Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 58

Unti-unting bumalik sa realidad si Phoenix na parang isang dahon na bumabagsak at walang hangin. Hinaplos ni Vance ang pawisan niyang katawan nang marahan. They were still joined together. Ayaw niyang gumalaw. Ayaw niyang maghiwalay pa sila. She just wanted this relaxing feeling. Sumilay ang ngiti sa labi niya. When she asked for a kiss, she never thought that would end up like this.

“Wait,” usal ng binata at gumulong palayo sa kanya.

Kumabog ang dibdib niya nang bumaba ito ng kama. “Saan ka pupunta?”

“This is just important,” wika nito. Pinagmasdan lang niya ito habang hubad na pumasok sa banyo niya.

Narinig niya ang lagaslas ng tubig. What the heck was he doing? Nagsisisi ba ito sa nangyari sa kanila? Hindi ba ito makapaghintay hanggang nawala ang bakas niya dito? Hindi ba nito masikmura na inangkin siya nito?

Nakadama siya ng lungkot sa kaibuturan ng dibdib niya. She thought they had something special. Naramdaman niya iyon nang angkinin siya nito – sa pagtatagpo ng mga mata nila, sa bawat pagsusugpong ng katawan nila, sa bawat halik at haplos nito.

Siguro ay mali siya. Siguro ay nadala lang siya ng ilusyon. Siguro nadala lang siya dahil na-realize niya na mahal niya ito. Well, she was stupid. Pathetic! It was just sex. Nothing more. She asked for a night and that was it. She asked for it after all. Hindi na siya nabubuhay dapat sa fairy tale. Kaya nagkakanda-letse-letse ang buhay niya dahil nagpapakatanga siya pagdating sa pag-ibig.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo at ang paglalakad ni Vance papunta sa paanan ng kama. Ipinikit niya ang mga mata at nagkunwaring tulog. Mas mabuti na ito kaysa naman magpaalam ito sa kanya at makita niya itong lumayo. Ayaw niya itong makita na iwan siya.

“Phoenix,” usal nito sa pangalan niya.

Oh, no! Heto na. Magpapaalam na siya sa akin.

Pinili niyang tumahimik na lang at manatiling nakapikit. Pangangatawanan na niya ang pagtutulug-tulugan niya.

Narinig niya ang paghugot nito ng buntong-hininga. Siguro ay nakokonsensiya ito. Hindi niya kailangan ang konsensiya nito.

“Phoenix, you have to excuse me,” wika ni Vance. Mas matatag ang boses nito.

Just go. Huwag ka nang mag-excuse me. Hindi ako gigising. Kahit na anong gawin mo, hindi ko panonoorin na iiwan mo ako.

Hindi niya narinig ang mga yabag nito. Sa halip ay naramdaman na lang niya marahang pinaghiwalay ni Vance ang hita niya. May malamig at basang bagay sa pagitan ng hita niya. “What the…!” Nanlaki ang mata niya at bumalikwas siya ng bangon. Dali-dali niyang hinatak ang kumot at tinakpan ang katawan niya. “Anong ginagawa mo sa akin?”

“I am just cleaning you up,” wika nito at inangat ang isang bimpo na sa palagay niya ay binasa nito kanina.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya na kumalat sa buong katawan nila. They made love. That was intimate enough. Pero mas intimate yata ang ginawa nito. “V-Vance, kaya ko na ang sarili ko. Ako na ang bahala.”

Umiling ito at sumampa sa kama. “No. It is my responsibility as a man. You were a virgin and I am sure you are still sore. This is the list I can do to make you feel more comfortable. Please?”

Bumalik siya sa pagkakahiga at tinakpan ng unan ang mukha niya. It was embarrassing but she was touched at the same time. Inaalala pa rin siya ni Vance. May iba kasing lalaki na mukhang wala namang pakialam sa ganoon. Wala ring naikwento sa kanya si JK na may lalaking gumawa ng ganoong gesture dito. And she was starting to become aroused as well. Darn! Sana lang ay hindi siya nito sine-seduce. Hindi pa rin nakaka-recover ang katawan niya.

That was three orgasms. Himala na buhay pa siya ngayon.

Maya maya ay bumalik ito sa banyo. Narinig muli niya ang paglagaslas ng tubig. Pagkatapos ay humiga si Vance sa tabi niya at hinapit ang katawan niya palapit sa hubad ding katawan nito. Bumaling siya paharap dito at sumiksik sa init ng katawan nito. She didn’t want to leave his warmth anymore.

“Any regrets?” tanong ng binata sa kanya.

“None whatsoever.” Paano nito tatanungin iyon? She felt nothing but bliss. She couldn’t ask for any other lover.

Hinaplos nito ang buhok niya at kinintalan ng halik ang noo niya. Ilang beses itong huminga ng malalim. Parang malalim ang iniisip nito.

“What are you thinking?” biglang nanulas sa labi ni Phoenix.

“I think we should get married.”

Kumunot ang noo niya at idinilat ang isang mata. “That is not a nice joke.”

Bumangon ito at pinagmasdan siyang mabuti. “I am serious.”

Umungol siya. It was a silly suggestion. “Married? Come on.”

“What we had was great. And I am your first lover.”

“This is just…sex. So what if I am your first lover? Sa palagay mo ba pinakakasalan ng mga lalaki ang lahat ng babaeng na-devirginize nila?”

“You are my first virgin.”

“Oh!” nausal niya at sinapo ang sarili niyang dibdib.

“And that is not sex. We made love.”

The marriage proposal… no. It was not a proposal. It was just a thought. Pero katatapos lang siya sa isang defunk na kasal. Parang hindi yata niya kakayanin na pumasok ulit sa panibago. It was traumatic. And even if making love… sex… with Vance was soul-searing, ayaw niyang ibalik na naman ang sarili sa isang posisyon kung saan siya lang ang nagmamahal at di siya mahal ng lalaking mahal niya. Sex was fine. She was in control of her feelings and her body. Dilat ang mga mata niya sa nangyayari. Hindi rin siya aasa na baka sakaling mahalin din siya ng binata. Hindi katulad kapag kasal na sila kung saan di niya maiiwasang mangarap na sana ay maging totoo ang pagsasama nila. Na nagmamahalan sila.

Lumuhod sia sa kama. “Vance, one-night stand lang ito. Nothing more,” aniya at itinaas ang kamay.

Hinapit nito ang baywang niya palapiti dito. “I don’t want it to be a one-night stand.”

Oh, boy! Just the words I wanted to hear. Ipokrita siya kundi niya aaminin sa sarili na gusto niyang maulit pa ito. Hindi lang ngayong gabi kundi bukas hanggang sa darating pang mga araw. Sex gave her some kind of high and power. Vance showed her that.

“Vance, I just used you to make me feel good. And you already did that. Hindi natin kailangang seryosohin ito,” aniya sa magaang boses.

Hinawakan nito ang baba niya. “We are right for each other.”

“Oh, come on! Not that crap again,” aniya at umikot ang mga mata niya.

Naramdaman niya na natilihan ito. Bahagyang dumilim ang mukha nito at parang gustong makipag-argumento sa kanya. Sa huli ay hinalikan nito ang leeg niya at naramdaman niya ang ngiti sa labi nito nang umungol ito. “Anong gusto mo? Matapos ang nangyari sa atin babalik ulit tayo sa kompetisyon? Hahanap ka na naman ng ibang lalaki na magbibigay sa iyo ng anak at lalabanan mo na naman ako? Of course. I am the man you hate so much.”

Mariin siyang pumikit. Gusto ba niyang bumalik sa dati? Na kamuhian ulit niya ito? Magagawa pa ba niyang humanap ng ibang lalaki na pakakasalan niya at magiging ama ng anak niya matapos ang pinagsaluhan nila? No. Vance ruined her for another man. Pero anong gagawin niya sa kayamanan ng Tito Mauricio niya.

“A-Ayoko nang isipin ang tungkol doon.” Sa ngayon ay wala siyang pakialam sa kayamanan na iyon. Hindi ito ang oras para mag-isip. “Just make me feel good, Vance. No commitments. No words of love whatsoever.”

He gave her a heated gaze. “No strings attached?”

Tumango siya. “No stings attached.”

That was the most convenient set up. They can have sex all they want without any commitment. Walang kahit anong expectations sa parte niya. Hindi rin niya kailangang isugal ang puso niya.

Kinabahan siya nang makita niyang nakatitig si Vance sa kanya. Paano kung hindi ito pumayag? Paano kung mas gusto pa rin nitong ipagpilitan na pakasalan siya? Hindi na siya komportable lalo na nang nanatili itong tahimik.

Yumakap siya sa leeg nito at pinahaba ang nguso. “Can you give me another kiss?”

“Anything you want,” usal nito bago inagkin ang labi niya.

Gumulong ito nang patagilid kasama siya. He was looking at her with eyes glazed with desire. Ganoon din ba ang nakikita nito sa kanya?

Hinayaan niya na maglakbay ang kamay nito sa balakang niya at unti-unting nabuhay ang pagod niyang katawan. Inangat niya ang binti niya at ikinawit sa balakang nito. “I want you to take me again.”

Kumunot ang noo ng binata. “It is too soon.”

“I know you can do something about it. You won’t fail me, Vance. I know.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.