“IKAW HA, por que may bagong kotse ka lang, kung saan-saan mo na ako dinadala!” reklamo ni Callie kay Arjun. Ngayong araw ay sinundo siya nito sa Book Keeper pero hindi nito sinasabi kung saan sila pupunta. Ang sabi lang nito ay kakain sila sa labas. Pero nakadaan na sila sa mall kung saan sila madalas na nakain kapag napapag-trip-an nitong lumabas sila ay hindi pa rin ito tumigil.
“You’ll love it. Don’t worry. Huwag ka na lang munang masyadong matanong,” ngingiti-ngiting sabi nito habang nagda-drive.
“Siguraduhin mo lang, ha?”
“Eh kailan ba kita hindi pinasaya?”
Napangiti siya. “Sabi ko nga,”
Its been a year since they level up their relationship and it was a year full of bliss. May mga pagkakataon na nagkakaproblema sila pero agad din nila iyong nasosolusyunan. Sa isang relasyon ay hindi naman naiiwasan na hindi sila magkaproblema lalo na sa estado ni Arjun sa buhay. Showbiz life is very hard, lalo na at pinili na lang ni Arjun na mag-build ng career sa Pilipinas. He became a full-time Filipino actor. Maraming fans nito sa India ang nalungkot pero sa huli ay sinuportahan rin ito ng mga iyon sa desisyon nito. Suportado rin ito ng magulang nito at ngayon ay sa Pilipinas na rin piniling manirahan.
Maraming Pilipino rin ang sumuporta kay Arjun sa pagiging actor nito sa bansang sinilangan. Nagsunod-sunod rin ang projects nito. He became more famous over the year. Pero sabi nga nila, the more famous you are, the more issues will come to you. Hindi nila naiwasan iyon. May mga positive pero marami rin na negative---iyong mga tipong kapag may naka-partner ito sa isang project ay sasabihing iyon na raw ang ipagpapalit sa kanya. Mahirap iyon sa parte niya pero palaging sinisigurado nito sa kanya na siya lang ang mahal nito. She believed him and never doubt that he would do something to hurt her. Isa pa, natuto na rin siyang magsabi kay Arjun sa tuwing nakikita niyang mayroon siyang nakikitang problema rito. At ganoon rin ito sa kanila.
Halos wala na siyang mahihiling pa sa piling nito. Well, siguro ay iyon ay ang magkaroon na siya ng pinaka-hold dito---ang maging asawa nito. Pero matiyaga siyang naghihintay kagaya ng hiniling nito sa kanya noon.
Minutes after, they were in McKinley road in Makati. Kay tagal na simula nang huli siyang makarating roon. Kumabog ang puso niya nang pumasok sila sa loob ng Forbes Park.
“Arjun...” hindi pa man sila tumitigil ay naiiyak na siya. She could see what he was trying to do. At hindi nga siya nagkakamali nang tumigil ito sa bahay kung saan siya unang nagka-isip...lumaki.
Inalalayan siya nitong makababa. Sinalubong sila ng isang maid pagkarating. “Good evening Sir, Ma’am,”
Tumingin siya rito at nanlaki pa ang mata niya nang makitang iyon ang dating katulong nila!
Mamasa-masa na ang mata niya nang tumingin siya kay Arjun pero ngiti lang ang sinagot nito. Hindi naman siya makapagsalita dahil sa sobrang galak na nararamdaman niya. Dinala siya nito sa garden ng dating mansion nila na ngayon ay mukhang naging pasko sa daming Christmas lights at ang gitna naman ay parang itsura ng isang restaurant tuwing Valentines day.
“Will you marry me?” hindi na nito inantay pang kumain sila bago ito mag-propose sa kanya. At hindi na rin niya inantay na pumalahaw pa siya nang iyak bago sumagot.
At last, both of their dream came true---to ensure their future and stay forever in each others arms.
THE END