Football Hotties 2: The Wicked Striker Chapter 7

NAGHILAMOS si Liam sa sink sa restroom ng pub at ipinilig ang ulo. Maligamgam ang tubig at nakatulong iyon para mawala ang sakit ng ulo niya. Hindi siya nalasing. Hindi pa siya nalasing kahit na kailan lalo naman sa beer. Ang totoo ay sa simula lang siya nahihilo pero habang tumatagal ay mas lalo siyang nawawalan ng tama.

He couldn't say the same for Cattleya Bautista. Matatag ito sa inuman pero may limitasyon ito. She was no match for his drinking prowess.

Matapos magpunas ng paper towel ay lumabas siya ng restroom. Mangilan-ngilan na lang ang mga tao sa pub. Alas diyes na ng gabi. Maging ang ibang teammates niya na malayo ang uuwian ay nagsialisan na. Nang bumalik siya sa mesa niya ay nakayukyok pa rin si Cattleya. Katabi nito ang girlfriend ni Bryant na si Paula. Sa harap ni Cattleya ay ang kape na di pa rin nito nagagalaw.

"We have to take to her hotel. It is already late,” wika ni ni Paula.

"Don't tell me you'll just leave her here," wika naman ni Bryant.

Huminga siya ng malalim. "Can you help me take her to her hotel? You can just drop us off.”

“I thought you don’t like her.”

“I am still responsible for her.”

Kasalanan din naman niya kung bakit nasa ganoon itong kalagayan ngayon. Dapat ay di na lang niya pinatos ang hamon nito na uminom ng beer. Pero wala naman siyang choice. Napakakulit kasi nito.

Binuhat niya ito hanggang sa kotse ni Bryant. Mabuti at hindi na gaanong umuulan. Himbing na himbing pa rin ito kahit naisakay sa kotse. Papaling-paling ang ulo nito habang umaandar ang sasakyan. Ihinilig niya sa balikat niya ang ulo nito.

Bumuntong-hininga siya. This girl was trouble with a capital T. So why don't he just haul her ass out of his life? Pero makokonsensiya naman siya kung gagawin niya iyon. Di siya pinalaki ng nanay niya na pabayaan ang isang babaeng walang kalaban-laban. He was not an ass.

Umungol ito. "Liam..."

"Bakit?" tanong niya.

"Ako ang nanalo. Tandaan mo iyan. Hindi ako magpapatalo sa mayabang na tulad mo."

"Lasing ka na. Matulog ka."

"Shhh! Huwag kang maingay. Alam ko ang kanta na iyan," sabi nito at biglang tumuwid ng upo.

"Anong kanta?" tanong niya.

"Marry your daughter, make her my wife!" pasigaw nitong kanta habang sinasabayan ang kanta sa radyo.

Gulat tuloy na lumingon sina Paula at Bryant. "Is she okay?" tanong ni Paula. Marahil ay sumakit ang tainga ng mga ito sa wala sa tono at tiyempong kanta ni Cattleya.

"She's just crazy," usal niya at pinigilan si Cattleya nang akmang tatayo ito sa sasakyan. Muntik nang maumpog ang ulo nito. Ipinatong niya ang palad sa ibabaw ng ulo nito at pilit na pinaupo. "Sit down!"

Pag-upo nito saka inilapit ang bibig sa tainga niya. Napapitlag siya. Akala niya ay hahalikan siya nito o kaya ay kakagatin. Her hot breath alerted his whole body. "Till the day that I marry your daughter!" sigaw nito sa tainga niya. Nang matulig siya ay isang mataginting na halakhak ang pinakawalan nito.

Ngumiwi siya nang halos mabasag ang eardrums niya sa sigaw nito. "You!"

Binigyan siya nito ng nang-aakit na ngiti at tinalunton ng hintuturo nito ang labi niya. "Know what? Hindi ka naman guwapo. You are annoying much. But there's something about you that makes me want to kiss you." Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. Nangudngod na lang ito at narinig niya ang mahinang hilik nito. Tulog na ito. Pambihira! Malapit na iyon. Akala niya ay hahalikan talaga siya nito. What a big tease!

"Liam, we’re here," sabi ni Bryant at itinigil ang sasakyan. Pinagbuksan siya nito ng kotse. Nakaalalay siya kay Cattleya na pakanta-kanta pa rin.

“I will help her with her clothes,” prisinta ni Paula.

Lumapit siya sa receptionist at hiningi ang keycard sa silid ni Cattleya. Ibinaba niya sa kama nito si Cattleya. Inabala niya ang sarili sa pagkuha ng maligamgam na tubig na pamunas dito habang binibihisan ni Paula si Cattleya. Dapat ay hindi na siya pumayag sa kalokohan nito. Why did she keep on pushing it? Di naman pala nito kayang uminom.

“I think she’s more comfortable now,” sabi ni Paulina at humikab. Alam niyang kailangan na nitong umuwi dahil maaga pa ang pasok nito kinabukasan bilang isang sous-chef sa isang restaurant.

"Do you still need any help?" sabi ni Bryant.

"I will take it from here. Thank you."

"Goodluck," wika ni Bryant at lumabas na kasama si Paulina.

Marahan niyang pinunasan ang mukha at leeg ni Cattleya. Nakasuot na ito ng nightdress. More practical than seductive. Mukhang iyon nga si Cattleya. She was not the type to entice. Kahit sa pagtulog ay di nito pinagbibigyan ang feminine wiles nito. Kung ganoon ay bakit lagi niyang nasasabi na sine-seduce siya nito? Para asarin ito? O may babae talaga na seductive kahit na palaban tulad nito at alam nito ang epekto sa mga lalaking katulad niya? O baka naman sadyang seductive ito nang di nito nalalaman.

Umungol ito subalit nagpatuloy sa pagtulog. Tahimik na ito ngayon. Pabulong-bulong na lang. Sa isang banda ay mas gusto niyang tahimik ito kaysa makipag-sparring sa matalas nitong dila. Ano bang gagawin niya dito? She was pretty. Not beauty queen material but she had her own charm. Hinahangaan niya ang perseverance nito. Gagawin talaga nitp ang lahat para makasama siya sa El Mundo Football Club. Ganoon ba talaga siya kahalaga sa team ng mga ito?

Umungol ito. “Kuya Pierro, iuuwi ko sa Pilipinas si Liam kahit na mayabang siya at maniac at arogante. Iuuwi ko siya para manalo ang El Mundo. I-I won’t disappoint you. Ikaw lang ang nag-iisang pamilya ko.” Paulit-ulit lang ang litanya nito. Naroon ang kagustuhan nitong gawin ang lahat maidala lang siya sa Pilipinas.

Mawawala ang gulo oras na mawala ito sa buhay niya. Pinagmasdan niya ang payapa nitong mukha. Wala siyang planong pagbigyan si Cattleya o pirmahan ang kontrata nito sa El Mundo pero parang may umuukit sa puso niya nang maisip kung paano nito ipinaglaban ang kagustuhan nitong maging bahagi siya ng El Mundo. Ayaw nitong madismaya ang pinsan nito na mahalaga dito.

Hindi lahat ng tao ay aabot sa ganoong punto para makuha ang gusto. He admired her tenacity. At may boses na nagsasabi sa kanya na isang malaking pagkakamali kung bibiguin niya ito.

She was a lot like him. Gagawin din niya ang lahat para sa isang bagay na minimithi niya. Gagawin niya ang lahat para sa pamilya niya…hangga’t kaya niya. Nagawa niya ang lahat maliban ang umuwi sa Pilipinas.

Nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag ang ama. “Liam, nasabi mo na bang tatanggapin mo ang offer ng El Mundo?”

“Hindi pa po ako makasagot, Tatay.”

“Give your answer soon. Kung hindi, ako mismo ang kakausap kay Miss Bautista at kay Pierro Dantes. Alam mo kung ano ang mangyayari.”

Pumikit siya nang mariin at tinawagan ang numero sa calling card. “Mr. Dantes, this is Liam Aramis. I want to discuss your offer…”

NAGISING si Cattleya na parang pinupukpok ng martilyo ang ulo niya. Hindi na siya iinom ng beer kahit na kailan at lalong hindi siya makikipaghamunan sa pag-inom ng beer. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata subalit isinara ulit niya iyon nang salubungin siya ng kadiliman.

"Ah! Parang mamamatay ako," usal niya at sinapo ang noo.

Kailan ba ang huling beses siyang nagka-hangover? Nineteen pa siya noon at isinama siya sa party ng isang kaklase niya. Sa kagustuhan niyang maging "in" ay tanggap lang siya ng tanggap ng alak na inaalok ng mga ito. Umuwi siya sa mansion ni Pierro na amoy suka. Galit na galit ito at inulan siya ng sermon. Sa susunod daw na umuwi siyang lasing sa pamamahay nito nang lasing ay palalayasin siya nito.

Sa pagkakataong ito ay nalasing siya dahil gusto pa niyang may mauwian siyang pamilya. Pero nanalo naman siya, hindi ba? Naubos niya ang huling mug. At ang huli niyang nakita ay di pa iyon nauubos ni Liam. Pero di pa rin siya sigurado doon. Hindi na kasi niya natandaan ang iba pang nangyari kagabi.

Nang igala niya ang paligid ay nasa hotel suite na siya. Sino ang nagdala sa kanya doon? At suot din niya ang nightgown niya. Sino ang nagbihis sa kanya?

Umiikot pa rin ang katanungan sa isipan niya nang mag-ring ng cellphone niya. Napilitan siyang sagutin iyon. "Hello?"

"Cattleya, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko. Kanina pa ako tumatawag sa iyo."

Ngumiwi siya nang marinig ang boses ni Pierro sa kabilang linya. He was such an impatient man. Ayaw nitong pinaghihintay ito. At mistula naman siyang magiting na sundalo na nakahanda sa pagtawag nito.

Pinigil niyang mapaungol dahil mas masakit sa ulo ang matigas na boses nito. "Sorry, Kuya. Kagigising ko lang kasi."

"Anong kagigising lang? Alas dos na ng hapon diyan."

Lalo siyang napaungol. Alas dos ng hapon? Mas masama pa iyon kaysa sa inaasahan niya. Hindi na nga niya alam kung ano ang nangyari sa kanya sa loob ng nagdaang kinse oras, di pa niya alam kung anong isasagot niya oras na magtanong ito tungkol oay Liam.

"What? I am sorry, Kuya." Pwede ba niyang sabihin dito na napakawalan na niya ang magandang pagkakataon dahil nagpatalo siya dito sa paligsahan sa pag-inom ng beer. Nah! Parang siya mismo ang nagkatang ng ulo niya sa pugutan. Kung maisasalba lang niya ang sarili niya ay gagawin niya ang lahat. Even delay the inevitable if she had to.

"Tumawag sa akin si Liam kanina," panimula nito sa seryosong tono.

Tumigil sa pagtibok ang puso niya. "B-Bakit daw?" Heto na... Heto na... hihintayin na lang niyang bumagsak ang talim sa leeg niya.

"Sinabi niya na pumapayag na siyang maging parte ng El Mundo FC. Yes!" masayang-masayang wika nito. "Kumpleto na ang dream team ko."

Nawala ang hangover niya. "What? Paanong..." Seryoso ba ito o baka lang dala ng hangover kaya kung anu-ano ang naririnig niya. "S-Sigurado ka, Kuya?"

"Bakit ganyan ang tono mo? Hindi ba kayo ni Liam ang nag-uusap tungkol diyan?"

Ipinilig niya ang ulo. Parang napaka-imposible ng naririnig niya. "Kasi sabi niya na hindi pa daw siya makakapagdesisyon."

"Nakapag-desisyon na siya. He is signing with us. Maasahan ka talaga. You didn't fail me as always. Thank you.”

Tumaba ang puso niya sa simpleng pasasalamat nito "Basta para sa iyo at para sa El Mundo, Kuya."

"So I will see you back in Manila soon?"

"Yes, salamat, Kuya," masiglang sagot niya.

At kundi lang masakit pa rin ang ulo niya ay gusto niyang magsisigaw at magtatalon sa tuwa. Isa na namang vision ng pinsan niya ang natupad niya. Malaking fulfillment iyon para sa kanya.

Parang panaginip lang ang lahat. Ang tanging totoo lang ay si Liam. Paano kung lasing lang pala ito habang kausap ang pinsan niya? Naku! Malaking problema ito.

Umorder siya ng kape at nag-shower para mas gumaan ang pakiramdam niya. Ipina-take out niya ang kape at dinaanan sa cafe sa baba ng hotel in-order niyang kape. Sa daan na niya iyon iinumin. Kailangan niyang makausap nang matino si Liam. Baka kung sakaling makausap niya ito kapag matino na ito ay magagawan pa niya ng paraan para ma-repair ang damage na ginawa niya. Kung paano ay bahala na.

Hinahanap niya ang shades niya nang nakasakay na sa elevator. Hindi makayanan ng mata niya kahit ang katiting na ilaw.

Narinig niyang bumukas ang elevator. Pag-angat ng ulo niya ay nakita niyang nakatayo doon si Liam. “Saan ka pupunta?”

He looked great in his green jacket and jeans. He was so fresh while she was a mess. Nakaligo na siya pero ramdam pa rin niya ang epekto ng alak sa kanya.

“Papunta ako sa iyo,” sabi niya na di pa rin gumagalaw sa kinatatayuan. Parang ina-absorb pa ng senses niya ang kakisigan nito.

Hinawakan siya nito sa kamay at hinatak palabas ng elevator. “Ako pa ang pupuntahan mo. You don’t look good. Kumain ka na ba?”

Umiling siya. “H-Hindi pa.”

Bumuntong-hininga ito. “Sa susunod huwag kang iinom ng maraming beer. You should know your limit.”

Matindi nga ang epekto ng alak sa kanya pero mas matindi ang epekto nito sa kanya. His cologne invaded her senses.

“Pero umorder na ako ng kape sa café. Ipi-pick up ko na lang,” wika niya. Kailangan siguro niya ng kape dahil di lang siya may hangover sa beer. May hangover din siya kay Liam.

Pinaupo siya nito sa lobby ng hotel. “Ako na ang kukuha ng order mo. Magpahinga ka dito. Sa palagay ko di ka pa rin kumakain. May pupuntahan tayo na restaurant di kalayuan dito. I will feed you.”

Tahimik lang siya nang sumakay sila ng taxi. Isinuot niya ang shades niya para lang may magawa. Si Liam naman ay may kausap nang German sa cellphone nito. Kailangan siguro niyang kumain at uminom ng kape dahil baka di na kayanin ng katawan niya ang mga susundo niyang itatanong dito. Kailangan niya ng lakas.

Sa isang restaurant sa inner port area ng Hamburg na tinatawag na Innenalster sila nakarating. Artificial lake iyon at tanaw ang naggagandahang gusali at first class na hotel.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.