GF Trilogy Chapter 3

NAPASINGHAP si Beatrice ng matanawan ang papasok na matangkad at napakagwapong lalaki! Katulad kanina ay nakakunot na naman ang noo nito at tila magpapang-abot na ang mga kilay.

Si Quelvin!

“Ah… k-kasi…”

Isang singhap mula sa kanyang likuran ang umagaw ng atensyon niya. Nang lingunin niya ang pinagmulan ay si Jeanette pala. Halos lumuwa ang mga mata nito sa matinding paghanga sa bagong dating. Sa wakas ay natupad na ang pinapangarap raw nito. Ang makaharap ang lalaking pinapantasya ng marami. At sigurado din naman siya na isang dahilan ng pagpipilit nitong mag-refund siya ay ang makaharap si Quelvin.

“Let’s talk everything in my office.” Iminuwestra nito ang pintuan na nilabasan niya kanina.

“I’ll go with you, too.” Pag-piprisinta ni Jeanette.

“No. You’ll stay here.”

Dahil roon ay napabaling si Quelvin kay Gelo na tila itinatanong kung magkakilala ba ang mga ito.

“Ako na po ang mag-a-assist sa kanya, Sir. Magpinsan raw sila.” Dagdag ni Gelo.

“Okay.” Tipid na tugon ni Quelvin at nilapitan siya pagkuway inalalayan sa kanyang siko patungo sa private office nito sa branch na iyon.

Hindi na naman niya maunawaan ang sarili. Hindi niya mawari kung dahil ba sa malakas na buga ng aircon kaya’t parang nais niyang manigas at manlamig o talagang nakakapanginig ang pagkakadampi ng mga balat nila ni Quelvin. Hanggang sa makaupo na siya sa harap ng mesa ni Quelvin ay nais pa rin niyang sipain ang sarili. Ano bang nangyayari sa kanya?

“So, ano ang atin, Ms. Velez?” untag sa kanya ni Quelvin.

“A-akala ko, umalis ka na?” balik-tanong niya.

“Yes. Pero naiwan ko pala ang cellphone ko kaya binalikan ko.” Itinaas ni Quelvin ang mamahaling cellphone nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

‘Isa ka pala sa mga taong hindi kayang mabuhay ng wala ang cellphone sa tabi mo. May itinatago ka rin ba diyan?’

Naipilig ni Beatrice ang sariling ulo. At ano namang pakialam niya kung may sekreto rin ito sa cellphone nito? Pati naman ang isang ito ay naihahambing na niya kay Kirk. Ganoon ba talaga kalaki ang iniwang damage ng bruho sa kanya at ang bawat gwapong lalaking makaharap niya ay pinag-iisipan niya ng hindi maganda?

“At ikaw? Bakit bumalik ka?”

Napamaang siya nang marinig ang boses ni Quelvin.

“Eh kasi…”

“Ire-refund mo ang deal mo sa akin.” pagtutuloy nito sa bagay na hindi niya masabi-sabi.

Napapikit siya at parang nais nalang na lumubog sa kinauupuan. Napaka-unprofessional ng ginagawa niya. Nakakahiya! Bakit nga ba nagpadala siya sa sulsol ni Jeanette? At bakit kung kanina ay kumbinsido na siyang bawiin ang kanyang pera, ngayong kaharap niya si Quelvin ay parang nais na naman niyang magbago ng isip?

“Aware ka naman siguro na hindi maika-cancel ng mga staffs ko ang transaction mo sa amin dahil bukod sa approved ka na, ako ang nag-assist sayo. Ako ang dapat na unang makaalam ng nais mong baguhin o ipahinto.”

Binalingan niya si Quelvin. Ngayon ay prenteng nakaupo na ito sa swivel chair, hawak ang isang ballpen na marahang ipinipitik-pitik sa pisngi nito at ang isa pang kamay ay nakapatong sa arm rest. Kinagat nito ang dulo ng stedler ballpen nito. His set of white teeth was exposed to her once more. Nang pakawalan ng mga ngipin nito ang dulo ng ballpen ay sa nakatikom na mga labi naman nagpokus ang kanyang mga mata. The shape and color of his lips makes her wants to touch them. It would surely feel great against hers!

‘What? Umaandar ang manyak na bahagi ng utak mo, Beatrice!’ saway ng kanyang isip.

Napalunok siya at nagbawi ng paningin mula rito. Ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang pag-angat ng isang sulok ng labi ni Quelvin.

‘The beast knew how to use his charm. Darn!’

“Na-realize ko kasi na parang nabigla lang ako sa desisyon kong makipag-deal sayo.” Naisatinig niya.

Nakakahiya na rin lang naman na bumalik siya roon para iurong ang transaction ay paninindigan na niya para isang kahihiyan na lamang.

“At dahil iniisip mo na wala na ako, maaari mong pakiusapan ang mga empleyado ko na i-cancel ang contract mo sa amin?”

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Hindi niya gusto ang pinupunto nito.

“Ms. Velez, hindi tayo naglalaro dito. As what I have remember sinabi ko sayo na hindi kami namimilit ng kliyente. Tinanong kita kung desidido ka, na kung kaya mong mag-purchase ng alinman sa mga packages at na kung gusto mo ang offer. And you answer ‘yes’ to all of it. So, what’s the problem now?”

‘The problem is you and your damn handsome face! Tell me, paano akong makaka-hindi sa kagwapuhang iyan?’

“Parang lugi naman kasi ako. Kapag inutang ko ang sarili kong ipon, ako pa ang magbabayad sa inyo ng interest ng sarili kong pera?”

“Hindi ka nakikinig, Ms. Velez. Inabot nito ang isang bond paper at iniharap sa kanya saka nagsulat roon. Bibigyan ka naman namin ng pension, iyon ang mismong magiging anak ng pera mo na pinapahiram sa Life Savers. Sa edad mo, twenty-five, after ten years of saving and another five years of waiting, pensyonada ka na. Sino sa akala mo ang forty years old pa lamang ay tumatanggap na ng pension? At life time pa. Kapag nawala ka sa mundo, milyonarya at milyonaryo na ang mga magulang—”

“Exactly, ngayon lang ako nakarinig ng pensyonada sa ganyang edad? What if hindi totoo—”

“Are you trying to say na wala kang tiwala sa pagmumukhang ito?” Tumalim ang mga mata ni Quelvin.

“H-hindi naman sa ganon. The offer was great, too great to be true…”

“You can file a case against us.”

“And another waste of money and time.” She rolled her eyes.

“Fourty-five years na ang company at malinis ang pangalan ng Life Savers sa nagdaang mahabang taon na iyan. You don’t have to worry too much, Ms. Velez. Your money is in good hands. Mapapakinabangan pa iyan ng mga beneficiaries mo.”

“At inaasahan mong buhay pa din ang mga beneficiaries’ ko sa panahong iyon? Surely, hindi na, at hindi na rin nila magagastos ang pera mo.” Sarkastikong saad niya.

Sumilay na naman ang ngiti sa mga labi nito na nagpatalbog sa kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit ba ito napangiti? Dahil ba sa nais nitong ikubli ang totoong reaksyon sa pagkakatumbok niya sa totoong goal nito sa transaction nila?

“Bakit ba Life Savers ang pangalan ng company mo eh kamatayan ng mga kliyente ang pinaghahandaan ninyo?”

“Dahil kami ang magsisilbing salbabida ninyo. Sa halip na maglustay ng pera ang mga tao, mas maganda na i-save nila iyon para sa future. Alam naman natin na lahat tayo ay doon pupunta, mas maigi na may plano. Hindi ba?”

Napatango siya. Tama naman kasi ito.

“Hindi ka nagtanong kanina at wala ka ding reklamo. Kaya’t inaasahan ko na susugod ka rito kapag nahimasmasan ka na at na-absorb ng maayos ang transaction natin para magtanong ng maraming bagay. Pero hindi ko inaasahan na magbabalak kang mag-refund dahil iniisip mo na unfair ang policy ng kompanya.” Matiim na tinitigan siya ni Quelvin. Disappointment was painted in his handsome face. Gusto niyang sapukin ang sarili dahil alam niyang siya ang may kagagawan ng hindi kaaya-ayang reaksyon na iyon. “Know this, hindi isang laro ang ginagawang transaction sa opisina ng Life Savers.”

“Alam ko!” she hissed.

Hindi niya magawang dugsungan ang kanyang sinabi dahil wala siyang maisip na magandang palusot. Hindi niya rin maunawaan ang kanyang sarili kung bakit parang gusto niya rin naman ang ideya na bumalik roon. Alam niya na hindi siya mai-a-assist ng mga staffs dahil si Quelvin ang kausap niya. Ang inaasahan niya ay bukas sila pababalikin ni Gelo at ii-inform pa nito ang boss. Ibigsabihin ay mapapaghandaan pa niya ang pagpapakapal ng mukha sa pagka-unprofessional niya bago humarap rito. O di kaya ay pagtaguan na si Jeanette para hindi siya kuliting bumalik roon dahil alam naman niyang may lihim na agenda rin ang pinsan sa pangungulit sa kanya.

Pero hindi iyon ang nangyayari ngayon.

“Ganito nalang. I-discuss mo ang lahat ng concerns mo at sasagutin ko iyon ng sabay-sabay.” Hamon nito.

Naumid ang dila ni Beatrice. Wala siyang maisip na complaints dahil lahat naman ng nasa policy folder ay sinasang-ayunan niya. In fact, lahat ng complains ni Jeanette habang kaharap ang folder ay sinasalag niya ng sarili niyang opinyon. Hindi na nga lamang niya ito nagawang pigilan ng hilahin siya papunta sa opisina at ipagpilitang mag-refund dahil hindi daw ito sang-ayon sa ilang bagay. At siya namang may kakuriputan ay nagpatangay rito.

“Aside from the loan thing, na malabo ko din namang gawin ay wala na.” nasabi niya.

“Suggestion lang naman ang loan. At kung hindi kami magpapatong ng interest baka matagal nang nagsara ang kompanya.”

“Yeah right.” Napatawa siya sa sariling katangahan. Kung bakit ba naman nagpadala pa siya sa sulsol ng pinsan? Ginagawa lang niyang katatawanan ang kanyang sarili sa harapan ni Quelvin. Pero hindi ba’t may iba nga siyang plano sa pera niya? “But I still demand a refund.” Biglang sabi niya.

“What?” napamaang ito.

“May mahalaga akong paggagamitan at ngayon ko lang naisip iyon. Pasensiya ka na, lulubus-lubusin ko na ang napaka-unprofessional na ginawa ko. Alam ko naman na maliit ang chance na magkita ulit tayo.” Deretsahang saad niya.

Wala na siyang pakialam kung ano ang maging impresyon nito sa kanya tutal ay huling pagkikita na naman nila iyon. Ang mahalaga nalang sa kanya ngayon ay maisakatuparan ang kanyang plano kay Kirk.

“Saan mo ba balak gamitin?” Hindi niya inaasahan ang tanong nitong iyon.

“It’s personal and… none of your business.” Lakas-loob na saad niya.

Tumaas ang gilid ng labi nito. “Come on, baka may mas maganda akong suggestion kesa sa mag-refund ka.”

“Wala! Wala kang magiging magandang suggestion dahil gagamitin ko ang pera para makaganti sa boyfriend ko. Better yet, siya nalang ang bigyan mo ng insurance.” Napabiglang saad ni Beatrice.

Huli na para ma-realize na nagawa niyang ibulalas ang hindi dapat. Pero ano bang magagawa niya? Naiinis na siya at desidido na siyang mag-refund pero mukhang malabong mangyari iyon dahil sa madaming pasikot-sikot ng lalaking ito.

“Kung ganoon, mas lalong hindi ka pwedeng mag-refund. Kapag ginantihan ka din ng boyfriend mo, kakailanganin mo din ang insurance.”

Bumagsak ang panga ni Beatrice. Sa halip na makatulong ang pagsasabi niya ng totoo ay mukhang nakasama pa iyon.

“Anyway, I’ll give you my contact number. Para kung sakaling makaisip ka na namang magtanong o mag-refund ay hindi ka na susugod dito. I’m just a call ahead.”

“Oh? You’ll give it to me?”

“Uh, huh!” anito habang naghahanap ng calling card. “Hindi ako basta-basta nagbibigay ng contact number but you’re exception to the rule. Palagay ko ay kakailanganin mo ng taong sasagot sa mga magiging tanong mo…”

Parang nakikini-kinita na niya ang magiging reaksyon ni Jeanette kapag ipinakita niya rito ang calling card ni Quelvin de Luna.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.