Forbidden Novels Chapter 11

Chapter 11

Anna

Niyakap ko ng mahigpit si lola. Naluluha akong tingnan ang aking mga pinsan sa likod ni lola. Kumaway ako sa kanilang dalawa.

"Maraming salamat lola ha? Mamimiss ko kayo."

Hinagod nito ang aking buhok. "Ikaw rin mamimiss ka namin. Bumalik kayo rito ng kuya Santi mo ha?"

Ngumiti ako at niyakap sila ulit. Nauna na akonh pumasok sa pick up at tiningnan si kuya na niyayakap si lola. May mga sinasabi siya dito at nakita ko ang paghalik nito sa noo ni lola.

Umiwas ako ng tingin. Simula nang lumapat ang labi ni kuya sa labi ko alam ko nang simula na iyon ng aming kalbaryo.

Hindi ako makatulog kakaisip lalo na palagi akong kinakabahan. Isang tingin lang ng tao sakin parang guilty ako sa isang bagay. Kahit walang nakakaalam ng nangyaring iyon, kinakabahan parin ako.

Lalo na kapag sa bahay. Lalo na sa pamilya ko at kay ate Anna. Ang sama ko. Masama ito..

Lagapak ng pintuan nang pick up ang nagpaigtad sa akin. Nagkatinginan kami ni kuya ng ilang sandali at ako na ang unang umiwas.

"Sabihin mo lang sakin mamaya kung hihinto at may kailangan ka."

"Opo kuya."

Pinaandar nito ang pick up. Binalik tanaw ko ang naiwang sila lola at mga pinsan na nakatingin na sa likod ng sasakyan.

Mamimiss ko ang lugar na ito. Napamahal narin sakin ito sa ilang ulit na naming nag bakasyon dito.

"Anong kurso ang kukunin mo?" Malayo na kami sa mabundok at maputik na lugar nila lola. Maayos na ang takbo ng sasakyan sa sementong daan at nakakasilaw na ang sikat ng araw.

"Fine Arts kuya."

Bawat sagot ko kinakabahan ako. Ni hindi ko siya kayang tingnan.

"Tutulungan kita.."

"Salamat kuya. Si ate Anna pala bakit naunang umuwi?"

Ilang segundo pa bago ito nakasagot.

"Gusto na niyang umuwi."

Kinagat ko ang labi nang atakihin ako ng konsensya. "Sa susunod..huwag mo akong halikan kuya. M-Magkapatid tayo.."

Umawang ang labi nito ng tiningnan ko siya sa mata. Nagkasalubong ang dalawang kilay at seryosong nagmamaneho.

"Kung puwede lang sanang...mamatay at mabuhay ulit. Ayoko nang maging kapatid ka Ara..."

Tila tinusoktusok ang aking puso. Nakaramdam ako ng kirot dahil kahit hindi ito nakatingin sa akin ramdam kong totoo siya sa mga binitawan nitong salita.

Nanginig ang aking labi kaya kinagat ko iyon. Binaling ko ang tingin sa mga nadadaanan naming tanawin.

"Kasalanang halikan ang isang kapatid kuya, tsaka ayokong saktan si ate Anna. Dito sa mundo natin bawal magmahal ng kadugo.."

Dahan dahan nitong hininto ang pick up sa gilid ng daan. Kinabahan ako bigla.

"Mag-drive k-kana kuya. Baka gabihin tayo sa daan."

Umiling ito at marahas na hinawi ang buhok gamit ang daliri. Lumapit ito sa akin na siyang kinabigla ko.

"Mag uusap tayo ngayon.."

"Sa b-bahay na.."

"Sigurado ka? Alam ko kasing naiilang ka saking lumapit kapag nasa bahay.."

Tinambol ng malakas ang aking dibdib. Bakit alam na alam niya?!

"Ara..sabihin mo sakin." hinawakan nito ang aking baba at pinaharap ako sa kanya.

Shit.

"Anong nararamdaman mo sakin?" Bulong na tanong nito.

Umihip ang hangin at nakita kong gumalaw ang kanyang buhok dahil sa hangin. Hinawi rin niya ang mga takas na buhok ko sa mukha.

"Hindi k-ko alam.."

Hinawakan nito ang aking dibdib. "Bakit ang lakas ng tibok nito? Hmm?"

Umawang ang labi ko. Dahil nabisto ako umiwas ako pero pilit ako nitong pinaharap sa kanya ulit. Mahigpit na ang hawak niya sa aking baba.

"Bakit Ara?" Naliliyo na ako sa lapit nami'ng dalawa.

Tiningnan ko ng mabuti ang kanyang mga mata. Malalim at makahulugan ito para sa akin. Parang isang patibong ang pagtingin ko sa mga matang ito.

"Kinakabahan ako kung nandiyan ka kuya. H-Hindi ko alam kung bakit..."

Kinagat nito ang ibabang labi at tumango.

"Tutulungan kitang tuklasin 'yan Ara. Kasi ako..." napapikit ako ng halikan ako nito sa noo. "Kaya kong isuko at iwan ang taong meron ako ngayon kung ikaw mismo alam ang ibig sabihin nito.." tinuro nito ang dibdib ko.

"Maghihintay ako Ara.."

Pag dating namin sa bahay nakahanda na agad si mama ng pagkain namin. Nakangiti ito nang pumasok kami.

"Ma!" Niyakap ko agad siya ng mahigpit.

"Namiss ko kayo mga anak.."

"Namis kita ma.."Narinig kong sabi ni kuya kay mama at niyakap ito. Ewan ko kung bakit nailang ako bigla ng maalala na naghalikan kami ni kuya.

Tingin ko bawat tao na makakasalamuha ko may kasalanan ako. Parang may kasalanan ako sa mundo.

Biglang may pumasok na lalaki galing labas. Halos malagutan aki ng hininga nang makitang si papa iyon.

Sumalubong rin ang kilay ni kuya pero hindi ito nagbigay reaksyon o nagsalita. Umiwas ito agad at kumuha ng tubig sa ref.

"Anong ibig sabihin nito mama?"

Nag iwas si mama at halatang hirap magsalita.

"A-Anak, t-tanggapin nalang n-natin na may ibang pamilya si p-papa mo. Puwede naman siya ditong umuwi kung gusto niya-"

"Ma ano 'to?" sigaw ni kuya.

"Anak di ko kayang lumaki kayo ng walang ama!"

Naluluha akong makitang ganito ang aming pamilya.

"Masaya kaba pag nandito siya ma?"

Natahimik si mama. Nakita kong yumuko si papa. Wala itong sinasabi.

"H-hindi ko kayang mawala ang p-papa niyo mga anak.."

Pumikit ako ng mariin.

"Ako ang aalis ma."

Mahinahon ang boses ni kuya. Ang pagmulat ko ang siyang pagpatak ng aking luha.

Nagkulong ako sa aking kuwarto. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako doon.

Niluwa 'non si kuya Santi. "Aalis ka ba talaga kuya?"

Tumango ito at lumapit sa akin. Hinaplos nito ang aking pisngi.

"Babantayan kita sa school sa pasukan."

Umiling ako. "Saan ka titira? Sinong magluluto sayo?"

Ngumisi ito. "Magrerenta ako Ara. Kaya ko ang sarili ko. Inaalala ko ikaw.."

"Huwag kang pasaway para ibalik ko ang cellphone mo."

Huminga ako ng malalim at kinuha ang kamay niya. Bumagsak ang tingin naming dalawa sa aming kamay. Unti unti niyang pinagsiklop ang kamay naming dalawa.

"Mahal kita Ara.." sabi nito.

Hindi ko alam pero naluluha ako lalo na nang tingnan ko ang mga mata niyang kasing tulad ng mga mata ko.

"Mali ito k-kuya.." unti unting nalabo ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha.

"Walang mali sa pag-ibig Ara."

"Hindi ko na a-alam kuya..n-natatakot ako.."

"Ako ang lalaban para sa ating dalawa. Kakayanin ko lahat ,mahalin mo lang ako.."

Parang tumalon ako mula sa bangin sa aking mga narinig.

Narinig kong umingay ang cellphone nito sa bulsa. Kinuha ito ni kuya at sinagot.

"Hello?"

Nakita ko kung paano umawang ang labi ni kuya nang marinig ang mga sinabi nang nasa kabilang linya.

"Saang hospital ho?"

Tumango ito at tiningnan ako.

"Saan ka kuya sino iyon?"

Namumula ang mata ni kuya at tila nahihirapan ito.

"Si Anna.."

Kahit wala na siyang sinabi .. alam ko na ang nangyari.

Sumama ako sa hospital kay kuya. Ilang minuto lang dumating na kami doon. Nakasunod lamang ako kay kuya. Nakita ko kung paano siya natataranta. Parang nadudurog ako.

Huminto kami sa pinto na sinabi ng isang nurse. Nandoon sa labas ang papa ni ate Anna. Sinalubong agad nito ng suntok si kuya.

Humarang ang mama ni ate Anna na umiiyak. Hinawakan ko si kuya sa kamay.

"Pinagkatiwala ko saiyo ang aking anak kahit na mahirap kalang! Nang dahil saiyo nagkaganito ang anak ko!"

"Tama na...tama na..."

"Patawad tito.." nakatanggap ulit si kuya nang isa pang suntok.

Maraming humila sa papa ni ate Anna. Nang makalayo ito ang siyang paglapit nang mama ni ate kay kuya.

"G-Gusto ka niyang makausap Santi.."

Umalis ang magulang ni ate at nasa loob na si kuya Santi.

Hindi ko magawang pumasok. Alam kong may kasalanan ako at mali ko. Una palang may relasyon sila at mali itong nararamdaman ko.

Sumilip ako sa nakaawang na pinto at nakita kong hawak ni kuya ang kamay ni ate Anna.

"Minahal mo ba ako Santi?" mahinang tanong ni ate Anna. Maraming aparato sa katawan nito at may oxygen sa ilong. Nakikita ko rin na may life machine na nakasuporta rito.

"Minahal kita Anna.." sagot ni kuya.

Kumislap ang luha sa mata ni ate Anna. Alam konh hirap na hirap na ito pero nakuha nitong ngumiti.

"Minahal.." Sabi nito. "Ngayon iba na ang m-mahal mo di'ba? O b-baka siya talaga noon paman.."

Kinabahan ako bigla. Walang sagot si kuya.

"Noong gabing iyon...nakita kitang hinalikan mo siya sa b-batis.."

Unti unti akong nawasak. Nawasak lalo nang marinig ng iyak ni ate..

"Mahal mo si Ara.."

Humigpit ang hawak ko sa pinto at halos lumubog ako sa kinatatayuan.

"Mahal mo ang kapatid mo Santi?" Nanatiling tahimik si kuya. "S-Sagutin mo ako..pakiusap.."

Nasapo ko ang labi at humikbi.

Hinawakan ni kuya ang pisngi ni ate na may luha. "Patawad...Anna.."

Umiyak si ate. Doble ang sakit na aking naramdaman.

"Mahal ko si Ara ,Anna. Patawad.."

Nanginginig si ate nang hawakan rin ang pisngi ni kuya Santi.

"Hindi ko n-n kaya Santi.." iyak nito.. "Sana makakaya niyo itong dalawa kasi di ko na kayo makikitang lumalaban."

Walang humpay ang aking luha at ang sakit na aking nararamdaman. Tila ang sama sama kong tao.

"Ipaglaban mo si Ara ,Santi. Nakikita ko kung gaano mo siya k-kamahal."

Tumango si kuya at hinalikan sa noo si ate Anna.

"Magpapahinga n-na ako.." Nakangiti pero kumikislap ang luha ni ate.

Nakita kong yumuko si kuya at hinalikan ng mariin ang kamay ni ate.

"Matulog ka na Anna.." Nanginginig ang boses ni kuya.

Nakita kong tiningnan ako ni ate Anna at ngumiti bago unti unting pumikit. At ang siyang pag-ingay nang life machine nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.