Chapter 8
Kweba
Matayog na ang sikat ng araw nang magising ako. Nakaukit parin sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Pagkatapos 'non natulog lang siya na parang walang nangyari.
Napabalikwas ng biglang may kumatok ng malakas sa pinto. Wala narin si kuya Santi. Sanay magising 'yon ng maaga.
"Ara! gumising kana! Manonood tayo ng basketball!"
Narinig kong sigaw ng aking pinsan kaya kahit tamad napilitan akong bumangon at maligo.
Sa mesa nadatnan ko ang aking dalawang pinsan na kumakain na.
"Oh Ara, nauna ka palang nauwi kagabi?"
"Oo e. Nahanap ko si kuya Santi."
"Pagkatapos niyong gumala samahan niyo ako sa batis ha? Maglalaba tayo doon." sabi ni lola Lourdes.
Nakagawian na ng mga tao dito ang maglaba at maligo sa batis. Ang batis dito ay napakalinaw at malinis.
"E di'ba lola maraming ahas doon?"
Humalakhak si lola at nilapag sa mesa ang aming milo at may kasamang pandesal. Sinawsaw ko sa milo ang pandesal at kinain.
Nakakamis to!
"Anong ahas?! Ang mga ahas ay iyang mga kapit bahay natin." humalakhak pa ito. "Asawa na nga ng isa e aahasin pa rin. Grabeng makamandag ngayon ang mga ahas!"
Napakamot sa ulo si Lara ,mukhang di makuha ang ibig sabihin ni lola.
Biglang natahimik nang pumasok si kuya Santi. May buhat na isang sako bigas. Wala itong damit pang itaas. Kumikinang ang abs nito dahil sa pawis. Bawat galaw niya ang isang pag-igtingan ng mga muscles nito.
Napaiwas ako ng tingin ng maalala ko 'yong kagabi. Kinakabahan ako sa sariling tibok ng puso ko. Mukhang naging abnormal na yata to.
"Saan ko 'to ilalagay lola?"
"Lapag molang diyan Lior! At mag almusal kana."
Nilapag niya ang sako ng bigas. Bigla kong naamoy ang kanyang natural na bango. Natanto ko na nasa likod ko siya.
"Kuya, manonood kami ng basketball niyo."
"Sino kasama niyo?" Humawak ito sa likod ng silya ko. Kinuha nito sa aking kamay ang pandesal na may kagat ko at nagsawsaw sa milo ko.
Napalunok ako ng kinain niya iyon.
Shit....
"Kami po ni Lara, at Ara kuya.." Si Kathlyn ang sumagot.
"Sige , basta huwag kayong malikot doon ah."
"Yes kuya Santi!"
Silang dalawa lang ang sumagot habang ako nasa milo ang tingin at hindi makamove on.
Sumakay kami sa trysikel papuntang gym nila dito. Medyo may kalayuan pero nag-enjoy ako kakatingin sa mga bundok at kalabaw.
Nakalambitin sa aking braso sina Lara at Kathlyn habang papasok kami ng gym. Si kuya Santi nasa likod namin at sumsununod. Hindi ko siya kayang kausapin muna.
Papasok ng gym ay may tindahan sa gilid ng gate. Bigla akong nauhaw nang makakita ng coke doon.
"Gusto mo niyan?" Si kuya na nasa likod ko. Hindi ko namalayan na tumagal ang titig ko sa coke.
Umiling ako. "Huwag na kuya. Kailangan natin magtipid."
Umiling ito at nilabas ang pitaka. Oo nga pala, may kinikita ito sa pag gigig sa Bistro.
Kahit maliit , nakita ko paring nasa loob ng wallet niya ang picture ni ate Anna.
Bumili siya ng tatlong coke para samin at piatos bago pumasok. Maraming nakatambay na maglalaro ng basket. Meron ring manonood.
Sa kabilang bleachers nakita ko ang mga kaibigan ni kuya at kasama doon si Lando. Sila 'yong mga kasama namin ni kuya kagabi sa diskohan.
"Puwedeng pahiram?" Napukaw ang pag-iisip ko ng marinig si kuya. Hiniram nito ang head band ko. Nilagay niya iyon sa kanyang ulo.
Tumaas ang isang kilay ko dahil sobrang bagay sa kanya. Nakablack headband siya mas lalong nadepina ang makapal niyang kilay at supladong mata. Naka pulang jersey rin ito.
"Ayan na naman si Lindsay oh.." Si Kathlyn.
"Ayoko talaga si Lindsay para kay kuya. Ayokong may makating makadikit sa pamilya natin."
Siniko ko silang dalawa kasi baka may makarinig.
Bale kalaban nila kuya sila Lando. Nakita kong nag usap sila. Napainom ako sa aking coke. Nagtawanan sila at nakita kong umiling-iling si kuya.
"Pag tayo nanalo yayayain kong makipagdate sa akin si Ara.." Nagsipulan at humiyaw ang mga nandoon.
"Hala ikaw raw Ara oh!"
Ngumisi nalang ako at umiling sa kanilang pustahan.
"Pag kami nanalo......" Hindi pa dinugtungan ni kuya ang sasabihin.
Tumawa si Lando. "Ano Santi?"
Ngumisi si kuya. "Mamaya mo malalaman.."
Nag-umpisa na ang kanilang laro. Ang bantay talaga kay kuya ay si Lando. Sa tuwing titira rin si Lando ay bina-block rin ni kuya Santi.
Tumira si Lando at three points agad iyon. Napasuntok ito sa ere. "Hoooh! Para maidate ko si Ara!" Isinigaw nito at halos mamula ang pisngi ko dahil maraming tumingin sa akin.
Umiwas si kuya at nagsalubong ang kilay nito. Nagsimula ulit ang mainit na laro. Malapit nang matapos. Madalas makapuntos si kuya at humahabol ang kabilang kampo.
Nang naka'y kuya na ang bola at ititira na sana nablocking ito ni Lando at naagaw ang bola. Nakita ko ang pasimpleng pag siko ni kuya dito at inagaw ang bola. Nakita kong sumalampak si Lando sa sahig.
Sabay ang pagshoot ni kuya nang three points at pag time out ng oras. Maraming humiyaw dahil panalo sila kuya.
Maraming nagreklamo na kalaban nila. Napatayo ako ng magkasagutan sila ni kuya at Lando sa court. Tumayo agad ako at nilapitan sila.
"Paano ba yan panalo ako.." sabi ni kuya kay Lando na nakabusangot ang mukha.
"Gusto ko nang makuha ang gusto ko.." Mapang uyam na boses ni kuya.
"Ano ba 'yon-" Hindi pa natapos ang sasabihin ni Lando ng suntukin ito ni kuya. Napaupo ito sa sahig ng court at dumugo ang labi.
"K-Kuya!" Humarang ako at hinawakan si kuya.
"Ano bang problema mo Santi?" Si Lando at tumayo. Pumagitna narin ang mga kaibigan nila.
"Mga pare chill lang!"
"Layuan mo si Ara. Hindi lang iyan ang aabutin mo sakin.."
Nakita kong nagkatinginan sila Lara at Kathlyn at ngumiti nalang sa akin. May pagkadismaya sa kanilang mga mukha. Naging tahimik rin si kuya nang dumating kami sa bahay.
Nang hapon pumunta na kami ng batis. Medyo umaambon pero patuloy ang paglalaba namin. Nasa malaking bato si lola at naglalaba. Habang sila Lara at Kathlyn ay naglalandian sa tubig.
Naaliw ako sa maliit na bato sa ilalim ng malinaw na tubig. Lagaslas ng marahas na tubig at pisik ng ulan ang naririnig namin. Umeecho rin ang aming tawanan at kwentuhan. Kami lang nandito at wala si kuya Santi. Hindi siya sumama.
"Oh hinay hinay kayo sa pag sigaw baka magambala niyo ang mga diwata."
Eto na naman si lola. Mahilig talaga siya sa mga fairy tales.
"Anong kwento ng diwata dito lola.." Habang naglalaba ay nakikinig kami sa kwento ni lola.
"May isang kweba dito sa batis. Doon unang nagkita ang Diwatang si Marikit at ang napusuan nitong si Mogon. Si Mogon ay isang sireno. Ayaw payagan si Marikit noon ng mga ka-diwata niya kasi isang kasalanan ang magmahal sa ibang kauri niya. Isang kasalanan iyon dahil ang diwata ay para sa diwata at ang sireno ay para sa sirena."
"Isang araw nalaman ni Marikit na ikakasal si Mogon sa isang sirena at ilang araw nang hindi nagpapakita si Mogon sa kanya. Sa galit ni Marikit pinalayas niya dito sa Batis ang mga mapayapang sireno at sirena na namumuhay. Hanggang sa wala nang nakaalam kung nasaan na ngayon si Marikit. Ang mga kulay itim na bato noon ,nang nawala si Marikit ay naging makulay na bato ngayon. Ang linaw nang tubig ay kasing linaw ng kanyang luha. Kung maririnig niyo ang ingay ng talon parang mga hikbi ni Marikit..."
Habang nagkikwento si lola ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga batong iba-iba ang kulay. Nakakaengganyo nga ang mga iyon. Pinulot ko iyon isa -isa at nilagay sa bulsa ng aking short.
Hanggang sa mapalayo ako ng tuluyan sa kanila. Hindi ko na alam ang daan pabalik. Kinabahan ako bigla.
Sa isang madahon at mabulaklak na nakaharang nadiskubre kong may malawak na kuweba. Namangha ako sa kinang ng rock formations nito. May kakaibang ukit doon na hindi ko maintindihan. Sobrang linaw parin ng tubig at kahit sa malalaking bato ay may bulaklak.
Naengganyo ako sa bulaklak na kulay pula. Pipitasin ko sana iyon ng may malaking ahas ang biglang sumulpot sa mismong bulaklak.
"Ahhhh-"
Ang tili ko ay naputol ng biglang may tumakip sa aking bibig at pininid ako sa bato ng kuweba.
Otomatiko akong sumabit doon at nirolyo ang aking mga paa sa kanyang baywang. Parang bata akong nakasabit.
"K-Kuya..paano ka nakapunta-"
"Shhh..huwag kang gumalaw.."
Dikit na dikit ang katawan namin. Wala na naman itong damig at nakashorts lamang. Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa walong abs nito.
Nakasabit sa kanyang leeg ang aking kamay habang ang aking hita ay sa kanyang baywang.
"Nandiyan pa ang ahas.." Sabi nito. Pumikit ako ng mariin sa sobrang takot.
Hindi ko alam kung anong klaseng takot ang nararamdaman ko ngayon. Takot sa ahas o takot sa pagkakalapit namin ng ganito ni kuya.
Sa aking pag dilat at natanto kong sobrang lapit ng labi niya sa labi ko. Humampas ang hininga nito sa aking labi.
"K-Kuya-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil sumayad ang labi ko sa labi niya. Natikom ko ang bibig ko. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa aking baywang.
Pumikit ito ng mariin at tinuko ang noo sa aking noo.
"Nagtitimpi pa ako Ara.."