I dont know how did I ended up riding in a shotgun seat beside this annoying Janrick Del Rio. Hindi ko rin alam na anak pala siya ng ninang ko. Ngayon heto kami, magkakasama na uuwi sa mansion nila sa Zambales.
Nakailang buntong hininga na ako at halos manakit na rin ang kilay ko kakukunot dahil sa biglaang lakad na ito. Ni hindi man lang ako nakapag handa, ultimo damit pamalit wala akong dala dahil na excite ng sobra si ninang.
"Why dont you smile a little, kanina ka pa nakasimangot diyan baka mahanginan ka ikaw din." Isa pa 'tong lintik na lalaking 'to. Ni sa panaginip hindi ko pinangarap na makatabi siya sa sasakyan. Ang lakas pa ng loob na kausapin ako matapos ang ginawa niya kanina sa conference room.
"Pwede ba magmaneho ka na lang! I dont want to die yet." Inirapan ko siya bago tumingin sa kabilang side at isinandal ang ulo sa bintana.
"Hindi ko rin naman hahayaang mangyari 'yon, 'di pa kita natitikman." Tinignan ko na lang siya ng masama, dahil hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi na halos pabulong na lang.
"Hows your mom darling? Hindi ba siya magbabakasyon?" Napangiti ako bago bumaling sa gawi ni ninang Jenny ng magtanong siya.
"Mom's always busy ninang, just like my dad," I answered.
"And so are you. Mabuti at nakapag bakasyon ka? Mukhang mahigpit ang schedules mo lalo nat sikat na sikat ka sa U.S. I'm so proud of you darling."
Pakiramdam ko'y nag-init ang pisnge ko sa sinabi ni ninang. Kahit na nga ba lagi kong naririnig iyon sa pamilya at kaibigan ko, iba pa rin pala kapag sinabi iyon sa'yo ng taong malapit din sa'yo ngunit hindi mo laging nakikita. So I smile and just say thank you.
"How about your lovelife? Do you have someone special now? A boyfriend perhaps." That was awkward. Hindi ko rin inaasahan na magtatanong si ninang ng ganoon.
"Wala pong magkamali ninang." I fake a laugh after I said that then close my eyes to rest. I plan to take a rest on our way to Zambales, dahil medyo mahaba ang byahe at inaantok din talaga ako. Pero 'di ko inaasahan na makakatulog ako sa buong byahe. At nagising na lang ng maramdaman kong parang may dumampi sa labi ko, or I was just dreaming?
**
My mom invite Ayesha to our mansion in Zambales for a visit. Hanep din naman si mama makikipag chikahan lang sa malayong lugar pa. But I didn't expect to heard yes from Ayesha, o baka naman napilitan lang.
At dahil dalawang nag-aartihang babae ang kasama ko, sino pa bang magiging driver nila kun'di ang nag-iisang gwapo at ubod ng machong katulad ko lang naman. Na stress na nga ako sa trabaho napagod pa akong magmaneho.
Gusto ko rin sanang magpahinga at magpasalit sa pagmamaneho pero busy sila pareho sa pagku-kwentuhan. Namalayan ko na lang din na nakikinig ako sa kanilang dalawa. My mom and Ayehsa's mom are best of friends according to what I heard. They talk about lots of things. Hanggang sa magtanong si mama kung may kasintahan na si Ayesha. Im dying to hear yes but she said walang magkamali. Paanong walang magkakamali, kung saksakan ba naman siya ng katarayan? Pero kung ako siguro ang boyfriend nito, bakasakaling mabawasan ang katarayan niya sa katawan wich I really doubt.
Ilang minuto pa, nanahimik na sila at napansin kong nakatulog na si Ayesha. Pinagmamasdan ko siya sa tuwing humihinto kami. Shes indeed beautiful. Matangos ang ilong, may malalantik na pilik mata, manipis ang labi at natural na mapula. But what got my attention is when I saw her perfect creamy white legs na naka-expose ng shusto dahil lumilis ang shirt ko na suot niya. I can almost see her undies in her position.
Napangiti na naman ako ng maisip ko na ang swerte ko talaga at ako lang ang nakakakita sa ganyang ayos niya. Imagine Ayesha Mendez a super model sleeping right beside me nang ganyan ang ayos.
After an hour, nakarating din kami sa mansion. Lumabas na si mama pero tulog pa rin ang aming magandang bisita. Tinapik tapik ko na rin siya pero alaws, plakda talaga.
Hindi ko tuloy maiwasang halikan siya nang matitigan ko ang labi niya. She has a softes lips that I've ever tasted. And just like sleeping beauty, unti unti siyang nagmulat. Halik ko lang pala ang makakapag pagising sa kaniya.
"Where am I?" Pupungas pungas na tanong niya. Mabuti na lang at hindi niya naramdaman ang ginawa ko.
"Sa langit kasama ang anghel na tulad ko." Binigyan ko siya ng mapang akit na ngiti. At tulad ng inaasahan ko, sininghalan na naman ako dahil ang bilis niyang mapikon.
"Oh come on! Demonyo ka kaya 'di ka aakyat sa langit!"
Sarap talagang asar asarin nito. Kiss kita diyan makita mo.
Bumaba na siya ng sasakyan at pinagmasdan ang paligid ng mansion namin. Nakita ko pang ngumiti siya na parang nasisiyahan sa nakikita niya. Pag baba ko nama'y sinalubong kami ng dalawang kasambahay namin. Ngunit hindi ko inaasahan na narito rin si Nica. Ang anak ng mayordoma namin na pakipot pero halata namang may gusto sa akin.
"Hi Rick, mabuti naman at umuwi ka." Tinitigan ko siya at nginitian habang siya naman ay yumuko, namula pa ang pisngi na kunwari ay na hiya. Dati gustong gusto ko siya pero bakit ngayon parang hindi na?
"Nica, si Ayesha nga pala inaanak ni mama kasama namin siya ngayon." Pinakilala ko sila sa isat isa. Pero ang maldita kong kapit bahay, tinignan si Nica mula ulo hanggang paa na ikinahiya naman ng isa.
"Nice to meet you, but I think I'll go inside na. I badly need a shower napakainit naman kasi." Saad ni Ayesha bago nauna ng pumasok sa mansion.
Diba? Maldita na maarte pa, saan ka pa? Pero napapangiti na lang ako sa katarayan niya. Nasanay na yata ako.
"Rick nakita ko na siya sa telebisyon. Hindi nga lang ako sigurado kung artista siya, pero mukhang masama ang ugali." Napailing na lang ako sa sinabi ni Nica at niyaya na siyang pumasok sa loob.
**
Sa kabilang banda, agad naman na hinanap si Ayesha ang kuwartong sinabi ng ninang niya. At nang makita'y pumasok agad upang maligo.
Sabi niya sa silid na puting pinto na lang daw ang akupahin ko habang narito ako. Akala ko guess room 'to pero mukhang hindi naman, kasi may mga gamit. I even saw a guitar and some male stuffs. O baka naman dito itinambak ang mga naiwang gamit ni Janrick, dahil sa pagkakaalam ko'y sa condo siya naglalagi katabi ng unit ko sa Manila.
Matapos akong maligo, isinuot ko na lang ang robang nakasabit sa banyo. Hihiram na lang ako ng damit at undies kay ninang dahil wala naman akong dala ni isa. Ngunit hindi ko inaasahang madaratnan ko ang hudas na Janrick sa loob ng silid na inuukupa ko.
"What the hell are you doing here?" Gulat na tanong ko sa kaniya, napahigpit tuloy ako ng hawak sa suot kong roba.
"Baby, as far as I remember kuwarto ko ito." Napataas ang kilay ko ng marinig ko na naman ang endearment na baby sa kaniya. Nakakakilabot.
"Dito ako pinapunta ni ninang, at pwede ba 'wag mo akong ma baby baby diyan at baka 'di ako makapag timpi masapak na kita!" Inirapan ko siya at tumalikod para manguha sana ng damit sa closet, ng maisip kong hindi nga pala sa akin to.
Humarap ako ulit at maglalakad sana palabas ngunit iniharang ni Janrick ang magkabila niyang kamay sa magkabilang gilid ko. Dahilan upang makulong ako sa bisig niya.
"Alam mo ang taray taray mo. Hindi ko tuloy alam kung ganyan ka talaga o pa hard to get ka lang." Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawang tanggalin ang pagkakahawak ko sa roba.
"Excuse me, ano namang mapapala ko sa mga pinagsasabi mo? Lumayas ka nga sa harapan ko!" Kahit na medyo kinakabahan ako sa kaniya pinilit ko pa ring hindi ipahalata.
"Kung halikan kita ngayon. May magagawa ka ba?"
"Dont yo dare or I kill you." Matapang ngunit kabadong sagot ko.
"Let see." Pagkasabi niya noo'y bigla niya na lang akong hinalikan. Klase ng halik na ngayon ko lang naranasan. May diin at pagmamadali. Itutulak ko sana siya pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko, at madiin na idinikit sa closet sa taas ng ulo ko.
Wala na akong nagawa kun'di magpaubaya sa halik niya. Hanggang sa namalayan ko na lang na unti unti ko na ring tinutugon.
Kinakapos na ako ng hininga, nang marinig namin ang katok sa pinto ng silid niya. Dahilan upang bitiwan niya ang kamay ko at lumayo siya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura. Dahil ba sa paghalik niya sa akin? O sa biglaang pagpasok ni Nica?
"Rick kakain na, halika nang bumaba." Nagulat pa si Nica ng makita niya ko sa loob ng kwarto ni Janrick. Hindi niya siguro inaasahan na narito ako. Tulad ng 'di ko rin inaasahan na dito pala ang kwarto ni Janrick.
"Sige, susunod na lang kami." Tinignan ako ni Janrick na may panunukso sa mga mata niya na ikinairita ko.
"Ah sige" Sagot naman ni Nica.
Napansin ko pa ang pagtalim ng tingin sa akin ni Nica kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Pwede bang pahiram ng damit?"
Tinignan niya naman ako ni Janrick mula ulo hanggang paa saka huminto sa dibdib ko. Napakamanyak talaga ng taong ito kaya napahawak ako ng mahigpit sa robang suot ko.
"Dont worry I wont undress you unless you want me to," he said.
Then he lend me a white shirt and boxer short na inamoy ko kaagad pagkabigay niya. Ewan ko ba pero hobby ko na yatang amuyin muna ang gamit na binibigay o pinapahiram sa akin bago ko gamitin.
"Bago ba to?" I ask him na ikinatawa naman ng hayop.
"Baby, 'di naman kita pahihiramin ng nagamit ko na lalo na ng boxer ko. Parang ang awkward yata no'n pakiramdam ko iisa tau, unless gusto mo."
"Pwede ka na sigurong lumabas no?!" Tumawa na naman siya at naglakad pero huminto rin agad at hinalikan ako ng mabilis sa labi bago kumaripas ng takbo palabas.
Punyeta! That guy is getting into my nerves na! Hindi ko na alam kung saan siya kumukuha ng kapal ng mukha para gawin ang mga pinaggagagawa niya. Pero mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit umiepekto sa akin ang mga kagaguhan niya.
Hold on heart! Be still bago ka pa masaktan ng hudyong iyon at makuha ang iniingat ingatan mong puri!