Heartbreakers Series Chapter 27

Anong gusto niya? Ipagmalaki sa lahat na may relasyon kami. Kung matatawag ngang relasyon iyon. Makikipag-date lang ako sa kanya kung sasabihin niyang mahal niya ako. Hindi ako katulad ng ibang babae niya na masaya nang makunan kasama niya sa diyaryo at magazine. I don’t need fame. I need his love.

It was sheer torture to see Nikos and know that he was mad at her. Bakit ba di na lang niya palitan ng bago ang puso niya? Iyong hindi na magmamahal at masasaktan? She pressed the intercom. “Sir Nikos, uuwi na po ako.”

“Pumunta ka muna dito. May iuutos pa ako.”

“Yes, Sir?” tanong niya pagpasok.

“Give me your hand.”

“What?”

Hinawakan nito ang kamay niya at isinuot sa kanya ang white gold na bracelet na may diamond na naka-embed. “There. It’s perfect.”

“Anong okasyon at binigyan mo ako ng bracelet?”

Niyakap nito ang baywang niya at kinintalan siya ng halik sa noo. “I want to apologize for being so crass last time. Di kita dapat binibigla. You have a reason why you don’t want the people to know about us yet. I will be more patient this time. Hihintayin ko kung kailan ka na handa.”

Nagulat siya. She didn’t expect a gift from him. She didn’t expect him to apologize either. “Thank you.” Say you love me, Nikos. That’s all I want. She absentmindedly fidget with the bracelet. Nang maramdaman niyang may nakaukit doon. She read it. S’agapo. “What’s this?”

Kinintalan siya nito ng halik sa labi. “I will tell you tomorrow. How about a real date with me, hmmm?”

Inayos niya ang necktie nito. “Let’s discuss this tomorrow. Sa ngayon, pumunta ka na sa meeting mo dahil baka ma-late ka pa.”

“I will call you later.”

Hindi niya maialis ang ngiti sa labi. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin naka-engrave sa bracelet. But she still felt so special.

“Maaga ka yatang umuwi. Hindi ka rin yata ihinatid ng boyfriend mo,” naka-ismid na bungad sa kanya ng mommy niya.

“Good evening, Mommy,” aniya at hinalikan ito sa pisngi. “Wala akong overtime. Isa pa, boss ko ang naghahatid sa akin. Hindi ko siya boyfriend.” Yes, Nikos and her kissed a lot. But that was hardly a relationship. Para sa kanya, empleyado pa rin siya nito. Hindi na siya nagtatanong kung ano ba talaga ang relasyon nila. Baka kasi wala lang siyang makuhang sagot.

“Hindi mo mapapaikot ang ulo ko, Arizona! Hindi ba sinabi ko na sa iyo na wala kang mapapala sa mga lalaki na iyan? Pero nagpapaloko ka pa rin.”

“Kayo na lang po ang mag-dinner. Doon na ako sa kuwarto ko.” Hindi niya kailangan ng sermon dahil masaya siya sa araw na iyon.

“Tumawag ang pinsan mo kanina. Nag-email na pala ang dati mong boss sa Miami tungkol sa isang open na position sa hotel. Bakit hindi mo kunin?”

“I have work here, Mommy. Maganda naman ang sweldo ko sa La Brissa. And I get to travel a lot. Di pa ako malayo sa inyo. Hindi ba mas okay iyon?”

“Mas gusto ko nang nasa Amerika ka kaysa nandito ka nga pero nakikita naman kitang nahihibang sa lalaking iyon. Mabuting malayo ka sa kanya.”

“Good night, Mommy.” Humalik siya dito at umakyat sa kuwarto niya. She was right. She refused to leave because of Nikos. Dahil umaasa pa siya na sasabihin nito na mahal siya nito.

Nagba-browse siya sa collection ng paperback novels nang makatanggap siya ng tawag kay Nikos. Excited niyang sinagot iyon. “Hey! Na-miss mo agad ako?”

“Arize, can you come over Simone’s place? May malaki siyang problema. She needs someone to talk to.” Bakas ang pag-aalala sa boses nito.

“Okay. I’ll be there.” Nagpalit siya ng damit at bumaba sa sala. Naabutan niya ang mommy niya at kapatid na nanonood ng TV. “My, pupuntahan ko lang po si Simone. May problema po kasi siya.”

“Pabayaan na ninyo si Ate. Malaki na siya,” depensa ng kapatid niya.

“Bahala na nga kayong dalawa,” anang mommy niya at inirapan siya.

Saka lang siya nakalabas ng bahay. Sa taxi ay di pa rin maalis ang pag-aalala niya hanggang makarating siya sa bahay ni Simone. Pinagbuksan siya ng kasama nito sa bahay. “Nasaan ang Ma’am Simone mo?”

“Nasa taas po kasama si Sir Nikos. Iyak nga po nang iyak.”

Bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwarto nang marinig niya ang boses ni Simone. “Help me forget, Nikos.”

She slightly opened the door when she saw the two of them kissing. Parang dinukot ng isang malaking kamay ang puso niya. Di niya maialis ang tingin kay Nikos. He was kissing Simone passionately. She wondered if he had the same look whenever he kissed her. He was kissing Simone as if he loved her.

Umalis siya sa pinto at sumandal sa pader. Saka niya naalala kung paano magselos si Nikos sa atensiyong ibinibigay ni Simone kay Alonzo. He was in love with Simone. Si Simone ang babae na dahilan kung bakit di na ito tumingin sa iba.

Parang zombie siya na bumaba ng hagdan. She wanted to cry but she couldn’t. Ganoon pala ang nasasaktan. Namamanhid ang pakiramdam sa sakit.

“He kissed me because I was handy. Para may mapaglibangan siya habang di pa siya pinapansin ni Simone. Of course I am stupid and easy. Now I know that he won’t fall in love with me,” bulong niya sa sarili. “Pinaikot lang niya ako.”

Other women knew how to play his game. But not her. Isinugal niya ang lahat kasama na ang puso niya. At ngayon, wala nang natira sa kanya.

Baliw nga ako. But it is high time I wake up. Kung hindi ko pa ito tatapusin, parang tuluyan ko na ring sinira ang sarili ko.

“Miss Arize, saan po kayo pupunta?” tanong ng kawaksi ni Simone.

Pilit siyang ngumiti. “Sa garden lang ako. May tatawagan lang akong importante. Huwag mo na lang sabihin na nandito ako.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.