Girl Next Door Chapter 22

We arrive to San Francisco after almost 18 hours. Hindi ko inaasahan na maraming reporters na sasalubong sa amin kaya naman hindi ko napaghandaan 'yon. Mabuti na lang at kasama ko si Janrick. Tomorrow I will travel to Las Vegas for Vegas fashion show. I dont know if Janrick will come. But today, I want him to meet my parents. After a long drive, nakarating na rin kami sa bahay.

"Mom, Dad, Im home!" Sigaw ko habang naglalakad sa loob ng bahay. Si Janrick naman ay nakatayo lang sa gitna ng bahay, at inililibot ang paningin sa kabuoan nito.

Even though Im a super model, nakatira pa rin ako sa puder ng mga magulang ko. I have lots of savings, I can buy anything in just one click. But to be honest, I dont know what to do in that goddamn money kaya naman kalahati ng talent fee ko sa orphanage ko napupunta. I can buy house and lot in just a blink kahit sampo pa, but I prepared to stay in my family.

"Hey darling! Bakit hindi ka nag sabing uuwi ka, pinag luto sana kita ng paburito mo." Mom said, while hugging me.

"Hey princess, give this old but handsome man a kiss... I miss you so much princess." Dad said that made my eyes rolled. They spoiled me too much, kaya nga ganito ako lumaki, isang mapagmahal na anak.

"Im with someone." Pag uumpisa ko palang pero naputol agad ng nagsalita si Mommy.

"Darling, I heard  lots about you. Now tell me magkaka apo na ba ako? The last time I call you, you sounds like youre having a good sex." My face turns red as my Mom said that. Kulang na lang hilingin ko na bumuka ang lupa at lamunin ako.

Bakit ba ako nagkaroon ng magulang na walang preno ang bibig? Ngayon alam ko na kung kanino ako nag mana.

"Mom, Dad I want you te meet Janrick Del Rio. Mom please umayos ka naman." Pagkasabi ko non ay agad naman nilang hinanap si Janrick na kampanteng nakaupo na ngayon sa sofa, habang pinapanood kami na akala moy nanunuod ng teleserye.

"There you are!"

Bumaba kami para puntahan si Janrick at ginawaran naman siya ng halik sa pisngi ni Mama.

"Hows your Mom?" Tanong ni Mama. Habang si Daddy naman ay nakikipag kamay sa kaniya

"Shes fine tita."

"Silly you! Call me Mama, tutal sa simbahan din naman ang bagsak n'yo ng anak ko. So nasiyahan ka ba sa performance ni Ayesha?"

Punyeta! Ano ba naman itong si Mama kung ano anong pinagsasabi. Kulang na lang hubaran niya ako sa harap ni Janrick. Nakakahiya!

"Ma! Ano ba namang klaseng tanong yan?!" Singhal ko kay Mama, habang kinurot naman ang tagiliran ni Janrick ng makita ko ang napakalawak na ngiti niya na kulang na lang umabot hanggang anit.

"Hindi nga po ako nasiyahan, kulang pa po siya sa practice." Sagot naman ng hinayupak na si janrick.

"Anyway were going now, my meeting kasi kami ngayon para sa bagong investors ng restaurant. And you two, gumawa na kayo ng bata para magkaroon na ako ng apo. Ayesha galingan mo anak okay."

As Mom said that kulang na lang hilingin kong mamatay na lang ako bigla. Ganoon din naman sa lupa din ang bagsak!

Naiwan kaming nakatayo ni Janrick sa sala habang ang mga gamit namin ay dinadala ng kasambahay sa kwarto.

"So ahm baby, as tita said lets start." 

"What do you mean?" I ask.

"Gumawa raw tayo ng baby, so come on. And she said galingan mo."

"Ulol!" Sagot ko kay Janrick at nag lakad paakyat sa kwarto habang ang hayop na Janrick naman ay tawa ng tawa na sumusunod sa likod ko.

Nang makapasok kami sa loob ng kwarto ko mabilis akong dumapa sa kama, dahil sobrang na miss ko talaga to. Ilang buwan din akong hindi nakatulog dito. Nasa ganoong posisyon ako ng nag paalam si Janrick para maligo.

I went to my room's balcony at umupo sa rocking chair. This is my favorite place in our house, where I can relax after work. I open my phone and check the social media, only to find my face all over the news and social media with Janrick. Halos alam ng buong mundo ang tungkol sa amin ni Janrick at wala naman pakialam ang isa doon.

"Maligo ka na." Bahagya pa kong nagulat ng bigla na lang sumulpot si Janrick na may towel pa sa ulo habang suot naman ang pajama ko na hello kitty at nakatopless.

"Ang bilis mo naman maligo."

"It takes ten minutes para makaligo ako ng maayos." He said na ikinalaki ng mata ko. Sampung minuto lang!

"Just ten minutes? How baboy!"

"Maka baboy ka naman diyan parang 'di mo pa ako natikman!" Aba gago! Makapagsalita feeling niya talaga isa siyang napakasarap na putahe.

"It takes me 30 minutes para makaligo ako ng maayos, at 20 minutes kung nag mamadali. Tapos ikaw 10 minutes lang. Ano 'yon ligong uwak? Naglilibag ka pa ba?" I said while getting my robe in my closet.

"Baby magkaiba ang ligo n'yo sa amin. Saksakan ba naman kayo ng arte at kung ano ano pang pinagpapahid at nilalagay niyo sa mga buhok at katawan niyo. And it only takes you 30 minutes to do that huh! How baboy!" He mocked me then rolled his eyes na ikinatawa ko.

Ang hudyo nang gaya pa nga ng facial expression. Kung dati pikon na pikon ako sa ganyang banat niya, ngayon naman nakakatawa na at ang sarap kunyatan ng hudyong 'to.

"Makaligo na nga, amoy na amoy kasi kita. Mukhang ayaw mong gumamit ng pabango ah, bakit 'di na lang 'yon ang ipinaligo mo?" Pinasadahan ko pa siya ng tingin pababa bago nag salita ulit. "At naka hello kitty pa ang gaga! Baklang to!"

"Hay nako day, mas bagay sa'kin ang pink kaysa sa'yo gagang to!" Humagalpak naman ako ng tawa sa sinabi niya. Ikababaliw ko talaga itong bugok na to. Dumiretso na ko sa banyo at pinabayaan na ang hudyo sa labas.

***

Meanwhile, Janrick was busy roaming around Ayesha's room. It was classy with touch of feminine. Everything inside her room screams expensive. From her bed to her couch, down to her carpet and even the table lamp. She also have lots of books. Her room is big na para bang gawa sa tatlong kwarto kung susukatin.

Pero ang isa sa nakaagaw ng pansin ko ay napakalaking picture frame na nakakabit sa pader mismo ng kwarto niya. Isa itong picture collage na ang karamihan doon ay mga batang kalbo at ang iba ay paubos na ang buhok. Sa lahat ng pictures na 'yon ay naroon si Ayesha, kasama sa larawan na may ngiti sa labi.

Bakas ang kasiyahan sa mukha niya, masasabi mo rin na totoo ang bawat yakap at halik na ibinigay niya sa mga batang nasa sa larawan. May kuha rin siyang napaka ikli ng buhok niya at papasa ng lalaki kung hindi lang naka dress. The hell!. Though she looks hot in that. Whats with this kids and Ayesha.

Nasa ganoong pag iisip ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang medyo may edad na babae.

"Nakahanda na pagkain, mananghalian na kayo ni Ayesha." Ngumiti ako bilang pag sagot, pero napansin niya yata kung ano ang nasa isip ko ng lumingon ako ulit sa larawan.

"Ang mga batang yan ay malapit sa puso ni Ayesha. May mga malulubhang sakit na cancer, ang iba ay nag survive pero ang iba naman ay hindi. Mahal na mahal niya ang mga batang yan dahil kahit gaano siya kapagod sa trabaho niya, may oras pa rin siyang dumalaw sa orphanage para makita lang sila." May ngiti sa labing sabi ng matanda.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng malaman ko 'yon. Kung tutuusin wala sa mukha ni Ayesha ang magkaroon ng interest sa mga ganitong bagay, hindi naman sa hindi sya mabait pero most of the time kasi talaga ay maldita siya. Pero dahil sa nalaman ko, mas lalo lang akong humanga sa kaniya. Tunay nga pala tlagang dapat siyang idolohin hindi lang sa napaka ganda niyang mukha at perpektong katawan, kun'di dahil na rin sa ginintuan niyang puso.

"Ano hong pangalan n'yo?" Tanong ko sa matandang babae na nasa gilid ko at nakatingin din sa larawan.

"Ako si Nelya, ang mayordoma nila. Matagal na akong naninilbihan sa pamilya Mendez at ako na rin halos ang nag palaki kay Ayesha."

Tumingin siya sa akin at nginitian ako bago nag salita ulit.

"Kaya naman sana iho, alagaan at mahalin mo rin ang alaga ko. Hindi man mababakas sa mukha niya ang may mabuting asal, pero maniwala kat sa hindi si Ayesha na yata ang pianaka mabait na taong nakilala ko."

Pag kasabi niya non ay nag paalam na siya at lumabas ng silid. Nag suot naman ako ng puting t-shirt dahil wala nga pala akong damit pang itaas. Sa tinagal tagal kong nag nilay nilay sa kwarto ni Ayesha hindi pa rin siya tapos maligo. Kaya naman kinatok ko na siya at baka nakatulog na.

"Ayesha are you okay there? Isang oras ka na riyan, ganoon ba kakapit ang libag mo?" Sunod sunod na salita ko habang nasa labas ng banyo.

"Tigilan mo ko Janrick, hindi kita pinakialaman nang naligo kang hayop ka!"

"Napakasungit mo pasalamat ka mahal kita." Sigaw ko ulit sa kaniya.

"Edi salamat! Baka 'di ka pa makatulog ng dahil d'yan!"

Umiling iling na lang ako sa sagot niyang 'yon. Umupo ako sa couch at matiyagang naghintay sa paglabas ng mahal kong maldita.

After an hour lumabas na rin sa wakas, she looks hot with a towel on her hair and a robe  in her body.

"Alam mo Janrick, hindi ko maintindihan pero bigla na lang pag nakikita kita iritang irita ako sa'yo parang may kung anong demonyong sumasanib sa'kin tapos inuutusan akong sapakin ka."

Napanganga ako sa sinabi niyang yon. I was too excited sa pag labas niya sa banyo and I find her damn sexy ng lumabas siya tapos iyon ang ibubungad niya sa akin! Just what the fuck did I do?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.