Sabado ng umaga. Wala pa sana akong balak tumayo dahil sa sobrang antok na nararamdaman ko. Pakiramdam ko nga ay kapipikit ko lang. Ngunit ang punyetang nag do-door bell sa pinto ng unit ko ang dahilan kung bakit kailangan ko ng tumayo! Just who the fuck was that?
Bumangon ako at 'di na pinagkaabalahang tignan ang sarili sa salamin. Hindi ko na rin sinuot ang roba ko. Nakasanayan ko ng matulog na tanging underwears lang ang suot. At dahil lutang na lutang pa ang utak ko, wala na akong pakialam kung sinong peste ang makakaharap ko.
And just when I open the door...
"Woman! Ganyan ka ba talaga? Lahat pagbubuksan mo ng pinto kahit panty at bra lang ang suot mo?" I just nod at him, then went back to my bed again to gather some sleep.
At oo, ang hudas kong kapitbahay ang dahilan ng pagbangon ko ng wala sa oras. Kahit na nga ba hindi pa sumasanib ang diwa ko sa katawang lupa ko.
"Hey, wala ka bang balak maligo o kumain? Alas singko na ng hapon." Unti-unti ng humihina sa pandinig ko ang kung ano mang sinasabi ng hayop na kapitbahay ko. Ngunit ang hudyo inalog alog pa ang balikat ko. Ano bang problema nito? Sa antok na antok pa nga ako!
"Ayesha Mendez! Nakadrugs ka ba? Hoy!"
"Hey baby, wake up!"
"Punyeta! Ano bang problema mong hayop ka?" Sigaw ko sa kaniya. Sa lahat ng ayaw ko ay pinipilit akong gisingin sa walang kakwenta-kwentang bagay, at sinagad niya na ang pasensya ko! Dahil sa mokong na 'to, nawala na ang antok na nararamdaman ko kun'di napalitan ng pagkairita.
"Calm down, baka mapatay mo ako. Sayang ang lahi ko." Napakakapal talaga ng mukha nitong lalaking to. Tanggap ko na rin na wala na talagang pag-asa na manalo ako sa kaniya!
"Ano bang kailangan mo? Sa makalawa pa ang photo shoot diba? Bakit ba nandito ka? Nakakapurwisyo ka nang hudas ka!" Sunod sunod na litanya ko sa kaniya. Pero ang siste nakuha pang ngumiti. At humiga pa nga sa tabi ko na akala mo'y close kami! Bwisit!
"Kailangan ko ng kasama. Pupunta kami sa beach house ng isa sa mga kaibigan ko. Ako lang ang walang kapareha kaya tumayo ka na at sasama ka sa akin." Tumayo naman ako at pinamaywangan siya para singhalan!
"Inistorbo mo ang tulog ko ng dahil lang sa pesteng outing n'yo! Lingid sa kaalaman mo Mr. Del Rio nasa fashion show ako kagabi. Kaya naman bumabawi ako ng tulog ngayon dahil antok na antok pa ako. Tapos heto ka at ginising ako ng dahil lang kailangan mo ng makakasama sa outing ninyong magkakaibigan. Ano ka teenager?" Sunod sunod kong singhal sa kaniya. Habang ako ay nang gagalaiti sa galit, ang walanghiya titig na titig lang naman sa dibdib ko. Napakabastos talaga ng gagong ito!
"Damn! Wala pa rin talagang gaganda sa mount fuji na bubungad sa akin mapahapon man o umaga."
Sinakal ko siya sa sobrang pikon. Lalo na sa sinabi niya. Talagang kulang sa aruga ang hayon na Janrick! O baka naman nasobrahan sa bakuna noong kabataan niya!
"Aray! Yesha stop it!"
Bigla niya naman akong hinawakan sa baywang at baliwalang itinulak pahiga bago ako kinubabawan.
"Ano papalag ka huh!"
"Tigil tigilan mo nga ako, baka isipin ko'ng patay na patay ka sa akin."
"At kung oo anong gagawin mo"
Natigilan ako sa sinabi niya. Ngunit nunkang mag paapekto ako sa hidas na ito!.
"Aba! Manigas ka! Tabi nga!" Tinabig ko siya para makawala ako kaya bumangon ako kaagad ng binitawan niya ko.
"Baby, kanina pa ako tigas na tigas." Ang walanghiya, wala talagang preno ang bibig.
"Bastos!"
"Samahan mo na kasi ako, remember may utang ka pa sa akin. Maniningil na ako ngayon." Inirapan ko lang siya at tuloy tuloy ng pumasok sa banyo para maligo. Nakaramdam naman ako ng hiya ng makita ko ang sarili ko sa salamin.
Sabog sabog ang hanggang baywang kong buhok. May muta pa akong maliit sa kabilang mata. Tapos nakapanty at bra lang akong humarap sa kaniya. Just fucking great! Parang ibinilad ko na ang buong kaluluwa ko sa hayop na iyon ah!
"Yesha I'll pack your things ok!"
"Kailangan mo ba ng maraming damit?" Tanong niya na naman, hindi na ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil sa kabubunganga niya.
"Yesha okay ka lang ba? Ano bang ginagawa mo?"
"Tangina naman, tumatae ako ano ba!Bigyan mo naman ako ng kaunting katahimikan." Gigil na singhal ko sa kaniya mula sa loob.
"Ohh. Okay, sige mag concentrate ka lang diyan ako na ang bahala dito."
***
Habang iniimpake naman ni Janrick ang mga damit na posibleng dalhin ni Ayesha. Namangha siya sa dami ng damit sa loob ng closet ng dalaga.
Kumuha ako ng sando, tuwalya, pajama pati na rin t-shirt na madalas niyang suot. Pero ng mapansin ko ang mga underwears niya doon na nagsimula ang torture! Hawak ang bra at panty niya'y daig ko pa ang school boy na unang nakapanood ng porn! At nang mahablot ko naman ang maong short niya'y kumunot ang noo ko.
"Ito ba ang tinatawag nilang singit short?" Wala sa loob na tanong ko sa aking sarili. Putris! Mukhang kaunting buka lang hindi lang singit ang makikita, baka pati ang lihim na kuweba ng Puerto Princessa ay makita sakaling iyon ang isuot niya.
Nang lumabas naman si Ayesha mula sa banyo. Tanging tuwalya lang ang nakabalot upang takpan ang katawan nito. Damn! Bless me father for I have sin. But this lady is torture like hell!
"Bakit nga ba ako sasama sa'yo ulit?" Tanong niya ng nakakunot ang kilay.
"Because you're bored. At kailangan mo ng macho at gwapong makakasama." I wink at her after I said that. At malayang pinagmasdan lahat ng kilos niya.
***
Habang walang pakundangan na pinanunood ni Janrick lahat ng kilos ko'y, baliwala naman akong nag bihis sa harap niya. Ano pa ba ang magagawa ko? Sa tigas ng bungo niyan baka umabot pa kami sa korte!
Nagsuot lang ako ng maong short at black backless sa pang itaas. Inilugay ko na lang din ang hanggang baywang kong buhok matapos kong patuyuin. Bago nag boots na hanggang sa baba ng tuhod ko. Tingin ko nama'y ayos na ako at akma ang suot ko sa kung saang lupalop man ng mundo kami magpunta.
Matapos ang ginagawa'y nilingon ko naman si Janrick na ngayon ay abala sa pagtitipa sa cellphone niya. Pasimple akong pumunta sa likod niya upang makiusyoso. Ngunit ganoon na lang pag arko ng kilay ko ng mabasa ko ang nasa cellphone niya.
Macho Gwapito:
Steve the great: Where are you? Janrick?
Nico awesome: Shit gumagawa pa yata ng milagro ang hayop!
Lucas handsome: Look what I found guys. Pusit! Kamuka ni Nico.
Nico awesome: Fuck you! That looks more like you Lucas.
Janrick expert: We're on our way.
Steve the great: You're expert in what Janrick?
Mateo 'd hottest man: Sa kung saan ka hindi magaling Steve.
Daryl cute: Bilisan mo na Mr. Expert my girl her makes me hungry.
"So thats your friends?" Hindi ko maiwasang itanong sa kaniya. He turn off his phone then put it on his pocket bago hinila ako palapit sa kaniya.
"Yes, at 'wag mo ng tanungin kung bakit. Dahil kahit ako'y hindi alam kung paano ko naging kaibigan ang mga baliw na 'yon." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Parang natigilan pa siya ng tinitigan niya ako, kaya naman umikot ako sa harapan niya at kumindat ng makaharap na ulit sa kaniya.
"Kalma, ako lang to!"
"Parang ayaw na tuloy kitang isama. Baka pagnasaan ka pa nila, mapatay ko pa sila." At gumana na naman po ang pagiging baliw niya.
Maya maya pa'y bumaba na kami. Ngunit hindi ko inaasahan na may mga reporters pala sa ibaba, kung kayat hindi ako naging handa ng kunan nila kami ng larawan.
"Miss Ayesa Mendez, is Mr. Del Rio is your current boyfriend?"
"Miss Ayesha, is it true that your giving up your career in America just to live here with Mr. Del Rio?"
"Mr. Del Rio may balak ka na bang mag settled down?"
Hawak hawak ni Janrick ang kamay ko at walang pakialam na hinihila ako para makaalis sa mga reporters. They took lots of photos of me and Janrick, kaya paniguradong sasakit na naman ang ulo ni Lenny nito.
Nang makarating kami sa garahe pinasakay na ako ni Janrick ngunit bago pa ako makapasok sa loob, nahawakan ng isang reporter ang braso ko at hinila ako na ikinagulat ko naman.
"Hey back off! Dont you dare hold her, she's mine!" Napaawang ang labi ko sa sobrang gulat dahil sa sinabi niya. Shit! Pagkakaguluhan iyon ng media. Oh my God I'm gonna be famous as hell.
Kaya bago pa siya ulit makapagsalita hinarap ko na ang mga reporters.
"Can you please give me some time to answer all your questions? I'm in vacation thats why Im here, let me enjoy it first. Thank you." After that, I went inside the car. Kaagad namang pinaharurot ni Janrick ang sasakyan ng makapasok na rin siya.
"You're gonna be a celebrity. Next time be careful. Bawat salita mo'y may kahulugan sa kanila."
"Wala akong pakialam sa sasabihin nilang lahat. And I'm telling the truth, youre mine." Mabilis siyang tumingin sa akin pagkasabi niya no'n na ikinabuntong hininga ko naman. Hindi ako mananalo sa taong to so better leave it like that.
Dahil medyo may kahabaan ang byahe patungo sa beach resort ng kaibigan niya, nag play na lang ako ng music para di naman masyadong boring ang byahe. Sinabayan ko na rin iyon ng malakas na pagkanta at bahagyang indayog sa loob ng kotse niya. Habang si Janrick naman ay nakangising pailing iling na lang.
"Si Lady Gaga ba ang kumanta niyan?" He asked but I didn't answer.
I
just continue singing while swaying my hips and raising my hands.
"Wala ka nang pag-asa!" Giit pa ulit ni Janrick. I continue playing different kinds of music and dance to the beat. Sumasabay din naman si Janrick paminsan minsan ngunit hindi ko naman alam na boses bullfrog pala siya.
After a couple of hours narating na rin namin ang resort na sinasabi niya.
"I think were here." Nauna ng lumabas si Janrick at binaba ang iba naming gamit. Bababa na rin sana ako ng magsisulputan ang anim na naggagwapuhang lalaki sa tabi ni Janrick.
Muka naman silang malalapit sa isat isa. Nariyang binatukan nila ang isa nilang kaibigan. Ang iba naman ay parang mga tangang nag suntukan at nag habulan pa.
Then I saw Janrick pointing his car, maybe his pointing at me because I'm still inside. Tinted ang sasakyan kung kaya't hindi nila ako nakikita. Hinubad ko na muna ang suot kong sumbrero bago bumaba. Hinubad ko rin ang shade ko bago humarap sa kanila.
"Ahmm, hi." I awkwardly said.
Lahat sila'y nakatingin na para bang ako ang pinakamagandang babaeng nakita nila.
"I think I'm in love." Said by Janrick's friend.
"Iyan ang ikamamatay mo mamaya." Sabi ng isa pa niyang kaibigan.
"Pakikurot nga ako, baka kasi nananaginip lang ako." Janrick punch his friend a little, when he said that.
Dahilan upang matawa ako ng sobra.
Akala ko'y si Janrick na ang pinakabaliw sa balat ng earth, mukhang nagkamali ako. Dahil marami pala sila, at siya pa yata ang pinakaleader nila. Im doomed!