FIERY NIGHTS (EROTIC COMPILATION) Chapter 11

“DAMN you, Breonna!” gigil na si Axyl dahil palaging busy tone kapag inida-dial niya ang cellphone number ni Breonna. Halos hindi na din niya kasi makita ang dalaga sa kabilang bagon dahil natatakpan na ito ng ibang pasahero. Sumiksik na nga siya sa tabi ng glass panel para mas makita si Breonna sa kabila.

Bwisit na bwisit siya at gustong magsisi na sumakay ng tren. Pero walang ibang paraan para masundan si Breonna sa kung saan man ito pupunta at nagmamadali pa. At araw-araw ba na ganito ang biyahe ng babae? Araw-araw bang sumasakay ito ng tren at nakikipagsiksikan sa iba pang pasahero? Napakainit. Napakasikip. Bakit hindi nalang ito kumuha ng sariling sasakyan? O ang company car na ipinapagamit ng Wizard sa mga team managers? ‘Wag sabihing wala noon si Breonna?

Sa wakas ay nag-ring ang phone ni Breonna. At bago pa may sumagot sa kabilang linya ay nahawi naman ang babaeng tumatabing sa dalaga. Kitang-kita niya ang pagpapahid nito ng luha at ang walang kapantay na kalungkutan sa maganda nitong mukha.

What the hell just happened?

Gustong-gusto niyang itanong pero maririnig ba naman siya nito?

“Sir?” Sa wakas ay narinig niya ang boses ni Breonna sa kabilang linya. Parang wala ito sa sarili at basta nalang lumabas ang salita mula sa bibig. Naka-side view na sa kanya ang dalaga pero katulad pa din ang mabigat na impact sa kanya ng kalungkutan sa nakatagilid na dalaga.

“Don’t you call me, Sir? Wala tayo sa opisina. At sabi mo nga, tapos na ang office hours.” Sa halip ay angil niya rito. May sumiksik na naman kasi sa kanya na nagpainit ng ulo niya. May sumakay na naman yata dahil tumigil na naman ang tren.

Narinig niya ang parang napapagod na buntong-hininga ni Breonna. Hindi ito nagsalita kaya lalo siyang nabwisit.

“Look at what you made me do!” Aniya nang walang marinig na salita sa babae.

“Bakit ako ang sinisisi mo?” Bigla ay angil ng dalaga. Nang tingnan niya ito, fierce na ang mukha at parang handa nang manlaban. She quickly colleceted herself, huh? “Hindi naman kita inutusang sumakay ng tren, ah? Desisyon mo naman ‘yan.”

Oo nga naman. Bakit ba niya isinisisi kay Breonna ang kasalukuyan niyang sitwasyon? Walang kahit sino ang pwedeng mag-utos sa kanya ng dapat at hindi dapat gawin. Pero heto siya ngayon, kahit hindi iutos ni Breonna ay ginagawa niya. What a crazy, crazy man he was?

“Kung hindi ka nagmamatigas at nagpapahabol, hindi sana ako sasakay ng tren. May dala akong sasakyan at—”

“E’ di bumaba ka na. Is that really a problem? Ikaw lang naman ang nagpapahirap sa sarili mo.” Nawalang bigla si Breonna sa kabilang linya. Pinagbabaan siya ng cellphone!

Huh!

Gusto niyang mapika. Slow lang ba si Breonna o sinasadya nitong hindi intindihin ang punto niya? Alam niyang alam ng dalaga kung ano ang gusto niyang iparating. Pwede niya itong ihatid kung talagang nagmamadali ito. Marami siyang alam na alternate route kung traffic ang pinoproblema nito. Ano ba ang hindi alam ng isang Alexander Axyl Bachelor?

Tumigil ang tren at nakita niyang kumikilos si Breonna. Nagsimulang mataranta si Axyl. Bababa na yata ang babae. Baka mawala ito sa mga paningin niya. Nagmamadaling nakipagsiksikan si Axyl sa mga pasaherong pababa na din.

NAKAIGKAS ang kilay ni Breonna habang pinapanood ang lalaking walang pakialam ding pinapanood ang kabuuan ng condo unit na inuupahan at tinutuluyan niya. Para itong hari na inimbitahan ang sarili na pumasok sa loob. Kakasalpak palang niya ng susi sa keyhole, ito na ang nagbukas ng pinto at nangunguna pang pumasok, saka siya pinatuloy.

Ano ba talagang trip nito sa buhay at bumubuntot sa kanya? Sa pagkakaalala niya, gabundok ang mga trabaho nito sa office table kaninang iwan niya. Tapos ngayon, sinusundan-sundan siya maging hanggang makauwi.

“Tapos ka na ba sa panonood sa bahay ko? Pwede ka nang umuwi kung tapos ka na.”

Gusto niyang mapagod sa naging takbo ng maghapon niya. Napakabilis ng lahat. Isang buong araw lang ang lumipas pero parang ang dami-daming nangyari. Para siyang nahahapo na sumalampak sa couch. Maski paano ay relieve na siya na malamang maayos ang anak. Pero siguradong ilang araw pa din siyang mag-iisip. O baka hanggang matapos nag buwan at makauwi sa Palawan.

Teka…

Bigla siyang naalarma. Kung ganito ng ganito na palaging nakabuntot sa kanya ang boss, paano siya uuwi?

“Coffee?”

“Huh?” Napalingon si Breonna sa nagsalitang si Axyl. Hindi niya gets. Humihingi ba ito ng kape?

Argh! Tapos na ang trabaho niya. Bukas nalang ulit. Bukas nalang din niya ipagpapatuloy ang misyon niyang akitin ito. For now, gusto muna niyang mamahinga. Naipikit niya ang mga mata at hinilot-hilot ang sintido.

“Wala akong brewed coffee dito. Magpunta ka nalang sa coffee shop.” Naiinis na sambit niya.

Pero wala siyang narinig na sagot. Sa halip, mga kalansing at ingay sa kitchen niya ang naririnig ni Breonna. Nang imulat naman ang mga mata, nakita na niya si Axyl sa likod ng counter top na kumikilos na parang sarili ang lugar. Naghalungkat na pala ito ng maititimpla. Talagang feel at home at suit your self ang peg. Ni hindi man lang siya hinintay na sabihin iyon bago gawin ng magaling na lalaki.

But hey… come to think of it. The man was insanely gorgeous while busy doing his thing inside her kitchen. Mula sa kinauupuang couch, parang nanonood ng women’s show si Breonna. Bawat galaw ni Axyl, hindi niya nilulubayan ng tingin. Mula sa paggalaw ng mga braso nito, sa malapad na likod, sa mga balikat na kay lalapad. Ang batok nitong kay sarap panggigilan. Hay… mas nakakarelax itong panoodin kaysa hilutin ang sariling sintido.

Nakalilis ang puting long sleeve polo ni Axyl hanggang siko habang walang pakialam na kumikilos sa maliit niyang kitchen. Ang coat nito, hindi niya alam kung nasaan. Wala na naman itong suot na coat nang pumasok ng train station. Hindi niya din alam kung ano nang nangyari sa sasakyan nitong basta na iniwan sa kalsada, masundan lang siya. She smiled to her self. Isn’t it a great time to seduce him? Solo nila ang unit niya. Pwedeng-pwede. Para ngang nakikita niya ang sarili na lumalapit kay Axyl. Hinahaplos at dinadama ang malapad at matigas nitong dibdib. Pinaglalaruan ang mga balahibo doon. She could even give a hard grip into his strong muscles, na namumutok sa mga braso nito. His abs… his biceps… she wanted to run her fingers and feel him, there. Nakagat ni Breonna ang pang-ibabang labi nang bumaba ang mga mata niya sa matambok nitong pang-upo. She wanted to squeeze both face of that plumpy butt. At siguradong uungol sa sarap ang gwapong lalaki nasa loob ng kanyang kitchen.

Nang humarap si Axyl ay may bitbit na itong mug ng kape habang papalapit sa kanya. Mas lalong rumagasa ang mga makamundong pagnanasa sa isipan ni Breonna. His face was hard looking while walking to her. His square jaw seems more authoritative habang wala itong kangiti-ngiting nakatitig sa kanya. It only added great points in his manly features. He was oozing with so much sex appeal. Nakabukas ang tatlong butones ng polo nito kaya naman bahagya niyang nasisilip ang masarap na katawan ng boss. Para iyong nangangako ng langit. Kung hindi lang siya nakakapagpigil ay baka nahaklit na niya si Axyl at naipaloob ang mga palad sa loob ng nakabuyangyang na polo nito. And would caress him until he groaned in pleasure…

“Stop looking at me as if you wanted to devour me, wholly.”

Napakurap-kurap si Breonna nang marinig ang paninita ni Axyl. Kasunod noon ang paglalapag ng mug sa center table. Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok. Bakit parang nauuhaw naman ang pakiramdam niya ngayon. She was thirsty but not with any kind of drinks, but from flesh. Tama ito, she wanted to devour him whole.

“Drink that.”

Muling umigkas ang kilay niya. “Huh?” Saka lumipad ang mga mata sa mug na tinutukoy nito.

“Habang tinitingnan kita, pakiramdam ko, you need something that would keep you going. Coffee is a best drink for someone whose so distress.”

Gusto nalang niyang mapatanga kay Axyl. So, hindi ito humihingi ng kape para sa sarili. Nagtatanong ito kung gusto niya ng kape? Gusto niyang mapailing sa trip ni Axyl. The boss was offering her a cup of coffee. Isn’t it unusual? Siyempre ay siya ang dapat na nagtitimpla ng kape para sa boss at hindi vice versa, dahil unang-una, matatawag pa din itong bisita sa unit niya.

Yet, something warm creeped down her heart. Kailan ba may isang nilalang na nagtimpla ng kape para sa kanya dahil inaakala nitong mas kailangan niya iyon kaysa sarili? Kailan may nakapansin ng pangangailangan niya? Sa sitwasyon niya ngayon, kailangan niyang palaging ipakita na okay lang siya. Maayos ang lahat. Para naman walang maapektuhan o mahawa sakaling pinanghihinaan na din siya.

Gusto niyang mapatawa sa sarili. Hindi niya ito na-gets. Minsan nalang may umakto ng ganoon para sa kanya, hindi pa niya napansin kaagad? At hindi niya napigilan ang sarili. Bigla nalang siyang humalakhak. Hindi niya kasi alam kung ano ang tamang reaksyon sa sitwasyon at sa na-realize kaya idinaan niya sa pagtawa. After everything she’d been through the whole day, may magandang bagay pa din palang mangyayari sa pagtatapos ng araw.

“What’s really funny?” Salubong ang kilay na tanong ni Axyl.

Tinigilan niya ang paghalakhak pero hindi napawi ang ngiti sa mga labi. “You are…” pabulong na aniya.

Tumigas ang mukha nito. Mas lalo siyang nasiyahan sa nakikita.

“I never thought na magkukusa kang bigyan ako ng kape, when I was the one who should offer you something to drink. Nasa bahay kita.” Naaaliw na sabi ni Breonna.

Sabay abot ng mug na ibinaba nito sa harapan niya kanina. Sumimsim siya doon, ilang ulit, at naramdaman ang pagkabuhay ng dugo. Para ding pinawi ng caffeine ang pagod niya. Wala na siyang ibang maramdaman ngayon kundi enthusiasm. Masaya siyang nasa harapan niya si Axyl at malayang napagpapantasyahan nang hindi nito nalalaman. Kung bakit ba kapag nasa paligid si Breonna, nakakalimutan niya ang mundo at puro pagnanasa nalang ang binubuhay nito sa kanya?

“You seem like you needed that more than I am.” Si Axyl na parang naging malumanay ang boses. And what was that emotion that laced his voice? He sounds like he was confused and… worried?

Napalingon tuloy siya rito. Naupo naman sa tabi niya si Axyl at nakipagtitigan. Gusto niyang malunod sa intense na mga mata nitong direktang nakatitig sa kanya. As if his eyes were hotly touching her skin, down her whole body. Gusto niyang mapaso, his gaze was scourchingly hot as it strokes from her lips, down her throat to the top of her breast.

Uhhh….

Gustong mapaungol ni Breonna sa kamunduhang naglalaro sa kanyang isip. Why, the man was a walking temptation. Tinitingnan palang niya ito at para na siyang binabagyo ng maiinit at masasarap na pakiramdam.

“So, what was so urgent in here that it made you cancel our date?”

She was actually thinking that she was licking his ear and he would moan in pleasure… She continue sipping the rim of her mug as if she was actually doing it in him.

Isang tikhim ang nagpahinto sa mga makamundong kaisipan ni Breonna.

“Huh?” Narinig naman niya ito pero hindi agad na-process ng utak niya ang tanong. Tumikhim siya para bawiin ang lumilipad nang matinong kaisipan. “Date?”

“Yes.”

“Hindi date iyon kundi…” Ano nga ba ang dapat na itawag sa dapat na paglabas nila ngayong gabi? “Appointment…” Sa kawalan ng maisip na tamang salita ay iyon ang lumabas sa bibig niya.

“Appointment?” Parang natatawang pag-uulit nito sa sinabi niya. Umiling-iling pa. “Alright. Kung iyon ang gusto mo. Appointment it is. So…” Luminga-linga ito sa paligid. “Sa nakikita ko, wala kang kasama sa bahay na may sakit. In fact, mukhang solo mo ang unit na ito. Hindi naman mukhang napasok ng magnanakaw. At mas lalong hindi mukhang nasusunog.”

Napatitig si Breonna kay Axyl. Sinabi nito ang mga posibleng maging dahilan kung bakit nagmamadali siyang makauwi. At wala nga naman maski isa sa mga iyon ang pwede niyang idahilan. Anong sasabihin niya? Paano siya magpapalusot? Hindi niya pwedeng sabihin dito ang totoo.

Kumiling ang ulo ni Axyl sa paraang iniu-urge siyang magsalita. Mariing naipikit niya ang mga mata at pinagana ang isip.

“Mas gusto ko sa bahay ko kaysa labas. Mas cozy and private.” Walang ibang maisip na palusot na sabi niya.

Ahhh, bakit niya sinabi iyon?

Nang magmulat ng mga mata ay nakita niyang titig na titig si Axyl sa kanya. A small smile formed in his tempting lips. Kung hindi niya ilalayo ang mg mata ay baka masibasib niya ng nag-aapoy na halik ang kanyang boss.

“I’ll wash up, first.” Kuminang ang gwapong mga mata ng boss. At sa paraan ng tingin na ibinibigay ng boss sa kanya, alam niyang nabigyan nito ng ibang connotation ang kanyang sinabi. “Hindi ako komportable na hindi nakakapaglinis ng katawan, pagkagaling sa trabaho.” Paliwanag ni Breonna at saka tumayo na.

“Go ahead. I can wait.”

Gusto pa sana niyang magtanong kung bakit ba ito sumunod-sunod pa sa bahay niya? Pero prenteng naupo na si Axyl sa couch. Ini-spread pa nito ang mahahaba at matitigas na braso sa ibabaw ng back rest ng couch habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

Ah. Bakit pa ba siya magtatanong? Mukhang nahuhulaan na din niya ang sagot. The boss was so persistent. Ipipilit at ipipilit nito ang gustong pakikipag-catch up sa kanya, maski pa nagdeklara na siya ng cancellation.

“I think I more like it here. Better than dining outside. And you were right, private place is better than a crowd.”

Napakurap-kurap si Breonna.. Nahahati siya sa dalawa… ang pauwiin na ang boss para makapagpahinga na din siya, at ang hayaan ito sa loob ng unit niya, pinapantasya.

Nah. This is a perfect time to seduce him. Kaya lang ay hindi siya ready. Ni wala pang laman ang sarili niyang version ng Seducing 101.

“Gusto mo bang tulungan kitang mag-wash up? I can—”

Marahas siyang bumaling rito. Nanlalaki ang mga mata. Anong ginagawa nito? Bakit sa halip na siya ang nang-aakit, parang ito pa ang…

“I was just kidding. Pero pwede ko din namang totohanin.” Isang pilyong ngiti ang napunit sa mga labi ni Axyl.

Agad na siyang tumalikod. Hindi malaman kung ano ang dapat at tamang i-react sa mga kalokohan ng boss. Kung ise-seduce niya ito, ‘di ba dapat na siyang pumayag. The handsome man was doing things so easily for her. Pero ano bang ginawa niya? Pinakawalan niya ang pagkakataon.

Oh well, kakailanganin muna niyang lumaklak ng matapang na alak bago magawa ang mga pang-aakit na nakikita niya sa mga movies.

Ahhh… ano nga kaya kung balikan na niya ito sa couch, agad-agad? Tapos ay isasakatuparan na ang maitim na balak. Sisimulan niya sa pagsaklang sa kandungan nito at…

Darn! Pero paano ba niya gagawin ng tama at maayos na hindi siya tatamaan ng pagkailang? Lalo at wala naman siyang alak na pwedeng laklakin sa mga sandaling ito?! Paano kung pumalpak siya at pagtawanan lang nito?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.