“WHERE have you been, Trix?”
Napaungol si Beatrice habang sumasalampak sa pulang couch ng restaurant na tagpuan nila nina Aleika at Jeanette. Ibinagsak niya sa harapan ng mga ito ang isang purple folder.
“Ano ‘yan?” kunot-noong tanong ng pinsang si Jeanette na inginuso ang folder.
“Himala Trix. Ngayon ka lang na-late. Napuyat ka bang talaga sa kakaatungal mo kagabi? Eversince, napaka-punctual mo, ah.” Nang-aasar na saad ni Aleika.
Sumimangot siya. “Dahil sa folder na iyan kaya ako na-late.” Paliwanag niya.
Inabot ni Jeanette ang folder at binuklat. Saglit na pinasadahan nito iyon ng basa pagkuway horrified na binalingan siya.
“Seriously?” Tanong nito na para bang isang napakalaking himala ang nangyari.
Nagusot ang mukha ni Beatrice sa reaksyon na iyon ng pinsan. Si Aleika naman ay curious na inabot ang folder.
“Oh, an insurance policy.” Saad ni Aleika.
Medyo nabigla rin ang tono nito pero hindi katulad ng pagkabigla ni Jeanette. Akala niya ay hanggang doon nalang ang reaksyon nito ngunit napapitlig siya ng ibagsak nito ang folder. “Seriously? Naglabas ka talaga ng ganyan kalaking pera?”
Nag-isang linya naman ang kilay niya sa mga reaksyon ng mga ito.
“What’s wrong? Insurance eh. Annual deposit na iyan.” Depensa ni Beatrice.
Inabot ang menu at pinasadahan iyon pagkuway tinawag ang waiter. Mabilis na nawala ang waiter matapos nilang sabihin ang mga orders nila.
“May sakit ka ba, Trix?” himig nag-aalalang tanong ni Aleika.
Napausod na din si Jeanette malapit sa kanya. “Kaya ba bigla kang kumuha ng insurance? Terminal ba? Seryoso? Kaya mo ba kami ipinatawag ay para tulungan kang kumbinsihin si Kirk na maging faithful sayo just even for the remaining months or years of your life?”
Nanghaba ang nguso niya sa OA na reaksyon ng kaibigan at pinsan pagkuway pinukol ang mga iyon ng masamang tingin. Kung anu-anong iniisip ng mga ito.
“Excuse me? I’m always in pink of health.”
Sigurado naman siyang alam ng mga ito ang bagay na iyon. Magkakasama na sila since college. Except kay Jeanette na sapul bata ay kasama niyang lumaki dahil pinsan niya ito. Sila ni Jeanette ang magpinsang close sa isa’t-isa sa angkan nila at parang kapatid ang turingan. Samantala, nakilala naman nila si Aleika sa Unibersidad na pinasukan nila noon sa kolehiyo dahil sa Student Publication na kinabibilangan nila pare-pareho. Naging malapit ito sa kanila at magpahanggang ngayon ay magkakasama pa din sila.
“Di nga?”
“Tara, samahan ka naming magpa-check up.” Tumayo si Jeanette at umaktong hihilahin siya.
Natatawang iniiwas niya ang braso rito. “Ano ba, Jea? Healthy ako, ano! Kung hindi, sana hindi ako na-approve-an sa insurance.”
Tila nakahinga ng maluwag ang dalawa. Iniisip talaga ng mga ito na dinapuan siya ng malalang karamdaman. Napapalatak siya. Naupo na muli si Jeanette.
“And duh? Hindi ako magpapakababa at makikiusap sa Kirk na iyon maski pa magkasakit ako ng malala o mamamatay na bukas at siya nalang ang natitirang gamot! No way! I rather die!” dagdag pa niya.
“Eh, bakit ka biglang kumuha ng insurance? And knowing you, it’s not like you who will pay for something you didn’t need at the moment. Sabi mo nga ay madami ka ng credentials, so, why a sudden decision?” nagtatakang tanong ni Jeanette.
“Baka may threat ang buhay niyan. Aminin mo! May kaaway ka ba na nagbabanta sa kaligtasan mo?” Ayon na naman si Aleika sa exaggerated na conclusion. Inabot nito muli ang Policy folder.
“Excuse me? Mabait at ulirang mamamayan ako ng bansa.” Himig pagbibiro ni Beatrice. “Sino naman ang magbabanta sa buhay ko?”
‘Ang Kirk na ‘yun ang dapat na kumuha ng insurance, dahil nabibilang na ang maliligayang araw niya. Sa sandaling maghiwalay kami, gagawin ko siyang miserable.’
“Eh, bakit nga?”
“Kasi…”
Ano nga bang dahilan? Maski siya ay hindi naunawaan ang mga nangyari at bigla nalang siyang napabili ng insurance. Samantalang desidido siyang hindi bibili ng kahit anong iaalok sa kanyang insurance, pwera nalang kung free iyon.
‘Anyway, base sa natatandaan kong idiniscuss ng Quelvin na ‘yun, ang pera na idedeposit ko ay ipon ko na parang naka-time deposit. Ang pagkakaiba lamang, magbe-benifit ako ng insurance while they’re using my money. In short, pareho kaming magbe-benefit sa isa’t-isa at free talaga ang insurance. Mahilig pa naman ako sa mga free.’ Panghihimok niya sa sarili.
“I know why.” Pagkuway saad ni Aleika at itinupi ang folder.
“Why?” nagkasabay pa sila ni Jeanette na bumaling sa kaibigan.
Maski siya ay curious sa naiisip ni Aleika. Hindi rin naman kasi niya magawang sagutin ang tanong na ibinabato sa kanya ng kaibigan.
“Because of Quelvin de Luna, one of the well-known bachelors of today, a multibillionaire businessman and the soon to be owner of Life Savers and de Luna Savings Bank.”
Nanayo ang mga balahibo niya sa batok at pinandilatan ito. “Anong sinasabi mo?” pagkakaila niya.
“Tell me I was wrong.” Hamon ni Aleika. Naumid ang dila ni Beatrice. Napanganga naman si Jeanette. “Siya ang underwriter, insurance agent at nag-approve ng Future Savings Plan mo, right?”
“H-How did you know?” nauutal na tanong niya sa kaibigan.
“Silly. Nasa contract mo.” Inginuso ni Aleika ang folder. Naroroon din ang kontrata at certificate niya.
“At nadala ka ng convincing power ng may-ari? Taray! Yung may-ari pa talaga ang nag-assist sayo? Ang swerte mo, girl! Nakadaupang palad mo na si Quelvin de Luna?” tila hindi makapaniwalang saad ni Jeanette.
Napamaang siya sa mga kaibigan. “Kilala niyo siya?”
“Of course!” duwetong saad ng dalawa.
“Kilala siya ng halos lahat ng babae sa bansa. Pinagpapantasyahan at pinapangarap na makadaupang palad!” kinikilig na saad ni Jeanette. “Teka. Samahan mo nga ako diyan sa office nila at nang makabili din ako ng insurance.”
“Hindi ko naman binili ang insurance. Ang ipinasok kong pera ay ipon. In fact, mapapasaakin ulit iyon after ten years… no, fifteen years. I have to wait for another five years after kong makapag-ipon ng sampong taon. That was the consequence of the package I selected. Then, kahit napabalik na ang pera, lifetime insured pa din ako, and I’ll receive a pension after twenty years of being a client. Isn’t it’s great?”
The two ladies rolled their eyes.
“Ang laking issue sayo ng pera.” Komento ni Aleika.
“Wais lang ako.”
Tama. Iyon nga, naging wais lang siya at maganda ang offer kaya niya kinagat ang alok ni Quelvin—ng Life Savers rather. That’s all.
Iyon ang totoong dahilan!
Dumating na ang order nila at nahinto sa pagtsitsismisan ang tatlo. Maya-maya’y nagsalita si Jeanette.
“Samahan mo nga ako sa office ni Mr. de Luna. Mag-pu-purchase din ako.” Anito.
Umangat ang kilay ni Aleika. “Nasilaw ka din sa offer ng company?”
“Hindi. Gusto ko din siyang makadaupang-palad.” Kinikilig na tugon nito.
“Landi!”
“Tse!” Bumaling si Jeanette sa kanya. “So, ano na?”
“Nakaalis na siya matapos naming mag-pirmahan.” Matapat na saad niya.
Parang hindi niya gusto ang idea na maging tulay ng pagkakakilala nina Jeanette at ni Quelvin. Paano kung tulad nila ni Kirk ay magka-inlove-an din ang dalawa at sa huli ay matulad din sa kanya na niloloko lang pala? Ganon pa naman ang mga gwapo at mayayamang lalaki sa panahong ito.
At fragile pa ang pinsan niya sa mga sandaling iyon.
Kailan lang ito nakipagkasira sa boyfriend nito. Malamang na naghahanap lang ito ng mapapagbalingan. Ayaw naman niyang ang Quelvin na iyon ang mapagbalingan nito.
Mabuti nalang talaga at umalis na iyon matapos ng transaction nila. Ang sabi ni Gelo, nag-round lang sa mga branches ng Life Savers ang boss kaya naroroon.
“Weh? Baka naman ayaw mo lang talaga akong samahan. Gusto mong solohin ang swerte!” akusa nito.
Her face reddened. Kung dahil ba sa nasapol siya nito o dahil sa nayamot siya na hindi pinaniwalaan ng pinsan. Pinili niya ang huli at pinukol ng masamang tingin si Jeanette.
“Joke lang. Ito naman, masyadong seryoso.” Bawi ni Jeanette. “But you’re one lucky lady, Trix. Pangarap kong makilala siya pero ikaw na ni hindi man lang siya nakikilala ay walang kahirap-hirap na nakadaupang-palad ang lalaki sa aking pangarap.” Nagningning na naman ang mga mata nito.
Napailing siya at binalingan si Aleika. “How about you? Wala ka bang balak ipaglitanya ang pagpapantasya mo kay Mr. de Luna?”
“No, thanks. Hindi ako kabilang sa mga babaeng naglalaway at nangangarap makaharap siya.” anito na nagpatuloy sa pagkain. Umani iyon ng masamang tingin mula kay Jeanette. “Anyway, ano nga iyong ipakikipag-usap mong plano para hulihin ang talipandas mong boyfriend?”
“THIS is crazy!” mariing tutol ni Beatrice.
Sa pangalawang pagkakataon sa araw na iyon ay natagpuan ni Beatrice ang sarili na karay-karay pabalik sa opisina ng Life Savers ng hindi nagagawang tumutol.
Seems like its De javú.
Ang wala sa kanyang kontrol na nangyari kaninang pumasok siya sa mall ay nauulit ngayon. And this time, ang pinsan niyang si Jeanette ang humihila sa kanya. Siguro, dahil drain na masyado ang utak niya sa pag-iisip ng mga hakbang na may kinalaman kay Kirk ay hindi na niya nagagawang magdesisyon ng hakbang para sa kanyang sarili.
Matapos makatanggap ni Aleika ng tawag mula sa photographer nito ay nagmamadaling nagpaalam sa kanila. Si Jeanette naman ay paulit-ulit na binasa ang policy folder na tila naghahanap ng butas sa napasukan niyang agreement sa Life Savers at kinalimutan na ang pagtulong sa kanyang mag-isip ng assassination plan. At iyon na nga ang simula.
Hinikayat… Hindi. Mas tamang sabihin na pinilit siya ni Jeanette na bumalik at mag-refund. Isang malaking kalokohan raw ang ginawa niya. Kung mag-iipon din lang raw siya, sana ay sa bangko na. At sa dami ng nakakahilong sinabi nito ay hindi na niya nagawang tumanggi ng hilahin siya nito papunta sa opisina ng Life Savers.
“Crazy, crazy ka diyan!” bulyaw sa kanya ni Jeanette. “Crazy ka talaga! Isipin mo, ikaw ang magbabayad ng interest ng sarili mong pera sa halip na sila? Come on, Trix! I-refund mo iyan. Kung ilalagay mo iyan sa bangko, aanak pa ang pera mo. Biruin mo, fifteen years nilang pakikinabangan ang perang inipon mo sa loob ng sampong taon at kapag gugustuhin mong hiramin ay ikaw pa ang magbabayad ng interest? That’s crazy!”
Nagkibit-balikat siya habang hila-hila pa rin ng pinsan ang isa niyang kamay. “Ganyan talaga, bangko eh.”
“Hindi! May mali sa kontrata! I-refund mo iyan. Hindi pa nila iyan napa-process kasi wala pa namang tatlong oras nang pumirma ka.”
“Nakakahiya sa kanila.” Tanggi niya.
Pinagtaasan siya ng kilay ng pinsan. “Sa pagkakatanda ko ay kamag-anak ka ng kuripot na alimango na si Mr. Krabs at hindi ka makakapayag na maaksaya ang hard earned money mo.”
“Hindi naman talaga maaaksaya kasi…”
Wait!
Hindi naman talaga siya ang tipo ng tao na mabilis maglabas ng pera lalo’t ganoon kalaki. Ang inilabas niyang halaga sa Life Savers sa araw na iyon ay halos katumbas na ng semi-annual na sweldo ng isa niyang empleyado sa souvenir shop, o halos isang semester tuition fee niya sa exclusive University na pinapasukan. Bakit nga ba kaydali niyang nakapagdesisyon kanina? Ni hindi gumana ang pala-tanong na bahagi ng kanyang utak gayong wala nga siyang idea patungkol sa kompanyang iyon. Ganoon ba talaga ka-convincing ang pag-uusap nila ni Quelvin at kay dali niyang ipinagkatiwala ang pinaghirapan niyang kwarta na plano niya sanang imbakin nalang sa kanyang savings account kesa magastos sa hindi pa naman kailangan?
‘Actually, hindi naman ang mga pinagsasabi ni Quelvin ang kumimbinsi sayo kundi ang paraan ng pagsuri mo sa hitsura niya kanina!’
No!
Hindi siya ganoon kababaw para maapektuhan ng kagwapuhan ni Quelvin at kakalimutan nalang ang kanyang kakuriputan!
“He’s not even my type!” wala sa loob na bulalas niya.
“Ha?” nalilitong baling sa kanya ni Jeanette.
Natauhan si Beatrice. “Don’t mind me.” Aniya.
“Mabuti pa, ibayad mo nalang ang perang iyan sa lalaking pwede mong kontratahin na manggulo sa relasyon ng talipandas na si Kirk sa bagong babae niya. That way, makakaganti ka na sa anaconda na yun. Mas masa-satisfied ka sa pupuntahan ng pera mo.”
Biglang kuminang ang magandang ideya sa utak niya. “That’s a better idea. Gagawin ko iyan kapag naghiwalay na kami ni Kirk. Makakaganti na ako sa kanya. Sige. I-re-refund ko na!” desididong pagpayag niya.
Umaasa si Beatrice na kung pagbibigyan niya ang pinsan at ma-cancel din ang pakikipag-negotiate niya sa Life Savers, wala na ring dahilan para magtagpo ang mga landas nila ni Quelvin, na sa totoo lang ay kanina pang pilit pumapasok ang imahe sa utak niya. Gustong-gusto niyang mag-pokus sa planong paghihiganti pero ang gwapong mukha ng lalaki ang parating sumasalimbayan sa utak niya. Tuloy ay nasisira ang plano niya dahil kabaro nito ang pinag-iisipan niya ng hindi maganda.
Pagkapasok nila ni Jeanette sa lobby ng opisina ay agad na hinanap nito ang Unit Sales Director sa recieptionist roon. Kilala naman niya ang USD, si Gelo. Kahit saglit lang na nakaharap niya si Gelo kanina ay naramdaman niyang mabait ito.
“Kaninong client ka, Miss?” nagtatakang tanong ni Gelo kay Jeanette na bahagyang napanganga sa presensiya ng una.
Nang mahagip si Beatrice ng mga paningin ni Gelo ay agad iyong ngumiti sa kanya.
“Hindi ako!” saad ni Jeanette. “Ang pinsan ko. Client siya ni Mr. de Luna.”
“Oh.” Sambit ni Gelo pagkuway ngumiti. “So, what can I do for you, two beautiful ladies?”
Akala ni Beatrice ay magiging maamo na si Jeanette dahil sa palakaibigang pagngiti at pag-attend sa kanila ni Gelo. Pero lalo lamang nagusot ang mukha ng pinsan niya. Marahil, pareho sila ng unang naiisip. Isang sandata ng mga empleyado ng Life Savers na gamitan ng charms ang mga kliyente. At mukhang immune si Jeanette sa charm ni Gelo.
“We demand a refund!” buong hayag ni Jeanette.
“Refund? Wait? Bakit?” nagtatakang tanong ni Gelo na bumaling sa kanya.
“Kasi, nagbago ang isip ko.” Nahihiyang saad niya.
Napaka-unprofessional naman ng ginagawa niya. Pero hindi naman kasi siya talagang desidido sa pagpayag na mag-purchase ng future savings plan na iyon. Kaya naman, nang sulsulan siya ng pinsan at maraming makitang butas na hindi pasado sa panlasa ng pinsan niya, pati siya ay nabuyo sa pag-atras. Idagdag pa na may mas magandang ideya si Jeanette kung saan niya dadalhin ang pera niya.
“Teka, Ms. Velez. Hindi kasi ganoon kadali ang gusto mo. I’m sure naipaliwanag sayo ni Sir ang lahat-lahat at dahil nag-agree at pumirma ka, it means na okay sayo ang lahat. Maswerte ka nga at kaybilis ng process ng transaction mo. ‘Yung iba, it takes a month bago i-approve ang application.”
“Siyempre minadali niyo na kasi alam niyo na half-hearted lang ang pagpayag ng pinsan ko.” Pagsingit ni Jeanette. “At siyempre, sayang naman kung pakakawalan eh kliyente rin na mauuto ninyo!”
Binalingan ito ng nagtitimping si Gelo. “I think I know now why you’ve change your mind, Ms. Velez.” Mahinahon ngunit mariing saad nito na kay Jeanette pa din nakatingin. Siguro, kung kaya nitong tirisin ang pinsan niya ay ginawa na nito.
“Excuse me? Are you acusing me?” angal ni Jeanette rito.
“Guilty?” Tumaas ang gilid ng labi ni Gelo.
“Aba’t!” Jeanette snaps.
Binalewala iyon ni Gelo at muling hinarap siya. “Ms. Velez, siguro naman ay aware ka na hindi ko pwedeng basta nalang i-cancel ang contract mo sa amin dahil kailangan munang malaman ni Sir Quelvin. Besides, direct client ka niya. Actually, hindi naman niya trabaho iyon, pero dahil masyadong matulungin sa amin at masinop sa kliyente ang boss kaya ini-assist ka na din niya. So, ibigsabihin ay hindi ko pwedeng pakialaman ang transaction mo—”
“Call your boss, then.” Mala-reynang singit-utos na naman ng pinsan niya.
Nakikita niya kung paanong nagtitimping lingunin ni Gelo si Jeanette at singhalan.
“Bakit ka ba nakikialam eh hindi naman ikaw ang involve rito?” Tila hindi nakapagpigil na saad ni Gelo. Bagaman, hindi ito nagtataas ng boses ay sapat na ang mga salita para mahinuha ni Jeanette na nayayamot na ang binata. Pero sa malas ay walang balak sumuko ang pinsan niya.
“Pinsan ko siya at may karapatan naman akong magpayo at magbusisi sa kung anong pi-nur-chase niya, ‘no? Masyado pa naman iyang mabait at considerate sa mga employees na tulad niyo kaya kahit labag sa loob niya, o-oo nalang siya.”
Pansin ni Beatrice na biglang naging mas tahimik sa lobby kung saan naroroon ang iba pang insurance agent. Magmamasid pa sana siya nang marinig ang isang pamilyar na boses.
“Is that true, Ms. Velez?”