Heartbreakers Series Chapter 81

Dapat ay inintindi niya si Synnovea. Sana ay nakinig siya sa paliwanag nito. Ang gusto lang naman niya ay makasama ito. Ngayon ay kailangan niyang paghirapan para tanggapin siya nito.

“Iyon mismo ang gagawin ko. Susundan ko siya. At titiyakin ko na hindi na niya kailangang magpagod. Hindi na rin siya masasaktan. Oh! Ikaw na rin ang bahala sa mga guest ko. Have fun, bro!”

“Malaki ang sisingilin ko sa iyo next time. I hate this kind of crowd.”

“Hindi mo na sila makikita oras na tanggapin ako ni Synnovea.” Natigilan siya nang papasok siya sa kuwarto niya at nilingon ito. “Paano kung di niya ako tanggapin?”

“You are Andreas del Pierro. Use your charm.”

DALI-DALING lumabas ng kuwarto si Synnovea nang makitang mataas na ang sikat ng araw. Nilalagnat siya dahil may period siya. Nagkaroon siya ng light dysmenorrhea dahil ilang araw na din siyang pagod sa trabaho. Ilang linggo na lang at aanihin nila ang mga pearl oysters. Magiging masyado nang busy ang farm. Di pa niya naise-set ang appointment niya para sa operasyon. She wanted to be well soon.

Naabutan niyang nagpapalit ng kurtina sa sala si Beatrix katulong ang kawaksing si Ditas. “Synnovea, gutom ka na ba? Dadalhan ka na lang namin ng pagkain.”

“Tita, bakit hindi ninyo ako ginising agad?”

“Sila Frank na ang bahalang maglinis sa farm. Magpahinga ka na lang.”

Sinapo niya ang noo dahil bahagya pa siyang nahihilo. “Pero kailangan ko pong I-supervise sila sa trabaho. Madami pa pong gagawin.”

“May bago na tayong tauhan dito sa farm. Kaya magpahinga ka na lang.”

“Bagong tauhan?” bulalas niya. “Paanong magkakaroon tayo ng bagong tauhan kung wala naman tayong ipapa-sweldo doon. Tita, malapit na po ang anihan. Di natin kayang mag-hire ng bagong tauhan. Ako na lang po ang magtatrabaho.”

“Synnovea, huwag ngang matigas ang ulo mo!”

Di na niya pinansin ang sermon ni Beatrix at pumasok sa kuwarto para magbihis. Ngayon pa siya inulan ng problema. Mula nang bumalik siya sa isla, nag-focus na lang siya sa trabaho. Gusto niyang pagod agad siya sa trabaho para wala na siyang oras na isipin pa si Andreas. Di madali para sa kanya na maka-recover. Ilang araw din siyang miserable dahil nalaman niyang umalis ito ng Pilipinas. Di na rin siya tumagal sa Maynila.

Parang di na siya sanay sa dating buhay nang wala ito. Ilang araw na niyang iniisip na sundan ito sa kung saan man ito naroon. Lulunukin na lang niya ang pride niya. Basta makasama lang niya si Andreas kahit magalit ito sa kanya. Iiwan lang niya ito oras na itaboy siya nito at sabihin nitong natagpuan na nito ang babaeng tootong magmamahal dito.

At siya naman ay magpapa-opera. Kailangan na niyang I-mind set ang sarili sa orihinal niyang opsiyon. Di na lang niya iisipin na ida-dissect siya ng mga doktor at di na siya magiging kasing lusog ng dati. She had to risk it.

Baka kapag nagpaopera siya ay tuluyan nang mamanhid ang puso niya. Mawawala na rin ang pagmamahal niya kahit sa nag-iisang lalaking minahal niya.

Palabas siya ng kuwarto nang marinig niyang may kausap ang Tita Beatrix niya. “Natapos na po naming linisin ang isang area. Bukas na lang naming lilinsin ang ibang parte dahil masama ang panahon. Ako na rin ang kakausap sa grafter. Nag-abroad na daw po ang dati ninyong grafter. We need a really good one.”

Kumunot ang noo niya nang maulinigan ang boses ng lalaki. Hindi iyon ang boses ni Frank. “Tita, iyan ba ang bagong tauhan natin? Pakisabi sabayan niya akong mag-agahan.”

Alam niyang mahirap ang buhay ngayon at kailangan ng mga tao ng trabaho pero di naman niya kayang swelduhan ang lahat ng tauhang ipapasok sa kanila. Saka na lang siguro niya ito kukunin kapag nag-anihan sila at kailangan ng mas maraming tao. Pero hindi muna ngayon. Kaya pa naman niyang magtrabaho. Kailangan niyang magtrabaho.

Nakatayo sa may verandah ang bago nilang tauhan at nakatanaw sa may dalampasigan. Matangkad ito at kahit na nakasuot ito ng camiso de chino na green long sleeve at ordinaryong pantaloon, parang matikas ang tindig nito. Malapad din ang balikat nito at may kahabaan ang buhok. Parang si Andreas.

Ipinilig niya ang ulo. Paanong magiging si Andreas iyon? Nasa ibang parte na ito ng mundo at kung sinong beauty queen o model. O kaya ay nakatagpo na ito ng isang magandang anak ng isang diplomat o heredera ng isang malaking kompanya na papasa sa panlasa nito. Hindi na siya nito kailangan at makakalimutan na nitong mahal siya.

“Nainip ka ba sa paghihintay sa akin?” tanong niya at ginawa ang lahat para iiwas ang tingin dito. Tuloy-tuloy agad siya sa breakfast table at umupo. “Take a seat.”

“Thank you, Ma’am.”

Nahigit niya ang hininga nang makitang kahawig ni Andreas ang bago niyang tauhan. No. It was really Andreas. “A-Anong ginagawa mo dito?”

“I am your new farm hand.” Nilagyan nito ng sinangag ang plato niya at ipinagsalin din siya ng kapeng barako sa mug niya. “Make that your slave. I will be your slave or your genie in a bottle, whatever you want to call me. Basta kung ano ang kailangan mong ipagawa sa akin, gagawin.”

Ano bang sinasabi nito? Ang alam niya ay galit ito sa kanya at halos ayaw na siyang makita. Mababa nga ang tingin nito sa kanya. Bakit bigla ay papayag itong magpaalila sa kanya. “Andreas, nababaliw ka na ba? Dapat wala ka dito. Saka bakit ganyan kabaduy ang suot mo?” She was used to see him either in designer clothes or without a stitch on. “Don’t tell me, kasama ka sa naglinis ng farm?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.