MABILIS ang pagtipa ni Arizona sa keyboard. Itina-type niya ang report na kailangan ni Nikos pagpunta nila sa Greece. Ayaw niyang may maiwang trabaho sa opisina habang wala sila. “Sir Nikos, five o’clock na. Di ba may dinner pa kayo sa country club? Bakit nakatunganga pa kayo?” tanong ni Mandy. Nang lumingon siya nakasandal sa tabi ng pinto si Nikos habang nakatitig sa kanya.
“Maaga pa naman, ah!” katwiran nito at ngumiti sa kanya.
She lifted her eyebrow. “Ma-traffic ngayon, Sir. Male-late kayo.”
“Okay lang,” he uttered then shrugged his shoulder. It was weird for someone like him who was very particular with punctuality.
“Bakit ba kayo natutulala, Sir?” tanong ni Mandy at hinarangan si Nikos saka pasimpleng tumingin sa direksiyon niya.
Sinulyapan ni Nikos ang relo. “Oo nga. Baka ma-late ako. Arize, hindi ka pa ba uuwi?” tanong nito pagdaan sa harap ng desk niya.
“Tatapusin ko pa ito, Sir. Malapit na po ito. I’ll meet you at the airport.”
“Umamin ka nga sa akin, bruhita ka!” nakahalukipkip na sabi ni Mandy nang makaalis na si Nikos. “Anong meron sa inyong dalawa ni Sir?”
“Wala,” kaswal niyang sagot at nagpatuloy sa pagta-type.
“Ilang araw na siyang titig nang titig sa iyo tapos wala. Hindi kaya kinulam mo siya? Saka sweet na rin siya sa iyo, ah!”
“Mabuti pa umuwi ka sa asawa mo kaysa iniintriga ako.”
“Kayong dalawa lang ang magkasama sa Santorini at doon kayo tutuloy sa villa nila. Gapangin mo na. Mukha naman siyang willing,” anito at humagikgik. “Basta balitaan mo ako, ha?”
Ipinilig niya ang ulo. “Bakit pa kasi ako nakikinig sa kalokohan ni Mandy.”
Nikos went out with his friends. Malamang ay makakakita pa ito ng babae na pupukaw sa atensiyon nito. He won’t bother looking at her anymore. Siguro ay dala lang iyon ng pagka-busy nito sa trabaho at di magawang makipag-date.
Ipini-print na niya ang report nang mag-ring ang phone. “Hello, Foreign Development. Good evening!”
“Arize! Nandiyan ka pa?” gulat na bulalas ni Nikos.
“Yes, Sir. Pauwi na rin po ako. Nagpi-print lang po ako.”
“So you are through with the report. Please do me a favor. Pakidala naman dito sa country club ang blue folder na nasa ibabaw ng desk ko. I need to study it. Nakalimutan kong dalhin. And kindly bring me a copy of the report as well.”
“Yes, Sir.” Kinuha niya ang blue folder sa desk nito. “Ang tagal-tagal tumunganga tapos may makakalimutan. Bata pa pero may memory gap na siya.”
Nag-taxi siya papunta sa country club. Pagdating doon ay sinalubong agad siya ni Nikos. “Sir, ito na po ang ipinakukuha ninyo. Aalis na po ako.”
“Miss Calderon! Miss Arizona!” tawag ng mga kaibigan nitong sina Marcoe at Wyndham sa kanya. Naglapitan ang mga ito. “You are here.”
“Kumusta naman kayo ni Nikos?” tanong ni Ryuji.
“She’s my new executive assistant.”
“May bago kang executive assistant at hindi mo sinasabi sa amin? That’s not fair, man!” anang si Marcoe at tinapik ito sa balikat.
“I believe we haven’t met,” anang lalaki na bahagyang may kahabaan ang buhok. His skin was olive and his eyes were brown. He looked like a Southern Italian. Or maybe Sicilian. “I am Andreas del Pierro.”
“Arizona Calderon,” pagpapakilala niya at kinamayan ito.
Hindi binitiwan ni Andreas ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya. “I should have joined the cruise. Sana noon pa tayo nagkakilala. And if someone did you wrong that time, I would rescue you.”
Di niya maiwasang ngumiti. “Thank you, Mr. Del Pierro.”
“Please call me Andreas, cara.”
Tumikhim si Nikos at pinaghiwalay ang kamay niya. It was him who held her hand tightly this time. “Hands off, Andy. Hindi ko siya pinapunta dito para bolahin mo lang. Excuse us. Ihahatid ko lang si Arize sa labas.”
“That soon?” bulalas ni Alonzo. “Invite her for dinner. Malamang hindi pa siya kumakain dahil pinapunta mo siya dito.”
“No. It’s okay. I must be going, gentlemen. Thanks and have a nice evening.”
“See you soon, cara mia,” pahabol ni Andreas.
“Kung hindi ka pa nagdi-dinner, pwede naman kitang samahan,” sabi ni Nikos habang palabas ng country club para kumuha ng taxi. “Ako na rin ang maghahatid sa iyo pauwi.”
“No thanks, Sir. Alam ko na madalang kayong magkasama-sama ng mga kaibigan ninyo. Kaya ko na po ang sarili ko. Saka sinabi ko naman sa mommy ko na male-late ako for dinner. She’s waiting for me.”
Huminga ito nang malalim. “Okay. Babawi na lang ako sa iyo kapag nasa Santorini na tayo. I’ll see at the airport then.” Inangat nito ang kamay na parang hahaplusin siya sa mukha pero ibinaba din nito. “Good night.”