silang magkapatid? At nadadamay ngayon ang anak sa komplikadong buhay nila. Baka kunin at ilayo nito sa kanya si Sehun. Hindi niya kaya iyon! Mariing napapikit si Breonna at isinandal ang likod sa nakasaradong pintuan ng opisina ni Axyl. Kailangan na niyang kumilos at galingan ang pang-aakit rito. Kailangang mapasakanya si Axyl. Para masabi na din niya ang lahat.

NAHIMAS ni Axyl ang baba habang pinapanood ang parang nawalan ng lakas na si Breonna habang papalabas ito ng opisina niya. Hindi niya nakita sa one-way mirror wall na naglalakad ang dalaga papunta sa opisina nito. Ibigsabihin na nandoon pa ito sa tapat ng nakasaradong pinto. Gusto niyang mag-alala sa biglaang pagtakas ng dugo sa mukha nito kaninang maungkat niya ang nangyari at mga nangyari rito sa nagdaang mahigit dalawang taon, magmula nang mainit na gabing iyon sa pagitan nila.

“What were you hiding, Breonna?” Pabuntong-hiningang naitanong niya sa sarili.

At sa akala ba nito, ganoon nito kadaling maitatago ang sarili sa kanya. Baguhin man nito ang kulay ng buhok at magdagdag ng ilang detalye sa mukha, imposibleng hindi niya makilala ang modelong si Breonna… ang kaakit-akit na babaeng nakasalo niya ng isang gabi at hindi na siya pinatahimik magmula noon. Paanong hindi niya ito makikilala kung napakalaking bahagi ng pagkatao niya ang tila kasama nitong nawala magmula nang gabing iyon. And when he saw her again, it was as if he saw the missing pieces of him. Kaya naman, gagawin niya ang lahat, ‘wag nalang itong mawala ulit sa kanya. He wouldn’t want to be miserable again as how he was, all those years.

Nagdesisyon na si Axyl. He’ll dig deeper from her. On his own way. Hindi na niya ipapaubaya sa detective ang lahat. Besides, alam niyang may malaking dahilan si Breonna kung bakit mas pinili ang simpleng pamumuhay sa Pilipinas kapalit ng sana ay kasikatan sa New York. Malaking dahilan o malaking problema, aalamin niya. Kailangang alamin niya. At natapos ang mga isipin niya nang pumasok ang ipinatawag niya mula sa accounting department.

“BUNNY!”

Damn that man!

Hindi malaman ni Breonna kung lilingon o ano. Tinatawag siya ni Axyl sa pangalan niyang kilalang-kilala ng mundo. Ah, hindi siya pwedeng lumingon. Nakipaggitgitan siyang lalo sa mga papunta ng train station. Kailangan niyang magmadali na makauwi para makapag-empake na din. Hindi siya mapakali nang itawag ng kanyang Kuya ang tungkol sa anak. Kahapon pa daw na nagpapabalik-balik ang lagnat ni Sehun. At kanina lang itinawag sa kanya. Mabuti nalang at clear na ang schedule ng boss mula alas tres, nagawan niya ng paraan na gawin na ang mga importanteng trabaho para bukas. Bahala nang magalit si Axyl kung mag-absent man siya bukas. Basta kailangan niyang makauwi ng Palawan. Magbabakasakali nalang siya na may plane ticket pang mabibili sa mga oras na iyon. Sana… sana lang.

Hindi siya matatahimik at makakatulog hanggang hindi nakikita ang anak. Kahit pa nga sabihin ng tagapag-alaga nito na bumaba naman na ang lagnat at naipa-check up na din. Pero paano kung bumalik ulit? Paano kung sintomas lang pala iyon ng iba pang sakit. Paano kung na-dengue pala ang anak niya. Uso pa naman iyon ngayon at karamihan ng mga kapitbahay niya, mga nagka-dengue na. Kahit milya ang layo ay gagawan niya ng paraan na makauwi.

“Breonna!” gigil nang tawag ni Axyl sa kanya.

Ewan ba niya kung bakit ito sumusunod-sunod pa at nakikipaggitgitan din sa karamihan ng mga tao. Mukhang basta nalang nito iniwan ang dalang mamahaling sasakyan sa kung saan.

Tinawagan na niya ang boss habang papalabas ng building ng Wizard para ipaalam na kailangan niyang umuwi ng maaga at may importante siyang aasikasuhin. Nangako naman siya na makikipag-catch up dito pero hindi ngayon. At ewan kung nag-teleport ba ito at ngayon ay kasu-kasunod na niya sa kahabaan ng lansangan. One ride ahead lang mula sa opisina ang train station. Mabilis lang siyang nakarating doon pero ang pagpasok sa mismong station ang nagpapabagal sa dami ng tao. Palibhasa ay oras na nga ng uwian.

“Could you please stop for a minute and talk to me?” Narinig niyang angil ni Axyl sa kanya matapos nitong mahablot ang braso.

Kumawala naman siya rito at tiningnan ito ng masama. “Sir, tapos na po ang office hours. Siguro naman, may karapatan na akong gawin ang mga personal kong gawain. Bukas mo nalang ulit ako manduhan. Please lang.”

At dumeretso siya papasok sa loob ng train. May laman pa ang beep card niya kaya naging mas mabilis ang pagpasok niya sa platform. Nilingon niya si Axyl na hindi magkamayaw kung ano ang gagawin dahil hindi makapasok. Nang-abala pa ito sa guard at siguro ay nagtatanong kung paano makakatawid. Sandaling nag-usap ang dalawa at nakita niyang itinuro ng guard ang bilihan ng card. Dali-dali si Axyl at parang inip na inip sa pila. Nagbuntong-hininga si Breonna at nahiling na sana dumaan na ang tren bago pa man makapasok sa may platform si Axyl. Hindi siya pwedeng masundan nito.

“Did you think you can get away from me, huh? Think again.” Mahina pero may diin ang boses ni Axyl na narinig niyang nagsasalita sa kanyang likuran. Ganoon nalanga ng kabog ng dibdib niya. Kanina ay nasa dulo lang ito ng pila, bakit nandito na agad sa loob? Anong ginawa ng magaling na lalaki? Sinuhulan ba nito ang mga nasa pila?

Nang lingunin niya ang mga nasa pila sa labas ng platform, kitang-kita niya ang lapad ng ngiti ng mga kababaihan. Kumakaway pa sa direksyon niya. Ah, hindi. Sa direksyon ni Axyl. Ngiting-ngiti ang hudyo habang nakaangat din sa ere ang isang kamay. And mouthed: Thank you.

So, that was it… He use his charm to those women. Darn him!

Humugot ng buntong-hininga si Breonna at saka iyon marahas na pinakawalan.

“So, where are you leading? Anong station ka bababa?” narinig niyang tanong nito.

“Bakit ba hindi ka nalang umuwi na? Sinabi ko naman sa ‘yo sa text na sa ibang araw na tayo mag-catch up.” Sa halip ay singhal niya rito.

Kung ganitong bumubuntot-buntot ito sa kanya, paano siya uuwi sa anak niya?

“Oh, anyway. Hanggang dulong station naman ang binili kong card, so, it’s fine, right?” Balewalang anito na parang hindi narinig ang pag-singhal niya. Ikinaway-kaway nito ang hawak na card sa harapan ni Breonna at ngumiti ng nakakaloko.

“Ano bang emergency at nagmamadali kang umuwi? O gusto mo lang tumakas sa akin? Wala ka naman sigurong itinatago kaya bakit biglang gusto mo akong indyanin?”

Sasagot pa sana siya nang marinig na nagsalita ang guard na nakabantay sa platform.

“Paparating na po ang tren, mangyaring pumuwesto na po ang mga pasahero sa kani-kanilang lane…”

“Sir, dito po kayo sa kabila. Lane po iyan ng mga babae.” Sabi ng isa pang porter na ini-guide si Axyl palayo sa kanya. Kitang-kita niya ang pagdilim ng mukha ni Axyl at ang pag-iigkasan ng mga kilay nito. Parang nahintakutan ang guard. Nangingiming napakamot ito sa likod ng ulo. “Sir, ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Magkikita din naman po kayo ni Ma’am sa station na bababaan niyo.”

“The fuck! Ni hindi ko nga alam kung saan siya bababa!” Angil ni Axyl sa porter.

Napalingon tuloy sa kanya ang porter. “Ma’am?”

Walang nagawa na sinabi ni Breonna ang station na bababaan niya. Nasa mukha kasi ng porter ang pakikiusap. Sa hitsura ni Axyl, hindi ito mapapasunod hanggang hindi nasasagot ang gusto nitong mapasagot.

“Ayan Sir, sinabi na po ni Ma’am. Baka pwede na po kayong lumipat?”

Padarag na nagmartsa si Axyl papunta sa kabilang linya. Siyang pagdating naman ng tren. Dali-dali si Breonna sa pagsakay sa tren. Ganoon din ang ginawa ni Axyl. Nasa magkaibang bagon sila pero kitang-kita nila ang isa’t-isa. Nakatayo din si Axyl sa kabila at nakatitig sa kanya mula sa glass enclosure. Mariing magkalapat ang mga labi nito habang sinisiksik ng iba pang mga sakay ng tren. Mukhang iritang-irita na sa siksikan ng mga pasahero. Hapon na kasi at malamang na karamihan ng mga sakay ay amoy mandirigma. Ang init pa. At ang tipo ni Axyl ang madaling mairita, maigsi ang pasensiya. Nag-aalala tuloy siya na baka mamaya, bigla nalang nitong bigwasan ang mga katabi.

Nahilot ni Breonna ang sariling sintido. Ano ba naman kasing kulit din nitong si Axyl? Sinabi na nga niyang may bukas pa naman.

Nag-ring ang phone niya. Agad-agad na kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.

“Tyrelle… kamusta si Sehun?” Agad na tanong niya. Wala siyang pakialam kung gustong maghurumentado ng boses niya.

“Relax… okay naman na siya. Masigla na at naglalaro na nga.” Parang naamused pa ang boses ng kapatid.

“How can I relax?” Mahina pero madiin na tanong niya. “Kahapon pa siyang may lagnat at ngayon niyo lang sinabi sa akin?”

“Dahil alam kong mag-aalala ka at baka bigla-bigla liparin mo ang pauwi rito.”

“You bet!” asar na sagot niya. At ‘yon naman talaga ang balak niyang gawin sa mga oras na ito.

“Kaya nga ngayong okay na siya, saka ko sinabi. Para hindi ka na masyadong mag-alala. Isa pa, hindi ka pwedeng basta umuwi ng ganoon nalang. Kahit pa sabihin mong wala ka nang nakikitang nakapaligid sa ‘yo, kailangan mo pa ding mag-ingat, Breonna.”

Napabuntong-hininga si Breonna. Tama naman ang kapatid. Kaya lang ay gusto niyang maiyak. Ang hirap-hirap at ang bigat-bigat sa loob na kapag nagkakasakit si Sehun, wala siya sa tabi nito para alagaan ang anak. Pakiramdam niya tuloy, ang sama-sama niyang ina.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang mapahikbi. “C-Can I talk to him?”

“Sure.” Ilang sandali lang at ang boses na ni Sehun ang nasa kabilang linya.

“Mommy! I missed you...” Malungkot ang boses ni Sehun. Ramdam niya ang pangungulila ng anak sa kanya. Magdadalawang taon palang ito pero tuwid na tuwid nang magsalita. “I got sick, Mommy…” Ang dami-daming isinusumbong ni Sehun patungkol sa paglalagnat nito at ganoon nalang ang bigat na dumagan sa dibdib niya.

Gusto na namang mapahikbi ni Breonna. Ang sikip ng dibdib niya habang naririnig ang malungkot na boses ni Sehun habang itinatanong kung kailan ba siya makakauwi. How she wished she was there for her son and she could hug him tight. Gusto niyang maiparamdam sa anak na sobrang nasasabik na din siyang makasama ulit ito. But they’re miles away…

“I missed you too, son. Sobra.”

Kinagat niyang muli ang pang-ibabang labi para mapigilan ang mapahikbi. Hindi na siya nagtangka pang magsalita at sigurado siyang kapag ginawa niya iyon, mababasag na ang boses niya at maiiyak nalang, right there sa loob ng tren sa harap ng maraming pasahero. Hinayaan nalang niya si Sehun na dumaldal ng kung anu-ano. Sa background ay narinig niya ang kapatid na binibilinan ang bata na ‘wag na siyang kulitin na umuwi tutal ay magaling naman na ito. At malapit na din ang katapusan ng buwan, ang schedule ng pag-uwi niya. Magkakasama naman ulit sila. Kung uuwi siya ngayon ay hindi siya makakauwi sa katapusan. Nagbilin nalang ang bata ng mga pasalubong. Panay ang tango niya maski hindi naman nakikita ang anak. Maski paano ay nabawasan ang alalahanin ni Breonna patungkol sa anak matapos marinig na masigla na ang boses nito. Walang katapusang paalaman at I love yous. Kung maaari lang ay ‘wag nang matapos ang tawag na iyon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.