Nang maka-graduate sa college ay kinuha siya ng Ninong Erik niya na chief photographer para sa kabubukas pa lang ng photo news agency – ang International Press Photo. Noong una ay ayaw siyang pakawalan ng Papa niya. Pero nang sabihin niya na mas mae-expose siya sa mas malalaking balita, saka lang siya pinayagan nito. Sa dami ng panganib na nadaanan niya, unti-unti na siya nitong nare-recognize bilang anak nito. She was not invisible anymore. But he only recognized her a photojournalist. His child who thrives on danger. Not as a daughter.
“Reese, I will inform you when I get a new tip.”
“Pwedeng pass muna ako, Kuya? I missed The Correspondents last night. Matagal ko nang hinihintay ang documentary nila na iyon. I don’t want to miss the History Channel special this week. Bahala ka na muna sa report mo,” sabi niya. Panonood na nga lang ng TV ang kaligayahan niya ay nami-miss pa niya.
“You know that I can’t do it alone. I need your help!” giit nito.
“Help your brother, Beatreese!” Saka lang nabubuo ng Papa niya ang pangalan niya kapag may iuutos ito sa kanya at di niya sinusunod. “Publication din naman natin ang makikinabang sa expose na ito.”
“Pa, kaya na iyan ni Kuya Stephen. He is your son after all.”
Nakita niya ang hesitasyon sa mata ng kuya niya. Kung tutuusin ay nakakaawa ito. Nakaatang sa balikat nito ang responsibilidad bilang lalaking anak. She eased that burden a bit. Pero naiinis pa rin siya kapag pinagtutulungan siya nito at ng Papa niya. Na parang wala siyang karapatan sa sarili niyang buhay.
“Hindi ka ba matutulog dito? Magpapaluto ako sa Tita Harlene mo ng chicken pie.” Sinusuyo na siya ng Papa niya para pagbigyan niya ito.
“Sa condo muna ako, Pa. Dito lang ako natulog para masabi ko sa inyo ang result ng imbestigasyon kay Vicar.” Inubos niya ang juice at pinunasan ang labi. “I will call you tonight, Pa.” Tinapik niya sa balikat ang kapatid. “Kumusta daw sabi ni Andreas. Kailan ka daw ba mag-aasawa?”
“Nagkausap pala kayo ni Andreas.”
“Oo. Nakausap ko rin ang iba pa niyang kaibigan.” Di lang niya masabi na tuluyan nang nasira ang gabi niya kundi dahil kay Marcoe. Hanggang makauwi nga siya kagabi ay di pa rin maalis ang ngiti niya kapag naiisip ito.
“Stay away from Andreas del Pierro and his friends. They are called ‘heartbreakers’ when we were in college. Umaabot sa ibang university at sa ibang bansa ang reputasyon nila sa pagpapaiyak ng babae. I guess it doesn’t change until now. Ayokong makasama ka sa listahan nila.”
“Concentrate on investigative reporting, bro. Don’t listen to gossips.”
“GOOD morning, Tita Lene!” bati ni Reese at humalik sa tiyahin na pakanta-kanta pa habang dinidiligan ang mga halaman nito sa garden. Yumakap siya sa baywang nito. “Bakit hindi kayo sumabay sa aming mag-breakfast?”
“Makukulili na naman ang tainga ko sa pagtatalo ninyong mag-aama. Mawawalan lang ako ng ganang kumain.”
“Hindi man lang tayo nagka-kwentuhan.” Nang mamatay ang Mama niya, ito na ang itinuring niyang pangalawang ina. Subalit nang maging teenager siya ay kinailangan nitong pumunta sa Amerika para alagaan ang lolo at lola nila na may sakit. Nakabalik lang ito sa Pilipinas tatlong taon na ang nakakaraan.
“Mas mabuti ngang dito na lang tayo sa garden magkwentuhan. Anong nangyari sa party?”
“Wala naman po doon ang ipinapahanap ni Kuya,” aniya at sinundan ng tingin ang paru-paro na palipat-lipat sa mga bulaklak.
“Spare me that one. I am pertaining to the real party. Gandang-ganda ba sila sa damit mo?” Ito kasi ang kasama niyang nag-shopping. “Dapat sa ganoong party ka nagpupunta. Para naman nabibihisan kita. Mga ganoong damit dapat ang isusuo mo. Hindi pantaloon at sneakers. You should wear skirts and dresses more.”
“Hindi iyon bagay sa trabaho ko, Tita.” Hindi niya ma-imagine ang sarili na naka-palda habang nakikipagbalyahan sa kapwa photojournalist o tumatalon sa mga barikada ng mga pulis kapag may rally nang dress ang suot niya. “Saka ayoko nang magsuot ng high heels. Ang sakit-sakit ng paa ko. Mabuti na lang okay lang kay Marcoe na sumalampak ako sa floor ng yate. Di ako masyadong nangawit.”
Inilapit nito nang bahagya ang tainga sa kanya. “Marcoe? May na-meet lang lalaki sa party.”
Hindi niya maitago ang ngiti nang tumango. “Well, he is Marcoe Arezmendi. He is half-French. And he asked me out on a date.”
“Kailan naman ang date ninyo?” kinikilig nitong tanong.
“I told him to find me first.”
Nanlumo ito. “Darling, how could you miss your chance? Don’t you like this Marcoe? Mukha namang gusto mo siya.”
“Uhmmm… I think I do. Only a stupid girl would say no to him. He has pretty eyes. Parang nakakatunaw tumingin,” pabulong niyang sabi. “Kaso sabi ni Kuya Stephen, kilala daw niya si Marcoe at ang mga kaibigan niya. They are heartbreakers. Baka niyayaya niya ng date ang lahat ng babaeng makilala niya.”