Girl Next Door Chapter 21

I wake up earlier than my alarm clock because I have too. Kailangan kong magising ng maaga dahil mamayang after lunch ang flight ko pauwing America.

As usual I did my daily routine then went to the kitchen to make some coffee. Pagkalabas ko ng kwarto napansin ko kaagad ang sulat na nakadikit sa pinto kung saan natutulog si Lenny.

"Beshy! Kung nababasa mo 'to congrats dahil may mata ka! Hindi kita maihahatid mamaya dahil pupunta ako sa Mariveles. I had to see Blue bago ako bumalik sa U.S.

P. S I made you a pancake dont worry binate ko na ang itlog, safe and laman tiyan na talaga.. Bye."

At iyon nga ang nakasulat. And now I remember, that Blue is happened to be Lenny's friend. I never had a chance to meet him tho.

I went to the kitchen to see the pancake that Lenny made, it looks good so I take a bite then went to my annoying neighbor. I tap the door bell button in Janrick's unit but after a minute hindi pa rin binuksan ng hudyo! Pinihit ko ang door knob and biola, its open! So I enter even without janricks permission.

"That brute! Kapag hindi pa siya umayos o hindi niya pa inayos yang sarili niya sabihin n'yo ipapaadmit ko na siya sa mental!" I heard Janrick saying that on his phone habang naglalakad pabalik balik sa living room.

Ngunit nang makita niya ako'y agad siyang lumapit sa akin. "Problem?" I ask him after I gave him a kiss on his cheek.

"Si Justine kasi, isang buwan ng nag mumokmok sa pad niya. Wala ng ibang ginawa kun'di uminom. Tapos ngayon lang tumawag ang pinsan niya sa'kin na nasa probinsya raw si Justine para sundan ang babaeng kinalolokohan niya."

Justine is one of Janricks friend. I met him once or twice I think, but after that hindi ko na siya masyadong naririnig kay Janrick. Even last night wala siya nang nag kasiyahan sa unit ko.

"Why did he do that anyway?"

"Justine is more like one woman man, he and his five years girlfriend broke up before. We saw how he become miserable when that happen. Tapos ito na naman, may kinalolokohan na naman siyang babae." Napatango tango na lang ako ng marinig ko ang bagay na 'yon tungkol kay Justine.

"Ahm pwede mo ba akong ihatid mamaya sa Airport?" I asked again.

"Sure baby, babalik ka naman diba?"

"Yes I'll be back, hihintayin mo ko right?" He kissed me after he nod just to answer my question. Ginugol namin ang oras na natitira sa pag punta sa mall dahil malapit lang naman iyon dito sa condo namin.

Sa dalawang buwang mahigit na inilagi ko dito masasabi kong, I had fun and I enjoy it. I gain lots of friends and I also found the love of my life. Sa mundong ginagalawan ko, mahirap makatagpo ng mga taong masasabi mong tunay at tapat sa'yo.

As I said, nakasalamuha ko na halos lahat ng ugali na mayroon ang ibat ibang klase ng tao sa mundo ng pag momodelo. Kaya naman maswerte na rin ako na mayroon akong nag-iisang tapat at matatawag kong tunay na kaibigan sa kataohan ni Lenny.

"Baby, pwede mo ba akong tulungan?" Biglang tanong sa'kin ni Janrick, na hindi ko masyadong narinig dahil na rin sa lalim ng iniisip ko.

"What did you say?"

"I said, can I ask a favor?" I answer him of course then he intertwined our hands and went inside the jewelry store.

"What are we going to do here?"

"As you can see, I have this friend na mag po-propose sa girlfriend niya then he ask me a favor. That favor is to buy him a ring dahil gusto niyang  surpresahin ang girlfriend niya." Diretsong sabi ni Janrick na ikinakunot ng kilay ko. Anim ang kaibigan niya, pero sino doon ang tinutukoy niya?

"Sino sa mga kaibigan mo?" Mukha naman siyang kinabahan at hindi makatingin sa'kin ng diretso.

"Sorry baby, but thats confidential. Surprised kasi, even you and Lenny are inveted sa gaganapin niyang proposal. Hindi niya rin pinapasabi sa iba naming kaibigan. Sa akin niya lang sinabi. Napilitan pa nga ang ungas dahil sa tulong na hinihingi niya." Tumango na lang ako. Naiintindihan ko naman 'yon kaya hindi na lang ako nag pumilit pang alamin kung sino sa mga kaibigan niya ang tinutukoy niya.

"Anyway, anong gagawin ko?" I ask him again.

"Simple lang, ikaw ang mamili ng singsing dahil wala akong alam diyan, isukat mo na rin. I think mag kasukat kayo as my friend mention about his girlfriend." Tumango ulit ako at nauna ng pumili sa mga mamahaling alahas na nakikita ko sa loob ng jewelry shop.

"Hi Maam and Sir, are you looking for a wedding ring po? We have new designs here." Inilabas ng babae ang isang box kung saan naroon ang ibat ibang designs ng wedding ring, engagement ring and promise ring.

Lahat ay mamahalin at may mga ibat ibang sukat ng bato na makikita sa singsing. But I saw a simple ring, and that ring caught my attention. It was simple and yet beautiful gold ring with a small star in the middle of it. May tatlong maliliit na bato at sa dulo noon ay may moon shape na bato rin. Simple lang siya at kung ibang babae ang titingin tiyak na hindi papansinin. But I like the star so much and also the moon. Pakiramdam ko kasi silang dalawa ang tinadhana.

"I like this one." Turo ko sa nakita kong singsing.

"Maganda po yang napili mo Maam. Ang totoo po niyan may kwento ang singsing na yan. Pinasadya po kasing gawin ng lalaking customer namin dati yan. Half moon po sana dapat ang pinaka nasa gitnang bato niyan, kaya lang po isang linggo bago po ang araw ng kasal nila namatay po iyong babae. Kaya po pinabago ng customer namin. Ginawa pong star ang nasa gitna na sumisimbolo sa babaeng pakakasalanan niya sana na ngayon daw po ay isa ng makinang na tala sa gabi, at ang half moon naman po ay inilagay sa dulo pagkatapos ng maliliit na bato. Dahil mananatili raw po silang mag kasama na parang buwan at tala sa gabi."

Parang may kumurot sa puso ko dahil pakiramdam ko ang sakit ng pinagdaanan ng lalaki. Kung sa akin mangyayari iyon, baka hindi ko kayanin.

"Then why this ring still here kung pina customized pala to?" Tanong ni Janrick sa babae. Hindi ko namalayang nasa likod ko pala siya at nakikinig rin.

"Nabaliw po kasi iyong customer namin Sir, and after one month po simula nang namatay 'yong babaeng pakakasalan niya sana, nag suicide naman po siya. Kaya po hindi na nakuha itong singsing dito and we decide na ibenta na lang din po." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng babae. Nakaramdam pa ako ng bahagyang takot.

So thats what we called true love. Susundan at susundan mo ang taong mahal mo kahit hanggang kamatayan man. I like the story kahit na nga ba kinilabutan ako ng bahagya. Kaya naman bibilhin ko sana ang singsing pero naunahan ako ni Janrick.

"I will buy this ring, how much?" He said to the lady. Ngumiti lang ang sales lady at inilagay sa maliit na box ang singsing bago inabot kay Janrick.

"Bayad na po yan Sir matagal na.

Kabilin bilinan po kasi ng customer namin dati na pag may bumili niyan, instead po na bayaran ibigay na lang po. Iyan daw po kasi ang magpapatuloy ng naudlot nilang pagmamahalan ng girlfriend niya."

Jarick refuse to claim that as free, babayaran niya pa rin sana pero may dalawang reprters na bigla na lang sumulpot at kinunan kami ng larawan. Kaya naman nag madali na kaming umalis sa shop without even saying thank you sa kahera.

Isinuot sa akin ni Janrick ang itim na sumbrero para hindi kami masyadong makaagaw pansin sa mga tao. Lalo nat paminsan minsan ay may kumukuha ng larawan ko na siguro ay nakikilala ako as a super model.

We ate to a fine dinning restaurant na pinasadyang isara ni Janrick para makakain kami ng maayos. And after that umikot ikot lang kami para masigurong wala na ang reporters na nakakita sa amin kanina, bago bumalik sa jewelry shop upang mag bayad.

"Miss babayaran ko 'yong kinuha kong singsing kanina." Janrick said.  But I notice that the sales lady now is different from the sales lady na nakausap namin kanina.

"Ano pong singsing Sir? Wala po kasi akong matandaan na may kumuha sa'kin ng singsing kanina."

"Doon kasi sa kasama mo kami kumuha ng singsing." Sagot ko naman, na ipinagkataka ng sales lady.

"Nako Maam, ako lang po ang sale lady dito wala na pong iba." Napalingon ako kay Janrick ng sinabi 'yon ng sales lady. Then I look around only to see a meduim size photo on the wall, who look exactly the sales lady, na nakausap namin kanina.

"Siya 'yong babaeng kausap namin kanina." I said, while pointing to the picture.

"Imposible po yan Maam."

"Paanong imposible?" kunot noong tanong ko.

"Siya po kasi ang may-ari ng shop na 'to Maam, tsaka po matagal na po siyang wala." Lalo namang kumunot ang noo ko dahil naguguluhan na ko sa sinasabi niya.

"What do you mean?" Janrick asked.

"Matagal na po kasing patay yang may-ari Sir." Napatakip ako ng bibig sa sinabing iyon ng kahera. Bago lumingon sa babaeng kapapasok lang ng shop.

"Anong nangyayari dito?"

"Maam may binili raw po kasi silang singsing, pero po si Maam Aiza raw po ang nakausap nila kanina." Kumunot din ang kilay ng babae bago tumingin sa amin at nag tanong.

"What kind of ring did you brought?" Tanong ng babaeng kapapasok lang.

"A gold ring with a star on the middle and half moon at the end of the three small stones." Janrick said, then show it to the lady.

"Aiza is my sister, she died long time ago before her wedding day. Then one month after she died, her husband to be died also. Nag suicide siya dahil sa sobrang lungkot at pangungulila sa kapatid ko." Daig ko pang hihimatayin sa sinabing 'yon ng babaeng kaharap namin ngayon.

Ibig sabihin ang babaeng nakausap namin kanina ay ang kapatid niyang matagal ng patay. At ang kwentong sinasabi niya kanina ay kwento mismo niya, at ng lalaking pinakamamahal niya. That was creepy!

"If you believe in lucky charm, then youre very lucky. Pang apat na kayong customer na pinakitaan ng kapatid ko at binigyan ng singsing na tulad ng wedding ring niya. And that couples remain in love and happy. So I suggest na tanggapin niyo yan as blessing."

After he said that Janrick and I decided to go. At dahil kaunting oras na lang ang natitira bago ang flight ko. Bumalik na kami sa unit ko para kunin ang mga gamit ko at umalis na papuntang Airport.

Habang inilalagay ni Janrick ang mga gamit ko sa sasakyan niya, napansin kong may mga gamit na hindi naman sa'kin.

"Hindi akin ito," giit ko.

"Hindi naman talaga yan sa'yo, dahil akin yan." He said that made my brows frown.

"What do you mean?"

"Baby, do you really think na pakakawalan pa kita? Hell no! So I'll go with you." He said, while getting his ticket and show it to me.

"Love! I hate you so much!" I said then hug him tight. I got surprised!

Hindi ko inaasahan na sasama talaga siya sa akin. At mas lalong hindi ko inaasahan na lalabas ang mga salitang sinabi niya sa bibig niya mismo. Pucha kinilig ako!

Sana nga totoo iyong lucky charm! But so sad na hindi naman para sa amin 'yon kun'di para sa kaibigan niya. Pero para sa akin wala naman yan sa lucky charms o sa kung ano anong gayuma pa man para manatili kayo sa isat-isa. As long as you love and respect each other both of you will stay in each others arms forever. And that was beyond lucky at all. Its called blessed.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.