Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 33

Lakas-loob na kinagat ni Vance ang lime. Mas kinatatakutan niya ang asim nito kaysa sa alak. It was Latin night at Zealous Bar. Bagong bukas lang iyon na bar sa Makati. Pag-aari iyon ng isa sa college friends nila ni Deutsch. Kadarating lang ng kaibigan niya mula sa pamamasyal nito sa Africa. At dahil sa traumatic experience nito kung saan naipit ito sa isang civil war at inakala nito na hindi na ito makakauwi nang buhay ay hinayaan niya itong isama siya sa bar para sa stress debriefing daw nito.

"What's with that glum look, man? Nandito tayo para mag-enjoy. Alam mo naman na depressing ang na-witness ko sa Sudan. Come on. Let's have fun. Hindi ako nilalapitan ng magagandang babae dahil sa pagsimangot ko," angal ni Deutsch.

Nakakunot ang noo niya itong nilingon. "Akala ko ba stress debriefing ang gagawin mo? Bakit dito tayo sa bar? I thought we will go to a quiet resort or a retreat house or even a church."

"At sa susunod ie-expect mo na papasok na ako sa seminaryo para magpari? No. That kind of life is not for me. Na-realize ko na oras na para magseryoso ako sa buhay,” wika ni Deutsch at tumungga ng light beer.

"Ganito ka magseryoso sa buhay?" tanong ni Vance at ibinuka ang mga kamay.

"Yes. I want to enjoy life. I want to feel I am alive. But this time I am planning to have a serious relationship."

"At sa palagay mo ay dito mo mahahanap ang serious relationship mo?"

"Who knows? Pero sa ngayon ay gusto ko lang mag-enjoy at maging masaya. How about you? Masyado mo yatang iniisip ang trabaho mo. That is not good."

Umungol siya at minasahe ang sariling batok. "Kalalabas lang ng ospital ni Ninong Mauricio. Maraming trabaho sa opisina. At ayaw nang sagutin ni Phoenix ang tawag ko sa kanya."

"You are still crazy over her. Gaano mo ba siya katagal naging girlfriend? Isang linggo? Mas matagal mo pa siyang sinuyo-suyo."

"Gusto ko lang na umuwi siya para kay Ninong Mauricio,” paliwanag ni Vance. Pakiramdam niya ay lumalala ang kondisyon ni Mauricio sa bawat araw. Sinabi sa ospital na di maganda ang kondisyon ng puso nito. At sa palagay niya ay ang presensiya lang ni Phoenix ang magpapabuti sa nararamdaman nito.

Nanunudyong ngumiti si Deutsch. "You want a second chance with her."

"Of course not."

"You are still in love with her. Ayoko ng ganyan. Na kailangan ko pang manuyo at magmakaawa sa isang babae. Love makes you helpless."

Itinaas niya ang palad. "Sandali. Akala ko ba gusto mo nang magkaroon ng seryosong relasyon. Ngayon ay sinasabi mo sa akin na ayaw mong ma-in love."

"Pwede naman akong magkaroon ng seryosong relasyon nang hindi nai-in love. Mahalaga lang may unawaan kami ng babaeng iyon at compatible kami. It will be a very amicable union. Do you get what I mean?" tanong si Deutsch at kumindat.

"No. I don't get you at all. May napulot ka bang sakit habang nasa Africa?” Sinalat niya ang noo ni Deutsch. “It must have addled your brain."

"Wala nang mas nakakabaliw pa sa pag-ibig. Iyon ang pinakamalalang sakit sa mundo. Kailangan mo rin yata ng stress debriefing. How about I set you up on a date? Dadating dito ang isang kaibigan ko na dating candidate ng Miss Earth. Tiyak na mabubura si Phoenix sa isip mo."

"No, thanks." Ang nanalong Miss World nga ay di man lang niya pinansin dahil ang buong atensiyon niya ay nasa kay Phoenix nang mga panahong iyon.

Pumalatak si Deutsch. "You got it bad, man. You got it bad."

Hindi rin niya maintindihan kung bakit matapos ang anim na buwan ay hindi pa rin siya nakikipag-date. Pilit niyang sinasabi sa sarili na dahil kabe-break lang nila ni Phoenix. Hindi magandang tingnan kahit na maikli lang ang itinakbo ng relasyon nila. Kalaunan ay nawalan na siya ng gana na makipag-date o makipag-flirt sa kahit na sinong babae. Di niya alam kung anong ginawa sa kanya ni Phoenix. Sinabi niya sa sarili niya na mabilis siyang maka-move on. Naka-move on na siya. Hindi niya ipipilit ang sarili sa babaeng sarado ang utak. Pero heto siya ngayon ay tinabangan nang makipaglapit sa ibang babae. Mukhang matindi ngang sakit ang tumama sa kanya.

Nang may babaeng nakakuha ng interes kay Deutsch ay pinili niyang magpaalam na. Hindi siya komportable na inilalako siya ni Deutsch sa ibang mga kaibigan ng babae. Masisira lang ang gabi ng mga ito. He was really not in the mood for romance or even chitchat. He was a very sour company.

Kalalabas pa lang niya ng bar nang mag-ring ang cellphone niya. “Hello.”

“Sir Vance,” anang si Manang Doria. “Isinugod po namin si Sir Mauricio sa ospital. Nakita na lang po namin na walang malay sa library niya. Inatake siya sa puso!”

NANLALABO ang paningin ni Phoenix dahil sa namumuong luha sa mata habang pinagmamasdan ang masayang larawan niya kasama sina Mauricio at Vance sa Pico de Loro. Parang ayos na ayos ang lahat sa kanila. Masaya siya nang mga sandaling iyon. Everything was perfect. Nakadikit pa ang pisngi ni Vance sa kanya na parang siya ang pinakamamahal nitong babae. How could such perfection turn into ang lie?

Nasa hotel room siya sa Cairo. Naroon sila para kumuha ng supplies matapos ang ilang buwan na pagka-camp niya sa disyerto kasama ang team ng mga archaeologist na nagsasaliksik sa nawawalang siyudad. Ito ang gusto niya. Ito ang nakasanayan niyang gawin. Para sa kanya ay wala na siyang babalikan sa Pilipinas. Maaring ang Tito Mauricio niya pero hindi niya magagawang matahimik hangga’t nasa paligid si Vance. Anim na buwan na ang nakakalipas pero nasasaktan pa rin siya sa panlilinlang nito. At hanggang ngayon ay gusto pa rin siyang paikutin ng mga ito para bumalik siya ng Pilipinas. Hindi na siya basta-basta malilinlang.

Self-preservation na lang ang dahilan kung bakit pinili niya ang disyerto kahit na wala na doon ang puso niya. Hindi niya kayang manatili sa Pilipinas habang alam niya kung gaano siya kahina pagdating kay Vance. Baka dumating ang panahon na tuluyang nawala ang respeto niya sa sarili niya. Hindi niya iyon kakayanin. Minsan ding ibinigay ng nanay niya ang puso sa lalaking hindi ito mahal. And she became a shell. She didn’t want to end up like that. Kailangan niyang mabawi ang sarili niya.

Narinig niya ang pag-click ng lock at pumasok si Janina Karla na roommate niya. “O! Bakit hindi ka pa rin bihis?” tanong nito.

Mabilis niyang isinara ang window na may larawan niya kasama sina Vance at Mauricio at kinusot ang mata. Ayaw niyang makita ni JK na tinitingnan niya ang picture o emosyonal siya dahil doon. “Uhmmm… tinatapos ko pa kasi ang parte ko para sa journal. Mas madali iyong maipapadala sa website para sa publication.”

Tumaas ang kilay nito. “That is not your job. Saka mas uunahin mo pa ba iyan kaysa ang lumabas at mag-relax. Ilang linggo tayo sa disyerto. Nakakabaliw iyon. You must relax a bit. Hinihintay ka ni Nelson.” At saka siya kinindatan.

Bagong miyembro ng team nila si Nelson Toledo. Filipino ito na nagmula sa pamilya ng mga historian at haciendero sa Bukidnon. Nagpakita agad ito ng interes sa kanya pero tinitiyak niya na hanggang kasamahan lang o kaibigan ang trato niya dito. Matapos kay Vance ay wala siyang interes sa pakikipagrelasyon.

“Wala talaga ako sa mood lumabas.” Inilahad nito ang palad. “With the paperworks and all…”

Umikot ang mga mata ni JK. “Alam naman natin pareho na magmumukmok ka lang dito. Malamang nga iniiyakan mo na naman si Vance habang tinitiningnan ang picture niya. Nakikita ko kaya iyon kapag akala mo tulog na ako.”

"It still hurts. Kailangan kong gawin iyon..."

"Kasi nami-miss mo si Vance."

"Si Tito Mauricio ang nami-miss ko," paglilinaw niya. "Nagkataon lang na kasama si Vance sa picture namin. Ika-crop ko nga next time iyon para di ko siya makita."

"Ako pa ba ang lolokohin mo? Come on. Matagal na tayong magkakilala. Alam ko na iba ka na mula nang bumalik ka mula sa Pilipinas. Hindi na ito ang gusto mong gawin. Wala na ang fire sa mga mata mo tulad ng dati. I am sure mas gusto mo na magtrabaho kasama ang El Nido team. Mas gusto mong makasama ang Tito Mauricio mo at si Vance. Hindi na ito ang mundo mo."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.