Heartbreakers Series Chapter 19

Napadilat siya nang marinig ang matigas nitong boses. Wala na ang kamay nitong nakaharang sa kanya. At naglalakad na rin ito palayo. He didn’t kiss her? Why? Akala ba niya ay hahalikan siya nito.

“Sir…” di makapaniwala niyang usal. Was he stupid? Di na nga siya tumutol nang hahalikan siya nito. Bakit pa ito umurong?

He waved his other hand. “Yeah! I won’t drive tonight. Kahit pa nga hindi ako lasing. And just to assure you, sa penthouse suite ko ako matutulog. Hindi ka na ba nag-aalala sa akin?” he said with a smile.

Mabilis niyang iniwas ang tingin dito. Nginingitian na siya nito. “Good night.”

Nanginginig ang tuhod niya nang makarating sa desk niya. Parang mawawalan siya ng lakas. It took her a few minutes to calm down. Saka lang siya naglakad papunta sa elevator. Sa palagay niya ay may hangin siya sa utak.

“He was about to kiss me and I didn’t even protest. I didn’t push him away. Pumikit pa ako at hinintay ko pang halikan niya ako,” aniya habang inaanalisa sa sarili. Mag-isa lang siya sa elevator kaya walang makakarinig sa kahibangan niya.

Nasapo niya ang pisngi nang maalala ang ngiti ni Nikos sa kanya. “At least sinunod niya ang advice ko. Nag-iisipin din naman pala siya. Ako lang naman yata ang hindi nag-iisip. Samantalang ako itong hindi nakainom.”

Tinitigan niya ang sarili sa salamin ng elevator at kinuyom ang palad. “Sige, ngayon ko lang siya iisipin. Ngayon lang ako papayag na halikan niya kahit pa nga naunsyami. Sa susunod, di na ako papayag. Susuntukin ko na siya.”

NAMUMUNGAY pa ang mata ni Arize nang pumasok sa hotel. For the first time in her life, she slept in. Napuyat siya sa kaiisip ng mga posibilidad. Tulad ng kung natuloy siyang halikan ni Nikos, ano ang gagawin niya? At paano niya ito haharapin?

“Bakit ko pa kasi iniisip iyon? He didn’t kiss me anyway. And he won’t attempt to do it again if he loves his life.” And next time, she won’t waste her time thinking about something which won’t likely to happen. “Di tuloy ako nakapag-retouch.”

Nagulat siya nang maamoy ang mabangong kape. Nakasalang pa iyon sa percolator. “Ang aga naman yatang dumating ni Mandy.” Pero nang sulyapan niya ang desk nito ay wala pa ang gamit nito doon. “Then who is brewing the coffee?”

Nasagot ang tanong niya nang lumabas sa private office nito. “Good morning!” nakangiti nitong bati at lumapit sa kanya.

“G-Good morning, Sir. Maaga po yata kayong pumasok.” Naalala ba nito ang nangyari kagabi? At himala na nginingitian siya nito.

“Dito ako sa hotel natulog kagabi. Di ba sabi mo huwag akong mag-drive nang nakainom. Sinunod ko lang ang bilin mo.”

Kaya pala mukhang kagagaling lang nito sa shower. Kahit na nakaharang ang desk sa kanila, amoy pa rin niya ang sabon na ginamit nito sa paliligo. Made her think of him while bathing under the shower, with water cascading down his body.

“Want some coffee?”

Napapapitlag siya sa tanong nito. Kung anu-ano ang pumapasok sa kukote niya. Baka inaantok lang siya at kailangan nga niya ng kape. “Ako na lang, Sir.”

“No. Stay there.” Ito na ang lumapit sa coffee maker. “Napagod ka kahapon dahil sa dami ng trabahong ginawa mo. All you have to do right now is relax.”

“It is my job anyway. Thats what I am paid for.” Ayaw niyang ginagawan nito ng pabor. Parang nawawala ang pader sa pagitan nila bilang boss at empleyado.

Inilapag nito sa desk niya ang mug ng kape. “I also have some truffles. I will just get them.” Bago pa siya nakakontra ay nakapasok na ito sa private office nito. Pagbalik ay inilapag nito ang cookies sa harap niya. “Enjoy!”

“Thank you, Sir.” Bahagya siyang ngumiti at binuksan ang computer. Nagkunwari siyang nagbubuklat ng documents na di naman niya kailangang buklatin. Nang maramdaman niyang nakatitig ito sa kanya. “Yes, Sir? May iuutos po ba kayo? Gagawin ko na ngayon.”

Umiling ito at ngumiti. “Wala. Di pa naman time, hindi ba?”

Naramdaman niyang nakatuon pa rin sa kanya ang mga mata nito. Lalo siyang nailang. Di kasi siya sanay nang tinititigan nito. Kapag nga nag-uusap sila dati, ayaw siya nito halos tingnan. “Sir, may problema po ba?” tanong niya.

“Wala,” kaswal nitong sagot at di pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

“Kung makatingin kasi kayo, parang tinubuan ako ng pitong sungay sa ulo.”

Mahina itong tumawa. “You are good to look at. Di ka nakakasawang titigan.”

Isinara niya ang folder na binubuklat at ihinarang sa mukha. “Hindi ako makakakain sa katititig ninyo, Sir. At lalong hindi rin ako makakapagtrabaho. Kung gusto ninyo, magtitigan tayo maghapon at swelduhan ninyo ako. Walang problema.”

Tumayo ito. “You got me there. I’ll go to my office.”

Bahagyang nabawasan ang kaba niya. Akala niya ay tititigan nga siya nito maghapon. Any minute, baka himatayin siya. Those blue-green eyes of him made her heart squirm. He always had that effect on her.

Tumigil pa ito sa pinto at lumingon sa kanya. “By the way, when I told you last night that you are beautiful, I mean it.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.