Heartbreakers Series Chapter 80

“Yes. Mula pa lang nang malaman kong magkasama kayo sa Sicily. Kinompronta ko na siya sa Sicily pa lang. Iyon din ang dahilan kung bakit iniwasan ka niya. Sabi niya sa akin, problema niya ang sakit niya. Di ka niya idadamay.”

“Great! She definitely changed her mind. Daig ko pa ang nagpiprisinta na tulungan siyang gumaling, di ba? Hinabol-habol ko siya at sinamantala niya ang kahinaan ko. Hell! And you didn’t even warn me.”

“I thought you can handle her just fine.”

“Then you are wrong. I felt used and abused.”

Sinimangutan niya ang dating nobya na halos maghubad na sa beach sa suot nitong skimpy bikini. Mas madali sana siyang makaka-recover kung mga maibabaling niya ang atensiyon sa mga babaeng tulad niyon. He was aware they all they wanted were his money and fame. Pwede niyang iwan oras na ayaw na niya sa relasyon. And they can go their own way. Bakit di niya maibaling doon ang atensiyon niya? Si Synnovea pa rin ang nasa isip niya. Kahit pa magsama-sama ang lahat ng magagandang modelo, artista at beauty queen na nasa party niya, di pa rin mapapantayan ng mga ito si Synnovea.

“Hindi din madali kay Synnovea ang nangyayari, Andreas. Kahit na di ko siya gusto dati, alam ko na masyadong mataas ang pride niya. She’s a self-sufficient woman, remember? Mas gusto niyang ayusin ang problema niya nang mag-isa.”

“Bakit pa siya lumapit sa akin? Dahil mahal niya ako?” sarkastikong tanong niya. Naalala niya nang sabihin nitong mahal siya nito. Parang totoong-totoo.

“I am not sure about that. Lumaki siya nang pakiramdam niya di siya tanggap ng mga taong dapat ay magmamahal sa kanya.”

“She’s very talented and lovely. Bakit di siya tatanggapin ng mga tao?”

“So you don’t know the whole story. Dating political rivals ang pamilya nila. Nang malaman ng lolo niya na buntis ang Mama niya, inilayo siya at idinala sa ibang bansa. Sinubukan ding ipakasal ang Papa niya sa ibang babae. Her father didn’t take lightly. He committed suicide.”

“Oh, God!” bulalas niya.

“Nang makarating sa Mama niya ang balita, hindi na halos nagkakain. Gusto na daw niyang sumunod sa Papa ni Synnovea. Ipinagbubuntis si Synnovea noon. Himala ngang nabuhay pa si Synnovea. Pero di na naka-survive ang mama niya pagkapanganak sa kanya. Parang ayaw na rin kasing mabuhay ng mama niya.”

It must be a torture growing up without a mother. Pero mas masakit na malamang binalewala ito ng sariling ina. Mas gusto pang mamatay kaysa isilang ito at makasama. Kaya akala nito ay wala rin itong pagmamahal na maibibigay.

“Lumaki siya sa lolo niya.”

“Na bata pa lang ay ayaw na sa kanya. Laging malamig ang trato sa kanya. She tried coped with that. She tried to excel in school. Hanggang may ninang siyang nagsama sa kanya sa isang birthday party noong ten years old siya. Nandoon pala ang lola niya sa father side pati ang ilan sa mga tita niya. Nang ipakilala siya bilang anak ng Papa niya, itinakwil siya sa harap ng maraming tao. Her mother was branded a slut.”

Nakuyom niya ang palad habang parang pinipiga ang puso niya. He imagined young Synnovea humiliated infront of those people. Naulila ito dahil sa pagmamahalan ng magulang nito. Maging ang mga taong dapat ay magbibigay dito ng pagmamahal ay tumalikod dito.

Minahal nito ang ilang mga taong di lubusang makakasakit dito. Ang Tita Beatrix nito dahil ito lang marahil ang nag-iisang kadugong nagmahal dito. Ang mga tauhan nito dahil sa respetong ibinibigay dito. Sa mga piling kaibigan na maari nitong pagkatiwalaan. At maging ang mga pearl oysters nito na nagbibigay dito ng kabuhayan. But never fall in love. She was a result of a great love and it was proven tragic. She must have felt rejected. At doon lang ito namuhay sa tahimik nitong isla.

Naalala niya ang lahat ng masasakit na sinabi niya dito. Na wala itong kakayahang magmahal. Nasaktan marahil ito. Di rin malabong sinubukan din nitong mahalin siya. O maaring mahal nga talaga siya nito gaya ng sinasabi nito. But she’s gone now. Itinaboy na niya ito. Wala siyang ipinagkaiba sa mga taong nagtakwil dito.

Naisubsob niya ang mukha sa palad. “Oh, God! What have I done?”

“Makikipagkita siya sa doktor niya. Baka magpa-set na siya ng operasyon.”

Ngumiwi siya. “Itutuloy pa rin niya? It is not as healthy as the natural method. Well, I mean… mas healthy pa rin kung tatanggapin niya ang proposal ko.”

“Come to think of it, Andreas. Noon pa niya alam na may sakit siya. Matagal ka nang available para sa kanya. Bakit hindi niya sinamantala noon pa? Madaling tanggapin ang proposal mo. Pero mas gusto pa niyang sumalang sa operating table kaysa isipin mong di mo siya mahal o kaya ilayo sa kanya ang magiging anak ninyo kung sakali.”

“I-Ibig sabihin totoong mahal nga niya ako?”

Nakakita siya ng pag-asa. Sinabi ni Synnovea na mahal siya nito at ayaw siya nitong masaktan. Baka nagsasabi ito ng totoo. She could have any man to replace him. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong boyfriend. Mas gusto pa nitong magpa-opera kaysa ipagpalit siya sa iba.

“Ang alam ko, mataas ang pride niya. And very classy, too. She had this natural ability to repell men. Mukhang di yata tumalab sa iyo ang repellant niya.”

Sinapo niya ang noo at binuksan ang closet. Inilabas niya ang mga damit doon. “Look! I must see her. Pero paano ko ba itataboy ang mga guests ko?”

“Why don’t you take a shower? Ako na ang mag-a-arrange para maihanda ang Learjet mo at ang megayacht mo. Kapag depressed daw si Synnovea, gustong-gusto niyang magtrabaho hanggang magkasakit siya. Bawal sa kanya ang mapagod. She’s still sick remember?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.