Heartbreakers Series Chapter 48

“Hay! Inggit na inggit nga ako sa iyo dahil maganda ka pa rin kahit na puyat. Dahil sa ka-date mo kagabi, no?”

Tumawa lang siya. Kahit na puyat pa siya at pagod, maisip lang niya si Marcoe ay nawawala na ang pagod niya.

Nagtakbuhan agad sila nang magsimulang maggirian ang mga raliyista at ang mga riot pulis. Nagharang kasi ng barikada ang kapulisan sa harap ng St. Peter’s Parish para di makalapit ang mga raliyista sa Batasan Complex. Habang ang mga raliyista naman ay nagpipilit na doon mismo magprotesta sa harap ng Batasan.

May sariling buhay ang mga kamay niya na mag-click sa camera para I-cover ang bawat pangyayari. She felt her heart pumping. This was what she loved. The tension, the danger and the action.

“Padaanin ninyo kami!” sigaw ng ilang raliyista habang tigas naman ang barikada ng mga pulis na pigilan ang mga ito.

Maya maya pa ay umulan na ng bato na nagmula sa hanay ng mga raliyista sa likuran. Nagtago sa shield ang mga pulis. Habang ang ibang mga raliyista ay hindi alam kung paano pipigilan ang mga namamato sa likuran. Dahil maging ang mga ito ay tinatamaan na rin ng bato mula sa mga kasamahan.

“Aray!” usal niya nang tamaan siya ng bato sa braso. Subalit kailangan niyang ituloy ang trabaho. “Pasa lang naman ito mamaya.”

At sanay na siyang masaktan at masugatan sa mga rally at iba pang mas peligrosong coverage. Di na niya iniinda ang mga ganoong tama.

Parang nayanig ang mundo niya nang isang malaking bato ang tumama sa noo niya. Binalewala niya iyon dahil marami siyang magagandang eksena na kinukunan. Subalit di mawala ang sakit. Naramdaman niyang mahapdi iyon at may mainit na likido na umagos sa mukha niya. Kinapa niya ang nasaktang noo. Pagtingin niya sa kamay niya ay may dugo doon.

“Reese, may sugat ka!” anang si Mike sabay kuha ng picture sa kanya.

“SA noo ka lang ba talaga tinamaan?” tanong ni Rodrigo nang dalawin siya sa condo niya kasama ang Kuya Stephen niya. Tinalian lang niya ng panyo ang sugat para maampat ang pagdurugo kanina.

Itinuro niya ang putok sa noo. “Opo. Dito lang. Pero may pasa ako sa braso.”

“Mas sikat ka na sa akin ngayon, ah!” anang kuya niya at tinapik siya sa balikat. “Samantalang pinaputok mo lang naman ang noo mo.”

Natawa lang siya. “Balita ko nga kasama ako sa headline news.” Sa mundo ng pagbabalita, laging importante ang buhay ng tao. Kaya kapag may namamatay o nasasaktan, laging inuuna ang mga casualties. At dahil kasama siya sa nasaktan kanina ay kasama siya sa headline.

“Kung gusto mo, sabihin mo kay Papa na magko-cover ka sa susunod na rally. Magpahampas ka ng batuta sa mga riot police.”

“Maganda ang mga kuha mo kahit na injured ka na, Reese. Kaya iyon na ang inilagay ko sa front page,” kwento ng Papa niya.

“Mas gusto ko nga na picture mo habang injured ang ilagay sa front page. Kaso sabi ni Papa mas madrama daw ang kuha mo sa habang naggigirian ang mga pulis at mga raliyista. Kaya iyon ang inilagay niya.”

Nagku-kwentuhan pa sila sa kung ano ang nangyari sa rally at sa hearing nang mag-ring ang doorbell. Nang mapagbuksan niya ng pinto si Marcoe ay niyakap agad siya nito. “God! I am glad that you are alive. Narinig ko sa news ang tungkol sa iyo habang pauwi ako sa Tagaytay. Saan ka nasaktan?”

“Just a little gash on my forehead. It is nothing serious.”

Nanlaki ang mata nito. “Nothing serious? Ang laki-laki ng sugat mo. Ni hindi pa nga yata nalalapatan ng first aid. Dapat dalhin ka sa ospital. Ipagamot natin.”

“Marcoe, calm down. Pumasok ka muna sa loob. Naroon si Papa at Kuya.”

“Good evening,” bati ni Marcoe sa mga ito. “Ipagpapaalam ko po sana kung pwedeng dalhin sa ospital si Reese.”

Humagalpak ng tawa si Stephen at napailing na lang si Rodrigo. “Hindi na kailangan. As you can see, my sister is perfectly fine.”

“Gusto ko lang makasiguro na walang ibang na-damage sa kanya.”

“Stop treating her like a sissy,” sabi ni Stephen.

Nakuyom ni Marcoe ang palad. “I am not treating her like a sissy. Injured si Reese. She needs medical attention.”

“If she needs medical attention, there’s the first aid kit in her cabinet,” anang si Rodrigo. “Hindi mo na kailangang dalhin pa siya sa ospital. It’s just a busted forehead. Nothing more.”

Lumaban ng tingin si Marcoe sa kalmanteng mata ng Papa niya. Ayaw niyang magkagulo ang mga ito. “It’s okay, Pa. Let me handle him.”

Tumayo si Rodrigo. “Let’s go, Stephen.” Bahagya itong tumigil sa harap niya. “Young man, my child is not lame. So stop treating her like one.”

“HINDI ko inisip kahit kailan na lampa ka,” nakatiim-bagang na sabi ni Marcoe habang umiinom ng kape. “I am just worried about you.”

Tumabi siya dito at humilig sa balikat nito. “Alam ko naman na nag-aalala ka lang sa akin. Huwag mo nang pansinin ang sinabi ni Papa.”

“Tumawag sa akin si Wyndham. He told me you look so bloody on TV. Natural natakot ako para sa iyo. Na baka serious ang naging injury mo.”

“He exaggerated it a bit,” tatawa-tawa niyang sabi.

“Exaggerated rin ang tingin mo sa akin kaya ayaw mong magpa-confine sa hospital? Kaya ba todo-tanggi ka kanina?”

Huminga siya nang malalim. “Not really. Pero sa trabaho namin, natural na ang masugatan at masaktan. Di na naming iniinda. Natural na ang ganitong mga aksidente. Kaya masanay ka na.”

“No. Hindi ako masasanay. I can’t bear to see you hurt,” he said emotionally. As if he would rather get hurt than her.

Yumakap siya sa leeg nito. “Maybe I should prove to you that I’m fine.”

She pulled his head down and their lips meet for a kiss. It was not like the safe kiss they used to share before. Kinalas niya ang butones ng polo nito at pinagala sa balat nito ang kamay niya. Her lips curved into a smile when he groaned.

“Touch me!” she commanded with a hiss. Nagulat pa ito sa sinabi niya. She tossed her blouse and unclasped her bra. She kissed again and it was so intimate to feel their bare chests touching. It was new and exciting but she wanted more. It was her time to groan when she felt his lips on her breasts. “I want more, Marcoe. More.”

Tumigil ito sa paggalaw at tinitigan ang mukha niya. “We must stop now while I can still can.”

She whisked kisses across his shoulder. “I don’t want you to stop. I don’t want you to pull back. I want this night to be ours. Right here. Right now.” When their lips joined again, both of them knew there was no turning back. Ayaw niyang gumising kinabukasan nang sasabihin niya sa sariling kulang ang buhay niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.