Chapter 10
Akin Ka Ara
"Saan ka magka-college kung 'ganon?" Tanong ni Saymon sa kabilang linya.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa ibaba. Nagkakape si ate at kuya.
"Kung saan si kuya nag-aaral."
"Sa Monreal Catholic College?"
"Yep!"
Narinig ko ang pagpitik ng mga daliri nito. "Sakto, malapit sa amin! Mahahatid sundo kita."
"Di na kailangan no.."
"Ara seryoso ako sa panliligaw saiyo.."
Binalik tanaw ko ang kinaroroonan nila kuya. Nakatingin na ito sa akin habang sumisimsim ito sa kanyang kape.
"Tingnan natin Saymon.."
Kinabahan ako bigla at itinago ang aking cellphone. 'Di alam ni kuya na nakikipagtext na ulit ako kay Saymon. Tsaka ,nadagdag ko na rin dito ang ibang cellphone number ng mga classmates ko.
Bumaba ako at nakita si lola Lourdes na naglalapag ng bilo bilo sa mesa.
"Wow, magtitinda kayo lola?" Nillagay nito sa dalawang basket.
"Oo, may palabas ngayon sa plaza. Magtitinda ako doon ng palamig at pagkain."
"Sama ako lola!"
Ngumuso ito at tiningnan ako. "Sigurado ka? Baka mabagot ka doon."
"Hindi po! Sandali lang magbibihis ako lola.."
Nagbihis ako ng puting t shirt at short. Nakabihis narin si lola pagbaba ko. Hindi ko na inabala pa sila ate at kuya.
Mainit sa plaza pagdating namin. Inayos namin ni lola ang aming puwesto sa lilim ng puno. Inaayos ko ang malapad na payong habang si lola at nag aarrange ng mga biscuit, bilo bilo, puto mga mineral water at marami pang iba.
Inayos ko sa di-kalakihang cooler ang mga mineral at softdrinks. Nang may tumawag sa akin.
"Oh Lando! Ikaw pala yan!"
Si lola habang nakaupo na sa kahoy na upuan. Halong lalaki at babae ang grupo nila Lando.
"Opo lola! Manonood kami ng parada! Pabili naman po.."
Ngumiti ako at binigay sa kanila ang kanilang binili. Nagbigay ito ng five hundred pesos.
"Wala pa kaming barya e." Napangiwi pa ako.
" Hindi keep the change na."
"Nakakahiya naman hijo."
"Hindi lola, diyan na po iyan.."
Marami kaming naibenta ni lola maghapon. Halos wala naring laman ang cooler at ang mesa.
"Wow! Ang dami na nating pera lola!"
"Ayan two hundred oh.." Tiningnan ko lang ang perang nakabitin sa kamay ni lola. Tinulak ko iyon pabalik sa kanya.
"Lola huwag na. May pera pa ako tsaka mas kailangan niyo yan sa gamot niyo."
Ngumiti ito at hinaplos ang aking pisngi.
"Mana ka talaga sa kuya mo Ara.."
Umiwas ako nang banggitin niya si kuya. Ang pag iwas ko ang siyang pagkita ko kay Lando na nasa harapan namin ni lola.
Kumakamot ito sa kanyang batok at tila nahihiya.
"Uh, lola Lourdes,puwede po bang ipasyal muna si Ara lola?"
Napataas ang dalawa kong kilay.
"Aba'y oo naman! basta naman iuwi mo ang apo ko ng walang galos at buo. Pero nasa kanya parin ang desisyon hijo kung sasama siya saiyo.."
Tumikhim ako at ngumiti. Maaga pa naman. Tsaka, maganda ring makagala ako dito bago kami umuwi.
"Puwede naman.."
"Yes!" Napasuntok ito sa ere at sumaludo kay lola. "Makakaasa ka lola! Daldalhin ko lang siya foodcourt."
Magkasabay kaming lumalakad ni Lando. Nadaanan namin ang mga baloons na hugis puso at mga cartoon characters.
"Gusto mo niyan?" Tanong ni Lando sa akin. Bigla kong naalala si kuya. Iyan lagi ang tanong niya kapag may gusto akong bilhin.
"Wag na!" Tanggi ko kay Lando pero umiling ito at nilapitan ang mga balloons na hawak ng nagtitinda.
"Pabili po manong ang pinakamalaking hugis puso po.."
Napahalakhak ako sa ka pilyuhan nito. Binigay nito sa akin agad.
"Ang ganda!"
Tinuro nito ang mga nagtitindi ng mga kwek kwek, fried isaw, toge at mga fishballs. "Doon tayo.."
"Treat mo?"
"Oo naman!"
Masayang kasama si Lando. Nagabihan na kami sa plaza at naaliw sa parada. Meron ring fireworks display at mamaya may banda na naman.
"Ang saya.." turan ko habang bitbit ang mga pinamili sa akin ni Lando.
"Noon ko pa gustong yayain ka. Kaso, masyadong istrikto ang kuya mo. Naiintindihan ko naman kasi, nag iisang babae ka at maganda." Pinisil nito ang aking pisngi.
Humalakhak ako. Puwedeng pahinging number mo?"
Tanong nito. Tumango ako at binigay ang aking numero. Bago kopa naibigay napasadahan na nang aking mata ang iilang tawag mula kay kuya.
Kinabahan ako bigla.
Hinatid ako ni Lando hanggang sa aming bahay. "Salamat sa paghatid!"
Nasa loob pa siya ng traysikel at nakangiti sa akin. "Walang anuman! Itetext kita!"
Ngumiti ako at tumango dito.
Umingay ang kinakalawang na gate ni lola ng buksan ko ito. Kinakabahan at namamawis ang aking palad sa kaba.
Alam ko kasing hindi ito gusto ni kuya. Pero gusto ko naman maging masaya. Nasa sala sila lola at ate Anna nang pumasok ako.
Umihip ang mabagsik na hangin at kumidlat pa. Mabilis akong pumasok sa loob. Mukhang uulan pa yata.
Isa isang tiningnan ni lola ang aking mga dala.
"Magandang gabi lola ,ate.."
"Wow, nakikipag date kana Ara ah.."Tukso ni ate sa akin. Maputla parin ito pero naging masiyahin na. Pinatay ni lola ang tv ng kumidlat ulit.
"S-Si kuya..lola?"
"Umalis iyon kaninang hapon. Hindi nga rin kumain iyon.."
"Saan daw siya pupunta?"
"Hindi rin yon nagpaalam Ara e. Mukhang uulan pa naman.." May pag-alala sa tono ng boses ni ate.
Kahit nasa kuwarto na at nakabihis hindi ko maiwasan ang mag-alala. Nakahiga na si ate Anna at mukhang inaantok na.
Bumangon ako at tiningnan ang langit na nagbubuhos ng ulan. Kahit umuulan ay may buwan. Tumayo ako at huminga ng malalim. Kinuha ko ang payong.
Nanginginig ang kalamnan ko dahil sa lamig at basa narin ng ulan ang katawan. Hindi sapat ang payong na aking dala sa bagsik ng hangin. Medyo nagigiba na ito.
Bawat kidlat ang siyang pagtili ko.
Tila may sariling pag -iisip ang aking paa at dinala ako sa batis. Unti unting humina ng ulan. Naalala ko ang ahas sa kweba at dinagundong ako ng kaba.
"Kaya mo yan Ara! Kaya mo yan.." pag chicheer ko sa sarili.
Tila naging tulong ang buwan para makita ko ang malinaw na tubig. Kumikinang iyon at nakakaakit.
Mas lalo lang akong lumapit at may nakitang anino sa puno. Isang lalaking nakaupo at seryosong pinagmamasdan ang pag agos ng tubig na tila isang magandang tanawin iyon.
Umangat ang kamay nito at nakita kong lumagok siya doon. Umiinom si kuya at nakahubad pang-itaas.
Mas lalo akong kinabahan. Kusang lumapit ang aking mga paa. Ang bawat hakbang ko ang pag ingay ng mga batong naapakan o di kaya'y mga tuyo na dahon.
Ang anino nito na nakahilig sa puno habang nakaupo kay nakakahalina. Tila naramdaman nito ang aking presensya kaya napatingin ito sa akin.
Umiwas ito at ininom ulit ang bote ng beer.
"Umuwi kana Ara."
Kasing lamig ng hangin ang boses niya. Napalunok ako at mas lumapit pa.
"Umuwi na tayo kuya.."
"Susunod ako.."
Huminga ako ng malalim at sinubukang hawakan ang kamay niya. "Kuya-"
"Sabing mauna ka. Sino bang may sabi sayong pumunta ka dito?" Umalsa ang boses nito.
Napalunok ako ulit dahil namumula ang dibdib nito. Halatang may tama na.
"Umuulan kuya baka magkasakit ka.."
"As if you care?" Di ko maiwasang magtaas ng isang kilay dahil sa fluent ng pag-english nito.
"Lasing kalang kuya.."
"Oo, lasing ako kaya mauna kana.."
"Hindi kita iiwan dito.."
Ngumisi ito at may kinuha sa gilid at saka hinithit. Sigarilyo iyon..
Napalunok ako ng mas nadepina ang tangos ng ilong at panga nito nang ibuga nito ang usok.
"Nakipag date ka na pala." May sarkasmo sa boses nito. Ngumisi pa ito at uminom ulit.
Inagaw ko sa kanya ang bote at nilayo. Tiningnan niya lang ako at umirap. Magkasalubong ang makapal na kilay nito.
"Uwi na tayo kuya.."
Umiling ito at tumingala. Nakita kong nagtagis ang bagang nito.
"Masaya ka bang nakipag date sa lalaking iyon?"
Napaiwas ako at napatingin nalang sa tubig. "Masaya naman.."
Namayani ang katahimikan ng sinagot ko iyon. Huminga ito ng malalim.
"Simula bukas bawal ka nang mag cellphone. Sa pasukan babantayan kita. Kaya huwag kang basta bastang lumadi. Ang bata mo pa.."
Napanganga ako at hindi makapaniwala. Iba talaga ang epekto ng alak.
"Anong landi?"
"Anong landi?" Balik nito sa akin. "Ginawa mo iyon kanina kay Lando nalimutan mo na?"
Napakurap kurap ako at pagak na tumawa. "Sinong may sabing naglandi ako? Masayang kausap si Lando. Wala kaming ginawang masama kuya.."
"Sa ngayon wala pa!" Umalsa na naman ang boses nito. Nakaramdam ako ng konting takot.
Pilit kong nilabanan ang takot at pinalitan ng galit. Ang sakit nitong magsalita.
"Anong tingin mo sa akin malandi?! Alam mo, saiyo na ng cellphone mo! Hindi ko iyon kailangan." Tumayo ako at nakita kong tiningala ako nito. "Sino kaba para pag bawalan ako ng ganito? Kung tutuusin puwede na akong mag boyfriend!"
"Subukan molang Ara.." Tagis ngipin na turan nito.
"Susubukan ko talaga!" Padarag akong tumayo para iwan ang hinayupak na ito.
Narinig ko ang padarag na paglapag ng bote at ang paghila nito sa akin. Padarag ako nitong pininid sa puno na hiniligan namin kanina.
Hinawakan nito ang aking dalawang pulso gamit ang kanyang isang kamay lang.
"Anong sabi mo?" Naniningkit ang mata nito. Napalunok ako ng ilang beses ng malanghap ang amoy ng alak sa hininga niya. Nakakaliyo iyon...
Sobrang lapit ng labi nito sa akin. Nararamdaman ko ng init ng katawan nito na nakalapat sa aking dibdib.
Hindi ako makasagot at napailing na lamang. "Subukan mo lang Ara.."
Tila ang mga binitiwan niyang salita ng nagpasiklab ulit sa galit ko. "Susubukan ko talaga! Sino kaba sa akala mo-"
"Isa pa Ara! Hahalikan na kita.." Nakapikit ang mata nito at tila nagtitimpi.
Lumaki ang aking mata hindi makapaniwala. "A-Ano..s-subukan mo lang-"
Hindi na natapos ang aking mga sasabihin dahil walang respetong lumapat ang labi ni kuya sa aking labi.
Halos gumuho ang aking mundo nang maramdamang gumalaw iyon at binuka ang aking labi. Naramdaman ko ang pag sayad ng metal na hikaw nito sa aking labi.
"Kuya h-huwag-" Naputol ang sasabihin ko ulit nang inanggulo lang nito ang ulo at halikan ako ulit nang mariin.
Halos sumabog ang aking dibdib sa kaba. Nanginginig rin ang aking tuhod.
Tila naramdaman niti ang aking luha kaya ito ay tumigil. Hindi ko na nakayanan at sinampal ko ito ng malakas.
"A-Ang sama mo!"
Pumula ang pisngi nito dahil sa aking sampal. Tinalikuran ko ito para sana umalis pero hinila ako nito ulit at niyakap mula likod.
Binaon nito ang mukha sa aking leeg.
"I'm sorry, baby.."tumindig ang aking balahibo sa narinig.
"Hindi ko na talaga kaya..." Dagdag pa nito. Tila ramdam ko ang bawat bitaw niya ng salita. "Hindi ko na mapigilan.Hindi ko alam ang gagawin ko Ara.."
Sumasayad ang labi nito sa balat ng aking leeg. "K-Kuya..."
"Akin ka Ara..hindi ka mapupunta sa iba.."
Napapikit nalang ng mariin nang marinig ang huling sinabi nito.