Heartbreakers Series Chapter 50

Nagulat ang lahat nang malaman ang balita sa pagsabog ng bulkan. “Oh, Jesus! I should send donation to those poor people soon,” sabi ng Mama ni Alonzo.

“I am willing to help too,” anang Mommy ni Marcoe na si Dulce.

“I am sorry that I have to spoil your fun,” sabi niya. “But I really have to go now. I have a flight to catch.” Humalik siya sa mommy ni Marcoe. “I will visit you once I am back, Tía.”

“Take care, mon amour,” anang si Dulce.

“Ihahatid na kita,” sabi ni Marcoe.

Tinapik ito ni Stephen sa balikat. “Ako na ang bahalang maghatid sa kanya.”

Nagulat si Marcoe. Akmang magpoprotesta. “Si Kuya na lang ang maghahatid sa akin, Marcoe. It is bad enough that I am leaving this party. Kailangan mo ring alalayan ang mommy mo sa pag-e-entertain ng mga bisita.”

He kissed her firmly on the lips. “Basta mag-iingat ka, ha? Keep in touch, chère. At kakain ka sa oras, okay?”

“Salamat, Kuya,” sabi niya kay Stephen. Di kasi siya komportable kung ihahatid siya ni Marcoe sa airport. Pareho lang silang natetensiyon. Na parang ayaw na nilang maghiwalay pa.

“Ayoko lang na magtalo kayo ni Marcoe,” sabi nito.

“Ha? Bakit naman kami magtatalo?” tanong niya. Kahit kailan nga ay wala pa silang pinagtalunan nito. Marunong kasi silang magpasensiya sa isa’t isa.

“Because you left the party for the coverage.”

“Hindi mababaw si Marcoe. Naiintindihan niya ang trabaho ko. Siya rin naman kasi bumibiyahe sa abroad, hindi ba?”

“But I bet he would travel halfway around the world if you tell him to come to you. Magkaiba kayo, Reese. Sa ngayon naiintindihan ka niya dahil nagsisimula pa lang ang relasyon ninyo. But for how long? Kapag sunud-sunod na ang di mo pagsipot sa mga usapan mo. Kapag lagi ka nang late sa mga gatherings at di ka nakakapunta sa espesyal na okasyon , mapapagod din siya sa iyo.”

“No. Marcoe is a very patient guy.”

Mapait itong ngumiti. “Do you know what they say about reporters? Our love life sucks. Di tayo maiintindihan ng mga tao sa paligid natin. Look at me. I am at the peak of my career pero wala naman si Allison. She left me even if I proposed marriage to her. Di daw niya kayang mabuhay kasama ako. Lagi lang daw siyang mag-aalala at masasaktan. Iyan din ang mangyayari sa iyo.”

It could have happened to her father too if only her mother didn’t die. Iniwan na nga lang nito ang papa niya sa ibang paraan. She died because of heartache. Because she felt neglected.

“Iba si Marcoe, Kuya. Hindi siya katulad ni Allison. We can work it out.”

Umiling ito. “Huwag ka nang umasa. Face it. Tingnan mo nga kung sino sa mga kasamahan natin ang may matatag na relasyon. Mangilan-ngilan at dahil lang galing din sa media ang ka-partner nila kaya sila nagkakaintindihan. Walang ibang makakaintindi sa iyo kundi kami lang ni Papa.”

Parang sinabi nito na iikot na lang ang mundo niya dito at sa kapatid niya. Na wala siyang ibang makakaramay sa buhay kundi ang mga ito rin. She loved Marcoe. He showed her a different kind of world. Di tulad ng magulong mundo kung saan siya nabuhay. He made her feel and protected.

I will prove you and Papa wrong, Kuya. Hindi ako matutulad sa inyo na iniwan ng mga mahal ninyo. Hindi ako iiwan ni Marcoe.

REESE felt battered when she reached Marcoe’s penthouse condo. Ala una na noon nang madaling araw. Galing siya sa Albay para I-cover ang pagsabog ng Bulkang Mayon. Naubusan siya ng seat sa flight pabalik sa Manila kaya pinili na lang niya at ng ibang mga kasamahan na umarkila na lang ng van pabalik sa Manila.

Pinagbuksan siya ng pinto ng pupungas-pungas na kawaksi ni Marcoe. “Pasensiya na kung nakaabala ako. Nasaan ang Sir Marcoe mo?”

“Kanina pa po kayo hinihintay, Ma’am.”

Nang tanawin niya ang table ay nakayukyok doon si Marcoe. Nakatakip ang mga pagkain na ihinanda nito. Patay na rin ang kandila. Tunaw na rin ang yelo sa ice bucket at di man lang nagalaw ang champagne.

“Bakit hindi mo siya pinapasok siya kuwarto niya?”

“huwag daw pong gagalawin ang mga iyan hangga’t di kayo dumadating.”

“Sige, ako na ang bahala sa kanya.” Hinaplos niya ang buhok ni Marcoe. Ngayon na lang sana sila magde-date dahil hindi nagdya-jive ang schedule nila. Pero na-late pa rin siya. “Marcoe, wake up. Nandito na ako.”

Namumungay ang mata nito nang iangat nito ang tingin. “Reese?” Ihinilamos nito ang palad sa mukha. “Di ko alam na nakatulog ako.” Tiningan nito ang diver’s watch. “It’s one in the morning. Bakit ngayon ka lang?”

“Di na ako nakahabol sa flight kanina. Kaya napagkasunduan namin ng mga kasamahan ko na mag-travel na lang by land. Natagalan tuloy kami.”

“Sana sinabi mo sa akin. Ipapasundo na lang sana kita sa Lear Jet.”

“Di ba ginamit ng mommy at daddy mo papuntang Napa Valley ang private plane ninyo?” tanong niya.

“Well, there’s always Wyndham’s Lear Jet. Dalawa pa iyon.” Wyndham’s family owned Royal Air, isang airlines company and bunch of chartered planes.

“Hindi na. Ayoko nang makaabala sa inyo. It would be such a bother anyway.” Nasanay siya na ayusin ang sariling mga problema. Kahit kailan ay di siya humihingi ng pabor kay Marcoe lalo na’t kaya naman niyang ayusin ang mga problema niya. It was how her family reared her up.

“Boyfriend mo ako, Reese!” he said with controlled anger in his voice. “I want you to bother me para naman maramdaman ko na naalala mo ako at kailangan mo ako. Kung may hindi ka kayang gawin, nandito ako para tulungan ka.”

Mainit marahil ang ulo nito dahil kagigising lang. Hinaplos niya ang mukha nito. “Huwag ka nang magalit. Nandito naman na ako, eh! And I never forget you. Here.” Inilapag niya sa harap nito ang isang bato. “For you.”

“What is this?” In-examine nito ang bato. “A pumice rock?”

“Ikinuha kita ng remembrance. Weird nga doon. Habang nagkakagulo sa evacuation ang mga residente, nagdadagsaan naman ang mga tourists para panoorin ang pagsabog ng bulkan,” kwento niya.

“Come here,” sabi nito at hinila siya sa kandungan nito. “Next time, isipin mo rin ako. Di lang para sa remembrance. Sasabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari sa iyo para hindi ako nag-aalala.”

“Gusto ko sanang tumawag sa iyo pero minsan walang signal.”

He touched her face then her shoulders. “Di ka ba nasabugan ng bulkan?”

“No. I am perfectly safe.” Sinulyapan niya ang hindi nagalaw na pagkain. “I am sorry about the dinner.”

“It’s okay. As long as you are safe.”

Inilapit niya ang mukha nito. “I will make it up with you, Marcoe.”

She brushed her lips softly against his and she felt him shiver. Then he put his arms around her and kissed her fiercely. She knew that it was just start of the long night of loving ahead of them.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.