Present Time
I KNEW IT, nasa isip ni Matteo nang marinig ang mga salita kay Joy. Napapikit siya, pinilit na kinalma ang sarili. Alam na naman niya na malaki ang tsansa na sasabihin iyon ni Joy. Kahit nanatili itong loyal sa kanya sa mga nakalipas na buwan, hindi pa rin niya maiwasan na magduda.
Mali iyon, alam ni Matteo. Pero masyado siyang kinain ng insecurities niya para sa best friend ni Joy na si Luc.
But not anymore...
Ngayong araw, hindi lang dapat siya ang maging masaya. Ganoon rin dapat si Joy.
Ngumiti si Matteo at bahagyang lumayo kay Joy upang may tawaging tao...
Two Days Ago
“HEY,” kaswal na bati ni Matteo kay Luc nang makipagkita siya rito pagkatapos ng trabaho nito. Kasalukuyan siyang nasa Pilipinas sa ngayon hindi dahil sa isang trabaho na siyang idinahilan niya kay Joy kaya siya pumunta sa bansa. Dahil na rin sa sitwasyon, hindi ito sumama sa kanya. Madalas na sumasama sa kanya si Joy kapag pumupunta siya ng ibang bansa. Pero hindi sa Pilipinas. Masyadong risky dahil na rin sa mga nangyari rito sa nakalipas. At iniisip rin palagi nito ang reaksyon niya kung sakaling magtagpo muli ito at si Luc...
Tumango lang si Luc kay Matteo. Naramdaman agad niya ang pagtataka nito dahil kasabay ng pagtango nito ay nakataas ang isang kilay nito. Ilang beses na rin naman siyang tinanong nito kung bakit niya ginusto na makipagkita rito nang tawagan niya ito sa cell phone. Pero minabuti niya na sa personal na lang sabihin ang lahat.
“How are you?” kaswal pa rin na tanong niya na lalong nagbigay ng pagtataka kay Luc. Kumunot ang noo nito.
“Hindi ko gustong sagutin ang mga tanong mo na `yan, Matteo. I’m here just to know what is your real purpose why did you invite me and asks for a talk.” Mararamdaman ang pagkainis sa boses ni Luc.
Huminga nang malalim si Matteo. “You hate me.”
“Hate is such a strong word. Pero oo, aaminin ko na masama ang loob ko sa `yo. Paanong hindi? Inilayo mo sa akin si Joy.”
“Desisyon rin niya iyon.”
“Hindi niya maiisip iyon kung hindi mo pinairal ang insecurities mo,”
Tama si Luc. Insecure nga siya. Masyado siyang nabulag sa mga pagseselos niya rito. Masyado siyang nasaktan sa atensyon na ibinigay ni Joy rito. Mali iyon. Mahal niya si Joy kaya dapat siyang magtiwala rito. Pero hindi naging ganoon ang dating sa kanya ng pagiging magkaibigan ng mga ito.
Hinayaan niya si Joy nang magdesisyon ito na iwan ang buhay sa Pilipinas para makasama siya. Hinayaan niya ito sa klase ng paraan nito na pagpapatunay ng pagmamahal sa kanya. Isinakripisyo nito ang lahat para sa kanya. Kahit na ba masasabing may benefit rin naman para rito ang ginawa, mas malaking porsiyento pa rin ang para sa kanya.
Mali ang ginawa niyang pagpayag kay Joy sa desisyon nito. Hindi niya dapat hinayaan na putulin nito ang contact kay Luc dahil lang sa nagseselos siya sa pagkakaibigan ng mga ito. Malaki na siya. Dapat ay naiintindihan na niya ang lahat. Kaya lang ay naging mahirap para sa kanya na gawin iyon.
Pero ika nga nila, pinaghihilom ng lahat ng sugat ang mga sakit.
“I’m sorry,” wika ni Matteo.
Mukhang nagulat si Luc sa sinabi niya. Hindi nito inaasahan iyon. Bahagyang naglihis rin ito ng tingin saka umiling-iling. “N-no. Hindi ka dapat humihingi ng patawad.”
Napataas ng kilay si Matteo. “Hindi dapat? Paanong hindi? Kakasabi mo lang na masama ang loob mo sa akin.”
“A-alam ko. Pero hindi mo naman ganoon talagang desisyon iyon `di ba? Desisyon iyon ni Joy. Maaari natin na maayos ng ibang paraan pero siya mismo ang pumili ng paraan na iyon. Para sa ikabubuti rin naman niya iyon. At in a way, nakabuti rin iyon sa akin. Sa relasyon namin ni Ginny.
“Kapareho mo kay Joy, nagseselos rin si Ginny sa relasyon na mayroon kami ni Joy. Nagkakaproblema kami ng dahil roon. Pero sa loob ng limang buwan na nawalan kami ng connection ng matalik na kaibigan ko, wala kaming kahit anong pinagtalunan ni Ginny. Naging maayos at napakasaya ng relasyon namin.”
Tumango-tango si Matteo. “Ganoon rin ang relasyon namin ni Joy. Pero alam ko na kahit masaya kami, hindi siya lubos na masaya. Isa ka sa pinakaimportanteng lalaki sa buhay niya, Luc. Kailangan ka niya. Alam ko na kasiyahan ka niya.
“Mahal ko si Joy at gusto kong maging masaya siya. Kagaya niya, gusto ko rin na patunayan iyon sa kanya. Mamayang madaling araw ay babalik na ako sa London at sa pagbalik ko, yayayain ko na siya na magpakasal. Ibibigay ko ang pangalan at buong buhay ko sa kanya. At kasama rin ng pagbabalik ko na iyon, gusto ko rin na ibigay ang isa sa mga taong makakapagpasaya sa kanya. Gusto ko siyang bigyan ng regalo...
“Gusto kong sumama ka sa pagbabalik ko sa London, Luc....”
Present Time
NAPAKASAYA ng pakiramdam ni Joy. Matteo just proposed to her! Hindi niya inaasahan na magiging ganoon kadali. Pero masaya siya. Masaya siya sa piling ni Matteo at mas lalo lang niya na napatunayan na mahal niya talaga ito sa loob ng limang buwan na pagsasama nila. Handa na siya na ipagkaloob ng buo ang sarili niya rito. Kahit mabilis at hindi inaasahan ang lahat, hindi niya makita ang sarili na nagsisisi. Mahal na mahal niya si Matteo.
Pero kagaya ng iniisip ni Matteo, hindi nga lubos ang kasiyahan na iyon. Maganda ang pamumuhay niya kasama ito pero ramdam niya na may kulang. Ibinibigay man sa kanya ni Matteo ang buong pagmamahal nito, ng pamilya nito na parang pamilya na rin niya pero hindi pa rin iyon sapat. Hindi niya masasabing kompleto siya dahil wala siya sa Pilipinas. Sa loob rin ng limang buwan na iyon, hinayaan niyang ibigay lang niya ang sarili at atensyon kay Matteo. Ni hindi niya maggawang ibigay iyon sa dating tao na palagi niyang kasa-kasama. Nagkakausap man sila ng ama at nanatili na maayos ang relasyon nila sa kabila ng distansya, hindi iyon sapat. Hindi sapat kasi kulang. Wala si Luc. Kailangan niya si Luc sa buhay niya pero gusto rin niya na magsakripisyo para kay Matteo.
Masaya siya sa piling ni Matteo pero hindi iyon lubos. Gusto niyang bumalik sa dating buhay niya na kasa-kasama ito. Delikado pero parang mas magiging delikado sa kanya, sa puso niya kung hindi siya makakabalik roon. Masyado na siyang nasanay kay Luc kaya kahit gustuhin pa man niya na sanayin ang sarili na wala ito at pairalin na lamang ang saya na nararamdaman sa piling ni Matteo, hindi ganoon kadali iyon.
“Saan ka pupunta?” tanong niya kay Matteo nang bahagyang lumayo ito sa kanya nang sabihin niya rito ang totoong damdamin niya. Napansin niya na parang sumesenyas ito na may tinatawag. Maya-maya pagkatapos noon ay hinawakan nito ang pisngi niya.
“Dahil mahal kita, gusto ko na lubos na maging masaya ka. Its been five months of sacrificing. Its time to give back your sacrifices...”
Lumakas ang kabog ng puso ni Joy. “A-anong ibig mong sabihin?”
“Its time to give back what you are wishing for. Ang taong alam ko na kokompleto sa `yo at lubos na makakapagpasaya sa `yo...” sa pagsabi noon ni Matteo ay lumayo ito sa harapan niya at doon niya lubos na naintindihan kung ano ang sinasabi nito.
“Luc...” bahagya pang natulala si Joy nang makita ang matalik na kaibigan na palapit sa kanya. Kumurap-kurap rin siya pagkatapos para siguraduhin na hindi lang siya basta-basta nanaginip. Nang yakapin lang siya nito, saka lang siya lubos na naniniwala na naroroon nga si Luc.
“It was nice meeting you again, Joy...” naramdaman niya na bahagya pang nanginginig si Luc. Napaiyak naman si Joy sa nag-uumapaw na emosyon.
“I missed you. Oh God! I really missed you!”
Nang kumalas sa pagkakayakap si Luc ay hinawakan nito ang kamay niya. “Congratulations...”
Napakurap si Joy. “Kung ganoon ay alam mo?”
“Because you have loved me in the bounds of even sacrificing your own best friend, I should pay you back...” wika ni Matteo. Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya.
“Oh!” napasubsob si Joy sa dibdib ng nobyo na ngayon ay fiancé na niya. Wala siyang kaalam-alam sa plano ni Matteo. Isang sorpresa ang proposal nito at sorpresa rin ang pagdating ni Luc sa London. Plinano ni Matteo ang lahat ng iyon. Ginawa nito para sa kanya. Kahit naman naiintindihan niya ito, hindi nito pinili na maging makasarili.
It was true love after all. It was not selfish. It was forgiving and understanding.
Masasabi niyang nahirapan man siya pero ngayon ay worth it lahat ang paghihirap. Nagkaroon man sila ng hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakaintindihan lalo na sa parte ni Matteo, masaya siya na ngayon ay maayos na iyon. Naintindihan na siya nito.
“Mali ako na pinayagan kita, Joy. Mali ako na pinagselosan ko si Luc. Oo, alam ko na nagkaroon ka ng feelings sa kanya. Natakot ako sa mga iyon. Pero hindi dapat. Sinabi mo na mahal mo ako at---“
“Hush. Huwag na nating pag-usapan iyon, okay? Naiintindihan naman kita, eh. Naiintindihan ko kung bakit nai-insecure ka kay Luc. At hindi ko inisip na masama ang nangyari. May pagkakamali rin ako, Matteo. Masaya na ako na sa kabila ng lahat, binigyan mo rin ako ng pagkakataon. Binigyan mo ako ng option na ipakita sa `yo na mahal talaga kita...
“It was for the better, too. Para sa safety ko ang pag-alis natin sa Pilipinas. Ang pagkawalay ko kay Luc, para rin iyon sa relasyon nila ni Ginny...” wika ni Joy at nang mabanggit ang pangalan ng nobya ni Luc ay napatingin sa matalik na kaibigan. “Speaking of Ginny, maayos ba para sa kanya ang lahat ng ito?”
Hindi sinagot ng salita ang tanong ni Joy. Nang makita niya ang bulto ni Ginny na papalapit sa kanila, nagkaroon na ng sagot ang katanungan niya. Humiwalay siya kay Matteo nang lumapit si Ginny at niyakap siya.
Hindi na inantay pa ni Ginny na magsalita at magtanong si Joy. Inuna na nito ang paliwanag.
“May mali rin ako. Masyado akong nagselos kagaya ni Matteo. Pakiramdam ko ay nawalan ng oras sa akin si Luc. Bago pa lang kami. Gusto ko na magkaroon siya ng maraming oras para sa akin. Gusto ko na mas lalo pa siyang makilala at mas kailangan ko ng oras dahil bago pa nga lang kami. Nahirapan akong intindihin na kay bago-bago pa lamang ng relasyon namin, hindi na niya ako nabibigyan ng oras.
“Naging mahirap para sa akin na mag-adjust. Kahit na binigyan ako ng security ni Luc at ikaw rin sa pag-amin mo tungkol sa relasyon niyo ng boyfriend ko, hindi ko maiwasan na magduda. Napaka-close niyong dalawa na nahirapan akong pumasok roon. Nahirapan tayong lahat na mag-adjust tungkol roon. Masyado kayong sanay sa isa’t isa na nakakalimutan niyo na mayroon rin na ibang tao sa paligid niyo. Pero kagaya ng mahihirap na sitwasyon, ipinaghihilom rin ng mga oras ang mga iyon. Kailangan ko lang ng oras, Joy. Ngayon ay maayos na ako. Isa sa mga dahilan kung bakit ginusto ko na sumama kay Luc sa pagpunta niya sa London...”
Lalong nilukob ng masayang emosyon si Joy. Ang akala niya noon, ang makapiling lamang si Matteo ay happily ever after na niya. Ganoon naman sa mga fairy tales `di ba? Once na nagsama na ang prinsipe at prinsesa, happy ending na. Pero sa lagay niya, mas nakahanap pa siya nang higit roon. At iyon ay ang makabalik muli sa piling ng mga taong unang minahal niya.
“Mahirap naman talaga na mag-adjust. Nakadagdag pa na bago pa lamang ang relasyon niyo. Naiintindihan ko...”
Niyakap muli ni Ginny si Joy. “Thank you...and congratulations!”
Tumawa si Joy. “Ikaw, kailan ba kayo ni Luc?”
Inakbayan ni Luc si Ginny. “Naka-focus pa kaming pareho sa career namin.”
Tumango-tango si Joy. Tamang desisyon naman iyon sa relasyon ng dalawa. Bata pa si Ginny. Nagsisimula pa lamang ang career nito. Si Luc naman ay babago pa lang na lumaki ang responsibilidad. Silang dalawa naman ni Matteo ay stable na sa kabi-kabilang career na.
Nag-resign si Joy sa trabaho bilang journalist. Pero hindi ibig sabihin noon ay tinigil na niya ang pinakamamahal niyang gawin sa buhay---ang pagsusulat. Dahil sa pagiging jetsetter ni Matteo, kailangan niyang mag-adjust sa sitwasyon. Kahit sinusuportahan naman siya ni Matteo, hindi naman niya gustong habang buhay na lang na maging ganoon. Sinubukan niyang humanap ng trabaho na makakasabay sa trabaho nito. Isang trabaho na kahit hindi siya matali sa isang lugar ay makakapagtrabaho pa rin siya.
Joy considered novel writing. Sa loob ng limang buwan ay nakasulat na siya ng lima rin na libro. Lahat ay nasa wikang Filipino at sa kabutihang palad, pumasa ang mga iyon. Ang balita niya ngayon ay sa susunod na buwan na ilalabas ang una niyang pumasa na nobela.
Hindi man ganoon kalaki ang kita ay maayos na rin si Joy roon. It was a source of income after all. Isa pa ay hindi naman niya talaga binitawan ang buhay niya para makapiling si Matteo. Hindi niya binitawan ang trabaho at mahal niya. Nagkaroon lang siya ng bago.
Matteo, on the other side, was successful, too. Kahit ilang beses ng pinaparamdam nito sa kanya na gusto na nitong itigil ang pagmomodelo dahil na rin siguro sa gusto na nitong lumagay sa tahimik, sa tingin niya ay hindi naman iyon makakaapekto nang matindi. Sa nakalipas na dalawang buwan ay may dalawang branch na nagbukas sa clothing company na isa ito sa mga major stockholders. Nag-iindicate lamang iyon na maganda ang takbo ng kompanya. Isama pa na naikuwento rin sa kanya ni Matteo na iniimbita rin siya ng ilan sa mga stockholders ng kompanya na huwag na lang basta i-represent ang kompanya bilang modelo. Gusto rin ng mga itong umupo na si Matteo bilang may-ari ng kompanya na iyon.
Inakbayan siya ni Matteo at lumapit sila sa magkasintahang sina Ginny at Luc. “Its been five months. Ni hindi man lang natin naggawang makapagbonding sa isa’t isa.” Wika ni Matteo.
“What’s there to regret? Napakaraming oras para sa ating hinaharap. Isa pa, nagkalayo man tayong lahat sa loob ng limang buwan na iyon, hindi ko maramdaman na may pagbabago. Maaaring malayo tayo sa isa’t isa sa loob ng limang buwan pero hindi naman talaga kayo malayo,” tumingin si Luc kay Joy. “I know that uou’re never too far away because we’re close in hearts. The distance doesn’t matters. It was the friendship and what the heart really feels that remains...”
Napakalaki ng ngiti ni Joy. Good things takes time.
THE END