Heartbreakers Series Chapter 47

“Tita, sarapan mo ang luto, ha?” anang si Reese kay Harlene habang nagbe-bake ito ng apricot-raspberry pie para sa hapunan sa gabing iyon. “Para hindi na umuwi si Marcoe.”

“Malamang ako na ang pakakasalan niya at hindi ikaw.”

“Tita naman!” Niyakap niya ito. “Alam mo ba nagulat na lang ako nang humarap siya kay Papa at Kuya para sabihin na dadalaw siya dito?”

“He must be really a brave and virile man to be able to face those two.”

Kumuwit siya sa cream na topping ng pie. “He is exactly that. He manages his family’s winery in France. Sanay siyang makahalubilo sa iba’t ibang tao.” Di lang niya masabi na nagawa nitong makakuha ng impormasyon sa drug syndicate ng notorious na si Vicenzio Vicar na dahilan kung bakit lalong sumikat ang kuya at Papa niya.

“What’s important is that he makes you happy. You are one lucky girl to find a man like that. Kung mas bata lang ako, aagawin ko siya sa iyo.”

Naghahagikgikan sila nang pumasok ang Kuya Stephen niya. Kumunot ang noo nang makita siyang nakapalda. “Bakit ganyan ang suot mo?”

“Kasi ito ang uso,” katwiran niya.

Naningkit ang mata nito. “Hindi bagay sa iyo na sumunod sa uso.”

“Naiinggit ka lang dahil hindi ka makapagpalda,” kantiyaw niya. Hindi na siya balat-sibuyas kapag may crass remark ito sa kanya. Mas naniniwala siya kay Marcoe. He never failed to tell her how beautiful she was whenever they meet.

“Huwag mo ngang pag-initan ang suot ni Reese,” saway ng Tita Harlene niya. “Ano bang kailangan mo?”

Ngumiti ito nang makita ang raspberry pie na ginagawa ng tita niya. “Wow! Ipagtira mo ako mamaya, Tita. Kakainin ko pagbalik ko.”

“O, bakit? Saan ka pupunta?”

“May importanteng meeting kaming pupuntahan ni Papa. Baka doon na rin kami mag-dinner.”

“Ha? Pero dadating si Marcoe, Kuya. Dito siya magdi-dinner,” paalala niya.

Iyon na kasi ang pagkakataon ni Marcoe para patunayan sa mga ito na seryoso ito sa kanya. Na di ito ang Marcoe na nababasa sa mga gossip sheets. At ipakita sa kuya at Papa niya na di siya nagkamali sa pagpili dito.

“Reese, importante ang meeting namin na pupuntahan ni Papa. Uunahin pa ba namin iyon kaysa sa Marcoe mo. Saka ikaw ang dadalawin niya at hindi kami.”

“Gusto rin niya kayong makausap ni Papa. Kung alam ninyong may meeting kayo, sana di na lang ninyo pinapunta iyong tao. Ano na lang ang sasabihin niya kapag nadatnan kayong wala dito.”

Ngumisi ito. “Wala siyang kailangang sabihin. Saka siya ang may gusto na pumunta dito. Di naman namin bitbitin ni Papa ang bahay. Si Tita Harlene na lang ang paharapin mo sa kanya.”

Di niya mapigilang umiyak nang marinig niyang umalis ito at ang Papa niya. “Bakit ganoon sila, Tita? Bakit di nila magawa ang mga simpleng bagay na magpapasaya sa akin? Dadalaw lang naman si Marcoe, ah!”

“Tahan na. Siguro di lang sila boto kay Marcoe para sa iyo.”

“Kaya nga po gumagawa nang paraan iyong tao para maipakita na di naman siya masama. He deserves a fair chance. Sinadya nilang mapahiya ako. Why do they hate me? Parang ayaw nilang maging masaya ako. Parang hindi nila mapagka-tiwalaan ang judgment ko kapag labas na sa trabaho ang mga desisyon ko.”

“Parang hindi mo kilala ang kuya at Papa mo. Masyadong ma-pride ang mga iyan. They hated to be proved wrong. Pakiramdam kasi nila lagi silang tama,” paliwanag nito. “They don’t like Marcoe. Ang alam nila paglalaruan ka lang. Pero anong ginawa ni Marcoe. Hinarap sila at ngayon dadalawin ka pa dito. Ito lang ang paraan nila para masagip ang pride nila.”

Men. Iyon ang di niya maintindihan ang kuya at Papa niya. Masyado bang superior ang mga ito? That being rude could be excusable just to suit them?

“Bakit puro na lang sila pride? Di nila naisip na nakakasakit na sila.” Di lang siya ang masasaktan kundi maging si Marcoe din.

Niyakap siya nito. “Tumahan ka na. Nandito pa naman ako, di ba?”

“THANKS for the nice dinner, Ma’am. I really enjoy it,” anang si Marcoe sa Tita Harlene niya. He kissed the back of her hand.

Hinampas ito ng Tita niya sa balikat. “Ito naman, o! Tita na lang sabi ang itawag mo sa akin. Basta babalik ka, hijo. Turuan mo naman ako ng bagong recipes na alam mo. At salamat sa cabaret sauvignon.”

“Sure, Tita. Magdadala po ulit ako sa susunod.”

Iniwan sila ni Harlene sa gate matapos magpaalam. Saka lang sila nagkaroon ng pagkakataong magkasarilinan ni Marcoe. Throughout dinner, palaging Tita Harlene niya ang kausap nito. Ibinubuko ang mga sekreto niya. The dinner went well. Pero nakakapagod habang pinupunan niya ang nawawalang presensiya ng Papa niya at Kuya Stephen niya.

“Sorry. Hindi natin nakasama sila Papa,” aniya nang ihatid ito sa kotse.

He caressed her face. “Hey! Bakit ka naman magso-sorry? Sinabi mo na may importante silang meeting, hindi ba? I really don’t mind. Saka nandiyan naman ang Tita mo para I-entertain ako. Next time na lang siguro kami magku-kwentuhan ng Papa at kuya mo kapag di na kami busy. O yayayain ko silang mag-golf.”

“Thank you, ha.” Nag-aalala siya dahil baka nainsulto ito sa di pagharap dito ng kuya at kapatid niya. “Next time, titiyakin kong di sila aalis.”

“Next week, may charity ball ang family nila Alonzo.” Ginagap nito ang kamay niya. “I want you to come with me.”

Nagningning ang mata niya. “Really?” Pakiramdam niya ay si Cinderella siya na niyaya sa ball ng prince. “Sigurado ka?”

“Yes. Pati sa susunod na parties at sa susunod pa.”

“It means I have to ward off other women from you.”

He nuzzled her hair. “I don’t care about them. You will always have my eyes on you. I am all yours, Reese.”

Her lips curved into a smile. That was the sweetest words she ever heard. It was like a dream. But Marcoe was sweeter than a dream. Sana di na iyon matapos.

“I THINK this will be a very nice day,” mahinang usal ni Reese at inunat ang dalawang kamay. Nakatambay silang mga photojournalist sa isang bahagi ng Commonwealth Avenue habang pinagmamasdan ang pag-iipon-ipon ng raliyista.

Kasalukuyang ginaganap ang hearing sa Kongreso tungkol sa drug syndicate expose sangkot ang malalaking pangalan sa mundo ng pulitika, military at maging sa business sector. Kung sinu-sino na ang nadadamay.

“Anong oras ka na umuwi kagabi?” tanong ni Mike, isa sa mga kasamahan niyang photojournalist na nag-cover ng charity ball na dinaluhan nila ni Marcoe nang nakaraang gabi. Naging maugong ang pangalan niya dahil kasama niya si Marcoe. And like what he promised, he didn’t take her eyes off her.

“Siguro twelve pa lang nakauwi na ako,” sagot niya. “Ikaw? Mukhang antok na antok ka, ah!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.