“Good morning, Pa!” bati ni Reese sa ama nang samahan ito sa verandah para mag-almusal. Eksaktong alas siyete ay handa na siyang pumasok sa trabaho. Iyon ang pinaiiral na batas sa bahay nila. Kailangang eksaktong alas siyete ay handa na ang almusal. Disciplinarian kasi ang Papa niya.
Rodrigo Polavieja was a perfectionist. Dahil dating heneral ang lolo niya, naipasa sa Papa niya ang pagiging disciplinarian. At pati sa kanilang mga anak nito ay iyon din ang ipinamulat sa kanila. Dapat laging nasa tamang oras o mas maaga pa. Kaya naman maganda ang takbo ng publication na pag-aari ng pamilya nila kung saan ito ang publisher.
“Morning,” bati rin nito at di man lang inaalis ang tingin sa diyaryong binabasa. “Anong oras ka na nakauwi kagabi?”
“Around one o’clock in the morning, Pa. Alas dose na kasi dumating ang first launcher na maghahatid sa mga bisita pabalik sa marina,” paliwanag niya at nagsalin ng juice sa baso.
“How about your investigation? May maganda bang resulta? Did Vicar show up at the party?” tanong nito at bahagyang inangat ang tingin mula sa diyaryo.
Sumimangot siya sa puntong iyon. “There was no Vicenzio Vicar, Pa. All they had was a reggae band served with champagne and hors-d'oeuvre. The food was great though it would take me a week to nibble before I really taste it. It’s the champagne that was superb. You should serve it on your next party.”
“It probably costs a fortune, Reese. Don’t give our father ideas like that,” anang kuya niya nang bumungad sa verandah.
“Good morning, brother,” she greeted sweetly.
“Did you have any lead regarding the rave party drug dealings?” tanong agad ang Papa niya dito pag-upo nito.
“I have to gather more evidence, Pa. But it is confirmed that Vicar’s men are behind it. Ayoko nang bumalik sa bar na pinuntahan ko kagabi. Their wine isn’t as great as the champagne you enjoyed at the party, Reese,” sarkastiko nitong wika.
She rolled her eyes. Na parang kasalanan pa niya kung nag-enjoy siya sa party at ito ay hindi. “I had no choice but join the fun. Hindi ako pwedeng tumunganga at magmukmok habang hinihintay ang pagdating ng Vicar na iyon. Ni wala nga kahit anino niya. Palpak ang impormasyon mo!” paninisi niya.
“Baka nagbago lang ng isip si Vicar sa pagpunta sa party. O kaya may aversion pala siya sa tubig. Pero mapagkakatiwalaan ang mole ko.”
Naglagay siya ng hotdog at sinangag sa plato. “Kung ako si Vicenzio Vicar, mas gugustuhin ko nga namang makipag-party sa mga pating kaysa pumunta sa yacht party na iyon. Out of place siya. Halos lahat ng bisita puro kaedad natin. Nasayang lang tuloy ang oras ko.”
“You can’t blame me for trying. Malaking balita kung sakaling mapapatunayan na si Vicenzio Vicar nga ay isang drug lord. Kaya nga lahat ng lead na pwede nating makuha, ginagawan natin ng paraan. He is Andreas del Pierro’s godfather. Imposibleng di niya imbitahin ang ninong niya. Saka di ba mas ideal nga na mag-deal sa yacht party? Di masyadong halata.”
Tinaasan niya ito ng kilay at sumubo. “Baka naman napanood lang iyon ng informer mo sa Internal Affairs.”
“What’s Internal Affairs?” tanong ng Papa niya.
“Hong Kong film tungkol sa isang pamilya na pinuno ng Hong Kong Triad. Tapos nagkaroon sila ng eksena sa floating casino. Malamang napanood din iyon ni Vicar kaya di na niya uulutin.”
“Magpapabili nga ako ng DVD ng Internal Affairs na iyan,” anang Papa niya at humigop ng kape. “Stephen, wala ka na bang mas reliable na source?”
“I still trust my informer, Pa.” Saka siya matalim na tiningnan. “Baka naman mamaya sa sobrang enjoy mo sa party, di mo lang siya napansin.”
“Huwag mo nga sa aking isisi ang kapalpakan mo, Kuya. Kailan ba ako nagpabaya sa trabaho? Halos namuti na nga ang mata ko sa kahihintay. Tapos sumakit ang paa ko dahil naka-high heels ako. Bigyan mo ako ng pampa-foot spa dahil nagpaltos ang paa ko,” ungot niya.
“At kailan ka pa nakakilala ng foot spa?” kantiyaw ng kuya niya.
“You are becoming mushy, Reese. Dikit ka kasi nang dikit sa Tita Harlene mo. Baka nakakalimutan mong pambabae lang ang foot spa.”
Maang siyang napatingin sa ama. “Babae ako, Pa,” paalala niya.
Bigla itong tumingin sa kanya. Parang nagulat pa sa sinabi niya. Parang di babae ang tingin nito sa kanya. Akala yata nito ay dalawa ang anak nitong lalaki.
“Well, you are female enough without those,” anito at nagpatuloy sa pagbabasa ng diyaryo.
Tahimik niyang ipinagpatuloy ang pagkain. Namatay ang Mama niya noong pitong taong gulang siya at sampung taon naman ang Kuya Stephen niya. Foreign correspondent noon ang Papa niya at nasa Latin Amerika para mag-cover ng giyera. Ang sabi ng Tita Harlene niya na bunsong kapatid ng Papa niya, namatay daw sa sama ng loob ng Mama niya.
Lumaki siya sa pagsubaybay ng Papa niya. Noong una, napapansin niya na ang kuya lang niya ang paborito nito. Dahil parehong lalaki ay pareho ang mga ito ng hilig. Lalo na nang manalo sa various awards bilang young journalist sa eskwelahan ang kuya niya.
Gumawa siya ng paraan para mapalapit sa ama. She had an eye for good pictures. Hinasa niya ang sarili para maging photojournalist kahit. Nang mag-college, nag-training na siya sa photo department ng publication ng Papa niya. She focused more on challenging news. Iyong laging nakabingit sa panganib ang buhay niya.