Morning, they say, is a new hope and a new beginning. But not for me.
Kanina pa ako gising. Tulala sa pader na nasa tapat ng kama habang nakasandal sa headboard. Siguro, no'ng hinatid ako ni Levi rito sa kuwarto kagabi, hindi na ako natulog. Umikot nang umikot ang paningin ko pero tanging pikit lang ang nagagawa ko, at babalik na naman sa tulalang pagtitig sa pader.
Ayoko na.
Sobrang bigat ng talukap ko pero hindi ko magawang matulog. Takot akong malimutan si Levi, takot akong isiping panaginip lang 'yong nangyari kagabi. Dahan-dahan kong tinaas ang daliri sa labi ko. Ramdam ko pa 'yong init ng halik niya habang nakatayo kami sa entrada ng pinto. Mainit. Basa.
"L-Levi," usal ko. Pinadausdos ko ang kamay mula sa balikat niya pababa sa dibdib at nanatili roon ang palad ko.
Ilang beses na niyang hinagod ang likod ko, at may pagkakataon pang sinuksok niya sa gilid ang kamay - naghahanap ng entrada sa suot ko. Nilayo niya ang mukha at naghabol ng hininga. "R-Rishel..."
"Uhm..." Paulit-ulit akong lumunok. Dinukot ko ang key card na bigay ng receptionist mula sa shoulder bag at tinapat sa scanner sa pinto. Tumunog 'yon. "G-Gusto mo bang pumasok?"
Impit akong napasinghap nang mabilis niya akong sinandal sa pader sa gilid ng pinto. Pumulupot ang braso niya sa baywang ko at tinukod ang isang kamay sa gilid ng ulo ko. Hinapit niya ako papalapit sa kaniya at inangkin na naman ang mga labi ko. Nawalan ng lakas ang kamay ko at hinayaan kong mahulog sa sahig ang key card. Tinaas ko ang kamay sa dibdib niya.
Ilang sandali pa at naglambitin ako sa kaniya at mas pinagdiinan ang sarili. Nalasahan ko ang alak sa dila niya. Iisang hangin ang nilalanghap naming dalawa.
Kumalas siya at humakbang paatras. "Go inside and sleep," bulong niya. Naghahabol ng hininga.
Huminga ako nang malalim. "A-ayaw mong pumasok?"
"No." Ngumiti siya. "Sleep tight, Rish. When you wake up tomorrow, you'll forget every single detail of this kiss."
"H-Ha? Pero..." Nanubig ang mata ko. "Ayokong malimutan 'to."
"There's a potion on the wine you've sipped, that will cause you to forget what happened earlier and this one. Hush now, it's safer for you if you will remember this no more."
"N-No... please." Nakagat ko ang labi. Tumitig ako sa kaniya habang naluluha. "Ayaw kitang kalimutan. Ayokong malimutan 'tong nangyari. Please, ayoko. Ito lang 'yong tanging magpapasaya sa akin, Levi. Please... sobrang saya ko ngayon. At ito 'yong huling beses na makakausap kita nang ganito. Gusto kong alalahanin kung paano mo ko pinasaya sa gabing 'to."
Ngumiti siya at marahang pinahid ang luha sa pisngi ko. "I will watch you from afar. Noon, ikaw ang tumitingin sa akin sa malayo, ngayon ako naman."
"L-Levi..."
"Please, Rish. Dealing things with me will cause you destruction. Don't be stubborn, okay?"
Hinuli ko at kamay niya. Hinagkan ko ang likod ng palad niya habang nakatitig sa mga mata niya. "I love you, Levi."
Ngumiti siya. Hinaplos niya ang pisngi ko at walang paalam na tumalikod at naglakad palayo. Nataranta ako. Napalunok. "L-Levi, I love y-you!" sigaw ko. Napahawak ako sa pader habang tinititigan ang likod niya. Please, lumingon ka. Lumingon ka! Napalunok ulit ako. "I-I love you, Levi!"
Naabot niya ang dulo ng corregidor at lumiko. Nawala na siya sa paningin ko nang hindi huminto ni lumingon man lang. Napasandal ako sa pader. Sinapo ko ang mukha at humagulgol. Hindi ko dapat pinagdidiinan ang sarili ko sa bituin pero hindi ko mapigilan ang sarili kong subukang umabot ng isa. Pero sadyang mailap ang bituin kaya hindi ko mahuli.
"L-Levi..."
Ilang oras akong nanatili sa gilid ng pinto. Pumasok lang ako sa loob ng kuwarto nang bumukas ang pintong katapat ng pinto ko at taka akong tiningnan ng isang babae. Pabagsak kong hiniga ang sarili sa kama.
Hindi ko alam, pero sa mga oras na 'yon, parang naghinayang ako. Inisip ko na sana hinila ko siya sa loob ng kuwarto. Na sana pinagkaloob ko ang sarili ko sa kaniya.
Pinahid ko ang basang pisngi at napatingin sa kurtina na marahang sinasayaw ng hangin. Kita ko ang liwanag sa labas. Umaga na nga. Dahan-dahan akong umusog sa gilid ng kama at binaba ang mga paa sa sahig.
Tumayo ako. Nanatili akong gano'n ng ilang minuto hanggang mawala ang pag-ikot ng paningin ko. Humakbang ako pero nahinto nang tumunog ang cellphone. Dinampot ko 'yon at sinagot ang tawag. Umikhim ako. "H-Hello?"
"Joy, kailan ka uuwi?"
"Ah." Napatingin ako sa screen ng cellphone. "Mamayang alas-dose, Ma."
"Mabuti. Kumain ka muna bago bumiyahe."
"S-Sige po."
Pinatay ni Mama ang tawag at tinapon ko ang cellphone sa kama. Humakbang ako papunta sa banyo at naligo. Simpleng T-shirt at jeans lang ang sinuot ko. At habang sinusuri ko ang gamit, nakita ko ang paperbags na para sana kay CareLikeGoldFish. Napakamot ako sa pisngi. Anong sasabihin ko sa tatlong babae?
Bumuntong-hinga ako at sinuksok 'yon sa backpack. Tumawag na rin ako sa ibaba para magpahatid ng agahan. Mabilis akong kumain. Pagkatapos, inayos ko ang sarili.
Tinitigan ko ang ang mukha ko sa whole body mirror. Mugto ang mga mata ko. Sinubukan kong ngumiti pero ayaw sumunod ng labi ko. Ako pa ang nagpakurba sa mga 'yon.
Sinukbit ko ang backpack at tiningnan ang bloody red dress na suot ko kagabi. Nakalatag sa kama. Nasa gilid niyon ang heels, earings, necklace, at perfume. Napabuga ako ng hangin.
Pumihit ako at tuluyang nilisan ang kuwarto. Binalik ko ang key card sa reception at nagbayad ng karagdagang fee bago lumabas ng gusali.
Mataas na ang araw at maingay sa labas dahil sa iilang guests na naliligo sa pools. May ibang nakahiga sa poolside. Siguro nagsa-sun bathing? Hindi ako sigurado.
Nag-hire ako ng taxi para magpunta sa Panglao International Airport. At habang nasa biyahe, naalala ko na naman si Levi. 'Yong eksena sa kotse niya kagabi habang pabalik kami sa hotel.
Prente siyang nakasandal sa sandalan ng driver seat at hawak ng isang kamay ang manibela, habang hawak ng isa ang kamay ko. Bahagya pa niyang pinisil pagkatapos ay pinagsiklop ang mga kamay namin. Kumanta siya.
Hay. Bumibigat na naman ang dibdib ko.
Dahil backpack lang ang dala ko, hindi na hassle sa akin ang pag-check in sa departure lobby. Naghintay ako saglit bago kami pinalabas ng gate at pinapasok sa eroplano.
Naupo ako sa gilid ng bintana. Sinuot ko ang seatbelt at tumingin sa labas ng bintana. Buong biyahe akong nakatingin sa labas at pilit nilalabanan ang antok. Hindi ako pwedeng matulog. Baka paggising ko, malimutan ko na kung anong nangyari kagabi.
Biglang may kumalabit sa akin. Sumulyap ako sa katabi kong babae. Ngimiti siya. "Miss? Kanina ka pa tinatawag ng crew."
Napatingin ako sa babaeng crew. Ngumiti siya sa akin. "Maam, do you need blanket?"
"H-Huh." Napakurap ako. Siguro napansin niyang inaantok ako. Umiling ako. "No need. I won't sleep here."
"Are you sure do you don't need a blanket, Maam?"
Pilit akong ngumiti. "Y-Yeah. Please, I want to be alone."
"Sure, Maam. Just call us when you need something."
"S-Sige. Salamat."
Binalik ko ang tingin sa labas ng bintana. Dinilat ko ang mata para hindi mahulog ang talukap ko. Ayokong matulog!
Nagtagumpay ako. Hindi nga ako nakatulog sa eroplano. Inayos ko ang buhok na ginulo ng hangin bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa arrival area. Bumili ako ng kape sa isang stall na nadaanan ko at sumimsim ako habang naglalakad.
Nagfi-ferry ba ako o bus? Kaso, hassle bumiyahe sa bridge. Alam kong traffic na kasi rush hour. Napagdesisyunan kong magfi-ferry papuntang Pier 3. Tapos, magbu-bus na lang pauwi ng Boljoon.
May naapakan ako. Nahinto ako sa paghakbang at tiningnan ang naapakan ko. Isang itim na sapatos. Nangunot ang noo ko at nag-angat ng tingin sa taong nagmamay-ari ng sapatos na 'yon. Si Lyndon. Mas lalong nangunot ang noo ko.
"Ikaw na naman?" bulong ko. Gusto kong sigawan siya o kaya irapan pero wala akong lakas. Nanghihina ang kalamnan ko.
Nangunot din ang noo niya. "What happened to you? You look stressed."
Inalis ko ang paa ko sa ibabaw ng sapatos niya at nilampasan siya.
"Rishell," tawag niya at hinawakan ako sa braso. Mahina lang 'yong paghila niya sa akin pero siguro sobrang lutang ang utak ko kaya natapon ako sa dibdib niya. Mabilis niyang hinuli ang balikat ko at pinulupot ang braso sa katawan ko.
Tiningnan ko na lang ang nahulog na disposable cup at kumalat na kape sa puting sahig ng airport.
"Anong nangyayari sa 'yo? Ayos ka lang ba talaga?" bulong niya sa tainga ko habang nanatiling nakapulupot ang braso niya sa baywang ko.
Lumunok ako. "O-Oo."
Pinagmasdan ko lang kung paano lumapit ang maintenance at nag-mop sa narumihang sahig. Kinuha niya ang disposable cup at tinapon sa basurahan sa gilid.
Pinaharap ako ni Lyndon sa kaniya. Pagod kong tinitigan ang mata niya. Dumilim ang awra niya. Tumiim ang bagang. "You should rest."
"I don't need rest." Marahan kong tinapik ang kamay niyang nakahawak sa magkabila kong balikat. "Uuwi na ako. Please, let me go."
Umiling siya. "Ihahatid na kita." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako.
"Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" nanghihina kong tanong.
Nilingon niya ako saglit. "Hindi. Ngayon ang flight ko pauwi ng Cebu."
"Ah."
Ilang hakbang pa at nanghina ang tuhod ko. Napaluhod ako bigla. Kung hindi pa nakahawak sa palapulsuhan ko si Lyndon, baka humalik ang mukha ko sa sahig.
"Rishell! Ano bang nangyayari sa 'yo?"
Lumuhod si Lyndon sa harap ko at sinapo ang magkabila kong pisngi. Ramdam ko ang titig ng mga tao sa airport. Lumapit pa 'yong security guard pero tinaboy ni Lyndon.
Magkasalubong na ang dalawang kilay niya. Walang sabi-sabing binuhat niya ako sa braso at dahan-dahang naglakad palabas ng airport.
Nahulog ang ulo ko sa balikat niya. At kahit hindi ko gusto, kusa na lang pumikit ang mga mata ko sa antok.