Heartbreakers Series Chapter 8

“So finally, we are in Belize City,” usal ni Arizona habang tinatanaw ang isla mula sa deck ng barko. Maaga siyang gumising nang umagang iyon dahil sa wakas ay makakatapak na siya sa lupa. Ilang araw din na puro tubig ang nakita niya.

Magbe-breakfast muna siya kasama si Nikolos. She would finish her business with him. Then she could indulge herself to her dream vacation.

Nagpalinga-linga siya sa paligid ng restaurant. Wala ito. “Baka napuyat sa pambababae.” Di lingid sa kanyang maraming nagkaka-interes dito nang magkasama sila sa restaurant kagabi.

Um-order siya ng kape at chocolate pancake. Napapangalahati na niya ang pancake pero di pa rin dumadating si Nikolos. “Aba! Wala yatang balak magpakita. Ano bang klaseng lalaki iyon? Ako pa ang pinaghintay. Gusto yatang mademanda.”

Nasa good mood pa mandin siya. Kung kakausapin lang siya nito nang matino at makapagbigay ito ng magandang proposal, baka I-consider niya na makipag-off the court settlement na lang.

“Good morning, Miss Calderon,” pormal na bati sa kanya ng mukhang Japanese na kasama ni Nikolos kahapon.

“Good morning. You are Nikolos Theron’s friend, right?”

“Make that friends, Miss Calderon,” anang mukhang European. “I am Marcoe Arezmendi. And this is Ryuji Tezuka.” Itinuro nito ang Japanese.

“Wyndham Archer,” pagpapakilala ng blue-eyed na lalaking noon lang niya nakita. Nakipagkamay ito sa kanya. Mukhang friendly ang dalawa habang si Ryuji ay mukhang pormal. “Nikos told us about what happened. We are actually nicer than him. Kaya huwag kang maiilang sa amin. After all, pare-pareho tayong Pinoy.”

Di niya maiwasang mapangiti. Ibig sabihin ay may Filipino blood din sina Ryuji at Marcoe. “Care to join me for breakfast?” yaya niya.

“Sure!” anang si Wyndham at umupo agad sa tapat niya. They looked well off like Nikolos. Despite of their playfulness, she could see a hint of aristocracy and grace there. At hula niya, mga playboy din ang mga ito.

“Actually, I have an appointment with Mr. Theron today,” sabi niya nang maka-order ang tatlo. “I wonder why he isn’t here right now.”

Ryuji stopped stirring his coffee. “We came here on his behalf.”

“I thought you are not his lawyer. Bigla ba siyang nanginig sa takot sa akin at di na niya ako maharap ngayon?” Akala niya ay okay na silang dalawa kagabi. Na ang hinihintay na lang nito ay ang sagot niya. Dapat talaga di siya nagpauto dito.

Natigagal si Wyndham sa kanya. Mukhang nagulat sa pagtataray niya. “Ah, hindi naman sa ganoon, Miss. May emergency lang.”

“Emergency?” Matalim ang mata niya itong tiningnan. “Ang sabihin mo, tinakasan ako ng kaibigan mo.”

“He received an important call last night. He has to go to Greece. The helicopter flew him last night,” Ryuji explained.

“What a clean escape!” Kalilimutan na rin nito malamang ang responsibilidad sa kanya. At ang mga pangako nito, naglahong parang bula.

“Hindi ka niya tinakasan,” depensa naman ni Marcoe. “Sinabi nga niya na kami na ang makipag-usap sa iyo.”

“Siya ang may kasalanan sa akin, kaya siya ang kakausapin ko.”

“As you can see, he is not here. We are his trusted friends. Whatever your demands are, we’ll tell him,” Wyndham explained.

“It is not the same.” Kung anuman ang problema nila ni Nikolos, gusto nila sa kanila na lang. Ayaw niyang may iba pang masasangkot. Isa pa, mas komportable siya na gisahin si Nikolos. Hawak niya ito sa leeg dahil ito ang may atraso sa kanya.

“I don’t think he can go back to the cruise,” sabi ni Ryuji.

Tumayo siya. “Then he must look for me. With all his resources, I am sure he can find me and settle this for once.” Hindi siya ang iikot ng mundo para lang hanapin ang Nikolos Theron na iyon.

“Are you going to file the case if he doesn’t show up?” tanong ni Marcoe.

“Yes! That is the right thing to do. Kung gusto niya, abogado ko ang kausapin niya. I don’t care about his threats and bribe.” Tuluyan nang tinangay ng hangin ang good mood niya. “Kung gusto niyang iurong ko ang kaso, maghanap siya ng ebidensiya na mag-a-acquit sa kanya. Till then, I’ll see him in court.”

“HI, cousin! How’s the cruise? May mga guwapo ka bang nakita doon?” bungad ng pinsan ni Arizona na si Fatima. Ka-share niya ito sa apartment sa Miami. Empleyado ito sa boutique ng hotel nila.

“Meron din,” matabang niyang sagot at tumuloy kusina.

Nanginginig ang tuhod niya. Iba pala ang pakiramdam kapag ilang araw sa barko. Parang di na sanay ang paa niya na maglakad sa lupa. Nang pauwi kasi sila ay may nasalubong silang bagyo. Naging maalon ang dagat. Nakakahilo.

“Wala ka bang naiuwi?” tanong nito.

“Pasalubong? Meron. It’s inside my suit case.”

“Lalaki ang itinatanong ko. Hindi pasalubong.”

Tinungga niya ang orange juice at nagsalin ng panibago. “Ano naman ang gagawin ko sa lalaki? Wala naman akong mapapala sa kanila.” Pahamak lang ang mga ito. Katulad ni Nikolos Theron. Di talaga dapat pagkatiwalaan.

“Chance mo nang makabingwit ng mayaman at guwapo, pinalagpas mo pa!”

“Magtrabaho na lang tayo kaysa isipin mong makabingwit ng mayaman. Ang mga lalaking mayayaman, napakahambog. Akala nila magpapakamatay ka para lang sa pera nila. Magpayaman ka na lang para sila ang sasampalin mo ng pera mo. At walang lalaking mang-aapi sa iyo.”

Umasim ang mukha nito. “Ano bang sinasabi mo? Iyan ba ang napulot mo sa cruise mo? Are rich guys really crass?”

“May mangilan-ngilan. At minalas akong makakilala.” Inubos niya ang pangalawang baso ng orange juice. “But the rest of the trip was great. Nag-enjoy akong mag-relax at mag-explore sa Cayman nang mag-isa lang.”

“Ang boring din naman pala ng cruise mo. Sana natulog ka na lang sa bahay. Magpahinga ka na nga. Ako na ang magtatabi ng ibang gamit mo.”

“Hayaan mo na muna iyan. Mag-eempake rin ako paggising ko.” Sa isang linggo pa ang uwi niya sa Pilipinas pero mas gusto niyang maaga pa lang ay nakaayos na ang mga gamit niya. Hihintayin na lang naman niya ang back pay niya.

Pagsayad ng likod niya sa kama ay naisip agad niya si Nikolos Theron. Hahanapin kaya siya nito para makipag-areglo? O tuluyan na siyang tatakbuhan.

Naiidlip na siya nang katukin siya ni Fatima. “Cousin, phone! Si Lillie.”

Kinapa niya ang extension phone sa tabi ng bednight lamp. “Hmm…bakit?”

“Ate, si Mommy…” humihikbing sabi ng kapatid niya.

Kinusot niya ang mata niya. “Anong nangvari kay Mommy?”

“Nag-collapse siya kanina. Isinugod siya ng ospital!”

“SI Mommy?” tanong agad ni Arizona nang pumasok sa kuwarto ng mommy niya sa ospital. Naabutan niyang nagbabantay ang kapatid niyang si Lillie.

Patakbo itong lumapit sa kanya at niyakap siya. “Ate!” Napahagulgol ito. “Takot na takot ako. Akala ko mawawala na si Mommy. Ayoko nang mag-isa.”

“It’s okay.” Hinaplos niya ang buhok nito. “Nandito na ako.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.