"Hey Lenny whats up?"Agad kong tanong kay Lenny. Habang sakay ng kotse ni Janrick papuntang palengke, bigla na lang tumawag ang assistant kong si Lenny
"Bruha, may fashion show ka sa Monday. Thats for a cause. Are you in?" I rolled my eyes and take a deep breath.
"Anong susuotin ko aber?" Mataray na tanong ko sa kaniya.
"A lingerie perhaps. Lahat ng malilikom sa fashion show na 'yon ay makakarating sa mga batang my cancer. Magsisimula ang show diyan sa Pinas. Then after a couple of months, gaganapin ulit dito sa America." Napakunot naman ang noo ko sa sinabing iyon ng assistant ko.
"Gaganapin din naman pala riyan so bakit pa ako rarampa dito?"
"Isa ka sa nangungunang modelo sa buong mundo. Those media knows that you're there, thats why you're invited. Kaya kasali ka sa rarampa. Pwede kang tumanggi kung gusto mo, but let me remind you that its for a cause. Though they will pay you big time. Magsasama sama halos lahat ng malalaking modelo para riyan."
Napabuntong hininga na lang ako ulit at tumango na akala moy nakikita ako ng kausap ko.
"Okay I'm in, just beep my phone up bye." Kaagad kong pinatay ang tawag bago bumaling sa katabi ko na abala sa pagmamaneho.
"Kailan ang photo shoot para sa expansion ng kumpanya mo?" I asked. Baka kasi mag clash ang schedule ko.
"Wala pang nahanap na makakapareho mo sa photo shoot kaya baka this Friday na lang."
"Bakit kailangan may kapareho pa?" Nagtatakang tanong ko ulit sa kaniya.
"Okay lang ba sa'yong mag buhat ng pala at tubo? Kasi kung okay lang kahit wala ka ng partner para masimulan na rin natin kahit bukas na bukas din." Napakunot ang kilay ko ng bumaling ako sa kaniya at nagtataka sa mga pinagsasabi niya. Para saan ba ang mga gamit na sinasabi niya?
"Why do I have to handle pala and tubo? Whats that for anyway?"
"A props. Para sa promotion ng Del Rio Metal Works. Construction ang pangunahing layunin ng kumpanya ko, kaya naman kailangan mong maghawak ng gamit para doon." Now I know, magmimistulang engineer pala ang peg ko doon.
"Bakit 'di na lang ikaw ang mag model since kumpanya mo naman 'yon. " Baliwalang saad ko sa kaniya. Bigla niya namang hininto ang sasakyan at tumingin sa akin ng may malapad na ngiti.
"Oo nga ano, that was a brilliant idea. Ako na lang ang partner mo. Tutal bagay naman tayo." At ang walangya! Mukang tuwang tuwa pa.
After a minute of driving narating na rin namin ang palengke. Bago ako bumaba inayos ko muna ang sarili ko, nilagay ko ang hood sa ulo ko at nag shades na lang. Hindi ko na sinuot ang mask baka kasi pagkamalan na akong magnanakaw.
"Hey Yesha, come here." Nagtataka man ay lumapit pa rin ako kay Janrick.
"Why?"
He intertwined our hands then pull me closer to him.
"Masyadong maraming tao because its market day. Baka mawala ka o kaya naman may gawin silang masama sayo mahirap na." I look at him then look at our hands too. I smile a little, may pagkamaginoo rin naman pala ang manyakis na to.
***
Ayesha was too busy finding her stuff to use while she's in our house. But maybe after two days we're going back to Manila again. She was busy getting some lingerie and box of underwears when a guy probably on his teen took a photo of her.
Ayesha didn't notice that, then a group of males probably teens also approached her na ikinagulat niya naman. Habang ang isang lalaki ay abala sa pagkuha ng larawan na stolen kasama ang mga kaibigan niya.
"Ate ang ganda ganda mo po, artista ka po ba?" Rinig kong tanong ng isang binatilyo. At nang dahil sa sinabing 'yon ng lalaki, may mga ibang namimili na napapatingin kay Ayesha. Halos lapitan at hawakan na siya, kaya naman pinuntahan ko na siya dahil narito ako sa kabilang store.
"Hey come on lets go." Inabot niya na ang bayad at hindi na nag abalang ku'nin pa ang sukli. At saka ko siya hinila bago pa siya pagkaguluhan.
"Grabe ang gwapo naman nang lalaki, ano kaya 'yon asawa kaya 'yun nang babae o baka boyfriend?" Narinig ko pang sinabi ng nadaanan naming grupo ng mga babae.
Kinuha ko na lahat ng pinamili niya saka inakbayan. Isinuot ko na rin ang hood niya sa ulo niya saka hinila siya paalis. She looks lost and no where to go. Ngayon lang siguro siya nakapunta sa palengke.
Pagkasakay namin sa kotse agad agad niyang tinanggal ang jacket niyang suot. Ngayon ay nakaputing t-shirt na lang siya na umabot sa tuhod niya. At malamang kinuha niya sa closet ko ang suot niya.
"Its so hot!" Pagrereklamo niya at nagbukas na ng aircon para mahimasmasan. Sa sobrang init namumula na ang mukha niya na akala mo'y sinampal. Pawisan na rin ang noo niya pati na rin ilong. She looks cute and damn hot as I look at her.
"Nabili mo ba ang mga kailangan mo?" I asked.
"Some," she said while scrolling on her phone.
"Oh my god!" Napatingin naman ako sa kaniya ng bigla na lang siyang nagsalita.
"Any problem?" I asked.
"Nagkalat ang larawan ko sa social media! See this oh."
Inihinto ko saglit ang kotse bago tinignan ang pinakita niya. Binasa ko na rin ang mga caption sa larawan na sinasabi niya.
"Grabe ang ganda ng chiks ko!"
"#artista?"
"Ganda naman this girl"
Iyon ang mga caption ng larawan niyang nagkalat sa social media. And that picture was taken a while ago when we're at the market. But one photo caught my atention, that photo was me. Nakahawak ako sa braso niya habang nilalagay ang shades niya. We look like a celebrity couple. And the caption was "sana all may jowang pogi at maganda".
"Congratulations sikat ka na!" Sabi niya sa akin na parang nang aasar pa pero mukha namang nagaalala.
"Gusto mo bang umuwi na tayo bukas?" Tanong ko.
"Can we?" Tumikhim na muna ako bago tinitigan ang nagaalala niyang mukha.
"If those photos bothered you, mabuti pa ngang umuwi na tayo." Narinig ko pa ang pag buntonghininga niya, bago tumango upang sumang ayon. Nagpatuloy na rin ako sa pag mamaneho.
Nang makarating kami sa mansion sinalubong ako ni Nica. Gusto ko sana siyang iwasan pero bigla na lang siyang kumapit sa braso ko. At ng tumingin ako kay Ayesha, tinaasan niya lang ako ng kilay bago pumasok na sa loob.
"Nica ipapaalala ko lang sa'yo na hindi ako nagseseryoso, masasaktan ka lang." Baliwalang saad ko sa kaniya.
"Hindi mo ba ko gusto? Kung ganoon anong ibig sabihin ng nangyari sa atin?" Giit niya. Kulang na lang ay mapamura ako sa mga sinabi niya. As if naman seryoso ako sa kaniya.
"Walang nangyari sa atin." Mabilis na sagot ko naman sa kaniya bago kumawala sa pagkakahawak niya at pumasok na sa loob.
Pagpasok ko sa kwarto siya namang labas ni Ayesha na nakapangtulog na. She looks seductive pero parang baliwala lang sa kaniya kung ano ang ayos niya. Her hair was in a messy bun. Her lingerie is like a silk dress that ends above her knee. Manipis lang ang strap no'n, parang ano mang oras ay mapapatid dahil na rin sa medyo may kalusugan niyang dibdib.
At dahil naaninag ko pa ang bakas ng dibdib niya, sigurado akong wala siyang suot na bra. Bakit ba ang sexy niya kahit na nga ba ang simple lang ng suot at ayos niya? Naramdaman ko na lang rin ang paninikip ng pundilyo ko. Damn!
Maya maya pa'y sunod sunod na tunog ng cellphone ko ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Wala sa loob na hinugot ko iyon sa bulsa ko, at tinignan.
Macho gwapitos:.
Nico awesome: Pre Janrick nagkalat mukha mo sa social media may kasama kang magandang dalaga.
Steve: Langya pre Janrick, I thought one for all and all for one? Nagdadamot ka na ngayon huh.
I cussed multiple times as I read Steve's message. Anong tingin nya kay Ayesha pagkain? Damn! Wala akong balak na ibahagi si Ayesha sa kahit na sino sa kanila.
Daryl: Napakagago mo talaga Steve ang kati kati mo alam mo ba 'yon?
Mateo: Buti ka pa Daryl alam mong makati yang malibog na yan! Dahil siya mukhang wala siyang ka alam alam sa sarili niya.
Steve: Heyyy! Kasalanan ko bang gwapo ako at ang papangit n'yo kaya ako ang habulin?
Lucas: Hey Janrick, I search your woman and shes happened to be the International Super Model Ayesha Mendez. Jackpot bro!
Justine: May pagsintang purorot na ang hayop!
I turn my phone off. Walang mangyayaring maganda sa akin, sakali mang makigulo pa ako sa mga hudas kong kaibigan. Nagmadali na rin akong naglinis ng katawan bago nag pasyang pumunta sa labas. Ngunit hindi ko inaasahang makikita ko si Ayesha na nakatayo sa may balkonahe, habang umiinom ng wine.
"Hey, are you okay?" Hindi man niya sabihin, alam kong may bumabagabag sa kaniya. Hindi kaya dahil sa nagkalat na larawan niya sa social media?
"I'm fine," tipid na sagot niya.
"May problema ba? You look bothered by something." Hindi ko rin maiwasang pagmasdan ang kabuuan niya. Kahit na bakas sa mukha niya ang pag aalala, hindi pa rin mawawala ang maamo at perpekto niyang ganda.
"Nothing. Janrick, gusto ko na muna sanang mapag-isa may iniisip lang ako. Okay lang ba?" Ngumiti pa rin siya kahit alam kong pilit 'yon. Tumango naman ako bilang tugon at iniwan na rin siya.
***
Nang makaalis naman si Janrick, nakita ni Ayesha ang pa- ilaw ng cellphone niya. Dahilan upang kuhanin niya iyon, at sagutin ang tawag ng assistant niya na nakarehistro sa cellphone niya.
"Zup?" Bati ko ng sagutin ko ang tawag ni Lenny.
"Nagkalat ang mukha mo sa social media. Hindi lang 'yon, kasama mo rin si Janrick Del Rio ang C.E.O ng Del Rio Metal Works. Jusmio! Kayo lang naman ang usap-usapan ngayon sa balita." Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ayaw kong madamay si Janrick sa mga balibalita na wala namang katotohanan. At iyon rin ang inaalala ko ngayon, paano kung madawit siya sa pangalan ko? Nakasama pa tuloy ako sa imahe niya.
"Nagpunta kami sa palengke kanina. Narito kami sa Zambales, akala ko'y okay lang dahil probinsya naman ito. But some teenagers approach me, hindi ko alam kung kinunan nila ako ng larawan." Hindi ako nag aalala sa reputasyon ko. Dahil bilang celebrity sanay na ako sa mga media, pero ibang usapan na kapag may nadamay na iba lalo na kung si Janrick.
He's not a celebrity, at baka makasira sa kaniya ang mga sinasabi ng media. Totoo man o hindi, paniguradong kakalkalin nila ang lahat ng tungkol kay Janrick.
"I'll clear the issue about you and Mr. Del Rio having an affair. Iyon ang balita ngayon kung kayat nariyan ka sa Pilipinas. Dont worry about it okay, just relax and leave it all to me. But please be careful next time. You two looks like a hot couple, kaya naman nakatutok ang media sa inyo ngayon."
Bahagya akong napangiti sa sinabing 'yon ni Lenny. Ano pa kaya kapag lumabas ang magiging larawan namin ni Janrick para sa expansion ng kumpanya niya?
Sa kaisipang iyon, sinabi ko kay Lenny ang buong detalye upang hindi na siya mabigla pa. Wala rin namang ibang mag aayos ng gusot ko kun'di siya lang.
"Lenny about the expansion of Del Rio metal works." Humugot na muna ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy. "Janrick Del Rio will be my partner on the photo shoot, so brace yourself." I heard a loud gasp from my assistant. At ang malanding Lenny bigla na lang tumili na parang kinurot ang singit.
"Shit bitch! Bagay kayo! Hindi na ako makapaghintay na pagpyestahan ang larawan niyo. I badly need a high salary this time from saving your sexy ass." Tumawa na lang ako sa sinabing 'yon ni Lenny. Bago nagpakawala ng buntong hininga.
"May girlfriend na ang lolo mo."
"Ouch! Sabi nga nila daig ng malandi ang maganda. Kaya agawin mo na bago pa mapunta sa iba gaga!"
Napailing iling na lang ako sa kaniya at nagpaalam na rin.
Agawin? Paano ko aagawin kung saksakan naman ng manyak ang lalaking iyon? Mukhang manganganib pa ang puri ko sa hudas na 'yon. Ngunit bakit sa t'wing malapit siya sa akin, hindi ko mapigilang hilingin na sana ay nasa tabi ko lang siya? Bakit hindi ko maiwasang tumugon sa mga halik niya? Bakit sinasabi ng isip ko na dapat siyang iwasan at layuan, ngunit iba naman ang idinidikta ng aking katawan?
Nagkakagusto na ba ako sa brusko kong kapit bahay?