Girl Next Door Chapter 10

I cant focus! Wala akong ibang magawa kun'di tignan lang si Ayesha saan man siya magpunta. Kahit ang mga loko-loko kong kaibigan ay hindi rin maiwasang tignan siya. Kahit na nga ba inaambaan ko sila ng suntok.

"Mahilig ka na pala sa mga modelo ngayon. Nasaan na 'yung kaibigan namin na bukang bibig ang ligaya lang walang personalan?" Tinignan ko lang si Nico bago inismiran, saka ko binaliktad ang iniihaw kong isda.

"Akala ko ba iyong calendar girl ang girl friend mo? Ngayon heto ka at  International Super Model pa ang kasama. Hanep pre how'd you do that?" Giit naman ni Steve na akala mo siya'y hindi nag papalit ng babae, na parang nag palit lang ng brief.

"Hindi kasi ako mukhang pusit na tulad ng iniihaw ko ngayon, 'di tulad mo!" Singhal ko sa kaniya.

"Hey kamukba yan ni Nico, hindi ako!" Sagot naman ni Steve, habang si Nico naman ay walang pakialam na nag iihaw lang din.

Hindi ko rin alam kung bakit biglang nag iba ang pananaw ko pag dating sa babae. Its just... Ayesha's different. Ibang iba siya sa mga babaeng nakasama ko na. Or should I say, nakalaro ko na sa kama. Kung titignan ay napakasungit niya at mukhang mahirap abutin. Ngunit may taglay siyang kakaiba na kahit pinakagagong lalaki pa ay mapapatino niya. At kung patigasan naman ng ulo. Well, I think wala ng mas titigas pa sa ulo niya.

Ngayon nga'y hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng inis dahil sa suot niya. Normal lang naman na mag bikini siya dahil nasa beach nga naman kami. Pero ang hindi normal ay halos mailantad na ang buong katawan niya ng dahil sa lintik na two piece bikini niya!

Kung ako lang ang masusunod mas ayos na sa aking suotin niya iyong singit short niyang nakita ko. Anim na kalalakihan ang mga kaibigan kong narito at halos sa kaniya na nga lang nakatingin. Bullshit!

"Hey, what's for lunch?" Nakangiting tanong niya ng lumapit siya sa akin.

"Damn! If only I could put you inside my pocket kanina ko pa ginawa. You're exposing too much skin!" Imbes na sumagot ay iyon ang nasabi ko sa kaniya.

"What do you want me to wear? Baro't saya? Ano ako, si Maria Clara?" Mataray na sagot niya. At ng tumalikod siya upang pumasok sa loob ay hindi ko maiwasang paluin ng marahan ang pang upo niya. Yes! I pinch her butt cheek sabay karipas ng takbo. Dahil ang mataray na kapit bahay ko'y namulot ng malaking tipak ng bato, at malamang na sa akin ibabato.

Nakita ko pang may lumapit sa kaniyang dalawang babae at nag papicture. Pinaunlakan niya naman 'yon bago tuluyang pumasok sa tinutuluyan namin.

***

Habang si Ayesha naman ay nagpupuyos ang kalooban dahil sa ginawa ni Janrick. Kun'di baga naman saksakan ng manyakis ang Janrick na iyon, nakuha pang pisilin ang pang upo niya. Handa na sana siyang batuhin ang lalaki pero kumaripas na ng takbo.

"Ayesha Mendez? Pwede po mag  papicture kasama ka?" Isinantabi ko na muna ang inis na nararamdaman ko kay Janrick bago nag papicture sa dalawang babaeng nasalubong ko.

"Grabe body goals friend, at saka ang popogi ng mga kasama niya. Sino kaya ang boyfriend niya doon? Pero diba si Janrick Del Rio ang usap usapang boyfriend niya?" Narinig ko pang sabi nang isang babae habang naglalakad ako palayo sa kanila.

Nang makarating naman ako sa cottage, hindi ko inaasahan na naroon na rin si Janrick. Ang bilis niyang tumakbo ah! Niyakap niya pa ako at hinalikan sa pisngi bago nag sorry dahil sa ginawa niya kanina. Habang ang mga kaibigan niya naman ay kung ano-ano ang naging kumento sa aming dalawa.

"Mapapasana all na lang talaga ako!"

Sabi ng kaibigan niyang hindi ko maalala ang pangalan. Ngumiti na lang ako, kahit na nga ba nakakaramdam na ako ng pagkailang.

"Ang gago mo talaga Nico!". Sagot naman ni Janrick habang umiiling iling pa.

"Pero Ayesha may gusto lang akong tanungin sa'yo. Ay teka, you can understand tagalog right? Im Steve by the way." I nod at him, at isinuot ang roba na isinusuot sa akin ni Janrick. "Sino ang pinakagwapo sa aming magkakaibigan?". Muling niya pang tanong.

"Damn you! Are you out of your goddamn mind?" Sagot ni Janrick na akala mo naman ay siya ang tinatanong. Ano bang problema ng hudas na 'to?

"Ang kapal naman ng mukha mong magtanong ng ganyan Steve, samantalang ang pangit pangit mo!" Nico said, but Steve just raise his middle finger.

"Pareho lang kayo, ang babaho niyo pa magsiligo muna kayo!" Daryl said while eating banana.

"Tang ina hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin, pero ang laswa mong tignan kumain ng saging!" Natawa naman ako sa sinabing iyon ng kaibigan nila na 'di ko matandaan ang pangalan.

Pumagitna na ako sa kanila dahil mukha na silang nagkakainitan. Sa totoo lang magagandang lalaki naman silang lahat. Walang itulak kabigin. Pero hindi ko rin maintindihan kung bakit pakiramdam ko'y si Janrick ang pinakagusto ko sa kanila.

"Gustuhin ko mang sagutin ang tanong mo Steve, pero baka sabunutan ako ng mga girlfriends n'yo." Sa sinabi kong iyon ay nag kani-kaniya silang iling. Bago lumapit sa mga partners nila, while Janrick pulled me closer to him.

"Why? Are you okay?" I ask him.

"I'm jealous. You're mine right?" He said. Napapangiti man sa sinabi niya, pero umiling pa rin ako bilang sagot sa tanong niya. Hindi niya naman talaga ako pag-aari.

***

Nang sumapit ang dilim, ang mga kalalakihan ay gumawa ng bonfire. Habang ang mga kababaihan naman ay nag handa ng maiinom nila. Makalipasa ang ilang minuto'y sinimulan na nila ang kasiyahan. May nag iinuman, nag kakantahan at sumasayaw. Habang si Janrick ay mariin na nakatitig lang kay Ayesha na ngayon ay pulang pula na ang mukha.

There's something about her that you wanted to stare at her with no reason.

Tumatawa na siya sa mga simpleng banat ng mga kaibigan ko. At kung hindi ko pipigilan ay baka sumayaw na rin siya, tulad ng mga babaeng kasama ng mga kaibigan ko.

"Hey, are you drunk? Gusto mo bang magpahinga na?" I asked her. Mukha na kasi siyang lasing at hindi na rin alam ang ginagawa niya.

"Not yet," sagot niya naman. Ngunit pumupungay na ang mga mata na akala mo'y pipikit na ano mang oras.

Hinila ko na siya patayo upang dalhin na sa loob. Ayaw kong masinghalan kinabukasan dahil malamang ako ang pag bubuntungan niya ng init ng ulo. Lalo na kapag naramdaman niya ang sakit ng ulo at pagkahilo dulot ng hangover.

"Thats enough guys. May amats na itong isang 'to patutulugin ko na. Mauna na kami sa inyo." Paalam ko habang inaalalayan siyang tumayo.

"Patutulugin ba talaga, tangna pre magkakatabi lang cabin natin huh! Huwag mong lakasan ungol mo!" Tumawa naman silang lahat. Kahit si Ayesha ay natawa rin ng dahil sa sinabi ni Steve. I just raise my middle finger, at naglakad na kasama si Ayesha.

"Its too early I still want to drink and dance." Giit ni Ayesha ng makapasok na kami sa silid na inuukupa namin.

"Lasing ka na." Maikling sagot ko.

"Are you an expert?" Kuryosong tanong niya sa akin.

"In what way?" I asked.

"In dancing?" Oh shit shes really drunk.

"How would I know. Hindi naman ako sumasayaw." She laugh and lay down in the bed.

"Are you big?" Woman! Ganito pala siya kapag lasing. Kung ano ano ang lumalabas sa bibig niya.

"What do you mean big?" Tumawa lang siya bago lumapit sa akin. Inangkla niya pa ang braso niya sa batok ko bago nakangiting tumitig sa akin. Shit! Ang sikip sikip na!

"Well, I think you're big in that department." Tinitigan ko siya habang nakatingin din siya sa akin. Hindi ko alam kung paano at sino ang nauna. Basta natagpuan ko na lang ang sarili kong humahalik sa kaniya. Mariin siyang pumikit at kumapit ng mahigpit. Hanggang sa tila ba humahalik lang siya sa hangin.

Hinihintay ko siyang tumugon sa halik na ginagawa ko sa kaniya. Nang bigla na lang lumuwang ang yakap niya sa akin at muntik pang matumba 

"Hey baby, are you okay?" Nag aalalang tanong ko sa kaniya. Nanatili lang siyang nakapikit habang hawak ko siya sa baywang. Lalo pang lumuwang ang kapit niya sa akin, hanggang sa marinig ko na lang ang mahinang paghilik niya.

Napangiti na lang ako ng mapagtanto kong nakatulog na pala siya. Inihiga ko na siya sa kama at tinitigan ang maamo niyang mukha. Sa puntong ito'y alam kong hindi na lang ako basta nahuhulog o nahulog na sa kaniya. Ginawaran ko siya ng halik sa noo bago inusal ang katagang sa tingin ko'y sagot sa kalituhang nadarama ko.

"I love you"

.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.