Girl Next Door Chapter 3

"Honey can we talk? Hindi naman ako nakipaghiwalay sa'yo."

Sumasakit ang ulo ko sa babaeng ito, sino na nga ba siya ulit? Na sa kalagitnaan ako ng trabaho, at hinihintay ko rin ang modelong sinasabi ng sekretarya ko. She's actually 20 minutes late, ng bigla na lang pumasok itong isa pang sakit sa ulo. At ngayon nga'y sinasabi niyang hindi siya nakipaghiwalay sa akin. Sino ba siya?

"Sorry I have lots of things to do, and I dont have time for you." Baliwala kong saad sa kaniya.

"What is happening to you? Ako na nga itong pumunta sa'yo para ayusin 'to, Im your girlfriend!" Giit niya pa.

"Since when?" Kunot noong tanong ko.

"How dare you! Makakahanap ka rin ng katapat mo at babalik ka rin sa akin." Galit na singhal niya bago kinuha ang mga gamit at akmang lalabas na.

"The door is widely open you may leave now. Sa susunod na pumunta ka dito, make sure na may appointment ka." Pahabol ko pa sa kaniya. Ano naman ang tingin nila sa akin susunod sa gusto nila? Ang dami daming babae diyan na nag kakandarapang ma i-date ko. At kung tawag lang din ng laman, napakaraming babae na handang tumalon sa kama ko. I have my rules when it comes in women ligaya lang walang personalan.

Nasa ganoong pag-iisip ako ng pumasok naman ang sekretarya ko na may hawak na sandamakmak na papel.

"Sir ito na po lahat ng papel na kailangan mong permahan. Na check ko na po yan, perma n'yo na lang po ang kailangan." Tinignan ko naman ang sekretarya ko saka tumingin sa mga papeles na inilapag niya sa table ko.

"Balak mo ba akong patayin sa ka ta-trabaho?" Parang isang araw lang akong nawala sa isang katutak na papeles na ito!

"Eh Sir kasi po naghalf day ka noong Friday, ang aga n'yo nga pong umuwi."

"Hazel pinapaalala ko lang sa'yo na ako ang boss mo," sagot ko.

"Alam ko naman 'yon Sir. At on the way na po pala si Ms. Mendez." Bakit parang ang dami ko naman yatang bisitang babae ngayon?

"At sino na naman 'yon?" Maang na tanong ko

"Siya po ang model na mag iindorso ng expansion n'yo, ngayon po ang meeting n'yo sa kaniya." Napahilot na naman ako sa sintido ko. Ang dami dami ko namang dapat intindihin ngayon, idagdag pa itong isang katerbang papel na nasa harap ko.

"May ipapagawa pa po ba kayo Sir?"

"Paki ayos na lang 'yong conference room, at pakisabing hintayin ako saglit kapag dumating siya." Pagkasabi ko noon iniwan ko na si Hazel para bumaba at bumili ng kape. Sa dinami rami kong iniisip nakalimutan ko ng mag almusal man lang bago umalis.

Nang huminto ang elevator nagmadali na akong lumabas. Ngunit 'di ko naman inaasahang may biglang papasok. Kung kaya't nabangga ko siya at natapon pa ang iniinom niya sa damit niya. Just great napakaganda ng umaga ko!

**

"Lenny are you sure about this address of Del Rio Metal Works?" I asked mg assistant.

Nang marating ko ang address na binigay ng assistant ko'y medyo nagulat ako. Dahil hindi ko inaasahan na malaking kumpanya pala ang Del Rio Metal Works.

"Kung may Del Rio signage sa building, malamang na sa tamang kumpanya ka." I rolled my eyes as she said that. Napakawalang kwentang kausap talaga nitong babaeng ito, samantalang magaling siya sa trabaho niya.

"I'm going in," giit ko pa.

"Okay, call ya later goodluck." Pinatay ko na kaagad ang tawag at tuloy tuloy ng pumasok. I went to the information desk to inform about my appointment. They are approachable and assist me to where should I go. Nakita ko pa ang pagkislap ng kamera sa gawing kanan, kung saan may lalaking nakaupo. Malamang ay reporter.

Kaya naman nagmadali na akong pumasok sa elevator. Pinaghandaan ko pa naman itong meeting na 'to. I wore my red velvet dress that expose my long legs, dahil sa mahabang slit sa gilid. Nagmake up rin ako kahit 'di naman ako sanay dahil may gumagawa noon para sa akin.

Ngunit pagpasok ko'y siya namang paglabas ng isang lalaki. Kung kayat na bangga niya ako at natapon pa ang latte na iniinom ko sa mismong dibdib ko.

"Are you blind?!" Galit kong tanong sa nakabangga sa akin. Pero mas lalo pang uminit ang ulo ko ng mapagtanto kung sino siya. Walang iba kun'di ang nag-iisa kong kapit bahay, na walang ibang ginawa kun'di pakuluin ang dugo ko.

"Sorry Ms., hindi ko sinasadya. Hindi kita napansin." Pagpapaliwanag niya, na parang takot na takot na magalit ako.

"Anong tingin mo sa akin unano para 'di mo mapansin? May problema ka ba sa mata?"

"Kitang kita ko ang mount fugi mula dito, kaya tingin ko'y maayos ang aking mata." He smirked. Ang walanghiya nakuha pang mang asar. Alam niya na ngang pikon na pikon na ako sa kaniya.

"Paano na 'to ngayon?"

"Come on I have spare shirt in my office." He grab my hand and drag me inside the elevator, habang nagpupuyos naman ang kalooban ko pero may magagawa pa ba ako.

"Im gonna call your manager para matanggal ka sa trabaho." Singhal ko pa sa kaniya ng na sa loob na kami ng elevator.

"That wont happen Ms." Pangisi ngisi pa ang animal. Samantalang halos hindi na maipinta ang mukha ko sa sobrang inis sa kaniya.

Nang makarating sa opisina niya'y agad na inabot niya sa akin ang puting damit. Inamoy ko naman 'yon para makasiguro kung malinis ba.

"Is this your's?" I asked. Aba mahirap na, baka kung kaninong ponsyopilato pa itong damit na ito magka skin disease pa ako.

"Yes. Malaki nga lang 'yan, kumpara sa katawan mo."

Tinaasan ko na lang siya ng kilay, at akmang maghuhubad na ng bigla na naman siyang nagsalita.

"Woah easy lady! There such thing called bathroom. Pwede kang magpalit doon. Pero kung mapilit ka sige kung saan ka masaya hindi ako sisilip." Gusto ko sanang  matawa sa hinayupak na 'to. Ang kapal ng mukha 'di daw maninilip pero sa mismong harapan ko pa umupo.  Hinubad ko na lang ang dress ko at pinunasan ang dibdib ko, bago sinuot ang t-shirt niya.

Nag mistula naman akong timang na gangster ng pasadahan ko ng tingin ang itsura ko. Parang dalawang ako ang kasya sa damit niya at umabot pa hanggang tuhod ko. Ngunit may magagawa pa ba ako? Okay na rin ito kaysa humarap ako kay Mr. Del Rio na mukhang basang sisiw.

"Alam kong gasgas na ang linyang 'to pero, nagkita na ba tayo? You look familiar." Napairap na naman ako sa hudyong 'to ng dahil sa tanong niya.

"Natural pamilyar ako sa'yo at nagkita na tayo dahil ako lang naman ang nag-iisa mong kapit bahay moron!" 

"No, what I mean is parang nakita na kita sa t.v or social gatherings." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Pagdating kasi sa trabaho ko'y mas gusto ko pa rin ang tahimik.

"Kamukha ko lang 'yon." Pagsisinungaling ko na lang. Nasa ganoon kaming pag-uusap ng may pumasok na babae at kinausap siya.

"Sir ready na po ang conference room." He stand up then look at me and say "Maiwan muna kita."

Tumango na lang ako at tinignan ang kabuoan ng opisina niya. Sa itsura ng office niya mukhang hindi siya pipitsugin na trabahador lang. Inilibot ko pa ang paningin ko sa loob ng opisina hanggang sa tumunog ang cellphone ko.

"Ma'am si Mr. Del Rio ay na sa conference room na." Agad na saad ng na sa kabilang linya ng sagutin ko ang tawag niya.

"Sorry, but can you picked me up here at V.I.P office? I already here in Del Rio buliding, but I dont know where the conference room is."

"Okay Ma'am give me a second." Pagkapatay ko sa phone, akala ko'y maghihintay ako ng matagal pero bumukas ang pinto. Pumasok ang kaparehong babae na pumasok din dito kani-kanina lang. Medyo nagulat pa siya ng makita ako ng malapitan.

"Ms. Ayesha Mendez? Ang ganda mo po sa personal, pwede po bang papicture pagkatapos ng meeting?" Napangiwi naman ako sa sinabi niya pero tumango na lang ako at sumunod na sa kaniya, papuntang conference room kung saan naghihintay si Mr. Del Rio.

As I enter in the conference room, nakita ko ang lalaking nakatalikod mula sa dulong mesa. Humarap lang siya ng marinig niya ang pag-sara ng pinto. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang mapagtanto ko kung sino siya.

"You!" Sabay pa naming sabi habang nakaturo sa isat isa.

Kung alam ko lang na ang hudas kong kapit bahay at si Mr. Del Rio ay iisa, nunkang sumang ayon ako sa gusto niya! Naghanda na akong umalis pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Hey, where are you going?" tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Aalis na, do you really think that I want to work with you?" Nakataas kilay na tanong ko sa kaniya.

"I'm willing to pay you dollar take it or leave it, or I'm gonna sue you." Aba at napakakapal din naman ng pagmumukha ng taong 'to. Nakakabilib!

"My assistant singed that contract not me. At ako lang naman ang mag i-endorso ng expansion mo kaya may karapatan akong tumanggi! Sue me huh! Edi sige sinong tinakot mo!" Bwelta ko sa kaniya.

Tae mong bulok tingin mo sa akin mauubusan ng salapi para habol habulin yang trabahong inooffer mo? Utot mong brown! Rich kid yata to huh!

"I'm willing to pay you double just say yes." Nagningning naman ang mata ko doon kaya natigilan ako.

"Dollar?"

"Yes!" He smirked.

Aba madaling kausap ang hudyo. Malaking tulong din ang ibabayad niya para sa orphanage na ipinapagawa ko.

"Okay deal. Ayesha Mendez anyway." 

Inabot ko ang kamay ko sa kaniya para makipag kamay, pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinila at hinalikan. He caught me off guard kaya hindi ako nakapalag sa halik niya.

"That's the proper way of introducing you'r self. Janrick Del Rio at your service Ma'am." Nakangiti pa ang hayop.

"Did you just kiss me?" Lutang na tanong ko sa kaniya.

"Yeah," he proudly said.

Akmang hahampasin ko siya ng bag ko pero kumaripas na siya ng takbo papunta sa dulo ng mesa. Ang walanghiyang lalaki nagnakaw ng halik! I swear pasasabugin ko ang nguso niya, once na mahuli ko siya!

"Come back here hayop ka! Masasapak talaga kita." Nang gi-gigil na sigaw ko habang pilit siyang hinahabol.

"Sorry I cant help it. Your lips looks inviting thats why I kiss you." Abat napaka gago talaga. Ibinato ko na lang sa kaniya lahat ng pwede kong maibato, na mabilis niya namang naiiwasan at nasasalo.

Nasa ganoong eksena kami ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na kilalang kilala ko. Walang iba kun'di ang pinakamabait kong ninang sa balat ng earth.

"Am I in a right office?" Palipat lipat na tanong niya sa amin.

"Mom,"

"Ninang?"

Magka panabayang sambit naman naming dalawa sa kaniya.

"Yesha? Look at you dear ang laki mo na and you're so beautiful."

Lumapit siya sa akin at ginawaran ako ng halik sa pisnge habang yakap ako. Pero ang hindi ko maintindihan ay ng tawagin siyang mom ng manyakis kong kapit bahay!

Naloko na! Bakit ba ako nasadlak sa ganitong eksena?!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.