Forbidden Novels Chapter 9

Chapter9

Hinayaan ang Sarili

Nagkakatuwaan sila lola Lourdes at kuya Santi habang pauwi kami ng bahay. Hawak-hawak naming tatlo ni Lara at Kathlyn ang palanggana at brush na ginamit sa paglalaba. Habang si kuya ang nagbuhat ng mga malinis na damit at isasampay nalang.

Lahat kami ay basa. Maputik ang daan at puro niyugan o di kaya'y manggahan ang aming nadaanan.

"Pag dating sa bahay maligo muna kayo Lara at Kathlyn bago umuwi ha? Ikaw na rin Ara."

"Opo lola!"

Hawak hawak ko parin ang iba't-ibang kulay ng bato na nakita ko sa batis. May kulay berde, kayumanggi, at puti. Maganda ito ilagay sa transparent na bote at lagyan ng mga shells.

Umingay ang bakal na gate nang buksan iyon ni kuya. Rinig na rinig ko ang bagsak ng ulan sa bubong ng bahay.

Nasa bulwagan palang ng bahay nang kami ay masurpresa.

"Santi.."

Si ate Anna nakaupo sa sofa namin kasama ang kaibigan ni lola. Hindi na siya tulad ng dati. Mas pumayat siya ngayon at mas naging maputla.

"Lourdes kanina pa siya dito. Kasintahan 'raw ni Santi.."

Nilapag ni kuya ang mga damit at agad nilapitan si ate Anna.

Parang naasiwa ako bigla at hindi na naghintay pa ng sandali. Ako ay pumunta na sa kuwarto para magbihis.

Hindi ko pa alam kung paano kakausapin si ate. Alam ko kasing kasalanan ko kung bakit siya nagsaksak noon. Baka kasalanan ko kung bakit siya mas pumayat ngayon.

Dinamdam ko ang malamig na tubig sa aking balat at dahan dahang tinungo ang maliit na salamat na nakasabit sa dingding ng banyo.

Hindi ko maialis ang tingin sa aking mukha. Halatang halata na babaeng bersyon ako ni kuya Santi. Ang kurba ng mata at pilik-mata. Ang nipis ng labi at ang tangos ng ilong. Walang tapon at walang mintis. Magkadugo kami.

Nagbihis at nagsuklay ako ng buhok habang nasa kama ng bumukas ang pinto. Niluwa 'non si lola.

"Magandang bata ang nobya ng 'yong kuya pero may sakit pala. Nakakaawa ang kanyang kalagayan.."

Ngumiti ako kay lola at kinuha ang mga bato. "Kaya yan si ate lola. Tsaka, nagpapagamot si ate sa ibang bansa."

"Mga bato ba yan galing sa batis?" tila may kaba sa boses ni lola.

"Opo lola, bakit?"

"Hindi mo yan dapat kinuha! Ang kukuha ng mga bato sa batis ay mamalasin sa pag-ibig."

Humagalpak ako sa tawa sa sinabi ni lola at kinurot nito ang aking singit. "Aray! lola, masakit!"

"Ikaw bata ka hindi ka naniniwala sa akin."

"Bakit lola, totoo ba ang ahas at diwata?"

"Totoo sila Ara. Maniwala ka..dito ako lumaki ako mismo nakakita sa kanila.."

Kakatapos lang namin maghapunan.Si kuya Santi ay nagligpit ng mga gamit ni ate sa kuwarto. Nakita ko si ate Anna sa kahoy na upuan sa labas. Isa iyong pinutol na katawan ng kahoy na nakahiga sa lupa. Nakatingin siya sa mga bituin at nakikita kong malungkot ito.

Huminga ako ng malalim at tinabihan siya. Tiningnan ako nito at ngumiti siya. "Kamusta kana Ara?" Mahina ang boses nito.

"Okay ako ate, ikaw? Dapat hindi kana dito sumunod sa ganyang kalagayan ate.."

Yumuko ito. "Gusto kong makapiling si Santi."

Natahimik ako at napatingin rin sa mga bituin. "Kung ako magiging bituin siguro palagi rin akong titingalain ni Santi." Sabi nito.

"Oo naman ate. Ikaw ang magiging magandang bituin."

Pumatak ang luha sa mata nito at niyakap ako. "A-Ate.."

"Hindi ko na kaya Ara.." mahina ang boses nito.

Hinaplos ko ang buhok niya. "Kaya mo yan ate. Matibay ka at malakas diba?"

"Kahit lumaban ako. Mawawala rin ako. Natatakot akong magising isang araw na hindi ko na mayayakap at mahahaplos ang mga mahal ko sa b-buhay. Natatakot a-akong matulog A-Ara.."

Nadudurog ang puso ko na marinig ang boses ni ate. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

Kinabukasan nasa court kami kung saan ginawang diskohan noong fiesta. Walang bubong kaya medyo masakit sa balat ang sikat ng araw. Mabuti naman at alas kuwatro na ng hapon at hindi na gaano ka init.

"Ara bigay mo sa akin ang gunting."

Ginagawa namin ang isang surpresa para kay ate Anna. Si kuya Santi ang may ideya nito. May kutob na ako kung ano ito at masaya naman ako para sa kanila.

May mga nag aayos sa maliit na stage ng kagamitan pang tugtog. Nandito ang mga ka-banda ni kuya Santi. Kami naman ay inaayos ang mga upuan at nilalagyan ng tela ang mga mesa. Sila naman ni lola ay nagdedesign ng balloons.

Sumapit ang alas sais ng gabi. Nakahanda na ang pagkain sa mesang mahaba. Marami ang mga nakikiusisa lalo na at may pagkain. Nakaupo sila lola sa upuan kasama ang kanyang kaedaran.

Sa pinakalikod nang court may nakita akong bulto. Mula sa sinag ng buwan kumurba ang katawan ni kuya. Nilapitan ko siya. Mukhang malalim ang iniisip nito.

Magkadikit ang makapal na kilay at nakapamulsa.

"Kuya.."

Tiningnan niya ako. Nakakalunod ang mga tingin nito. "Masaya ka ba Ara?"

Tanong nito sa akin. Tila ang mga boses ng mga tao sa aming likod ay hindi na namin naririnig. Namayani ang ingay hangin at ingay ng mga naghahampasang dahon.

Malaki ang buwan at bilog na bilog. Nakikisabay sa mga gustong mangyari ni kuya ngayong gabi.

"Masaya saan kuya?"

"Masaya sa ganito."

Alam kong nakatingin siya pero hindi ko inalis ang tingin sa buwan.

"Wala naman akong dapat ikalungkot kuya. Kahit paano naging masaya naman ako."

Huminga ito ng malalim at kinuha ang aking kamay. Pinagsiklop nito ang aming daliri.

"Ang hirap Ara." Tumingala ito at pumikit habang hawak ang aking kamay.

"Kaya niyo yan kuya.."

Kinagat nito ang ibabang labi at tiningnan ako. Ilang sandali kaming nagkatinginan sa ilalim ng buwan.

May takip na panyo ang mga mata ni ate Anna habang inaalalayan ni Lara at Kathlyn. Si kuya nasa stage na at may hawak na gitara kasama ang mga ka banda na mula pang Maynila.

Nag-ingay ang mga panauhin. Nagbilang kami ng tatlo tsaka inalis ang panyo ni ate. Inumpisahan narin ni kuyang kumanta at mag gitara.

Nakita kopa ang grupo nila Lindsay at sina Lando.

Everytime our eyes met,

‎ This feeling inside me,

‎Is almost more than I can take,

Nasapo ni ate ang kanyang bibig at halatang nasurpresa ito. Nagpalakpakan kami. Iniwan namin siyang nakatayo sa harapan ng stage.

‎Baby when you touch me,

I can feel how much you love me,

‎ And It just blows me away,

‎I've never been this close to anyone, or Anything

Unti unting bumaba si kuya at pinuntahan si ate na umiiyak. Naninikip ang dibdib ko nang makita ang eksena. Nagyayakapan sila sa harap ng maraming tao habang kumakanta parin si kuya. Nakita ko ang paghalik nito sa noo ni ate.

‎I can hear your thoughts

‎I can see your dreams,

‎I dont know how you do what you do,

‎I'm so inlove with you

‎It just keeps getting better

Kahit na may luha sa mga mata ay nakita ko ang sobrang saya sa mga mata ni ate. Masaya na ako para sa kanila. Sa ka'y tagal ng relasyon nila. May magandang kahahantungan talaga.

‎I wanna spend the rest of my life

‎With you by my side,

‎Forever and ever

‎Every little thing that you do

‎Baby, Im amaze by you.

Unti unti akong tumalikod kasabay ang pagbagsak ng aking luha. Masaya ako para sa kanila pero bakit ako nasasaktan?Bakit hindi ako makahinga sa sakit?

Hindi ko mabilang ang aking nailuha ang siya ring hindi mabilang ng aking nilakad. Hindi ko namalayan dinala ako ng mga paa ko sa batis.

Kumikinang ang mga bato sa ilalim ng tubig. Ang tubig ay kasing linaw ng aking mga luha.

Nilabas ko ang mga bato sa aking bulsa at yumukod. Binalik ko sa tubig ang mga napulot kong mga bato.

"H-Hindi na sana ako masaktan ng ganito.." umecho sa paligid ang aking boses. "Nasasaktan ako Diwatang Marikit.."

Isang malakas na hila ang nagpatayo sa akin at hindi ko maiwasan ang magimbal.

Pawisan si kuya habang nakaigting ang panga. "Bakit ka nasasaktan Ara?"

"K-Kuya.."

Umiling iling ako at tinuyo ang mga luha gamit ang palad.

"Bakit Ara?" Humigpit ang pagkakahawak nito sa aking braso.

"Hindi ko a-alam kuya." Hinayaan ko ang mga matang lumuha. "Sumisikip ang d-dibdib ko a-at hindi ako makahinga.." Sumbong ko dito.

Pumikit ito ng mariin nang yakapin ako nito. Lumapat ang aking pisngi sa kanyang dibdib.

"Hindi ko narin alam Ara. Hindi ko na alam.." bulong nito sa akin. Hinawakan nito ang aking baba at pilit inangat ang tingin.

Kumikinang ang mga mata nito ng matamaan ng sinag ng buwan. Ngayong gabi hinayaan ko ang sariling magpakalunod sa kanyang mga tingin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.