"That is not true. This is the only world I know that is real for me. Kahit na hindi ako anak ni Thomas Knowles, hindi naman nawawala ang pagiging archaeologist ko. This is really the job for me." Ito ang buhay na alam niya. Ito ang buhay na nakasanayan niya. Si Thomas Knowles ang alam niyang ama niya. It would be convenient and safer for her if things would stay that way.
Umiling si JK. "Pero di ka na gaya ng dati. Pride na lang ang dahilan kaya ka nandito. Hanggang kailan mo ba panghahawakan ang pride mo? Hanggang kailan mo sasaktan ang mga taong nagmamahal sa iyo. Ang totoo napapansin ko na mas malungkot ka kapag hindi mo sinasagot ang tawag ni Vance. You still love him."
Umingos siya. "Oh, shut up!"
Bakit ba napasok sa usapan si Vance? Ano ngayon kung ayaw na niyang sagutin ang tawag nito? Di siya nalulungkot kapag nire-reject niya ang tawag ni Vance. Napapagod lang siya sa pangungulit nito.
"At sa palagay ko ay mahal ka rin niya.” Umupo si JK sa kama. “Nakita ko kung paano ka niya tingnan noong nasa Resorts World tayo. Parang may puso sa mga mata niya."
"He was good at faking it. At gagawin niya ang lahat para kay Tito Mauricio. He was willing to whore himself to get into my uncles's good graces."
Bumakas ang pagkabahala sa mukha ng kaibigan. "That's an unfair thing to say. Marami akong alam pagdating sa mga lalaki at tinitiyak ko sa iyo na mahal ka talaga niya. Kung isasantabi mo lang ang pride mo at babalik ka sa Pilipinas, sa palagay ko ay mas magiging masaya ka."
Umingos siya. "Hindi ako magpapakatanga sa lalaki."
Tama na ang minsan niyang kahangalan kay Vance. Tama na ang minsan niyang pagpapauto dito. Hindi naman siya tanga para ulitin pa iyon.
"Hindi ba katangahan din na magdesisyon ka habang galit ka? Sarado ang utak mo kapag galit ka. You don't listen to reason. Look at you now. Hindi ka rin naman masaya. Kung ako sa iyo, hahayaan ko na lang si Vance na pasayahin ako. Ano ngayon kung nagpapanggap lang siya? Paano kung totoo? I think he would be a great lover." Matalim niya itong tiningnan. “O! Huwag kang ganyan. Kasalanan mo rin naman kung hindi mo na-experience iyon.”
Biglang sumakit ang ulo ni Phoenix sa sinasabi ng kaibigan. "Look. Mabuti pa sumama na lang ako sa iyo sa bar kaysa kung saan pa mauwi ang usapan na ito."
Gusto niyang patunayan kay JK na hindi siya nagmumukmok dahil kay Vance. Ipapakita niya dito na hindi siya malungkot sa desisyon niya na manatili sa Egypt. Hindi niya hinahanap-hanap ang Pilipinas. Who knows? Baka maghanap na rin siya ng ipapalit kay Vance. Basta may mapatunayan lang siya.
Sa halip na sa isang conservative bar sila pumunta na nagpapatugtog ng classical ay sa isang trendy na bar na modern jazz at Egyptian jazz ang pinapatugtog. Masaya ang mga tugtugan pero hindi ganoon kaingay. Kahit ang mga matatanda nilang colleagues ay nakaka-relate.
"I am glad you came," sabi ni Nelson at inabutan siya ng martini. "Sabi ni JK magmumukmok ka lang daw sa hotel room mo."
Kinuha niya ang martini mula dito at nagpasalamat. "As you can see, I am here. Hindi totoo na ganoon ako ka-killjoy. At least not tonight."
"That is good to know. Matapos ang ilang linggo sa disyerto, we really need a break. Loosen up a bit. Anong plano mo pagkatapos ng project na ito?"
"Take up my masterals maybe? Nakaka-miss mag-aral. At gusto ko ring subukan na maging professor sa university."
Her soul was not crying out for the desert anymore. Parang naghahanap na siya ng bago sa buhay niya. Tama naman si JK. She lost the fire.
"May plano ka bang bumalik sa Pilipinas sa bakasyon? Dadalawin ko ang pamilya ko doon,” sabi ni Nelson.
“Hindi ba kagagaling lang doon three months ago?”
Tumango ito. “Dati sa States magkakasama pa kami pero lahat sila ay umuwi na sa Pilipinas. Nakaka-miss sila kaya kung may pagkakataon na dumalaw ako sa kanila ay ginagawa ko. Baka gusto mong sumama sa akin."
"No. I don't think so. Wala sa plano ko na bumalik ng Pilipinas. Not so soon.”
“Hindi mo ba nami-miss ang pamilya mo?” Nanatili siyang tahimik. Wala siyang balak na sagutin ang tanong na iyon. "You know that I like you. At gusto kong makilala ka ng pamilya ko."
"At galing ako sa isang masamang experience sa relasyon. I don't think I am ready for a new romance,” aniya at malungkot na ngumiti.
"Sarado ka kasing masyado. Hindi naman pare-pareho ang mga lalaki." Hinawakan nito ang baywang niya at hinapit siya palapit dito. "Try me. Patutunayan ko na hindi ako katulad ng ex-boyfriend mo."
Malaki ang pagkakaiba ni Vance kay Nelson. While Vance was a fiery man who could melt her soul with just one look, Nelson was a gentle soul. May pagka-seryoso din ito minsan habang si Vance ay mahilig magpatawa. Hindi rin masyadong lapitin ng mga babae si Nelson habang si Vance ay mistulang honey na dinudumog ng mga bubuyog. At hindi siya naaapektuhan ni Nelson kahit na gaano pa ito kalapit sa kanya. Purely platonic. Habang kay Vance naman ay parang mawawala siya sa sarili sa isang ngiti lang.And deep inside her heart, she was longing for him. Mistula itong lason sa sistema niya. Vance ruined her for any other man.
Itinulak niya si Nelson sa dibdib. "I'm sorry. I have to go." At dali-dali niyang kinuha ang bag niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni JK na biglang natigilan sa pakikipag-usap sa nobyo nito.
"Babalik na sa hotel."
"Ihahatid na kita. Delikado ang daan,” prisinta ni Nelson na tumayo sa likuran niya.
Tatanggi sana siya pero delikado para sa isang babae na maglakad nang mag-isa sa Cairo sa gabi lalo na’t may serye ng protesta at kaguluhan na naganap sa bansa dahil sa pagpapapalit-palit ng presidente. Maraming di masaya sa pamumuhay ng mga ito. Sabagay kahit noong panahon pa ng mga pharaoh ay uso na ang nakawan at karahasan sa Egypt.
"Okay,” nasabi na lang niya at naglakad palabas ng bar.
Ipinagbukas siya ni Nelson ng pinto. Iniwan nila ang smooth jazz music at sinalubong ang maingay na kalsada ng Cairo. Tiniyak niyang nakadistansiya sila ni Nelson sa isa’t isa. She didn’t want to give him any ideas.
"I am sorry. Masyado yata akong mabilis,” sabi ni Nelson nang sabayan siya sa paglalakad. “I didn’t mean to come on too fast.”
"Mas okay siguro kung maging magkaibigan muna tayo."
Wala silang kibuan hanggang makabalik ng hotel. Kinuha niya ang keycard sa reception. "Ma'am, a certain Vance Antiporda left ten messages. He said you must call him soon. It is an emergency."
"Thank you." Nakangiti siyang lumingon kay Nelson. "Okay na ako dito. Bumalik ka na sa bar.”
"That's your ex-boyfriend, right? Tatawagan mo ba siya?"
"Come again?” aniya at naningkit ang mata. Ano naman dito kung tatawagan niya si Vance o hindi?
"Yes. It is none of my business. Goodnight."
Inis na inis si Phoenix nang makapasok sa hotel room niya. Napilitan siyang tawagan si Vance sa cellphone niya. Bakit ba hindi siya nito tinatantanan? May emergency-emergency pa itong nalalaman.
“Hello, Phoenix! Mabuti naman tinawagan mo ako. May importante akong sasabihin sa iyo.” Seryoso ang boses nito.
“Vance,” aniyang parang pagod na pagod. “Kung kukulitin mo na naman akong umuwi sa Pilipinas, tama na. Kasasabi ko pa lang sa iyo kanina, hindi ba?”
“I hate to say this, Phoenix but you need to go home. As soon as possible.” May kakaibang tono sa boses nito na lalong nagpakaba sa kanya. “Inatake sa puso si Ninong Mauricio. Huwag ka sanang mabibigla pero wala na siya.”
“Anong wala na siya?” tanong niya sa mataas na tono. Pero sa likod ng isip niya ay hindi niya matanggap ang kahulugan ng salitang iyon.
“Patay na siya.”