Heartbreakers Series Chapter 13

“No, I am not! Kasi nakita kita.” Sa dinami-dami ng araw na aabutin siya ng kamalasan, bakit pa ito dumadagdag? At nakita pa siya nito habang mukha siyang basang sisiw. She was about to break down any minute. It was too much.

Hinawakan nito ang balikat niya. “Come on. You are soaked up. Baka magkasakit ka. Wala kang makikitang taxi dito. Ihahatid na kita.”

Napapitlag siya nang maramdaman ang init ng kamay nito sa balikat niya. She felt warm and safe. Safe? She stopped. Paano siya magiging safe samantalang kampon nga ng kamalasan ito. “Huwag kang makialam sa akin.” Pinalis niya ang kamay nito. “At hindi mo kailangang maging concern sa akin. Di kita kaano-ano.”

Bumuntong-hininga ito. “Ikaw lang ang inaalala ko. Mukhang may importante kang appointment. Kaibigan ako ni Simone. Wala akong gagawing masama.”

“Kahit na wala kang gawing masama pero minamalakas ako kapag nandiyan ka. So back off. Puro kamiserablehan ang naranasan ko mula nang makilala kita.”

Tinalikuran niya ito. mariin niyang pakiusap. Saka siya nagpatuloy sa paglalakad. Di ito sumunod sa kanya ngunit nararamdaman niyang nakatanaw pa rin ito sa kanya. Tanaw niya ang hotel. Ang trabaho niya sa hotel ang tanging makakatulong sa kanya para makabawi. At ibabaon niya sa limot si Nikolos at ang iba pang masasamang pangyayari sa buhay niya.

NAGMAMADALING pumasok ng La Brissa Hotel si Arizona. Hinahagilap agad ng mata niya ang ladies’ room pagpasok pa lang ng lobby. Sinulyapan niya ang sarili sa revolving door. Gulo-gulo ang buhok niya. Wala na ang make up niya at basa pa ang damit niya. “I can’t show up like this. May ten minutes pa ako bago ang interview.”

“Arize, gosh! You look like a mess!” bulalas ni Simone. “What happened to you? Parang binagyo ka.”

“Tama ka. Binagyo nga ako. At kung anu-anong kamalasan pa ang naranasan ko ngayong araw na ito. Mula pag-alis ko pa lang ng bahay, malas na ako,” sabi niya. “Where is the powder room anyway?”

“Here.” Iginiya siya nito sa isang hallway na may nakalagay na sign para sa restroom. “Ano bang dilemma ang naranasan mo?”

“Mamaya ko na lang iku-kwento dahil male-late na ako sa interview ko,” aniyang di alam kung magsusuklay muna o magre-retouch ng make up o tutuyuin sa hand dryer ang damit at buhok.

“Kaya nga kanina pa kita hinihintay sa lobby. Di na tuloy ang interview mo.”

“What?” bulalas niya at natigil sa pagsusuklay.

“Tumawag sa akin ang interviewer mo. Sinabi niya na bukas ka na lang pumunta kapag okay na ang panahon.”

“Sayang lang pala ang isinugod ko sa bagyo kung ganoon.” Napailing siya at ipinagpatuloy ang pagsusuklay. “Bakit hindi mo itinawag sa akin?”

“Been trying to call you pero naka-off yata ang cellphone mo,” sabi nito.

Pinatay niya ang cellphone bago sumakay ng MRT. “Oo nga pala. Nai-off ko siya kanina. Pasensiya ka na, ha?”

“Mabuti na rin ang nangyari. At least hindi ka haharap sa interviewer mo nang ganito. Hopefully the weather will be more okay tomorrow.”

Bumuntong-hininga siya. “Bukas pa naman ang labas ni mommy sa ospital. Magpapaalam na lang ako na di ko siya masasamahan.”

“Ako na ang bahala kay Tita. Paghandaan mo na lang ang interview mo.” Tiningnan nito ang relo. “Ooopps! I also have a meeting. Wait for me at the cafeteria, okay? Pupuntahan agad kita pagkatapos ng meeting ko.”

Pilit siyang ngumiti. “Okay. Thanks!”

Matapos patuyuin ang damit at buhok sa hand dryer ay tumuloy na siya sa cafeteria. Kailangan niyang I-relax nang kaunti ang utak niya. Gusto niyang maghisterya sa dami ng nangyari sa araw na iyon. Or was it just this morning? Pinanood niya ang pagbuhos ng ulan habang hinihintay ang order niya. Di pa nga siya makakauwi. Kailangan muna niyang magpatila ng ulan.

“Your hot white choco, Ma’am,” anang waiter.

“Thank…” Nabitin ang pasasalamat niya nang makitang nasa likuran lang si Nikolos ng waiter na nagse-serve sa kanya at nakahalukipkip. Nanlalaki ang mata niyang tumayo. “…you!” Itinuro niya si Nikolos.

Nahintatakutan ang waiter na nag-serve sa kanya. “Would you like anything else, Ma’am?” mabilis nitong tanong. Parang ayaw na maipit sa gulo.

“Give me your Northern Highland coffee please,” sabi ni Nikos sa waiter na dahan-dahang naglalakad nang patalikod.

“Y-Yes, Sir!” anito at dali-daling lumayo.

“You look better now. Kung sumabay ka sa akin, di ka sana mababasa,” sabi nito at umupo sa bakanteng upuan sa tapat niya.

“You know what? The last thing I want is to be with you. Lalo sa isang confined na sasakyan. Baka kung ano na namang kasalanan ang ma-experience ko. At dahil ayoko nang dagdagan pa ang kamalasan ko, pwede ba doon ka na lang sa ibang table? Sa malayong-malayo. Sa hindi kita makikita,” pagtataboy niya.

“Di ka man lang ba makikinig sa paliwanag ko kung bakit kinailangan kong umalis sa gitna ng cruise at di agad kita nakausap?” tanong nito sa mababang tono.

“Bakit pa? We already settled your debt. An eye for an eye. Magpaliwanag ka man o hindi, wala nang kaibahan sa akin iyon.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.