WALANG mababasang ekspresyon sa mukha ni Arizona nang pumasok sa kuwarto ni Simone. Nakahiga ito sa kama at nakapikit habang nasa couch naman si Nikos at nakabantay lang dito. Tumayo agad si Nikos nang makita siya.
“Akala ko hindi ka na dadating,” sabi nito at hinalikan siya sa pisngi. “Nakatulog sa kaiiyak si Simone. Sa tingin ko pwede na natin siyang iwan.”
Hinayaan niya itong alalayan siya palabas. Nagpaalam na sila sa kawaksi ni Simone matapos ibilin ang dalaga. “Anong nangyari sa kanya?” tanong niya.
“Nag-usap sila ni Alonzo kanina. She told him that she loves him. Pero ni-reject siya ni Alonzo. Sinabi ni Alonzo na may mahal na siyang iba.”
“Totoo ba iyon?” Baka mamaya ay gawa-gawa lang iyon ni Alonzo para itaboy si Simone. Sa palagay niya ay alam ni Alonzo na gusto ni Nikos si Simone.
“I don’t know. Sa aming magkakaibigan, si Alonzo ang pinakamalihim. But one thing’s for sure, he doesn’t lie,” he said with a dark expression. “Mabuti na lang nandoon din ako sa restaurant na iyon. Naalalayan ko si Simone.”
“She is lucky to have someone like you,” di niya maiwasang sabihin.
“You are also her friend and you are there for her.”
“Aalis din ako kaya ikaw na ang bahala sa kanya.”
Kumunot ang noo nito at sinulyapan siya. “Where are you going?”
“Back to Miami. They offered me a new position. Mas malaki ang sweldo. It is something that I can’t refuse.” Tinawagan niya agad ang dati niyang boss kanina. They were eager to work with her again. And she was eager to forget Nikos.
“I never thought that you want to leave.”
“It is for the best,” nausal na lang niya.
“Paano naman ako? Iiwan mo ako?”
“You can always get a new executive assistant.”
“Hindi trabaho mo ang tinutukoy ko. It is about us,” he said with anguish.
“We kissed and so what? That’s hardly a relationship, Nikos!”
Inipinark nito ang kotse bago pa sila makalabas ng village nila Simone. “I don’t mean anything to you.” Bumalatay ang sakit sa mga mata nito.
“Do I mean anything to you?”
Hinawakan nito ang kamay niya. “This bracelet…”
“Is just a bracelet,” she added. “Does it really mean anything?”
Humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. “Why are you so cold?”
“This is the real me, Nikos. The girl who loathed you at the cruise. I am not the willing and able woman in Greece. I just played your game.”
Binitiwan siya nito. “So this is just a game to you.”
“You are the one who is playing the game!” Nakuyom niya ang palad. “Obviously, your heart belongs to someone else. To Simone. Wala na si Alonzo. So you can have her now.”
“Now it is Simone. Ano bang kalokohan ito, Arize?”
“I saw the two of you kiss!” di niya mapigilang bulalas.
“I was trying to console her. Damn it!” frustrated nitong wika.
Napanganga siya. “So that’s how you console women.”
Mahigpit nitong hinawakan ang manibela. “Kahit anong paliwanag ko sa iyo, di ka rin naman makikinig. You already painted me black.”
“Aminin mo na lang ang totoo, Nikos. You love Simone. And I don’t want to compete with a love. Lalo na’t sa kaibigan ko. Siya ang sinasabi mo sa tita mo na gusto mong pakasalan, hindi ba?” Nanatili itong tahimik. “I am not stupid. I should have known sooner so we won’t be in this mess.”
Tinakpan niya ang mga mata niya nang di na niya mapigilan ang pagpatak ng luha. Sinabi niya na hindi siya iiyak. But suddenly, it was too much. Kanina lang ay masayang-masaya siya at umaasa na mamahalin siya ni Nikos. Pero ngayon ay tuluyan nang nabura ang pag-asa niya. All that’s left was pieces of her broken heart.
Sinubukan nitong tanggalin ang mga kamay sa mata niya. “Arize, walang dahilan para magkaganyan ka kung si Simone lang ang dahilan.”
“Why? Because she dumped you?” Pinahid niya ang luha saka ito hinarap. “At pagkatapos mo siyang I-console, kailangan mo rin ako para di ka magmukhang kawawa. Well, I have news for you, Mr. Theron. I love you but I won’t let you pull me by the noose.”
“How could you say you love me if you are leaving me?”
“Dahil hindi ako martir.” Ayaw niyang matulad sa mommy niya na sinira ang sarili dahil sa daddy niya. Hindi siya bulag. Mas gusto niyang nasasaktan at nasa malayo kaysa kasama nga niya si Nikos pero nagmumukha naman siyang tanga. “I saw you when you kissed her. And I wonder if you also look like that whenever you kiss me. And I can’t pretend that it doesn’t hurt. Kasi parang pinapatay ako.”
Niyakap siya nito. “I am sorry, Arize. I didn’t mean to hurt you. But I can’t let you go either.”
“Enough, Nikos.” Itinulak niya ito palayo. Tinanggal niya ang bracelet sa braso niya at inilagay sa palad nito. “You are so cruel if you won’t let me go. Let’s just end this while I can still save myself. Please.”
Bumaba siya ng kotse nito at pinara ang dumadaang taxi. She didn’t dare look back. Wala na sa kanya kung hinabol man siya nito o hindi. If only you told me that you love me, I would stay.
Dahil kahit sa huling pagkakataon, umasa siyang mahal siya ni Nikos.