“Wake up, sugar,” malambing na sabi ni Reese kay Marcoe. She woke him up with kisses. “I have a surprise for you. Breakfast in bed!”
Umungol ito at pumulot ang kamay sa baywang niya. Then he pulled her down on top of him. “You are all I want for breakfast.” Then he started to kiss her neck. She couldn’t help but giggle.
“Marcoe, baka wala ka pang energy para diyan. Nasabi sa akin ni Aling Martha na hindi ka pa kumakain ng hapunan dahil sa paghihintay mo sa akin. Kaya kumain ka muna, please. Ayoko ring pabayaan mo ang sarili mo.”
He embraced her tightly, they’re bodies were almost one. “I just miss you, chere. Ilang araw na kasi tayong di nagkakasama.”
“I miss you, too.” Kinintalan niya ito ng halik sa labi. Kung pwede nga lang ay di na siya umalis sa tabi nito. “Get up! Let’s have breakfast together.”
“Ikaw ba ang nagluto nito? Mukhang masarap, ah!”
“I love you, Marcoe. Kaya hindi kita ipinagluto. Nagpatulong lang ako kay Aling Martha.” Tapsilog ang favorite Filipino dish nito kaya iyon ang ipinahanda niya kay Aling Martha. “Gusto ko kasing makabawi sa iyo.”
“Gusto mo talagang makabawi sa akin, ha? Marami kang utang sa akin.”
Tumango siya. “But I always make it up with you,” she said with a mischievous grin. “Ibig sabihin di pa rin pala ako bayad sa iyo.”
“Pwede ka bang magbakasyon next month? Gusto ko kasing sumama ka sa akin sa France. Para maipasyal kita sa vineyard.”
Natigilan siya sa pagsubo. “Titingnan ko, ha? Ipagpapaalam ko muna kay Ninong Erik.” But she highly doubted it. Kulang sila ng tao. Ang irregular photographer nila o stringer ay nag-resign na. Wala pang papalit kung sakaling mag-leave siya sa trabaho.
“Papayag iyon,” kampanteng sabi nito. Ginagap nito ang kamay niya. “I have something important to tell you. Dapat nga sa dinner ko pa kagabi sinabi ito.”
Nag-ring ang cellphone. “Excuse me, Marcoe.” Sinagot niya ang tawag. “Hello, Dad!” bati niya kay Erik. “Kadarating ko lang kaninang umaga.”
“Reese, the Israeli forces had just attack Lebanon. You have to fly to Beirut now,” sabi nito. “Secretary ni Sir Isaac ang magdadala ng allowance at ng plane ticket mo. Meet her at the airport’s café at ten. Eleven o’clock ang flight mo.”
“What?” bulalas niya. “Ngayon ako mismo aalis? Ni hindi ko pa nga nae-empake ang mga gamit ko from Albay.”
“Then pack your stuff now!” utos nito.
“May nangyari ba?” tanong ni Marcoe nang bumalik siya sa mesa.
Straight niyang ininom ang orange juice. “I am sorry, Marcoe. Sumugod ang mga Israeli forces sa Lebanon. I have to fly to Beirut this morning.”
Binuksan niya ang mountaineer’s backpack kung saan may natira pa siyang malinis na damit at pinalitan ang bathrobe na suot niya. Nakahalukipkip si Marcoe at pinagmamasdan siya. “Ganoon lang? Aalis ka na naman? Kagagaling mo lang sa Albay kahapon tapos ngayon sa Lebanon ka naman pupunta. From volcanic eruption to war! Di ka ba mapipirmi kahit man lang isang araw, Reese?”
“I have no choice, Marcoe. Trabaho ko ito.” At isang malaking balita ang giyera na iyon. She couldn’t say no to big news.
“Don’t you dare walk out on me this time,” he said firmly.
Natigilan siya sa paglalakad bitbit ang backpack niya. “What? I am not walking out. Magtatrabaho lang ako.”
“Flying to Beirut and going to the war zone is walking out on my book. You are leaving me after we had just made love early this morning. Iiwan mo na naman ako. You were never there for me. Lagi kang late sa mga usapan natin. At bigla ka na lang naglalaho sa mga espesyal na okasyon. You weren’t even there during my…”
Itinaas niya ang kamay para patigilin ito. “Marcoe, I don’t have time for this drama. I still have so many things to do. I have a flight to catch. The least you can do for me is refrain from arguing with me.”
Madilim ang mukha nito. “I mean it, Reese. Once you walk out of that door, we are over!” mariin nitong sabi.
Di siya natakot sa banta nito. Para kasi sa kanya ay nagiging irrational lang si Marcoe. Nagtatampo marahil o kaya ay nag-aalala. “It means you are not driving me to back to my condo and you won’t drive me to the airport. It’s okay.” Hinalikan niya ito sa labi. “Let’s talk when I come back, okay?”
DAHAN-DAHANG pumasok si Reese sa kuwarto ng opisina ni Marcoe. Nakakunot ang noo nito habang pinag-aaralan ang ilang dokumento. Bahagya siyang kumatok at saka lang nito inangat ang ulo. “Hi!” bati niya at hinalikan ito sa pisngi. “Masyado ka yatang seryoso diyan sa binabasa mo, ha?”
Walang buhay siyang tiningnan nito. “Dumating ka na pala.” He didn’t even bother to look excited or even fake a smile. Parang ayaw pa nga nitong makita siya.
Umupo siya sa harap nito. “Pumunta agad ako dito from the airport dahil na-miss kita. Matindi ang experience ko sa Lebanon. At para makalabas ng Lebanon, kinailangan ko pang pumunta sa Syria para lang makakuha ng flight sa Pilipinas. Marami nga akong kasabay na mga Filipino.” Natigilan siya sa pagku-kwento nang mapansin na di naman ito interesadong makinig kanya. “Marcoe, are you listening?”
Tumango ito. But his eyes showed lack of interest. “So what do you have for me, chere? A postcard with bullet hole?”
She was taken aback by his sarcasm. Marcoe was never sarcastic. At lagi itong attentive sa mga kwento niya tuwing nagko-cover siya. “Wala akong pasalubong sa iyo,” nausal na lang niya at nagdesisyon na ibibigay na lang niya ang pasalubong dito kapag nasa mood na ulit ito. “Hindi ko gusto ang sinabi mo sa akin noong nakaraan. Pinagbantaan mo ako na tapos na ang lahat sa atin kapag umalis ako. Ayoko sa lahat pinagbabantaan ako.”