Girl Next Door Chapter 6

As morning come's, Ayesha wake's up feeling comfortable lying in someone's chest. She even rub her hand up and down habang dinadama ang katabi niya. Ang isip niya'y gising na ngunit ang mata niya'y nakapikit pa. Ngunit nang makarinig ng impit na ungol ay tuluyan ng nawala ang gahiblang antok na nadarama niya.

***

Iminulat ko ang namimigat ko pang mata at akmang tatayo na. Ngunit ang mabigat na bagay na nakadagan sa halos kalahati kong katawan, ay naging dahilan upang hindi ako makabangon kaagad. At nang makita kung ano 'yon, daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig sa umaga.

Bumangon agad ako ng mapagtanto kung sino ang katabi ko sa kama. Iyon ay walang iba kun'di si Janrick Del Rio, ang manyakis kong kapit bahay!

"Hey!" Inalog ko ang balikat niya para gisingin siya pero ang hudyo nasa dreamland pa yata.

"Hey wake up!" Tinapik tapik ko na rin ang mukha niya. Napahinto lang ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hilahin palapit sa kaniya.

Nang dahil sa pagkakahila ni Janrick sa akin napahiga ulit ako sa kama. Dahan dahan ulit akong umupo para tignan siya. Napaka amo ng mukha niya kapag tulog, pero nakakapikon naman kapag gising. How could he be this handsome early in the morning? Nakatitig ako sa mapupula niyang labi ng bigla na lang siyang nag mulat at kinabig ako upang halikan.

"Morning baby," he said after he kiss me. Sa pagkabigla ko'y pinaghahampas ko siya ng unan, na walang humpay niya namang sinasalag.

"Hey! Yesha enough... Hey ano ba!"

Tinitigan ko siya ng masama at binato pa ulit ng isang unan. Bago tumayo at sininghalan siya ng maagang maaga

"Napaka maniac mo talagang lalaki ka! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko huh? Bakit dito ka natulog?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya habangitinatali ko ang mahaba kong buhok sa kahit papaano na lang.

"Woah woman! I just want to inform you na kwarto ko 'to. Kama ko 'to. At itong mga ito ay kumot at unan ko, kaya may karapatan akong matulog dito." Sunod sunod niya ring sagot na para bang ipinamumuka sa akin na wala akong karapatang matulog dito. Sa bagay may punto siya.

"But ninang said-"

"Mom said, sa kwarto na puti ang pinto diba? Sa pagkakaalam ko, kulay puti nga ang pinto ng kuwarto ko pero may itim ang apat na sulok nito. Meaning, yung kabilang pinto ang sinasabi ni Mama." Pagpuputol niya sa sasabihin ko pa sana. Nais ko mang magsalita pa pero wala, ako na ang talo at siya na ang panalo kaya sumimangot na lang ako at inirapan siya.

"Pwede ka naman matulog dito. Mas gusto ko nga 'yon para may katabi ako." May bahid ng kapilyuhan ang ngiti niya ng sabihin niya 'yon. At may pag kindat pa ngang kasama.

"Tigilan mo 'ko! Napakadumi mong tao!" Pasigaw kong sagot sa kaniya.

"Hoy araw araw akong naliligo kaya paano ako naging madumi? Titig na titig ka nga sa akin kanina. Aminin mo na, pinagnasaan mo ako habang natutulog ano?" Abat ang hudyong to saksakan din talaga ng kapal ang mukha.

"Excuse me, what made you think na pagnanasaan kita? Mag kape ka nga ng kabahan ka naman sa mga pinagsasabi mo!" Kung pakapalan din lang ng mukha, wala ng mas kakapal pa sa mukha ng hudas na si Janrick. At malamang na siya ang numero uno sa listahan.

Pumunta ako sa closet niya at kumuha ulit ng white shirt, bago walang sabi sabing naghubad para magpalit. Wala akong pakialam kahit narito si Janrick. Nakatalikod naman ako sa kaniya. Manigas siya diyan!

"Do you even know the word conservative?" I rolled my eyes when he asked that.

"Sabihin mo yan sa sarili mo, dahil baka ikaw ang hindi nakakaalam niyan." Nakahiga pa rin siya sa kama at mariing nakatitig sa akin. Akala mo'y nanunood ng live porn sa harap niya.

"Tumayo ka na riyan at sasamahan mo ako." Matapos kong sabihi iyon. Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis upang hindi na siya tumanggi pa.

"Wow naman sa pagigingdemanding huh!"

"Stand up," giit ko pa.

Mabilis din namang tumayo ang mokong at walang pakialam na humarap sa akin kahit makita na ang buong kaluluwa niya. Nakabalandra sa harap ko ang anim at perpektong pandisal sa tiyan niya. At ng bumaba pa ang paningin ko'y kitang kita ko ang umbok ng kaniyang alaga! Water please!

"Eyes up here baby, baka isipin kong pinagnanasaan mo akong talaga." Nakangising saad niya. Gawa ng hiya ay napatikhim ako bago siya tinarayan. Nunkang umamin akong ang hot niyang tignan!

"As if naman hindi pa ako nakakita ng ganyan. Sa klase ng trabaho ko ilang lalaki na ang nakitaan ko niyan, much better than your's ewww!" Tumawa lang siya bago sabay na kaming pumasok sa banyo upang mag toothbrush at hilamos.

Ilang minuto pa'y sabay din kaming lumabas. Baliwalang binuksan ko ang damitan niya at kinuha ang itim na jacket na nakita ko.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya.

"Mall.. I'll buy some clothes and undies," baliwalang sagot ko naman.

"Walang mall dito palengke lang."

"A what?" Curious na tanong ko.

"A market duhhhh!" Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa pagkakasabi niya non. Umirap pa siya at ginaya ang pananalita ko. Tawa lang ako ng tawa hanggang sa mapansin ko ang mariing pagtitig niya sa akin. Kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"You look beautiful when you're laughing," seryoso at pabulong niyang sabi.

"Maganda talaga ako. Now shoo maliligo na ako."

The moment he went outside the room, agad agad naman akong pumunta sa banyo at naligo ng mabilisan. At nang matapos, kumuha ulit ako ng puting t-shirt sa damitan ni Janrick. Isinuot ko rin ang itim na jacket na kinuha ko sa damitan niya upang ipangpatong sa puting t-shirt.

Dahil malaking tao siya, umabot hanggang taas ng tuhod ko ang jacket niya. Nanguha rin ako ulit ng panibagong boxer short niya upang may suot naman akong panloob. Mahirap na at baka masilipan ako sa palengke. Kinuha ko rin ang itim kong salamin at face mask, upang ipangtakip sa mukha ko mamaya. Narito man kami sa probinsya, baka may makakilala p arin sa akin. Mabuti nang nagiingat.

Pinatuyo ko lang ang buhok ko at hinayaang nakalugay. Naglagay lang rin ako ng pulbo bago nagpasya ng lumabas.

***

When Janrick left his room, he immediately went to the guessed room. He took a fast shower upang hindi siya pamadaliin ni Yesha kung sakali mang mauna sa kaniya ang dalaga.

After he take a bath he just wore his ripped jeans and plain white t-shirt. Then went outside, just to see his beloved mother sipping a cup of coffe in the balcony.

"Morning Mom," I just gave her a kiss and smile.

"You look happy my son, what happen?" She asked.

"Ano ba yan Ma, kailangan ba'ng may dahilan para maging masaya?" Balik tanong ko sa kaniya.

"Nakakapanibago lang dahil sa tuwing umuuwi ka dito, halos 'di maipinta kahit ng pinakamagaling na pintor ang mukha mo." Napailing iling na lang ako sa mga pinagsasabi ni Mama. Hanggang sa makita ko si Ayesha.

"I just saw an angel coming Mom. And we're going now."

Daig ko pang school boy na nakita ang crush niya.

"Dont tell me you like Ayesha?" Maang na tanong ni Mama. Ngumiti naman ako bago sumagot sa kaniya.

"Then I wont tell you." Humalik na ako sa pisngi niya bago nauna nang pumunta sa garahe.

Inaayos ko na ang sasakyang gagamitin namin ng biglang bumungad sa akin si Ayesha. Litiral na hindi ako kaagad nakahinga ng makita siya. Suot niya ang jacket kong itim na umabot hanggang sa taas ng tuhod niya. Napakasimple kung titignan, pero ngayon na siya ang nagsuot non, damn! She rock's my jacket as if she owns it.

Nang makalapit siya'y ngumiti pa sa akin na talaga namang ikinatulala ko. Tangina! Nasa langit na ba ako?

"Kalma! Ako lang 'to." Sabi niya habang tinatapik ang balikat ko at nauna nang sumakay sa kotse. Shit! I think I like her. No erase that!

I think Im falling. Nahulog na ako sa maldita kong kapit bahay!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.