For The Stars Have Sinned (Filipino) Chapter 39

Kumakabog ang puso ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko rin alam kung anong pwedeng gawin para mawala ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi. Hindi ko alam - o mas tamang sabihing wala akong balak pakawalan ang nararamdaman ko kay Levi.

Siya 'yong una. Sa dinami-rami ng lalaking dumating sa buhay ko, siya lang 'yong tumatak. Hindi ko mapaliwanag kung bakit. Kung sana pwede ko siyang hilain sa tabi ko... kung pwede lang sana.

Umatras ako at bahagya siyang tinulak. Nilayo niya ang mukha sa akin. "Rish?" Nagtatanong ang mga mata niya.

Nag-iwas ako ng tingin at napabuga ng hangin. "A-Anong ginagawa mo, L-Levi?"

"Kissing you."

Mabilis akong napatitig ulit sa mga mata niya. Hindi naman ako tanga. Alam kong hinahalikan niya ako. Umikhim ako. "I mean... Nicole. How about her?"

Nangunot ang noo niya. "What about her?"

"She's... uhm..." Ano bang relasyon ng dalawa? Napahawak ako sa pisngi. "Your fling?" Ngumiwi ako. Naman. Ginawa ko pang fling 'yong may mas right sa kaniya. Pero sinabi niya kayang hindi niya girlfriend si Nicole. So, fling-fling lang sila. E, ano bang dapat itawag para sa kanila kanina? Kung umakto kaya sila, parang mag-jowa.

"She's just my friend."

"Kahit na. She's inlove with you. Tapos n-naghahalikan tayo. It's not right!"

Tumaas ang sulok ng labi niya. Inabot niya ang pisngi ko at pinasadahan ng hinlalaki ang ibabang labi ko. Nahigit ko ang hininga. Umawang ang labi ko sa ginawa niya. Napasinghap ako nang sinubukan niyang ipasok ang daliri.

Agad akong umatras. "L-Levi!"

Natawa siya. Umiling. "Don't think of other things when I'm with you, Rish. I want you whole."

Sinapo ko ang bibig. Nalasahan ko ang upos ng sigarilyo. Nangunot ang noo ko. "You smoke?"

Nagkibit-balikat siya at binuksan ang passenger door. "Get inside. I wanna show you things."

"Things like?"

"Rish." Ngumiti siya. "Get in the car first."

Ilang segundo akong napatitig kay Levi. Nakangiti siya, at sobrang attractive ng cowlick sa noo niya. Bagay na bagay sa kaniya. Napalunok ako at ngumiti. "O-Okay."

Lumapit ako at pumasok. Naupo ako sa passenger seat habang sinara niya ang pinto at umikot sa harap. Mabilis siyang nakapasok at naupo sa driver's door. Binalingan ko siya. Tumitig siya saglit sa harap bago dahan-dahang binuksan ang butones ng polo.

Napalunok ako. "L-Levi?"

Sa una ay hindi siya umimik pero nang tawagin ko siya ulit ay natauhan. Tinigil niya ang ginagawa. "Why?" tanong niya at sinulyapan ako gamit ang rearview mirror. Bakit? Pwede naman siyang bumaling sa akin.

"Ano 'yong ipapakita mo sana?"

"Later."

"Uh, saan pala tayo?"

"Somewhere."

"Uhm..." Nagbaba ako ng tingin. "Okay ba 'yong suot ko? Hindi nakakaasiwa?"

Doon lang siya bumaling sa akin. Ngumiti. "You look decent." Binalik niya ang tingin sa harap at in-start ang makina. Napangiti ako. At least, hindi nasayang ang pera ko - "But I like it better if you expose more skin. That will turn me on real hard."

Hindi ko alam kung ngingiti o ngingiwi sa sinabi niya. Pinili ko na lang na ibaling ang tingin sa labas ng bintana. Ito 'yong unang date namin ni Levi, kaya hindi na ako nagulat na may mga bagay tungkol sa kaniya na hindi ko pa alam. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin nababawasan ang kabog sa dibdib ko. At habang tumatagal ako sa loob ng kotse niya, mas lalo lang bumibilis 'yon. Nakakapanghina.

SA ISANG abandonadong gusali niya ako dinala. Taka kong tiningala mula sa loob ng kotse ang gusali. Mga apat na palapag din 'yon.

"Levi? Anong ginagawa natin dito?" tanong ko at bumaling sa kaniya.

Ngumiti siya. "Haven't I told you that I will show you things?"

"Uhm..."

Inabot niya ang kamay ko at pinisil. "Trust me. I will never hurt you, Rishell."

"O-Okay."

Umibis siya ng sasakyan at mabilis na umikot sa unahan ng hood. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nilahad ang kamay sa harap ko. Agad kong inabot ang kamay ko sa kaniya at tinulungan niya akong umibis ng sasakyan. Napatingala ako sa gusali.

"Hindi ba nakakatakot d-diyan?" tanong ko. Feeling ko, may multo o kaya masamang taong susunggab sa amin sa loob.

Natawa siya. "Evils will never lay a hand on us. I promise."

Ngumiti na lang ako ng pilit at kinawit ang kamay sa braso niya. Inakbayan niya ko at sabay kaming sumulong sa loob. May ilaw sa corregidor, at 'yon lang ang nagbibigay liwanag sa buong gusali. Hindi ko halos makita ang gilid dahil malamlam lang ang liwanag ng hanay ng bumbilya sa itaas.

"Levi?"

"Hmm?"

"Uhm, mahal mo ba si Nicole?"

"No."

Napatingin ako sa kaniya. "M-May mahal ka ba ngayon?"

"Why?"

"Kasi..." Lumunok ako at muling tumingin sa harap. "Gusto kong malaman kung bakit mo ako hinalikan sa ilalim ng dagat."

"I find you... beautiful."

"Talaga?" Napangiti ako.

"You have a gentle soul. I'm attracted to women like you, Rish."

Nagbaba ako ng tingin para hindi niya makita kung gaano kapula ang pisngi ko. Sheems. Ang sweet niya. Umikhim ako. "S-Salamat."

Hindi na siya umimik hanggang marating namin ang rooftop ng building. Naglakad kami ng ilang segundo bago ako natigilan. Nakita ko ang nakalatag na malaki-laking picnic banket. May picnic basket pa sa gilid at wine. May baso at pinggan pa.

Uhm, magpi-picnic kami under stars?

"I can't date you openly so I set it up earlier. Do you like it?"

"Uhm..." Kumapa ako ng salitang dapat sabihin. "I'm quite... surprised."

Natawa siya. "I like that face."

Inaya niya ako palapit sa picnic blanket. Pinaupo niya ako habang nilatag niya sa harap ko ang utensils at nilabas ang binalot na pagkain mula sa basket.

"First time mo bang mag-picnic under stars?" tanong ko.

Umiling siya. "I've done this alone years ago."

"Alone?"

Tumitig siya sa akin. "After my parents died."

"Oh. I'm sorry to hear that."

"No need to apologize."

Ngumiti ako nang marahan. Tahimik naming kinain ang inihanda niya. In fairness, masarap ang ulam. Umikhim ako. "Ikaw ba ang nagluto?"

Tumango siya. "Does it taste bad?"

"No. It's delicious actually."

"Glad you like it. I find it hard to cook these days." Sumimsim siya ng wine sa wine glass habang nakatitig sa akin. Binaba niya ang baso. "Too busy."

"Mabuti't nagawa mong maluto ang lahat ng 'to ngayon." Ngumiti ako at inipit sa tainga ang tumakas na buhok. Kung busy siya, ibig sabihin, special ako para ipagluto niya ako ngayon. Aww, answeet talaga ni Levi.

"It's for you, Rish. Besides, the concert was over."

"Y-Yeah. Thank you for your efforts. I appreciate it."

Ngumiti siya at muling sumimsim ng wine habang hindi inaalis ang mga mata sa mukha ko. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Namumula na ang pisngi ko sa ginagawa niyang pagtitig.

Natigilan ako nang may maalala. "Okay lang ba kay M-Maingey na nandito tayo?"

"Why not? It's my date, not hers."

"Ah. Si Tiden?"

Natigilan siya. Tapos ngumiti. "He's with the team. Don't worry about him, Rish. He can handle."

Ngumiti na lang ako nang pilit sa kaniya sabay abot sa wine glass at sumimsim. Na-miss ko bigla 'yong boses ni Tiden. Hindi ko pa siya nakausap ngayon araw kahit ni isang beses. Which is rare. Hindi siya 'yong tipong hindi tatawag ni isang beses. Sa palagay ko nga, asawa ko siya sa halos araw-araw kong naririnig ang boses niya sa linya. Para siyang tatay na tumatawag sa anak para mangangamusta.

Napangiti ako bigla. Binaba ko ang wine glass. Pinasadahan ko ng dila ang ibabang labi at napatingin sa bote ng wine. Umikhim ako. "May nilagay ka ba sa wine?" Nangunot ang noo ko. "Parang... uh, parang may mali, e."

"Mali?" tanong niya. Ngumiti pagkuwan.

Umiling ako para mawala ang hilo. "Um... Umiikot 'yong paningin ko." Napapikit ako at napahawak sa ulo. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko. Parang pinapanatiling tuwid ang pagkakaupo ko. Ngumiti ako habang nakapikit. "Maganda ba ako, Levi?"

"Hmm..." Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa tainga ko. "Maganda ka."

Humagikgik ako at nagmulat. Kumurap-kurap pa ako para mai-pokus ang tingin ko sa mukha niya. "You know... Levi, una pa lang kitang nakita, nagkaroon na ako ng crush sa 'yo."

"Crush."

"Oo, crush." Ngumisi ako at sinindot ang pisngi niya. "Ang gwapo-gwapo mo kasi. Nakuha mo ako sa tingin pa lang."

Nakita ko ang pagngiti niya. Hindi masyadong malinaw ang paningin ko kaya hindi ako sigurado kung ngumiti nga siya. Umiling na naman ako para mawala ang hilo. "Una pa lang, Levi. I like you. Pero ngayon?" Kumunot ang noo ko. Lumabi. "Hindi ko alam kung bakit kumakabog 'tong dibdib ko. Sa tuwing nakikita kita, para akong hihimatayin sa lakas ng pintig ng puso ko. Grabe, anong ginawa mo sa akin, ha? *hik*."

"Rish."

"Tapos... tapos nasasaktan ako kapag nakikita ko kayo ni Nicole. Grabe ka talaga sa akin. Ang manhid mo." Suminghot ako. Nanginig bigla ang kalamnan ko sa sakit. "Nakita ko kayo kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit parang tinarak ng kutsilyo 'tong dibdib ko sa sobrang sakit. Kasi, 'yon nga, crush lang naman kita. Saka, idol lang naman kita."

Napahagulgol ako. "L-Levi naman, e. Ang hirap naman nang ganito." Inis kong pinahid ang luha sa pisngi ko. "Kanina.... kanina no'ng nakita kita... para akong nakakita ng stars. Kumikislap. Tapos 'tong dibdib ko..." Kinuha ko ang kamay niya at nilapat sa dibdib ko. Napansin ko ang gulat sa mukha niya. Suminghot ulit ako. "Kumakabog. Dugdug. Dugdug. Levi..." Naiyak na naman ako. "Sa tingin ko, mahal na kita." Humagulgol na naman ako.

Ilang minuto akong gano'n hanggang maramdaman ko ang pagkabig niya sa akin sa isang yakap. Marahan niyang tinapik-tapik ang balikat ko. "Why are you crying, Rish?"

"Kasi... k-kasi alam kong hindi mo susuklian 'tong pagmamahal ko sa 'yo. Kasi hindi kita kayang hawakan, at kahit ipagsigawan ko sa mundo na mahal kita, hindi mo rin malalaman sa dinarami-rami ng babaeng nagmamahal sa 'yo. Ang sakit. Mas masahol pa yata sa one-sided love." Natawa ako nang marahan kahit pa sumisigok na ako sa luha.

"Tuwing concert, nandoon ka sa stage habang nandoon ako sa sulok at sumusuporta sa 'yo. At ilang beses kong pinangarap na makalapit sa 'yo para masabi ko sa 'yong kahit iwanan ka man ng ibang Vinepress, hinding-hindi kita iiwan dahil ako ang number one fan mo. Kasi crush kita. Kasi idol kita. Kasi... kasi mahal kita. Hinding-hindi ako magsasawang suportahan ka sa lahat ng bagay, Levi. Kaya 'wag kang sumuko. Kasi nandito pa rin ako at handang sumuporta sa 'yo hanggang sa huli."

Humigpit ang yakap niya sa akin. Binaon ko ang mukha sa dibdib niya at doon umiyak nang umiyak. Baka ito na 'yong huling beses na makakasama ko siya, at mayayakap. Mas lalo akong naiyak. Gumanti ako ng mas mahigpit na yakap. "Mahal na mahal kita, L-Levi. Mahal na mahal kita. Kahit hindi ako ang laman diyan sa puso mo, asahan mong hindi kita bibitiwan. At kahit... kahit na ito 'yong una at huling beses na mayayakap kita nang ganito, masaya na ako. At least, nasabi ko na sa 'yo ang nararamdaman ko. At mananatili ang ala-ala na 'to sa isip ko."

Kumalas ako at tinitigan ang mata niya. Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya. "Kaya maging masaya ka. Abutin mo lahat ng pangarap mo. At kapag nasa tuktok ka na, asahan mo, nandoon lang ako sa sulok at tahimik na magsasaya dahil naabot mo na rin ang pangarap mo. 'Yan lang ang hiling ko sa 'yo. 'Wag ka sanang bumitiw. Kung saan ka sasaya, doon ako."

Hinuli niya ang dalawang kamay kong nakahawak sa magkabilang pisngi niya. Marahang pinisil. "I don't know that a person like you exists. If only I knew from the start where to find you, I will not hesitate to go after you, Rishell."

Ngumiti ako habang lumuluha. "Nandoon lang naman ako sa audience, e. Nakangiti, naluluha sa saya, at lihim na nagmamahal sa 'yo."

"Rish..."

"Tanggap ko naman. Mas masakit lang kasi hindi mo alam noon na mayroong Rishell Joy Larica na humahanga sa 'yo. Na nag-i-exist ako sa mundo. Pero ayos lang, naintindihan ko naman. Nagmahal kasi ako ng taong hinahangaan ng lahat. You are so close yet so far... I can't reach you, Levi."

Inipit niya sa tainga ko ang hibla ng buhok na tumakas sa mukha ko. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "Hearing those words from you makes me hope once more. Rish, you have won me." Mariin siyang tumitig sa mata ko. "I will protect you at all cost. I will not let them kill you too."

"H-Ha?" Bahagyang nangunot ang noo ko. Umikot na naman ang paningin ko kaya napapikit ako. "A-Anong ibig mong sabihin, L-Levi?"

Dinala niya ang ulo ko pahilig sa balikat niya. Napangiti ako at umusog palapit kay Levi. Sinuksok ko ang mukha sa leeg niya. I inhaled his scent. Pumulupot ang mga braso niya sa katawan ko. "I will protect you from them. Sleep in my arms. You're safe here, Rish."

"L-Levi," bulong ko. "Mahal kita."

"I know now. Shh..."

Naramdaman ko ang pagsungaw ng mainit na luha sa gilid ng mata ko. "L-Levi, kapag nagising ako bukas, nandito ka pa rin ba? Yakap-yakap pa rin kita, 'di ba?"

"No. It's better that you'll stay away from me, Rishell. Do not stay close with me like this. Or you'll dig your own grave."

"A-ah..." Lumunok ako. "Babalik na naman ako sa umpisa? Babalik na naman ako sa sulok kung sa'n ni hindi ka tumitingin sa gawi ko? Babalik na naman tayo sa dati na parang strangers? Babalik na naman 'yong dati na lihim akong nagmamahal at nasasaktan? Babalik ba ako ro'n, Levi?"

Pilit kong minulat ang nanlalabong paningin pero hindi ko kaya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Hinagkan niya ang likod ng palad ko at marahang pinisil. Gumanti ako ng pisil. Mas malakas.

"That's for the best, Rishell."

"Pero Levi..." Naglandas ang luha sa pisngi ko. "Natatakot akong makalimutan mo ako."

"Don't worry. I won't forget you, Rishell."

Dinala ko malapit sa puso ang kamay niyang hawak-hawak ko. Pilit kong minemorya ang amoy niya, ang lambot ng kamay, ang init ng katawan, ang marahang haplos niya sa buhok ko, ang dampi ng labi niya sa noo ko, at kung paano niya pinagsiklop ang kamay naming dalawa. Mas lalo akong naluha.

Imbes na umakyat, mas lalo akong nahulog kay Levi. Wasak. Durog. Pira-piraso.

Hindi ko na alam kung saan kakapit. Hindi ko alam kung saan kukuha ng lakas bukas. Hindi ko alam na masasaktan ako. Kung alam ko lang sana noon pa, sana matagal ko nang pinigilan pero huli na ang lahat. Hindi ko na makontrol ang puso ko. Si Levi lang, walang iba.

At ganitong pinaparamdam niya sa aking mahalaga ako, hindi ko na kayang bumitiw. Dahil kapag susubukan ko, alam kong ikakamatay ko na ang sakit. Kakapit na lang ako, kahit unti-unting madudurog ang puso ko sa lungkot.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.