Arizona stretched her body as she get up from the swivel chair. Maghapon siyang nakatutok computer at alas otso na ng gabi niya natapos ang mga trabahong itinambak sa kanya ni Nikos. Kaya naman masakit ang katawan niya.
She was shutting down the computer when the phone rang. “Arize, nandiyan ka pa pala,” anang si Mandy na nagulat.
“Oo naman. Ang daming ipinagawa sa akin ni Sir, eh!” Itinambak nito sa kanya ang lahat ng trabaho na pwede nitong itambak sa kanya.
“Pasensiya na. Mainit kasi ang ulo. Ano ba ang nangyari? Hindi ba mukhang okay naman kayo habang nagla-lunch kayo?”
She sighed. “Well, it looks like tantrums to me.” Parang bata kasi ito na nagtatampo kapag di natatapunan ng tamang atensiyon. At dahil napahiya ito sa pambabalewala ni Simone, sa kanya yata nabuhos ang init ng ulo nito.
“Kung nandiyan pa siya, kausapin mo. Kung wala nga lang sakit ang baby ko, ako na mismo ang kakausap sa kanya. Minsan kasi kailangan lang niya ng makakausap kapag may problema siya. At minsan, iyon ang tipo ng problema na di niya sinasabi sa mga kaibigan niya dahil kakantiyawan lang siya.”
“Titingnan ko kung ano ang magagawa ko.” She couldn’t tell Mandy that she was the last person Nikos would confide to. And she doubted it if she could really help. Ano ba ang alam niya sa emotional needs ng mga lalaking tulad ni Nikos?
Kinatok niya ang pinto ng opisina nito bago pumasok. Naabutan niya itong nakaharap sa glass window ng opisina nito habang hawak ng baso ng brandy. “Sir, tapos na po ang ipinagagawa ninyo sa akin. May kailangan pa po kayo? Baka gusto ninyong magpa-deliver ako ng dinner ninyo.”
Hindi ito nakakain nang maayos kaninang tanghalian. At di pa rin ito nagdi-dinner. Pagkatapos ay umiinom na ito ng alak.
“No. Hindi ako magdi-dinner. Would you care for a drink?” alok nito.
Umiling siya. “No, thanks. I don’t really drink.” Umiinom lang siya tuwing may okasyon at di rin siya umiinom ng hard drinks.
“Come on. Tapos na ang trabaho mo. It is okay to drink a little.”
Namaywang siya. “Its you who shouldn’t drink. You will drive later.”
He gave out a cynic smile. “I thought you don’t care about me.”
“Kahit kanino sasabihin ko iyon. Kaya kung gusto mong maging boss pa kita bukas, tigilan mo na iyan.”
Inilapag nito ang alak sa mesa at dahan-dahang lumapit sa kanya. “Tell me, Miss Calderon. Do you find me attractive?”
Tumikwas ang kilay niya. “Bakit ninyo naitanong?” Tingin niya kampante ito sa kakayahan nitong makaakit ng mga babae. Hindi na ba ito sigurado sa sarili nito?
Humakbang pa ulit ito hanggang halos magkadikit ang katawan nila. “Sa tingin mo ba mai-in love ka sa akin?”
Humalukipkip siya at bahagyang lumayo dito. She didn’t feel comfortable looking at him so she casually looked at the paintings instead. Why was he asking her silly questions? “Mali kayo ng tinanong, Sir. Kasi hindi ako mai-in love sa iyo o sa kahit kaninong lalaki. Ask someone else. You might get positive results.”
“Bakit mo naman nasabi na di ka mai-in love sa kahit kanino?”
“I am too busy with my life. Masyado na akong maraming problema. Bakit pa ako magdadagdag ng panibagong problema?”
“Back to my first question. Don’t you find me attractive at least? Huwag mong sabihin na hindi ka rin naa-attract sa mga lalaki?”
She gasped; her answer was trapped in her throat. The hair on her body prickled with sensation when she felt him standing at her back. She could hear him breathing and could feel his warmth right behind her.
Bahagya siyang tumigilid pero di rin siya humarap dito. “Guwapo kayo.”
Idiniin nito ang dalawang kamay sa pader para harangan siya. She felt trapped. Wala siyang choice kundi humarap dito para kahit paano ay maidistansiya niya ang sarili dito. Napasandal siya sa pader. “Lahat na lang iyon ang sinasabi sa akin,” pabulong nitong sabi. “Gusto kong malaman kung may maa-attract pa ngang babae sa akin. Or are my friends right when they told me that I lost my touch.”
She stared at him as he lifted his hand as if to touch her. But he just moved his hand as if tracing the contour of her face but not really touching her.
“God! You are beautiful!” he whispered.
Napalunok siya nang dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya. Nataranta na siya. She didn’t know what to do. She didn’t know the right thing to do. She just closed her eyes wondering how it felt to be kissed by him. How to be kissed by a real man. Nahalikan na siya dati. Mga kasamahan niya sa trabaho na gustong magnakaw ng halik sa kanya. Kasunod niyon ay malakas na sampal o kaya ay sumasabog ang nguso ng mga ito. Pero kay Nikos ay di niya naisip gawin iyon.
“You may go now. Baka gabihin ka pang umuwi.”