Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 53

“V-VANCE?” usal niya sa pangalan ng binata sa nanginginig na boses.

Tumigil sa tibok ang puso ni Phoenix. Ilang beses siyang kumurap dahil baka nananaginip lang siya. Inaasahan niya na maglalaho din ito pero naroon pa rin ito sa loob ng kuwarto niya. Animo’y anino lang ito dahil ang tanging liwanag lang ay ang malamlam na iwan ng night lamp. Mas maliwanag pa ang liwanag ng buwan na galing sa labas.

He looked tall and imposing standing there, bathed by the moonlight. Nakasuot ito ng puting long sleeve polo at black pants. Nandito talaga si Vance. Nandito ito para sa kanya?

Her first impulse was to run to him and hold him. As if she badly needed someone to hold her and comfort her. She knew he could make her feel good. She wanted his touch, his kiss to make her forget everything.

Pinigilan niya ang sarili. Hindi pa naman siya ganoon kahangal. Hindi ba’t ito rin ang huling tao na kailangan niyang makita ngayon? Ang huling tao na dapat niyang lapitan at hingan ng comfort. He was the enemy. He was here to show her how miserable she was. He was the source of her misery himself.

He was the ENEMY.

“Anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko? What do you want from me?” tanong niya sa malamig na boses at niyakap ang unan niya na animo’y pinoprotektahan ang sarili.

Totoo ang sinabi ni JK na naroon nga si Vance at kinukumusta siya. Pero akala niya ay umalis na ang binata. Alam ng mga tao sa mansion na naroon si Vance? At bakit kailangan pa nitong sa balkonahe dumaan? Hindi na lang ito kumatok sa pinto ng kuwarto niya. Sabagay hindi naman niya ito pagbubuksan. Hindi tuloy niya maiwasang maghinala na may masama itong balak sa kanya.

Itinaas ni Vance ang mga kamay na animo’y sumusuko at ipakita na wala itong gagawin sa kanya. “Wala akong gagawing masama sa iyo."

"Bakit sa balkonahe ka dumaan kung wala kang masamang plano?"

"Dahil hindi ka naman lalabas ng kuwarto mo. Siguradong hindi ka naman makikipagkita sa akin nang kusa. Hindi mo rin ako pagbubuksan ng pinto."

"You are not supposed to be here. Hindi ka nga dapat nakapasok kahit sa gate. You are not welcome here. Aalis ka ba o tatawag ako ng security?"

"Phoenix, don't be like this. Nag-aalala ako sa iyo. Lahat kami ay nag-aalala. Ayaw mo ngang kumain kanina kundi ka pa pinilit ni JK. I just want to check if you are okay. Gusto kong makita ng sariling mga mata ko."

Bumaba siya ng kama at tumayo. “Mukha ba akong okay? I had just humiliated myself infront of more than two hundred people. Isang buntis na babae ang basta na lang sumulpot at nag-claim na nabuntis siya ng lalaking pakakasalan ko. Very classic. Parang galing sa movie o teleserye. Sa palagay mo ba magiging okay ako kung iyon ang sitwasyon ko? Nanghihinayang ka ba dahil di mo nakita mismo nang live ang kahihiyan ko? I am sure the reporters and many enthusiastic guests can provide you the blow by blow account."

Naramdaman niya na nanginginig ang katawan niya sa galit. She was mad at her predicament. At lalo siyang nagagalit na kailangan pa niyang ikwento kay Vance ang kahihiyan niya. Tiyak naman na pagtatawanan siya nito. Naalala niya kung paano niya ipagmalaki dito na mas gusto niyang pakasalan ang ibang lalaki para lang pabagsakin ito. Ngayon ay narito ang huling halakhak.

“Narinig ko lang na hindi natuloy ang kasal mo at tumuloy agad ako dito. Hindi ako interesado at hindi ko gagawing source of entertainment na panoorin ang pang-iiwan sa iyo sa altar ng lalaking dapat ay pakakasalan mo," marahang wika nito at tumiim ang bagang na parang nagagalit ito dahil sa pinagdaanan niya. Wala rin sa itsura nito na gusto siya nitong pagtawanan.

“No. I-I decided to send him away. Hindi mo ba nabasa sa social media sites? Wala bang nagkwento sa iyo sa mga kakilala mong pumunta ka sa kasal ko? Imposible! O gusto mo ako pa mismo ang magsalaysay ng first hand account?" maasido niyang tanong. Ayaw niyang magpaapekto sa kunwaring concern nito sa kanya. Minsan na niyang nagpadala dito. She got herself burned.

“Hindi ko alam kung ano ang buong istorya. Puro speculation lang ang alam ko. Nang dumating ako, mas inalala ko ang kondisyon mo.” Marahan itong lumapit sa kanya. “Why did you send him away? Mukhang gustong-gusto ka ng Nelson na iyon. Ikaw ang pinili niyang pakasalan."

Kinuyom ni Phoenix ang palad at naramdaman ang pangingilid ng luha. “Mas kailangan siya ng mag-ina niya kaysa sa akin.” Tiningnan niya ito sa naluluhang mga mata. Gusto niyang maging matatag sa harap nito. Ayaw niyang ipakita na mahina siya pero alam niyang talo siya nang mga oras na iyon. “Naranasan ni Rosalinda ang dinanas ng nanay ko. Ayaw siyang pakasalan ng lalaking mahal niya dahil ikakasal na sa ibang babae. Hindi ko gugustuhing maranasan ng anak ni Rosalinda ang dinanas ko. O hindi siya magkaroon ng pagkakataon na kilalanin ng ama niya dahil mas mahalaga sa ama niya na makasal dahil sa pera. Kahit paano hindi ko iyon dala-dala sa konsensiya ko.”

Marami man siyang isinakripisyong prinsipyo niya nang magdesisyon siyang magpakasal kay Nelson pero alam niya ang limitasyon niya. Hindi naman pala ganoon ka-clouded ang judgment niya. Hindi naman lahat ay kaya niyang gawin para lang manalo sa kompetisyon nila ni Vance.

“You did the right thing, Phoenix,” anang binata sa boses na may bahid ng pagmamalaki. “I am sure that child will be forever thankful to you.”

“Yeah, right. And I am sure that you will be forever thankful for that child. Walang kahirap-hirap mong naialis ang kakompitensiya mo sa kayamanan ni Tito Mauricio. Siguro masaya ka na ngayon. And I am sure you are here to gloat. So stop being Mr. Nice Guy, Vance. Maglolokohan pa ba tayo?” tanong niya sa maigting na boses.

Tumayo ito sa harap niya. “No. Hindi ako masaya. Ayokong nakikita kang nasasaktan.”

Pagak siyang tumawa at umusod palayo. Wala siguro itong ideya kung anong ginawa niya na pananabotahe sa mga plano nito na magkaroon ng anak. Kung alam lang nito ay tiyak na hindi ito magiging mabait sa kanya. Malamang ay sasabihin nitong, “Serves you right!”. He had no freaking idea. Kahit pa siguro hindi nito alam, hindi siya naniniwalang di siya nito gustong saktan. Been there, done that. Ito ang sumira sa pagtitiwala niya sa mga lalaki. Ito ang dahilan kaya ayaw na niyang magmahal at mas gugustuhin na lang kontrolin ang emosyon niya para hindi na siya masaktan pang muli.

“Come on, Vance,” nakangisi niyang wika. “Enough of the drama. Alam ko naman na nagsasaya ka ngayon. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ka nagpapa-party. Sana in-invite mo lahat ng dumalo sa kasal ko sa victory party mo. I can give you the guest list if you want. Mukhang may natira pa silang pagkain sa kasal ko. Do you want me to send it over to your party?”

Hinawakan ni Vance ang balikat niya. She could feel his fingers biting to her shoulder. As if he wanted to shake her. “Phoenix, tama na. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Stop doing this! Hindi ako katulad ng ibang tao na gusto kang pag-usapan at pagtawanan. Nandito ako para damayan ka. Huwag mo akong ituring na kaaway ngayon. Kahit ngayon lang.”

“Bakit ko naman gagawin iyon? You started all the misery in my life,” aniya at nagsimulang manginig ang labi niya.

Hinaplos nito ang pisngi niya. “Kahit ano pang sabihin mo, alam ko na kapakanan mo lang ang iniisip ko. Had I been your groom, I will give you a dream wedding. Walang ibang babaeng pwedeng umangkin sa araw ng kasal natin. Ikaw lang. You deserve that and more.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.