AN ONLINE ROMANCE TRILOGY: @TWEETS4LAVANDER
“THIS is the place where we will start our forever.”
Eksaktong dalawang taon na ang nakakaraan simula nang marinig iyon ni Lavander o Ava para sa mas nakakarami. Umaalingawngaw pa rin ang mga salita na iyon ni Nick sa kanyang tainga, lalo na nang mapatingin siya sa lugar.
Luneta Park. Maraming tao, nakangiti, masaya, at karamihan sa mga nakikita niya ngayon ay mga nagniningning ang mga mata. Magkakasintahan na nagde-date sa lugar. Kagaya niya at ni Nick noon, dalawang taon na ang nakakaraan. Ang lugar kung saan niya unang ibinigay ang sariwang puso niya sa lalaki. At sinira lang nito iyon.
“Ano ba kasi ang ginagawa ko sa lugar na ito?” tanong ni Lavander sa sarili. Naiinis siya. Naiwan na siya sa ere `di ba? Ganoon ba talaga siya ka-hopeless romantic para maisip pa niya na bumili ng pulang lobo kagaya nang ibinigay sa kanya ni Nick noon na para bang sa ginagawa niya ay may ka-celebrate siya ng second anniversary nila? At bakit nga kasi niya ginagawa iyon? Binabalikan pa rin niya ang mayroon sila ni Nick pero hindi ba at wala na naman na sila? O kung nagkaroon man...totoo nga ba iyon?
Sa mismong araw na binigay nila ang puso nila sa isa’t isa ay siya namang alis rin ni Nick sa buhay niya. Walang paalam, walang salita. Naging bula ito---basta basta na lamang nawala. She left him there...hanging.
“Hindi ka pa rin bumibitaw.” Tila ba nababasa ng kung sino man na nagsalita na iyon sa likod ni Lavander ang kanyang isip. Iyon naman kasi talaga ang gusto niyang isunod sa iniisip. Nanatili siyang naka-hang at hindi natuto na bumitaw. Kahit na ba wala naman talaga siyang panghahawakan. O kung mayroon man, malabo iyon at tanging siya lang yata ang nag-iisip na mayroon pa.
Lumingon si Lavander sa nagsalita. May ideya na naman siya kung sino pero tila ba nagulat pa rin ang kanyang puso nang magsalubong ang mga mata nila ni Christoff. Tumibok iyon ng hindi normal, naging hindi komportable. Ikinainis niya lalo ang nararamdaman. Yumuko siya---kagaya nang palagi niyang ginagawa kapag nakikita niya ito, bagay naman na mahirap iwasan dahil hindi kagaya ni Nick, nanatili ito sa buhay niya. Hindi man lubos na nakapasok kagaya nang unang taon na nakilala niya ito pero parte pa rin dahil kaklase pa rin niya ito sa nakalipas na mga taon.
“At hindi ka rin naman dapat sumunod dito.”
“Kailangan ko. Hindi magandang pagmukhain na tanga ang sarili.” Kinuha ni Christoff ang dala niyang lobo. Pinalipad nito iyon. “Gayanin mo rin ang lobo na binili mo. Malaya. Palayain mo ang sarili mo sa nakaraan.”
“H-hindi ko kaya...” Sinubukan na tumingala ni Lavander kay Christoff. Doon niya napansin na madilim ang mukha ni Christoff. Mukhang galit ito.
“Kaya mo.” giit pa ng lalaki sa kanya na para bang hindi naging mahalaga rin si Nick para rito upang masabi ang mga salitang iyon.
“Hindi ako kasing tigas at bato mo!” lalo siyang nainis kay Christoff. Ang galing nitong magsalita na limutin na lamang niya basta-basta si Nick. Alam naman nito ang nararamdaman niya sa lalaki. Ito ang saksi sa lahat...dahil two years ago, si Christoff at si Nick ang tinuturing niyang mga matatalik na kaibigan. Nag-level up nga lamang relasyon niya kay Nick. Pero magkakaibigan sila, lalo na sina Christoff at Nick. Magkababata ang mga ito. Dapat kagaya niya, pinapahalagahan rin nito ang kababata.
Kilala naman niya si Christoff. Madalas lamang itong tahimik, kakaiba kay Nick. Minsan lang ito ngumiti at maglabas ng emosyon. Pero hindi naman dapat na dahil ganito, wala na rin itong pakialam kay Nick.
“Hindi mo maaalis sa akin kung umaasa pa rin ako na babalikan niya ako. Girlfriend niya ako. Ikaw dapat ang lubos na makaintindi sa akin. Oo, nagmumukha na nga akong tanga at gusto ko na tanggapin na concern ka sa akin kaya ginagawa mo rin ito. Pero kung concern ka talaga sa akin, tutulungan mo dapat ako, Christoff. Pero wala...sa halip na tulong, galit at inis pa ang nahita ko sa `yo.” Sa mga nasabi ay may naalala si Lavander. Napaiyak tuloy siya. Naiinis pa rin siya kapag naalala niya ang mga tagpo na iyon.
Gusto na rin naman niya na mag-move on, eh. Pero paano ba siya makakapag-move on kung wala nga siyang natatanggap na closure? Closure na pinagkait sa kanya ni Chris?
Pinagkait o iyon lang ba talaga ang gusto niyang paniwalaan dahil hindi niya matanggap?
“I’m sorry for that.”
Was he really? At tatanggapin niya ba iyon? Maaaring biktima lang rin si Christoff. Maaaring wala itong alam. Pero kailangan niya ng isang taong pagbubuntunan ng sakit. Hindi rin kasi talaga niya matanggap na wala itong alam. Paanong mawawala? Pareho ng tinitirhan sina Christoff at Nick. Kung ano man ang nangyari kay Nick pag-uwi nito sa bahay dalawang taon na ang nakakaraan, alam dapat ni Christoff. Pero kahit ni katiting na impormasyon, walang ibinigay sa kanya ang lalaki.
Hindi pa rin matanggap ni Lavander ang lahat. Tinalikuran niya si Christoff. Pero bago pa siya tuluyan na makaalis ay parang may nasagap ang kanyang tainga.
“Kung ako na lang sana, Lav.”
Hindi sigurado ni Lavander kung dahil sa pinaghalo-halong naramdaman ay may sinabi ngang ganoon si Chris. May isang bahagi na gusto niyang kumpirmahan. Malaking bahagi ang nagsasabi na sana ay totoo. Gusto niyang bigyan ng kahulugan ang narinig mula kay Chris. Pero ano pa?
Kung narinig sana ni Lavander ang mga salitang iyon mula kay Chris bago pa man umeksena si Nick...siguro ay hindi siya nasaktan nang ganito ngayon.
...
BSU Secret Files
“Hanging By A Moment? Hanging For Two Years.”
Twenty four months. One hundred four weeks. Seven hundred thirty days. Seventeen thousand five hundred thirty one hours. To simplify...two years.
Two years of waiting. June 17, 2013. A sunny Monday, sinabi mo sa akin na mahal mo ako...and I said the same. It was the happiest day of my life and you said the same. Pero bakit hindi naman yata talaga mutual? June 18, 2013 until now...kahit anino mo, hindi ko nakita.
You kept me hanging for too long and I am still waiting for the answers. I know that not all things are easy...but please make all of this worth it
Banana
CCS
Batch 2016
...
BSU University Secret Files
“Still Waiting For You”
Lav...every year, every month, every week, every day and every hour...I miss you. And I hope you could see me, too.
@Tweets4Lavander
CCS
Batch 2016