Four Hearts and a Friendship w/ Bonus Friendship Stories Chapter 18

LUBOS na maayos na si Joy nang i-release siya sa ospital. Pero kahit ganoon, hindi niya masasabing maayos na talaga ang lahat sa kanya. Hindi kasi niya maiwasan na malungkot na pagkatapos naman ng nangyari sa kanya ay may nangyari naman na masama kay Ginny. At hindi man sabihin ng iba na may kasalanan siya o kahit parte man lang, pakiramdam niya ay guilty pa rin siya.

Hinayaan niya si Luc sa tabi niya. Hindi man lang niya iniisip na bukod sa kanya, may ibang babae na rin sa buhay nito na kailangan nito na pagtuunan ng pansin. Hinayaan niya na gawin ni Luc ang mga bagay na kinasanayan nila para sa isa’t isa. At dahil doon, sa sobrang pag-aalala sa kanya ng kaibigan, ni hindi na nito naisip ang nobya nito.

Maayos man na ngayon si Ginny, nakaapekto pa rin sa kanya ang sitwasyon. Hindi niya gusto na mangyari iyon kay Ginny. Hindi rin niya gusto ang isipin na napapabayaan ni Luc si Ginny ng dahil sa kanya.

Napaisip si Joy. Noong una, aminado siya na hindi niya nagustuhan ang pagdating ni Ginny sa buhay ni Luc. Hindi nga ba at nagseselos pa siya rito? Naiisip niya na dahil rito, nawawalan na ng oras si Luc sa kanya. Nalilimutan na nito ang mga pangyayari na napakahalaga para rito, para sa kanila. With that, she supposed to hate Ginny. Hindi ba dapat ay ikinatuwa rin niya na dahil sa kanya ay napapabayaan ito ni Luc? Na parang mas mahalaga pa rin siya kay Luc kaysa rito?

Pero hindi. Alam ni Joy na hindi dahil sa masama ang ugali niya. May higit pa roon.

It was just a matter of time. A matter of adjustment.

Ramdam niya na naka-move on na siya sa kung ano man talaga ang naramdaman niya na iyon kay Luc.

Hindi sigurado si Joy kung totoo nga ba talaga iyon. Was she really in love with Luc? Kung in love siya rito, bakit mabilis siyang naka-move on rito? Isa pa, kung ipagkukumpara niya ang pakiramdam na nararamdaman niya kapag nasa tabi niya si Matteo at kapag katabi niya si Luc, ibang-iba iyon. Sanay na siya kay Luc. Komportable siya na kasama ito. Pero hindi niya masasabi na ginugulo nito nang husto ang kanyang isip, ang kanyang puso, kagaya ng ginagawa sa kanya ni Matteo.

Dahil sa mga napagtanto, masasabi ni Joy na sigurado na siya sa kung ano ang nangyari. Normal lang naman sa mga magkakaibigan ang nagkakaroon ng pagkakatampuhan at selosan. Malaking parte ng buhay niya si Luc. Natakot siya na sa pagdating ni Ginny, mapapabayaan na siya nito. Nahirapan siyang tanggapin na ang dating siya lang ang hinahanap ay mayroon ng nangangailangan at kinakailangan na iba. Masyado siyang nasanay kay Luc kaya naging selfish siya.

It was Matteo who won her heart. He was the first who owned it. At masaya siya roon. Masaya rin siya na sa kabila ng lahat, ipinapakita pa rin sa kanya ni Matteo ang suporta at pagmamahal nito. Kahit nakalabas na siya ng ospital, nanatili pa rin ito sa tabi niya at walang sinasabing definite na oras kung kailan ito aalis. Mukhang gusto pa rin siya nitong alagaan kahit maayos na ang lagay niya at pinabayaan naman niya iyon.

Alam ni Joy na mali. Nagiging maka-sarili na naman siya. Dapat ay hindi niya pinipigilan si Matteo. Alam niya na kailangan rin nito na magtrabaho. Pero inaaliw lang niya ang sarili para makasama ito. Ayaw na muna niyang mag-isip na magkakahiwalay na naman sila.

Pagkauwi ni Joy ng bahay nila pagkagaling ng ospital ay nagpahinga na muna siya. Kasama niya ang Daddy niya at si Matteo pauwi. Ang Daddy mismo ni Joy ang nagsabi kay Matteo na samahan siya sa kuwarto niya para makapagpahinga siya. Malaki na ang tiwala ng kanyang Daddy kay Matteo kaya ganoon. May kinailangan kasing puntahan ito kaya naisip na muna nitong ibilin siya kay Matteo. Nakatulog siya habang si Matteo naman ay hiniram muna ang laptop niya habang sinusubukan niyang magpahinga para hindi ito mainip habang binabantayan siya.

Hindi sigurado ni Joy kung ilang oras siyang nakatulog o kung inabot ba iyon ng oras pero nang maggising siya ay ginagamit pa rin ni Matteo ang laptop. Hindi nito napansin ang paggising niya kaya siya na mismo ang lumapit rito. Niyakap niya si Matteo mula sa likod nito. Na-miss niya ang init ng katawan nito.

Pero sa halip na init ang makuha ni Joy, malamig na reaksyon ang nasa mukha ni Matteo. Agad na nagtaka siya. Lalo na nang lumingon ito sa kanya ay madilim na madilim ang mukha nito. Tumayo rin ito at inalis ang pagkakayakap niya rito.

“May problema ba, Matteo?”

Naramdaman agad ni Joy ang galit ni Matteo nang halos isalampak nito sa mga kamay niya ang laptop niya na ginagamit nito kani-kanina. “Ipaliwanag mo sa akin ang lahat ng ito.”

Tinignan ni Joy ang kung ano ang nasa laptop. Nakabukas ang file ng una at nag-iisang nobela na sinulat niya---ang romance novel na hinango niya sa kung anong relasyon nila ni Luc. Pero sa halip na pagtuunan ng pansin ang kung anong nabuksan nito, iba ang ipinunto ni Joy.

“Bakit mo pinakialam ang mga files ko?”

“Sinusubukan kong tignan ang ibang mga files mo sa laptop para malaman ko kung anong klase ang mga sinusulat mo. I’m wrong to just barge in that, I know. Pero bigla kong naisip na kailangan kong gawin iyon upang mas maprotektahan ka. You’re a journalist. May mga bagay na sinusulat at naisulat ka na maaaring maganda sa iba at sa iba ay hindi naman. I want to know more of the things you wrote because I’m worried about you. Hindi mo na dapat pagdaanan ang nangyari sa `yo dahil lang sa isang naisulat mo na artikulo. Hindi ko papayagan. Pero sa paghahanap ko ng mga luma mong naisulat, nahanap ko ang file na ito.”

Naintindihan naman kahit papaano ni Joy ang ibig ipahiwatig ni Matteo. Huminga muna siya nang malalim saka sinubukan na magpaliwanag. Sinabi niya rito ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon.

“You are really that in love with him,” napatitig sa kanya si Matteo sa pagsasabi noon.

“No. Iyon lang siguro ang nasa isip ko,”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Ang akala ko ay in love ako kay Luc, Matteo. Pero hindi. Napagtanto ko ng hindi. Naipagkamali ko ang nararamdaman ko sa kanya sa pag-ibig. Ikaw, Matteo...ikaw ang mahal ko.”

It just feels so good to say that. Pero hindi inaasahan ni Joy ang naging reaksyon ni Matteo. Tumaas ang kilay nito. “At inaasahan mo na paniniwalaan ko ang lahat ng iyon pagkatapos ng mga nabasa ko?”

Ibinaba ni Joy ang laptop. “I told you, wala ang bagay na iyan. Naisip ko lang na isulat iyan dahil nalaman ko dati na kapag magsusulat ng isang istorya, ilalagay mo ang sarili mo sa character na sinusulat ko. I, was the heroine in that book. Si Luc naman ang napili ko na partner ko dahil sa buhay ko, siya lamang ang lalaking nakalapit sa akin nang ganoon. You don’t have to make a fuss of it, Matteo. Kung nagseselos ka ay---“

“Yes, nagseselos ako, Joy. At ang tanga ko `di ba? Dahil wala naman akong karapatan na magselos. Wala namang tayo.”

“But I love you, Matteo. Kakasabi ko lang `di ba?”

“And that just makes it worst, Joy. Ngayon mo lang sinabi. Ngayon ko lang nalaman kung kailan pakiramdam ko, punong-puno ng hinanakit ang puso ko.”

“H-hindi ko maintindihan...”

“Hindi mo maintindihan? Ganoon ka ba talaga kamanhid, Joy? Mahal kita. Umaasa rin ako na mamahalin mo rin ako kagaya ng pagmamahal ko sa `yo. But I think I’m not good enough. Si Luc pa rin ang mahal mo. Siya lang ang palaging kailangan mo.”

“Mali ka ng iniisip. Ngayon ko lang nasabi na mahal kita dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon, ng tiyempo. Isa pa, ngayon ka lang rin naman nagsabi....”

“Ngayon ko lang sinabi pero palagi kong pinaparamdam. Pero ikaw, Joy---“

“Ay hindi?” Pakiramdam ni Joy ay na-guilty siya. Ganoon nga ba talaga? Kaya ba ganito ang reaksyon ni Matteo kung hindi niya naipaparamdam rito.

Maaari. Naalala niya ang mga nakaraang kilos niya kay Matteo, lalo na nang nagsisimula pa lamang sila. Palagi niyang tinatanggihan ito. Hindi rin niya masasabi na sweet siyang tao. Hindi kagaya ni Matteo, hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon na maalagaan ito dahil hindi naman nito kailangan ng pagliligtas. Hindi ito mahina.

Maaaring nagkulang nga si Joy pero hindi naman niya sinasadya iyon. Hindi niya iyon gusto. Mahal niya si Matteo at masakit para sa kanya na hindi pala nito nararamdaman iyon. Na nasasaktan ito ng dahil sa kanya.

“Alam mo na rin naman pala.”

“Naisip ko lang at masakit para sa akin iyon, Matteo. Siguro nga ay may pagkukulang ako. Pero handa naman akong magbago. Handa akong suklian ang lahat ng mga pinaparamdam mo sa akin. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Paniwalaan mo iyon.

“Ikaw ang lalaking mahal ko, Matteo. Mas matindi ang nararamdaman ko sa `yo kaysa sa kung ano ang nararamdaman ko kay Luc. You don’t have to be jealous with him. Best friend ko lang siya. Best friend namin ang isa’t isa. You, on the other hand was the person I always think about. Ikaw ang lalaking gumugulo palagi ng isipan ko, ng puso ko, at hindi ako makakapagreklamo dahil gusto ko iyon.”

“Kung noong una ka pa lamang narinig ang mga salitang iyan, malamang ay maniniwala ako, Joy. Madali mo akong mapapaniwala. Pero sa pagkakataong ito ay mahihirapan ako na gawin iyon.”

“Matteo...”

“If you truly care about me, I should be the one you called when you had an accident. But it was Luc. Kung ako lang ang palaging naisip mo, bakit siya ang tinawag mo? It just lose the trust I had in you, Joy. Pero ginusto ko pa rin na nasa tabi mo dahil hindi kita kayang pabayaan. I still want to be with you even if you don’t need me. Ganyan kita kamahal at masakit sa akin na nakikita pa ng mga tao na parang si Luc pa ang boyfriend mo kaysa sa akin.

“Sa kabila ng mga pagpapaliwanag mo, mahirap pa rin para sa akin ang makumbinsi na hindi mo talaga mahal si Luc. Ang nobela na ito, ginawa mo ito at si Luc ang inspirasyon mo. You even named the hero in his name. Sa kabila ng paliwanag mo na hindi mo naman talaga siya mahal, mahirap pa rin na makumbinsi ako. Hindi ako maniniwala na naipagkamali mo ang nararamdaman mo kay Luc sa pag-ibig. Dahil minsan, sa buhay mo, ay inisip mo rin na maaari na maging kayo.

“Noong unang pagkakilala natin, you even looked at him when I said that I have feelings for you. You had a breakdown because of him. Heck, sabihin lang ni Luc na kailangan mong umuwi ay nagpa-panic ka na. Para bang katapusan na ng mundo kapag nagtatampo siya sa `yo. Siya ang palaging hinahanap mo at pakiramdam ko, siya lang ang palaging gusto mo na nasa tabi mo. Nasasaktan ako ng dahil doon. Nagseselos ako at hindi ko alam kung paano mawawala ang mga ito. I know that Luc is a part of you at hindi ko maiaalis iyon. Damn, ramdam ko na kapag pinapili kita sa aming dalawa, malaki ang tsansa na siya ang pipiliin mo. With that, alam ko na agad na hindi matindi na ang nararamdaman mo sa akin.

“Masama ang nararamdaman kong ito. Hindi rin naman ito maiaalis sa isang relasyon. Pero masyadong matindi ang nararamdaman kong ito na hindi ko na lang kayang balewalain...”

Sa mga sinabing iyon ni Matteo, ramdam ni Joy na kailangan niyang gumawa ng isang malaking desisyon.

MABILIS na pumayag si Luc sa imbitasyon ni Joy na magkita silang dalawa. Kailangan niyang makausap ang matalik na kaibigan. Sa tingin niya ay makakabuti para sa kanilang dalawa iyon, sa kanilang dalawa rin ni Matteo.

“Parang may importante kang sasabihin, ah. O wait, may masama ba sa ` yo? Hindi ka pa nagtatrabaho simula nang ma-ospital ka. Its been a week at sabi naman ng Doctor ay pagkatapos ng ilang araw ay puwede ka ng magtrabaho muli. Hindi naman ganoon kalalim at kasama ang inoperahan sa `yo, isama pa na nagtagal ka rin sa ospital. May iba pa akong hindi alam?”

“Hindi ito tungkol sa kalusugan ko, Luc. I’m perfectly fine.” Except my heart.

Ngumiti si Luc. “Its good to hear that. Kung ganoon ay talagang nakakabuti para sa `yo si Matteo. Nabalitaan ko na aalis na siya sa susunod na araw? Hindi ba dapat ay nilulubos mo ang oras na kasama siya?”

Umiling si Joy. “Hindi na kailangan.”

Kumunot ang noo ni Luc. “Bakit hindi? H-huwag mong sabihin na...” bumakas ang lungkot sa boses ni Luc nang magsalita ito. “May problema kayo, Joy?”

Huminga nang malalim si Joy bago nagsalita. “Hindi sa ganoon pero---“

Nahihirapan si Joy na diretsuhin ang kaibigan. Nasasaktan siya. May parte ng sarili niya na gusto ang mangyayari pero may parte rin naman na masakit.

Naging napakahalaga para sa kanya ni Luc para hindi masaktan ngayong kailangan na niyang magpaalam rito. Pero kailangan niyang gawin. Para kay Matteo, sa relasyon nila at pati na rin sa sarili niya.

“I’m leaving,” pagpapatuloy ni Joy.

Natigilan si Luc. “You’re joking, right?”

Umiling si Joy. “Its for good.”

Namutla si Luc. Hindi rin ito nakapagsalita.

Bumuntong-hininga si Joy. Alam niyang kailangan niyang magpaliwanag nang husto sa matalik na kaibigan. “I need to be with Matteo, Luc. Kailangan ko siya. Kailangan niya ako sa tabi niya.”

“Naging maayos naman ang relasyon niyo sa kabila ng pagkakalayo niyo sa isa’t isa `di ba? Bakit kailangan mo pang umalis kasama siya? Bakit kailangan mo pa na sumama sa kanya?”

“Kailangan ko na patunayan na mahal ko siya at mapapatunayan ko lang iyon kung nasa tabi niya ako. Palagi.”

“Hindi. Paanong mangyayari iyon? Joy, nandito ang buhay mo sa Pilipinas. Nandito ang Daddy mo. Ako, sina Mommy at Daddy. At paano ang trabaho mo? Matteo is a jetsetter because of his job. Kung palagi kang sasama sa kanya, paano ka makakapagtrabaho?”

“I’ll work it. Bahala na...”

Kagaya ni Luc, marami rin na mga bagay na ikinababahala si Joy. Pero nakapagdesisyon na siya. Mahal niya si Matteo. At dahil mahal niya ito, handa siyang isakripisyo ang lahat ng mga bagay na mahalaga para sa kanya para rito.

Nasasaktan si Matteo dahil nagseselos ito kay Luc. At tama naman ito. Masyadong mahalaga para sa kanya si Luc para alisin na lang niya ito sa buhay niya. Pero gusto rin niya na patunayan kay Matteo na matindi ang nararamdaman niya rito. Gusto niyang malaman nito na kaya niyang sumugal para sa nararamdaman niya rito.

“Kinalaban mo ang Daddy mo para rito. Tiniis mo ang napakaraming taon na hindi kayo magkasundo para lang maggawa ang gusto mo---ang makapagsulat. At lahat ng iyon, itatapon mo para lang makapiling si Matteo?”

“Nakapagdesisyon na ako. Gusto ko rin naman ang lahat ng ito. I love him and I will do everything just to make him happy,”

“N-no...” namutla lalo si Luc. “Sinabi niya ba ang lahat ng ito sa `yo? Inutos niya ba---“

“Desisyon ko ito, Luc.”

Hindi naman siya pinilit ni Matteo na gawin ang gusto nito. Naiintindihan naman nito kung gaano kahalaga sa kanya ang pamilya at ang trabaho. Nasa Pilipinas ang buhay niya. Pero alam niya na kapag nanatili pa siya roon, baka masira lang ang kung anong mayroon sila dahil nalamatan na iyon ng pagseselos nito kay Luc.

Naiintindihan ni Joy si Matteo pagkatapos ng lahat. May punto ang mga bagay na sinasabi nito. Nagtitiwala naman siya sa sarili niya na totoo ang mga realizations niya. Pero alam niyang hindi ganoon si Matteo.

Kung ipagpapatuloy nila ang relasyon nila at mananatili siya sa Pilipinas, nasa isang long distance relationship na naman sila. Sa ganoon, kailangan nila ng lubos na pagtitiwala. Pero si Matteo na mismo ang nagsabi sa kanya na unti-unti na itong nawawalan sa kanya dahil na rin sa mga nangyari sa nakalipas. Hindi niya gustong maging masama ang patutungahan ng relasyon nila. Mahal niya si Matteo. Hindi niya gustong mawala ito sa kanya. Hindi niya gustong masira ang relasyon nila.

“Pero ganoon rin ang gusto niya. Gusto niyang umalis ng Pilipinas kasama ka and for what reason, Joy? I can’t believe he would be like this! Kung ganito lang din ang mangyayari, sana ay hindi na lang kita inasar sa kanya. Heck! Kahit ang ipakilala.”

“Don’t regret it. Isa iyon sa pinakamagandang bagay na ginawa mo para sa akin, Luc. Masaya ako sa piling niya. Mahal ko siya. At dahil mahal ko siya, hindi ko siya gustong masaktan.”

“At ano ba ang makakasakit sa kanya kapag nasa Pilipinas ka? The distance? I said, you can work it out and---“

“Its not that. It’s you, Luc. Nagseselos si Matteo sa `yo. Nagseselos siya sa kung anong relasyon natin.”

Sandaling natigilan si Luc. “I-it couldn’t be. It couldn’t be the same way.”

“Same way?” nag-uumpisa nang bumangon ang mga hinala sa isip ni Joy.

Pero hindi pinansin ni Luc ang sinabi niya. “Kung mahal ka niya, iintindihan niya na magkaibigan lang tayo, Joy.”

“Pero ganoon rin ba ang tingin ni Ginny, Luc?”

Hindi nagsalita si Luc. Bahagya pa na namutla ito. Doon lalong tumibay ang hinala ni Joy.

“See? Nagkakaproblema na tayo sa mga partners natin, Luc. At pakiramdam ko, ako ang may gawa ng lahat ng iyon...”

“Anong ibig mong sabihin?”

“There’s a time that I thought I have fallen in love with my best friend. Alam ni Matteo ang lahat ng iyon.” Ikinuwento ni Joy ang nangyari sa bakasyon niya.

Lalong namutla si Luc. “Y-you don’t mean that...”

“But I realized na hindi naman talaga ganoon ang nangyari.” Sinubukang ipaliwanag ni Joy ang kanyang sarili sa matalik na kaibigan. “Pero si Matteo, hindi niya naiintindihan iyon. Hindi niya naiintindihan na malapit tayo sa isa’t isa. At ganoon rin si Ginny `di ba? Dati ay nagkaproblema na kayo tungkol roon.”

“At nagkakaproblema rin kami ngayon ng dahil roon.” Sa wakas ay pag-amin ni Luc.

Lalo lamang tumindi ang paniniwala ni Joy na tama ang napili niyang desisyon. “Pinagtalunan na namin ang tungkol sa `yo sa ngayon pa lang. Kung hindi ako lalayo sa `yo, tiyak na magiging ganoon rin ang problema sa hinaharap, Luc. Uulit at uulit rin iyon...

“Hindi nila nakikita na magkaibigan lang tayo dahil napakalapit natin sa isa’t isa. Ilang tao na rin ba ang nagsasabi na higit pa tayo sa magkaibigan kapag magkasama? Palaging napapagkamalan na boyfriend kita at girlfriend mo ako kahit hindi naman talaga ganoon. Dati ay balewala lang sa atin pero ngayon na may kanya-kanya na tayong partners sa buhay, hindi na lang natin puwede na basta-basta na balewalain ito.”

“Pero hindi pa rin tama ang desisyon na ito. Aalis ka ng Pilipinas para lang rito? Para layuan ako dahil nagseselos si Matteo? Para magkaroon lang siya ng security para sa `yo? And for how long? This is the cost of our friendship, Joy. Sana ay pinag-isipan mo rin ito nang mabuti...”

“I did. Pinag-isipan ko ito sa buong linggo at sa tingin ko ay ito ang tamang gawin. I’m sorry, Luc. Masakit rin para sa akin ang lahat ng ito pero sa tingin ko ay ito ang tamang gawin...And it wasn’t just about us. It was for my own good, too.”

“Hindi ko alam kung paano mo nasasabing para sa ikabubuti ng lahat ito samantalang hindi lang naman ako ang iiwan mo, Joy. Your family, your job...”

“My job. Iyon na nga. Matteo was scared of what happened to me because of my job. And up until now, I received death threats...”

Iniimbestigahan ang kaso ni Joy pero walang sapat na ebidensya na ang politiko nga na ginawan niya ng opinion piece ang gumawa ng ganoon sa kanya. Dahil doon, hindi nila maggawang kasuhan ang napapaghinalaan. Para sa ikabubuti rin ni Joy ang pag-alis niya ng bansa. Kung mananatili siya sa Pilipinas, siguradong hahabul-habulin siya ng kung sino man na gustong gumawa ng masama sa kanya...

“Y-you have a point in that. But---fine, pero seryoso ka na ba talaga? Nakakarinindi man na marinig ang mga sinasabi ko...but Joy, I really don’t want you to go...”

“This decision is for Matteo and I’m willing to stake everything just to prove that I love him. I’m staking everything for the sake of the love that we’re feeling...”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.