MAG-ISA na lang si Phoenix nang magising siya sa kama niya. Sigurado siya doon bago pa man niya imulat ang mga mata niya. Parang alam na ng katawan niya na wala na ang init ng katawan ni Vance sa tabi niya.
Nang dumilat siya ay nakumpirma ang hinala niya. Bakante na ang tabi niya. Sarado rin ang pinto sa balkonahe ng kuwarto niya na parang kagabi lang ay walang makisig na lalaking pumasok doon at inangkin siya.
Maliwanag na sa labas at matindi ang sikat ng araw. It was another day. Another life. Hindi siya sigurado kung totoo na nakasama niya si Vance o hindi. Suot niya ulit ang puting dress niya. Kung panaginip lang ang nangyari sa kanila. But she felt sore in odd places in her body. Deliciously sore. Alam niyang marami nang nagbago sa kanya dahil lang sa isang gabi.
Pero tapos na ang panaginip. Wala na si Vance. Kung ganoon ay paano niya sisimulan ang bagong buhay niya. She felt so pathetic last night - begging him to kiss her, make love to her. Memories of last night made her feel alive somehow.
Mabuti na lang din at wala doon si Vance. Malay ba niya kung paano ito haharapin ngayon? Ayaw niyang marinig dito na sabihin nitong nagkamali ito na inangkin siya. Baka maitulak nito ito sa balkonahe sa inis niya.
This was safer. Pwede siyang magpanggap na panaginip lang ang lahat.
Sa ngayon ay kailangan niyang simulan ang pagpapatuloy ng buhay niya. Saka na niya iisipin si Vance o ang di naituloy niyang kasal at ang usap-usapan ng mga tao tungkol sa kanya. Ang kailangan niya ay intindihin ang sarili niya. Kung paano siya babangon. Kung paano siya haharap sa mundo.
Halos kaladkarin niya ang sarili nang pumunta sa banyo. Nang hubarin niya ang damit niya ay nakita niya ang mga marka sa katawan niya. Nakita rin niya na nakasabit sa towel rail ang tuwalyita na ginamit ni Vance sa kanya kagabi. Gumuhit ang ngiti sa labi niya at parang ibang enerhiya ang naramdaman niya.
Nag-shower siya at nagbihis ng long sleeve cotton blouse at mahabang cotton na palda na naglalaro sa binti niya. Wala pa siyang plano kung anong gagawin ngayon. Pero una sa listahan niya ang magbakasyon muna. Ang magpakalayo-layo sa lugar na iyon at malayo sa makakating dila ng mga tao.
May ilang buwan pa bago ang deadline niya na gawin ang nasa testamento ng tiyuhin niya. Saka na niya iyon poproblemahin. She wanted to know if it was still worth it. O kung iyon pa ba ang gusto niya sa buhay matapos ang lahat ng paghihirap at sama ng loob na dinanas niya para makuha lang iyon.
Pakanta-kanta pa siya pababa ng hagdan nang masalubong niya si Manang Rhoda na naglilinis ng hamba ng hagdan. "Good morning, Ma'am."
"Good morning po," nakangiti niyang bati dito.
Umaliwalas ang mukha nito dahil napansin na mukhang ayos na siya. “Nakatulog po ba kayo ng mahimbing? Ayos na po ba kayo?”
Humikab siya. Wala naman siya halos itinulog kagabi dahil hindi siya pinatulog ni Vance. O mas tamang sabihin na siya ang di nagpatulog dito dahil sa request niya. “Ayos na ayos po. Huwag na po ninyong alalahanin ang nangyari kahapon. Wala na po iyon. Salamat po sa pag-aasikaso sa mga bisita kahapon.”
“Wala pong anuman, Ma’am.”
“Nasaan po sina Joshua at JK?” tanong niya. Mukhang tahimik kasi ang buong bahay. Parang sila-sila lang din ang tao doon.
“Tulog pa po sila. Napagod po sa pag-aasikaso kahapon sa mga bisita at pagtataboy sa mga reporter at sa mga usyosera. May gusto po kayong kainin? Sasabihin ko po kay Doris."
"Ako na lang ang magsasabi," sabi niya at tuloy-tuloy na bumaba ng hagdan. Gusto nga niya na ipagluto na lang ang sarili para may iba naman siyang magawa.
Bigla na lang siyang hinarangan nito. "Pero Ma'am, huwag po muna kayong pumunta sa kusina."
Tumaas ang kilay niya. "Bakit? Nandoon po ba si Nelson at ang buong angkan niya?"
"Wala naman po, Ma'am. Saka di rin po sila makakapasok kahit dito sa village. Ibinilin po namin at baka manggulo pa. Ang kakapal ng mga mukha!" nanggagalaiting wika ng kasambahay.
"Kung ganoon walang problema kung pumunta man ako sa kusina,” aniya at nilampasan ito.
“Pero Ma’am…”
Wala na itong nagawa dahil mas mabilis siyang maglakad dito. Sa mood niya ngayon, di naman siya pipigilan ni Doria kung anong gusto niyang gawin sa sarili niyang kusina. Ano bang itinatago ng mga ito na lihim sa kusina? Hindi siguro tinadtad ng saksak ng mga ito si Nelson dahil sa galit at sa kusina itinago ang katawan.
Binuksan niya ang pinto ng kusina. Hindi si Doria ang nandoon. Tumigil sa pagtibok ang puso niya dahil si Vance ang nasa harap ng induction heat cooker. Seryosong-seryoso ito habang may hinahalo sa kawali. He was even wearing an apron. He looked gorgeous this morning.
Nandito pa rin si Vance. Hindi siya nito basta iniwan lang. He didn’t disappear in the night. Napasandal siya sa dingding ng kusina habang pinagmamasdan ito. Hindi niya napaghandaan ang muli nilang paghaharap.
"Anong ginagawa mo dito?" bigla niyang tanong.
"Good morning!" masayang bati nito. “Ipinagluluto kita ng agahan. Baka kasi nagutom kita matapos ang…” Isang misteryosong ngiti ang sumilay sa labi nito. Hindi na nito kailangan pang dugtungan. Alam na niya kung anong nagpagutom sa kanya.
Nagsimulang mangatog ang tuhod niya nang bumalik ang mga alaala ng nangyari nang nakaraang gabi – when he kissed her, when he touched her, when he gave her multiple orgasm, when he took her virginity and his insatiable lovemaking afterwards. Sheesh! She was having carnal thoughts in the middle of the kitchen. Umagang-umaga pa mandin. Ano bang ginawa ni Vance sa kanya?
Dali-daling pumunta si Doria sa harapan niya. Na parang hinaharangan nito kung anumang pagsalakay ang balak niyang gawin kay Vance kung saka-sakali. Loyal pa rin ang mga tauhan niya kay Vance. "Ma'am, magpapaliwanag po ako. Huwag po sana kayong magalit kung nandito man sa kusina si Sir Vance. Kasi… kasi po…"
Nanginginig ito sa kawalan na rin ng maikakatwiran. Akala siguro nito ay maghuhurumentado siya at magwawasiwas ng itak oras na makita niyang naroon si Vance sa loob ng bahay niya.
Kalmado niyang tiningnan ang babae. "Doria, pakilabas muna ang mga naluto na ninyo para sa agahan. Iwan muna ninyo kami ni Vance," aniya sa kalmadong boses.
"Pero Ma'am..." Matiim niya itong tinitigan. "Opo. Dadalhin ko na sa lanai. Maganda po ang panahon ngayon." At dali-dali itong lumabas habang bitbit ang mga pagkain na luto.
Ini-lock niya ang pinto at sumandal doon. Then she drank at the sight of Vance. All cool and fresh so early in the morning. “You are real. You are still here.”
Pinatay nito ang induction heat cooker at inilipat ang nilutong longganisa sa plato. “Anong palagay mo sa nangyari kagabi?”
Nagkibit-balikat siya. “Just my imagination perhaps.”
“Well, I am real.”
Yumuko siya para itago ang lungkot sa mga mata niya. “Naisip ko rin na baka umalis ka na. Na iniwan mo ako.”
Naglakad ito palapit sa kanya. “Ano ba sa palagay mo ang gagawin ko? Basta na lang kitang iiwan matapos ang lahat?"
Nagkibit-balikat siya. "I don't know. I am just a one-night stand after all."