Napapikit siya sa imaheng sinabi nito. Hindi ba’ t iyon ang minsan niyang pangarap? A grand wedding. Nang mga sandaling iyon, naisip niya na sana ay si Vance na lang ang pinakasalan niya. Sana ay hindi na lang niya natuklasan ang panlilinlang nito. Baka sakaling buo pa rin ang paniniwala niya na si Thomas Knowles ang ama niya. Baka sakaling buhay pa ang Tito Mauricio niya ngayon.
Mas masaya sigurong mabuhay sa ilusyon. Sa isang mundong gawa-gawa lang. Doon siya sa mundong iyon naging masaya.
Mainit na landas ang tinalunton ng luha sa pisngi niya. Akala niya ay wala na siyang iluluha pa. Akala niya ay wala na siyang ibibigay pa. Sa huli ay parang dam na kumawala ang emosyon niya. Tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha niya. Hindi lang dahil sa lungkot o pagkaawa sa sarili. Naroon din ang panghihinayang at maraming sana.
Sana ay masaya siya ngayon kahit sa ilusyon lang. Sana ay buhay pa ang Tiyo Mauricio niya. Hindi sana niya ito binigo. Dahil ngayon kahit na nasa kabilang buhay ito ay bigo pa rin siyang ibigay ang gusto nito.
Naramdaman niya na dumampi ang labi nito sa nakapikit niyang mga mata. She could feel her legs tremble. Nailapat niya ang mga palad sa dibdib nito para itulak sana ito palayo. Subalit nang maramdaman niya ang init na tumatagos sa ilalim ng damit nito ay nakuyom niya ang harapan ng polo nito.
Nami-miss niya si Vance – ang pagkukulitan nila, ang pagtitig nito sa kanya kapag hindi siya nakatingin, ang pagpapatawa nito sa kanya, ang paggawa nito sa mga bagay na magpapasaya sa kanya, ang haplos nito, ang halik nito.
And he was doing it to her again. He made her want to feel beyond her miseries. He made her feel good.
Paanong nagagawa pa rin ng lalaking nanakit sa kanya ang magagandang mga bagay na hindi nagawang iparamdam sa kanya ng iba?
Pero wala na ako sa mundo ng ilusyon. Hindi na natatakpan ng labis na pagmamahal at mga sekreto ang katotohanan. Hindi si Thomas Knowles ang ama kundi si Maximo Pantaleon. Hindi na si Vance ang lalaking nagmamahal sa akin. Siya ang mortal kong kaaway. Hindi na rin maibabalik ang buhay ni Tito Mauricio. And my life is in shambles. This is not Lalala Land anymore.
Itinulak niya si Vance palayo sa kanya. “Umalis ka na, Vance. Hindi ko kailangan ang simpatya mo. I don’t need you to make me feel better. Tigilan mo na ang pagiging mabait sa akin. Lalo lang sumasama ang pakiramdam ko. Lalo ko lang nararamdaman kung gaano ako kamiserable. My wedding is still off. Puro kahihiyan pa rin ang nararanasan ko at pinag-uusapan pa rin ng lahat ang kahihiyan ko. If you are really concerned about me, just go away. Just go.”
“No! Hindi kita iiwan,” mariing wika nito.
“Umalis ka na!”
Mahabang sandali siyang pinagmasdan ni Vance hanggang sa wakas ay pinakawalan siya nito. Tumalikod ito at naglakad palayo. Patungo ito sa direksiyon ng balkonahe. He was walking away from her as she wished.
Nakadama ng panlalamig si Phoenix. Niyakap niya nang mahigpit ang sarili niya at napaupo sa sahig. She felt so numb and void. Hindi katulad kaninang yakap pa siya ni Vance. Parang buhay na buhay siya. Napahikbi siya ng iyak. She wanted to call his name. Gusto niyang bumalik ito pero nagtatalo ang puso at isipan niya.
Muli ay nararamdaman na naman niya na pinapaikutan siya ng itim na ulap. Parang nahuhulog na naman siya sa malalim na balon ng kawalan. Mag-isa na naman siya. Ayaw na niyang mag-isa. Sobrang lungkot. Parang gusto na niyang mabaliw sa labis na kalungkutan. And only Vance could pull her out of that void.
Nagulat na lang siya nang may matatatag na bisig na pumaikot sa katawan niya at naramdaman niya ang mainit na katawan ng matipunong lalaki sa likuran niya. “I am sorry, Phoenix. Hindi kita kayang iwan ngayon. Hate me if you must. Kinakailangan mo pa akong ipakaladkad sa security mo o kaya ay ipadampot sa pulis para layuan ka. But not even that is enough for me to stay away from you. Hayaan mo na akong manatili sa tabi mo.”
“Vance,” usal niya. Hindi ito umalis. Ayaw siya nitong iwan.
Muli ay naramdaman niya ang panunumbalik ng sigla ng katawan niya. Nang maramdaman niya ang init ng yakap nito ay parang may mga kamay na humatak sa kanya palabas sa ilo-ilo ng kawalan na humihigop sa kanya. He made her feel alive once more. Bumilis ang tibok ng puso niya.
Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya at ikinatang ang baba nito sa balikat niya. “I am sorry. I am sorry that you have to go through this. Kung may magagawa lang sana ako para mawala ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Sa akin mo ibuhos ang galit mo. Saktan mo ako kung gusto mo. Ako naman ang kalaban mo, hindi ba? Kasalanan ko ang lahat ng ito. Ako ang sisihin mo. Just do anything that makes you feel better.”
Lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya at pumihit siya paharap dito. Pinagmasdan niya ang mukha ni Vance. He was in pure agony. Na parang mas gugustuhin na nitong akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya kaysa siya ang masaktan. Ito ang Vance na nakilala niya dati. Ang Vance na nagsasabing mahal siya. And he was back… even for just tonight. Sa ngayong gabi ay di siya nito iiwan.
She should hate him. Pero pagod na siyang magalit. Pagod na siyang mag-isip ng kahit anong makakasakit dito. She already did enough damage to him before. At sa bawat pananakit niya dito ay parang gumaganti naman ang tadhana para saktan din siya.
She couldn’t fight destiny. Siguro ay hindi nakatadhana na saktan niya ito. After all, his mere presence offered her solitude and peace. Kung isasara lang niya ang isipan niya at hahayaan niya ang sarili na makaramdam.
Tinitigan niya ang labi nito. Hinaplos niya ang baba nito. Lumuhod siya at inilapit ang labi niya sa labi nito. “Yes. Kiss me, Vance.”
NANLAKI ang mata ni Vance habang nakatigagal kay Phoenix. “You want me to kiss you?” tanong nito na parang di makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Animo’y noon lang nito naengkwentro ang salitang “kiss” o ngayon lang may babaeng nag-request na halikan ito.
“Yes,” she uttered in a husky yet strong voice. She had never wanted anything this badly.
Hindi niya makalimutan ang halik ni Vance lalo na ang huling ibinigay nito sa kanya nang pumunta siya sa opisina at sinabi niyang magpapakasal siya sa ibang lalaki. The kiss was hot and carnal. Parang sinasabi nito na kahit na magpakasal pa siya sa ibang lalaki ay hindi siya nito patatahimikin. Nobody could kiss her in such a way that could make her wild and passionate. Only Vance could do that.
Sa mga gabing nakababa ang depensa niya at hinahayaan niya ang sarili na makaramdam sa kabila ng panlalamig niya kay Nelson ay tanging ang alaala nito at ng halik nito ang nagpapabalik ng alaala niya. He made her feel like a woman. And she wanted to feel that once more. That she was a woman. That she was desirable. Na hindi lang siya isang stepping stone para mas yumaman ang isang lalaki. Dahil kahit na hindi totoo, minsan sa buhay niya ay ipinaramdam ni Vance na isa siyang maganda at kaakit-akit na babae. And she needed that illusion even for just a night.
Umiling si Vance at humakbang palayo sa kanya. “No, Phoenix. I don’t think it is a good idea.”
Kumunot ang noo niya. “Why?”
Why were they having this silly conversation? Hindi nga siya dapat nagtatanong kung bakit. He was supposed to be kissing her right now, driving her crazy and make her forget the nightmare she went through today.
“Dahil wala ka sa sarili mo. You are sad. You are vulnerable.”
Yumakap siya sa leeg nito. “It is just a kiss. Do I have to be sane to get one?” naghahamon niyang tanong. “There was a time when you had no qualms to show me how much you have power over me. How you can make me weak. How you can drive me insane with your kiss and touch. O baka naman sinasabi mo lang iyon noon para paikutin ako at mapasunod mo ako sa lahat ng gusto mo. Is that it? You don’t really want me.”
Napalunok ito at nang taluntunin niya ang kamay niya mula sa leeg patungo sa balikat nito at pababa sa dibdib nito ay naramdaman niya ang malakas na tibok ng puso niya. He was affected by her charm. “I want you, Phoenix. Don’t ever doubt it. B-But I don’t think this is right. I can’t kiss you like this. Why don’t you rest and…rest then we will talk.”
Phoenix wanted to howl in frustration. Oh, Vance. This is not the right time for you to have a conscience.
Tumingkayad siya at tinitigan ang mga mata nito. “I don’t want to rest. I don’t want to talk. I just want to forget. Make me forget. Make me feel good, Vance. Hindi ba sabi mo gawin ko sa iyo ang kahit anong gusto ko?” tanong niya sa nang-aakit na boses. “I am here now, Vance. I am asking you to kiss me. I am not fighting you anymore. I am offering myself willingly. Or do you want me to beg?”
“B-But…”